Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III.

"H-Hindi. Ililigtas kita, Nicky. Dadalhin kita sa ospi—"

"Nahihibang ka na ba, Mark? Kita mo ang nang- ugh- yari sa... mga kaibigan natin? M-Mabilis na kumakalat ang virus!" Unti-unti nang nangingitim ang mga mata ni Nicky pero pilit pa niyang nilalabanan iyon.

"I'm sorry, bro. I-I can't."

Umiling-iling si Nicky. "P-Please go. Do your best to save yourself. Please survive."

Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata. Unti-unting bumabalong ang luha mula roon.

"I-I will."

"Go," napapaos niyang tugon.

Agad akong tumayo para pumunta sa backstage. Bago pa ako makarating doon ay lumingong muli ako sa huling pagkakataon. Nakita ko ang unti-unting transition ni Nicky sa pagiging zombie. Lumalabas na ang berde at asul na litid sa kaniyang leeg.

He looked at my direction one more time.

"G-Go...."

I swallowed a lump in my throat while trying to control the wetness in my eyes.

Gumapang si Nicky papunta sa kahoy na hawak niya kanina. Hirap na hirap man ay naabot niya iyon. Hinugot niya ang lahat ng natitirang lakas at isinaksak niya ang matalim na parte noon sa kaniyang dibdib sa bahagi ng kaniyang puso.

Sa huling pag-igik ng aking kaibigan ay hindi ko na napigilan ang luhang pinipigil ko kanina pa.

"Nicky!"

Nagwakas na ang pagbabalik-tanaw ko. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko kaya pinahid ko ang mga 'yun gamit ang likod ng aking palad.

"Okay ka lang, Mar— I mean alam kong hindi ka okay. Umiiyak ka, eh. May gusto ka bang i-share?" ani ng babaeng kasama ko.

Sandali kong itinigil ang kotse para bumiwelo. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela. "H-Hindi pa ako handa."

Tumango-tango siya. "Naiintindihan ko."

Mayamaya ay inangat ko rin ang tingin ko. Tumingin ako sa paligid. Napakadilim. Wala man lang poste ng ilaw ang nakabukas. Puro punongkahoy ang nasa tabi ng daan. Walang kabahayan. Wala mang zombies pero ramdam ko ang panganib sa paligid.

Wala naman sigurong masama kung titigil lang kami sandali. Magpapakalma lang naman ako.

Nilingon ko ang babae. "Magpatugtog ka naman."

"Sure. Why not?!" Sabik na hinalungkat ng babae ang bag na dala-dala. Sa dami ng nangyari kanina, kakatwang hindi niya pa rin naiwan 'yun.

Tinitingnan ko lang siya habang nag-i-scroll down sa cellphone niya.

"Ano bang kanta ang gusto mong patugtugin ko, Mark?"

Isinandal ko ang likod ko sa upuan. Minasahe ko ang tulay ng aking ilong. "Anything as long as it's not our song."

"Ha? Bakit?" inosenteng tanong ng babae sa akin.

Eh, kasi naaalala ko ang lads.

Gusto ko sanang sabihin 'yan pero natatakot akong tuluyan nang magiba ang natitira kong lakas.

"Kinakanta na namin 'yan, eh. Iba naman."

Umismid ang dalaga at ipinagpatuloy lang ang pag-scroll down sa playlist niya. Mayamaya ay nagliwanag ang kaniyang mukha.

"Ayun!"

Pumailanlang ang kantang Isn't it a Wonder? ng Boyzone.

Isn't it a wonder as a new baby cries
And isn't it a wonder with the sweetness in my eyes
Isn't it a wonder, on the crossroads of my life
Isn't it a wonder, isn't it a wonder to me?

Sinabayan niya ang pagkanta. Sinamahan pa niya iyon ng pagkumpas-kumpas ng mga kamay na animo'y nasa concert siya. Ginamit niya ang suklay na nahugot sa bag bilang mic.

In fairness, she has a lovely tone of voice. Hinayaan ko lang siyang tapusin ang pagsaliw sa kanta.

Akma siyang magpapatugtog ng isa pa nang tanungin ko siya.

"What's your name?"

Ikiniling niya nang bahagya ang katawan paharap sa akin. "Sa wakas, tinanong mo na rin ang pangalan ko!" She giggled and extended her hand. "I'm Shirley, Westlife's number one fan in the Philippines!"

Tinanggap ko ang kamay niya. "Nice to meet you."

"No, nice to meet you, Mark!" Ngiting-ngiti niyang ini-shake ang mga kamay namin. "Ang tagal kong pinangarap na ma-meet kayo...."

Binawi niya ang kaniyang kamay. Unti-unting nawala ang ngiti niya na sinundan ng paglaylay ng dalawa niyang balikat. "...pero hindi sa ganitong paraan."

Lumukob ang katahimikan sa loob ng kotse nang tumigil siya sa pagsasalita.

Muli siyang nagpatuloy. "Kasama ko 'yung friends kong sina Marjorie, Nyssa, at Audrey pagpunta sa concert. Ang saya-saya pa namin kanina. Gumawa pa nga kami ng banner sa labas ng Araneta, eh. May usapan pa kami na kakain kami sa Jollibee pagkatapos."

Nag-browse siya sa photo gallery ng phone niya.

"Ang tagal naming inipon ang pambili ng ticket makita lang kayo tapos ganito rin pala ang sasapitin."

Tinitigan niya ang litrato nilang magbabarkada na sa tingin ko ay kanina lang kinuhanan. Ipinakita niya sa akin iyon.

It was a picture of her and her three other friends she was telling me a while ago. Tig-iisa sila ng hawak na ticket habang nakatingin sa camera.

"Now they're dead."

Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya iyon.

There was an awkward pause after that.

You, eejit, Markus. Can you express your empathy just for now?

Unti-unting yumugyog ang mga balikat niya. Nagsisimula na siyang umiyak. Mayamaya ay humihikbi na siya.

Sa una'y nag-aalangan pa ako pero umisog na rin ako nang kaunti para maiabot ko ang kamay ko sa likod niya. Hinagod-hagod ko iyon.

"You have every right to feel that way. It is okay to be sad." That's all I can say. Siguro naman makatutulong na rin 'yun kahit papaano para gumaan ang pakiramdam niya.

"K-Kung buhay pa sila, kasama sana natin sila ngayon." Nag-angat siya ng tingin. "Sobrang saya siguro nila kasi makikita ka nila nang malapitan. Sobrang fan mo sila!"

Muli siyang nag-browse sa phone. Ipinakita niya ang picture ng babaeng ang pakilala niya ay Marjorie. May hawak itong non-singing doll na manika ko.

"Regalo iyan ng tita niya na taga-UK. Dinala iyan ni Marjorie, pagbabakasakaling mapirmahan mo. Natatawa nga ako, eh. Sabi ko malabo iyon kasi general admission lang naman ang ticket namin."

Napangiti ako.

Sunod na ipinakita niya ay ang larawan ni Nyssa na may hawak na banner. May nakasulat doong "Mark, notice me."

Ang panghuli ay si Audrey na naka-peace sign habang itinuturo ang t-shirt na may imprenta ng mukha ko.

I am flattered.

"Kung totoo man ang multo at nakikita nila tayo, masaya na rin siguro ang mga kaibigan mo para sa 'yo." Sumilip ako sa rearview mirror at kunwa'y tumingin sa bakanteng upuan sa likod. "Malay mo nasa likod natin sila."

"Oy, Mark! 'Wag kang ganiyan."

"I was just joking." I chuckled.

Nag-swipe pa siya ng pictures sa phone niya. "Siguro kilig na kilig pa ang mga iyon kung sila ang tinawag mo ng miss o babae." Pinalaki niya ang larawan ng mga kaibigan. I let her do that.

"Ikaw ba, sino ang paborito mo sa Westlife?" Puro na lang kasi mga kaibigan niya ang ikinukuwento niya. She has not told any information about her yet.

Shirley cleared her throat as if she's preparing a speech. She looked at the sleeve of her Westlife t-shirt which made me look at that too.

"Ahh, si Kian!" May nakasulat kasing Kian Egan doon.

"My one and only." Kinikilig pa siya na parang isda na bagong huli.

Natatawang-naiiling na lang ako. I feel sorry not only for myself but also for her na hindi na kailanman magkakaroon ng chance na makita si Kian...

...dahil patay na siya kanina pa.

I tried my best to hide my pain so that she won't notice. I just let her share her experiences as a Kian's fan.

"Kanina, tumingin si Kian sa part namin. Sure na sure ako na ako ang tiningnan niya. Grabe, dream come true 'yon!"

Inalala ko kung saan ang part ng general admission. Sobrang layo no'n. Napakaimposibleng may partikular na taong tiningnan si Kian.

I do not want to burst her bubble. Pinagkuwento ko lang siya nang pinagkuwento.

"Halos mapatid na ang leeg ko kasisigaw ng pangalan niya kanina. But it's okay, sobrang sulit naman."
She played a part of the clip of us on the stage. Galanggam man ang laki namin doon pero dinig na dinig ang aming mga boses.

Sa huli'y ipinakita naman ni Shirley ang clip kung saan inaawit namin ang Uptown Girl. Hindi natapos iyon dahil nagsimula nang gumulo ang kuha ng video. Sinundan iyon ng sigawan at iyakan.

"T-That's traumatic." Pinatay na ni Shirley ang cellphone. Nagkatinginan kami. Nagkasundo kami sa kaniyang pasya.

"Raaaawr..." Kapwa kami napatahimik nang marinig namin iyon. Nagsimulang bumangon ang kaba sa dibdib namin.

I turned off the lights inside the car. Nakiramdam pa kami. Ni hindi kami nagsalita.

Pinaandar ko ang sasakyan para ipagpatuloy ang mahaba naming paglalakbay. Hindi kami puwedeng tumambay sa isang lugar dahil hindi namin alam kung nasaan ang kalaban.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro