Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VIII.

Nililinis ko ang nagkalat na dugo sa sahig ng living room. Nang masigurong wala nang bahid iyon ay inilagay ko na ang mop sa likod ng pinto sa kusina.

Si Shirley? Hayun, nasa sofa. Kanina pa siya nakatulala habang lampas ang tingin sa dingding. Napagod na rin kaiiyak.

Nang makapagpahid ako ng alcohol sa mga kamay ay umupo ako malapit sa kaniya. Nagkaroon ako lalo ng laya na maobserbahan siya. Pugtong-pugto ang mga mata.

Lumipad ang tingin ni Shirley sa mga magulang niya. Payapang nakahiga ang mga iyon sa kutson, parang natutulog lang.

"Kanina lang madaling-araw, ginising pa ako ni nanay para makapag-prepare ako para sa concert," pagsisimula ni Shirley.

"Pinabaunan pa niya ako ng sinangag, maling, at calamansi juice para daw hindi na ako bumili sa fastfood restaurant. Pinipilit pa nga niya akong pagdalahin ng payong. Eh, nagpakatanggi-tanggi ako. Paano ba naman kasi, may pagkalaki-laking mukha ng mayor dito."

Napatigil siya, para bang may iniisip na malalim.

"Sana pala... sana pala..." Suminghot-singhot siya. "Sana pala tinanggap ko na lang. Di ko naman kasi akalaing iyon na pala ang huling beses na pababaunan ako ni nanay ng payong."

Isinubsob niya ang mukha sa mga palad. Mayamaya ay inalis niya rin iyon. Tila ba wala na siyang mailabas na mga luha. Tuyot na ang kaniyang mga mata.

"Then si Tatay naman, inangkas pa niya ako sa motor papunta kina Audrey kasi sa bahay nila ang meet up naming magkakaibigan. Binigyan pa nga niya ako ng P500 kasi baka kulangin daw ako, eh."

Tumingala siya at ipinaypay ang mga kamay, tila ba pinababalik niya ang mga luha roon.

"Akala ko pag-uwi ko e makikuwentuhan ko sila ng masasayang nangyari sa concert. Excited din 'yun mga 'yun, eh. Very supportive kasi sila sa pagfa-fangirl ko." Pagak siyang napatawa. Sinundan iyon ng pag-iling. "Wala na, hindi na nila maririnig ang mga kuwento ko."

Alam kong hindi madali para sa kaniya ang tanggapin ang lahat. Nadagdag pa sa pasanin niya na wala na ang kaibigan kong si Kian na labis na hinahangaan niya.

"Wala na si Nanay, si Tatay, pati si Kian." Nanghihina niyang isinandal ang ulo sa sementadong pader na dinidikitan ng sofa. "Wala na sila."

"I totally understand what you feel, Shirley," I started. "Kahapon ng umaga bago ang concert, niyayaya ako no'ng tatlo na mag-gym but I was too lazy to get up from my bed. If only I had known that it was the last time that I'll be with my friends, siguro nilabanan ko ang katamaran ko."

I stood up and heaved a deep sigh. "Wala na tayong magagawa, hindi na natin maibabalik ang kanilang buhay. On the other side of that, we both learned a lesson that we should not take the time granted while we still have the people closest to us. Na bawat oras na kasama natin sila e dapat nating pahalagahan bago mahuli ang lahat."

She looked at me. "Para saan pa e wala na ang mga taong malalapit sa akin? Pinatay na sila ng zombies."

"You have me."

Napasulyap siya sa dako ko.

"We may have just met, but we only have each other now."

Hindi ko alam kung tama ang pagkakabasa ko sa kilos niya pero para bang gumaan ang aura niya.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para mas mapakalma siya.

Masakit pa rin para sa akin ang nangyari sa mga kaibigan ko pero pilit ko munang isinasantabi ang emosyon. Sa ngayon kasi, kailangan ko munang mas paganahin ang utak ko. Sa akin nakasalalay ang kaligtasan namin ni Shirley dahil ako ang lalaki.

Tumayo ako sa tapat ng TV nila. I start singing.

I'll see you again
You never really left
I feel you walk beside me
I know I'll see you again

Nang matapos ako sa pagkanta e mas maaliwalas na ang kaniyang mukha.

Nilapitan ko siya. Binigyan ko siya ng marahang pagtapik sa balikat.

"Hindi ko alam ang tamang salita para pakalmahin ka. Alam kong mahirap pa para sa iyong tanggapin ang lahat. I know you'll get over it slowly."

Pinukulan ko ng tingin ang bangkay ng mga magulang niya. "Kailangan na nating simulang tanggapin na wala na ang nanay at tatay mo pati na rin sina Kian, Nicky, at Shane. We don't have enough room for grieving. Nasa paligid natin ang panganib."

Tumingin sa akin si Shirley at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Susubukan ko."

Sabay naming tiningnan ang bangkay ng mga magulang niya.

"We need to go." Napatingin ako sa relong-pambisig ko. "Hindi safe kung mananatili tayo nang matagal sa isang lugar. Wala tayong ideya kung ilan pang zombies ang maaaring pumunta rito sa bahay n'yo."

"Let's clean ourselves first." Tumingin siya sa direksiyon kung nasaan ang banyo. "Mauuna na ako. Pagkatapos ko e ikaw naman."

Isinuot ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon. "Sige, pero bilisan lang natin."

Umakyat siya sa second floor. Kukuha yata ng bihisang damit.

Akma akong uupo sa sofa nila nang marinig ko ang pagsigaw na nagmumula sa taas.

"Ahhhhhhhhhhh!"

Muli na namang binisita ng kaba ang loob ng puso ko.

Hinanap agad ng mga mata ko ang metal rod. Nang matagpuan ko iyon ay wala akong sinayang na segundo. Halos laktawan ko na ang bawat baitang ng hagdan makarating lang agad kung nasaan si Shirley.

"A-Ano 'yun?!" Itinutok ko ang metal rod pagkapasok ko sa isang silid na sa tingin ko ay kuwarto niya.

Inilibot ko ang aking paningin. Wala naman akong nakitang kakaiba.

Dumapo ang atensiyon ko kay Shirley na nasa lapag. May pinupulot.

"Nabasag 'yung mga CD ko!" Nagkalat ang mga koleksiyon niyang CD. May Backstreetboys, A1, Blue, Britney Spears pero mas marami pa rin ang CD ng Westlife. Karamihan sa mga iyon ay damaged.

"Akala ko naman sinugod ka na ng zombie, eh." Pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko.

Sabay na bumagsak ang kaniyang mga balikat. "Pinag-ipunan ko ang mga pambili nito tapos sisirain lang ng zombies. Nakakainis."

"Hayaan mo na 'yan. Pagkatapos ng zombie outbreak, bibigyan kita ng bago." Nilapitan ko siya para tulungang pulutin ang mga nagkalat niyang merch.

Maraming alaala ang nagfa-flash sa utak ko sa tuwing nahahawakan ko ang bawat album. Naghahalo ang saya at pait na aking nararamdaman.

"Ako na." Kinuha ni Shirley ang hawak kong Face to Face album. Napansin niya yatang tinititigan ko iyon kanina pa.

"Okay lang ako." Akma kong kukuhanin 'yong iba pa naming CD nang harangan ako ni Shirley.

"Ako na, Mark. Sige na, umupo ka na lang muna diyan sa gilid ng kama," pananaboy niya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang ilagay sa isang plastic box ang albums namin.

"Maliligo na ako." Naglakad papuntang pinto si Shirley. Lumingon muna siya sa akin bago lumabas. "Sumunod ka rin sa baba. Mabilis lang ako. Nand'yan na rin pati ang damit mo." Inginuso niya ang nakatiklop na pantalon at polo shirt sa ibabaw ng kama. "Padala 'yan ng tita ko galing sa states. Hindi kasya kay tatay kaya hindi niya nagamit. Sa iyo na lang."

Tuluyan na siyang bumaba pagkasabi noon.

Lumapit ako sa kama niya para kuhanin ang mga damit na tinutukoy niya. Paalis na sana ako nang makuha ang atensiyon ko ng itsura ng kuwarto niya.

Puro poster namin ang nakadikit sa wall.

Lumapit ako sa isa sa tukador. Napansin kong lahat ng studio albums, DVD, singles, at dolls namin e meron siya.

Shirley, patawarin mo ako sa pagbubulatlat ko ng mga gamit mo. Curious lang ako kung gaano ka ka-fan ng Westlife.

Slumbook naman niya ang pinuntirya kong buksan.

Full name: Shirley Quinto Rivera-Egan
Age: 25
Birthday: April 24
Favorite food: chocolate
Favorite color: orange
Favorite movie: Titanic
Favorite song: My Love
Favorite band: Westlife
First love: Kian Egan
First kiss: none
First boyfriend: Kian Egan
Crushes: Kian Egan, Mark Feehily

Napatawa ako nang mahina. Akalain mong napasingit pa ang pangalan ko?

Dream: To meet my ultimate crush, Kian Egan.

Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Nakaramdam ako ng pagkaawa kay Shirley. Malabo na kasing mangyari ang hinihiling niya.

Matamlay kong isinara ang slumbook niya at ibinalik na sa pinagkuhanan ko no'n.

Dinig ko ang pagpatay ng gripo sa baba na sinundan ng pagbukas ng pinto. Ibig sabihin noon ay tapos nang maligo si Shirley.

Kinuha ko ang mga damit na nakapatong sa kama. Isang sulyap ang ipinukol ko sa buong kuwarto ni Shirley bago ako tuluyang bumaba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro