Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 71

5-25 (8:39pm)

Jack

Jack:

Let's talk

Calvin:

Thank you for this, Jack.

Hindi ka magsisisi sa binigay mong time.

Jack:

So?

Calvin:

Sorry sa lahat, Jack.

Jack:

Okay? Akala ko magpapaliwanag ka?

Calvin:

Yes, wait. 'Eto na.

Gusto ko lang mag-sorry. Una kasi no'ng mag-chat ulit sa akin si Mika parang nawalan ako ng time sa'yo. Hindi na ako nakakapag-reply sa'yo. I'm sorry for that.

Gusto 'kong mag-sorry sa ginawa ko. May gusto lang akong malaman kaya ko chinachat si Mika.

Jack:

Parang? Nawalan ka talaga. Wala akong karapan pero nakakainis at nakakagalit kadi yung ginawa mo. Hindi mo naiisip yung mararamdaman ko.

Calvin:

Sorry rin sa baby. Tawagan namin 'yon ni Mika pero yung nakakausap kita. Yung sinabi kong gusto kita, at sinabi kong baby kita, hindi ko na naiisip si Mika no'n. Ikaw lang talaga. Hindi siya.

Jack:

Oh? Nalaman mo ba yung gusto mong malaman?

Calvin:

Kahit wala kang karapan, ayos lang magalit ka. Ayos lang mainis ka. Kahit sapakin mo pa ako para mapatawad mo ako.

Yes, nalaman ko, Jack. Nalaman ko yung gusto kong malaman.

Nalaman kong ikaw talaga, Jack. Ikaw talaga ang gusto ko. Wala na akong nararamdaman kay Mika. Hindi ko na rin siya kinakausap kasi ikaw na talaga, Jack.

I'm sorry Jack. Gagawin ko lahat para mapatawad mo. Hindi na rin kota tatawaging baby, kung ayaw mo na no'n dahil sa amin ni Mika. Okay?

Patawarin mo na ako, Jack. Please. I'm so sorry.

Jack:

Salamat sa explanation, Calvin. Pero I need time para mag-isip. Pasensya na.

Calvin:

Okay. Bibigyan kita ng time. Thank you, Jack.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro