II.
Hindi naging madali ang paglabas namin sa Araneta. Nagpahirap sa amin ang hindi mabilang na taong kung saan-saan sumusulpot pati na rin ang zombies na humaharang sa kotse namin. Idagdag mo pa ang mga sasakyang nakabaligtad sa kalsada. Ang ilan nga ay umaapoy pa.
"Kuya, ate, pasakay!" Sunod-sunod na pagkatok ng isang binata na nasa bente ang edad ang gumambala sa amin. Maayos pa ang suot nito pero gulo-gulo na ang buhok.
I observed the guy. Mukha namang hindi infected.
Sinabihan ko ang babae. "Miss, open the passenger's seat!"
"S-Sige."
Tinatangka niyang alisin ang seatbelt niya pero hirap na hirap siya.
I clicked my tongue. "Ako na nga." I moved a little bit closer to her so that I could remove her seatbelt. Sa loob lang ng ilang segundo ay nagawa ko iyon.
"Ayun!"
"Miss, miss. Pakibilis." Desperasyon na ang nasa tinig ng lalaki.
"Oo, eto na!"
Nakalapit na ang babae sa pinto ng passenger's seat. Bubuksan na lang sana niya iyon nang biglang may humiklas sa lalaki. Isa na namang zombie.
"Ahhhhhhhh!!!!!!!"
I heard that the door was unlocked.
"Lock it again, miss!" I shouted.
Pigil ang aking hininga habang tinitingnan ang pagla-lock ng babae sa pinto. I was relieved when she did it.
It was just in time because three zombies wearing military uniforms approached our car. Dinikit ng mga iyon ang mukha sa salamin kaya nabahiran ng kaunting dugo iyon.
Napahawak sa dibdib ang babae, halata ang gulat.
"Bumalik ka na rito sa unahan. Hindi tayo puwedeng magtagal dito sa siyudad."
"O sige." Nagmadali siyang bumalik sa tabi ko at muling isinuot ang seatbelt.
Napaandar ko na ang kotse pero itinigil ko rin iyon kahit hindi pa kami masyadong nakalalayo. May mag-inang humarang sa kotse namin. Para bang wala pang isang taong gulang ang batang karga nito.
Lumapit sila sa bintana na malapit sa kasama ko.
"Parang awa n'yo na. Kahit anak ko na lang ang isama ninyo, huwag na ako." Tigmak ang luha ng babae. Pati ang bata ay umaatungal na sa kaiiyak.
May humaplos sa isang bahagi ng puso ko. Malalapit ang loob ko sa mga bata.
"Pagbuksan mo na sila, miss," mahinahon kong pakiusap sa katabi ko.
Pero hindi ako nakatanggap ng tugon. Nanatili siyang nakatingin sa mag-ina.
"Miss, I said open the—"
I was cut off when she shook her head. Nilingon niya ako. "May kagat iyong bata sa kamay."
Isiningkit ko ang mga mata ko para kumpirmahin ang sinabi ng katabi ko.
Tama nga siya.
"Kahit 'yung anak ko n—"
Kapwa kami nagulat ng kasama ko nang may sumagpang sa babae. Nabitiwan nito ang hawak na anak.
"Yung baby!"
Naialis ko ang seatbelt ko nang wala sa oras para lang makita kung ano ang nangyari sa bata.
Akala ko ay namatay na ito sa pagkakabagok pero ang nakita naming tagpo ang mas nagpagulat sa amin. Katulong na kasi ito ng zombie na humigit sa kaniyang ina. Pinagsasaluhan ng mga ito ang karne ng babaeng buhay pa ma'y, pinagpipiyestahan na ang katawan.
Nanghihina akong bumalik sa driver's seat. Pinaandar kong muli ang sasakyan.
***
Tahimik lang naming binabagtas ang kalaliman ng gabi. Ngayo'y nandito na kami sa isang mas maluwag na daan. May mangilan-ngilang zombies kaming nadaraanan at ilan sa mga iyon ang nag-a-attempt na sugurin ang kotse. Ngunit bago pa nila magawa 'yun ay nai-a-accelerate ko na ang bilis ng sasakyan.
May ilang tao rin na pumapara sa aming sasakyan pero gustuhin man naming tigilan sila ay hindi na namin ginawa. Mahirap nang magtiwala ngayon. Baka mamaya pala niyan ay nanakawan lang kami ng sasakyan. Gano'n kasi ang nangyari sa sinusundan naming kotse kanina. Pinara sila ng mga taong noong una ay akala namin ay isang pamilya pero nang pinagbuksan sila ay binaril ang driver sa ulo. Pagkatapos noon ay kinuha ng mga salarin ang sasakyan at pinatakbo palayo.
"Nasaan na ba tayo?" Hindi ko nililingon ang babae dahil naka-focus lang ang tingin ko sa daan.
"NLEX," sagot niya.
"Saan nga tayo pupunta?"
"Clark International Airport. Sa Pampanga."
Tumango lang ako.
Muli kaming nanahimik.
I can see in my peripheral vision that she is looking at her phone. Mukhang may sinusubukan siyang tawagan pero hindi sumasagot. I heard her sigh in dismay.
"Who are you trying to contact?"
"My parents," she answered.
Sumulyap ako sa kaniya ngunit mabilis lang. Focus pa rin kasi ako sa daan. Baka mamaya pala e may nakatumbang truck o kotse. Hindi nga kami mapapatay ng zombie pero baka mapatay naman kami sa aksidente.
I paused for a moment. "Gusto mo bang daanan sila?"
"Oo sana. Gusto ko silang isama sa pagtakas. Hindi ako mapapakali kung hindi ko sila kasama."
"Saan ba kayo nakatira?"
"Sa Pangasinan," she answered.
I turned on my phone. I was surprised when the internet is still working.
I checked the Google. Dalawang oras ang layo ng Pangasinan mula sa Pampanga.
Sa Pampanga sana kami didiretso kanina para sumakay sa eroplano papuntang Batanes. Ito 'yung s-in-uggest nitong babae na dapat daw naming puntahan. Isla raw kasi roon kaya hindi agad makapupunta ang zombies kung sakali.
"Sige. Puntahan natin sila."
"T-Talaga?" I can sense in her voice how delighted she is.
Tumango lang ako. "I also have parents and I love them so much. I would do the same if I'm in your position."
"Salamat, Mark!"
Hindi na ako tumugon. Masyadong okupado ang isip ko. Lahat ng nangyari kanina ay nag-flashback sa utak ko.
"Bro, just kill me!" pagmamakaawa ni Nicky sa akin na nakahawak sa braso niyang nakagat ni Shane.
Si Shane nama'y nakahandusay sa sahig at wala ng buhay dahil sa pagkakasaksak ni Nicky sa tiyan niya. Sa tabi niya ay nandoon ang wala na ring buhay na katawan ni Kian na nauna nang saksakin ni Nicky.
Feck it. Bakit ang bilis ng nangyari? Ang saya-saya pa namin kanina. Kumakanta kami ng "Uptown Girl" nang bigla na lang may isang fan na umakyat sa stage at sinagpang si Kian.
Natulala pa kami nina Shane at Nicky habang nakatingin lang sa paglapa ng nilalang sa kaawa-awang katawan ng aming kaibigan.
Para bang naging bingi kami kahit napakalakas ng tilian at hiyawan ng mga tao sa paligid. Ang lahat ay kani-kaniya ang takbo palabas sa exit.
"What the feck!" Para bang natauhan si Shane sa pagkakataong iyon kaya dinambahan niya ang taong kalaunan ay napagtanto naming isa ng zombie.
Si Nicky ay nawala sa tabi ko. Ako naman ay parang natuod sa kinatatayuan ko.
"B-Bakit mo pinatay ang kaibigan ko?!" Sinuntok ni Shane ang salarin. Sinuntok nang sinuntok hanggang sa mabasag ang mukha nito.
Mabibigat ang paghinga ni Shane nang lumingon siya sa akin. Nagkatinginan kami at ramdam namin ang tensiyon.
Tumayo si Shane sa pagkakaluhod at marahang tumawa. "Patay na. Naipaghiganti ko na ang ating kaibigan. Pat—"
Hindi na natapos ni Shane ang sasabihin nang bumangon ang kanina'y wala nang buhay na katawan ni Kian. Ngayon ay nakakagat siya sa leeg ni Shane. Kita ko ang pagbaon ng kaniyang ngipin na mayamaya ay naging pula na dahil sa dugong lumalabas mula kay Shane.
"Aaaacccck!"
"What the f—" Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Nicky na may hawak na matulis na kahoy. Kung saan niya kinuha iyon ay hindi ko alam.
"Bro! Bakit nakatayo ka lang diyan?" he irritatedly asked me.
Natalima ako sa sinabing 'yun ni Nicky.
Nilapitan ko sina Shane at Kian para paglayuin at nagawa ko naman 'yun.
"Ah, shit! Ang sakit!" Hawak-hawak ni Shane ang leeg na nasugatan. Halata sa mukha niya ang hindi mapangalanang sakit. "K-Katapusan ko na."
"Raaaaawr!" Napalingon ako sa tabi. Nakita ko si Kian na susugurin ako.
"Shit." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para hintayin ang masaklap kong kapalaran.
May mainit na likidong gumapang sa braso ko. Dugo ko na yata 'yun.
Pero hindi masakit.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa nasa harap ko.
Si Kian.... butas na ang leeg dahil sa kahoy na nakasaksak sa kaniya.
Nilingon ko ang may kagagawan noon.
Si Nicky.
"Bro..."
"Mark, he's no longer our friend. He's a zombie. Zombie are soulless." Pinahid ni Nicky ang pawis na tumatagaktak sa noo niya.
Hindi pa siya nakahuhuma nang kagatin siya ni Shane sa braso.
"Oh, shoot!"
Hinugot ni Nicky ang lahat ng lakas ng loob at sinaksak si Shane sa tiyan. Tagos hanggang likod ang kahoy at iyon ang nagdulot para mamatay na nang tuluyan si Shane.
"Ahh shit!" Sumigaw sa sakit na nararamdaman si Nicky.
Agad ko siyang nilapitan. Pinunit ko ang laylayan ng damit ko para gawin sanang gasa iyon.
"Bro, just kill me!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro