Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

"Luh? Ano 'yon? Parang sa mga teleserye lang na kapag nakabangga mo 'yung may crush sa'yo, may mararamdaman ka na spark tapos magkakatuluyan na kayo? Ganoon ba 'yon?!" reklamo ko kay Thea at padabog na ipinatong ang notebook ko sa arm desk ko.




"Calm down, Liya..." sabi niya sa'kin habang nakaangat ng kaunti ang dalawang palad niya para pakalmahin ako. "...bakit ka ba nagagalit?"




Oo nga? Bakit ako nagagalit? Hindi ako nagagalit!




"Sinong nagagalit? Walang nagagalit dito!" sagot ko at kunot noo na nakatingin sa'kin si Thea habang hinihimas-himas ang paa niya.




"Bigla ka nalang umalis sa canteen nang walang pasabi. Hinabol pa kita, natisod tuloy ako!" reklamo niya sa'kin.




Hindi ko naman napansin na natisod siya kakahabol sa'kin dahil nagmamadali ako umalis sa area na 'yon kanina.




"Sorry, hindi ko nakita."




"Bakit ka pala umalis?" umayos na siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko.




"Kasi..tapos na ako kumain?"




"No," mariin na sabi niya. "Galit na galit ka nga kumagat sa tinapay na hawak mo kanina habang naglalakad ka paalis e." nakangisi na siya ngayon.




"H-hindi ah." umiwas ako ng tingin.




"May galit ka yata sa tinapay." Napailing na lang siya. "Weird." bulong niya.




Gusto ko sana siya sagutin sa binulong niya pero nabubwisit pa rin ako sa banggaan na nangyare kay Rj at doon sa Cassie'ng 'yon!




At talagang.. nag usap pa sila.




Monday na monday pero sirang-sira na agad ang araw ko. Ewan ko ba! Naiinis ako sa hindi malaman na dahilan!




"Pinsan mo pala 'yun?" nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Paul mula sa likod ng classroom namin.




Ibig sabihin, wala na sila sa canteen. Kaya nga narinig ko na ang boses niya e, nako naman, Liya! May kausap siya pero hindi ako lumilingon. Baka nandoon si Rj e.




"Yup." rinig ko na sagot ni Xander bago siya nakiraan sa'min ni Thea para makaupo siya sa upuan nito, sa tabi ni Thea.




"Pwede ireto mo 'ko?" malanding sabi ni Paul kay Xander.




Natawa lang si Xander at umiling.




"Damot naman."




"Hindi naman kasi siguro papayag si Xander na mapunta ang pinsan niya sa isang katulad mo na ba-ba-e-ro." natatawang sabi ni Junjun.




"Gago ka, sinasiraan mo na naman ako!" nagtawanan lang sila.




"May pinsan ka rito, Xands?" narinig ko na tanong ni Thea kay Xander. Napalingon ako sa kanila.




"Xands?" kumunot ang noo ni Xander.




"Oh, I'm sorry." biglang natawa si Thea. "Xander." sinuklay niya saglit ang buhok niya. "May kakilala kasi ako na Xander din ang pangalan tapos Xands ang tawag--"




"Oo may pinsan ako rito." pagputol ni Xander kay Thea.




Napanganga si Thea at hindi makapaniwala sa inasta ni Xander sa kaniya. Ayaw siguro nito ni Xander ng madaldal o kaya naman ay hindi siya interesado sa sinasabi ni Thea.




"Okay." parang nawalan ng gana makipag usap si Thea kaya tumahimik na lang siya.




Inaantay ko na mag asaran sina Paul dahil nga nakabangga nito ni Rj 'yung Cassie na nag kakagusto sa kaniya. Pero hindi, hindi sila nag aasaran at wala man lang silang binabanggit. Parang walang nangyare kanina.




Kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Rj, malamang ay aasarin na ako ng mga tropa ko roon sa nagkakacrush sa'kin at ipagkakanulo talaga nila ako.




Natapos na naman ang klase namin na lumilipad ang utak ko. Mabuti na lang at walang nag pa-quiz ngayon. Mag seself study na lang ako mamaya sa bahay o kaya bukas. Wala namang pasok bukas dahil Independece Day.




"Pwede ka ba bukas, Liya?" tanong sa'kin ni Thea.




"Bakit? Anong meron?"




"Birthday ng kuya ko." sagot niya.




Birthday pala ng kuya niya, invited ako?




"Sure ka na invited ako?" nagtataka na sabi ko sa kaniya.




"Of course!" react niya. "Sabi niya mag invite raw ako ng friends ko para hindi ako ma-bored bukas, kasi puro friends niya ang pupunta sa bahay namin. Edi, wala akong kausap nun."




"Hmmm, sige, paalam muna ako." ngumiti ako sa kaniya.




"Okay! Chat mo ako mamaya ha kapag pinayagan ka!" masayang sabi niya habang nakakapit ang kanang kamay niya sa kaliwang braso ko. "Isuot mo na ang pinaka maganda mong dress for tomorrow!" excited na sabi niya.




"Anong meron?" biglang sumingit si Paul sa gitna namin ni Thea. "May party?" tuwang-tuwa na tanong niya.




"Ah, birthday kasi ng kuya ni Thea." sabi ko habang nakatingin kay Thea.




"You wanna come?" tanong ni Thea kay Paul.




"Sure! Sure! No problem!" natawa siya sa sarili niyang pag eenglish.




Natawa rin kami ni Thea. Nagulat lang kami nung bigla siyang sumigaw.




"Oy! Rj, Junjun! May birthday party raw bukas! Invited tayong lahat!" sigaw niya na ikinagulat namin ni Thea.




Kinabahan ako bigla noong napatingin sa'min sina Rj.




"Huy, Paul!" saway ko sa kaniya.




Napatingin ako kay Thea na nakataas na ang mga kilay sa gulat. Habang ako ay nag aalala para sa kaniya.




Awkward na napatingin sa'min si Paul. "Joke lang pala!" napakamot siya sa ulo niya sa kahihiyan.




"No, no! Its okay!" bulong ni Thea. "Pwede kayo sumama nina Rj!" pag anyaya niya.




Napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko ay ako lang ang invited?! 'Yun pala ang madadagdagan pa dahil sa bunganga na Paul na napaka ingay!




"Yown!" tuwang tuwa na sabi ni Paul. Agad siyang tumakbo palapit kina Rj bago kami tuluyan na umalis sa building namin.




Sabi ni Thea 3 o'clock daw ng hapon magsisimula ang birthday party hanggang gabi. Siguro ay hanggang 7 PM lang kami.




Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko na naman si Greigh. Inirapan niya lang ako at padabog na pumasok sa loob ng kwarto niya.




Ano na naman problema nun?




Kumain muna ako ng lunch at nagpalit ng damit bago ako kumatok sa kwarto ni Greigh.




"Greigh?" kumatok ako ng isang beses. "Greigh, gising ka ba?" kumatok ulit ako pero walang sumasagot.




Hinayaan ko na lang. Naglinis na langako ng bahay bago ako nagpahinga at bumalik sa kwarto ko.




Nag online ako para makipagdaldalan kay Thea.




Ligaya: Thea, sure na ba sila Paul na sasama sila bukas?




Curious lang ako kung.. kung sasama rin ba si Rj.




Althea: typing..




Althea: I dunno. Chat ko sila wait.




Seenin ko na lang muna siya. Maya-maya lang ay may gc na lumitaw. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko na ang mga members ay sina Thea, Paul, Junjun, Lou, Xander at Rj!




Althea: Dito na lang tayo sa gc na 'to mag usap-usap. Nahihirapan ako ichat kayo isa-isa e hehehe.




Pauly: typing..




Paul: okay.



Louis: typing..




Louis: Anong oras po bukas?




Althea: typing..




Althea: 3:00 PM start.




Junjun: typing..




Junjun: pwede lunch time na pumunta? Hehe joke




Kapal din nito ni Junjun eh, HAHAHA.




Althea: typing..




Althea: hahahaha




Rick James: typing..




Kinabahan ako nung makita ko na nagta-type si Rj!




Rj: Baka hindi ako makapunta




Ay. Medyo nalungkot ako roon ah.




AT BAKIT AKO NALULUNGKOT?!




Rj: Hindi pa ako sure.




Xander: typing..




Xander: Bakit ako kasali rito?




Sa totoo lang, medyo rude 'tong Xander na ito e.




Pauly: typing..




Pauly: ayaw mo xander? birthday party 'yon.




Xander: typing..




Xander: sino may birthday?




Althea: typing..




Althea: my old brother




Xander: typing..




Xander: ahh




Xander: typing..




Xander: hindi ako pupunta, hindi ko naman kilala yan eh.




See? Medyo rude siya.




Ligaya: sayang naman Xander.




Althea: typing..




Althea: ahh, okay lang.




Nag off na ako pagkatapos nun dahil wala naman na nagbalak na mag reply pa. Kahit si Rj nang si-seen lang talaga.




Hindi siya sure kung pupunta siya. Paano kung mabigla na lang ako bukas na nasa harapan ko na pala siya?! Omygash!




Napalingon ako sa pintuan ko nang may kumatok.




"Liya?" si Greigh.




Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa kama ko at pinagbuksan siya ng pinto.




"Oh, bakit?" nakita ko siya na may tinatago siya sa likod niya habang nakatungo.




"Here." dahan-dahan niyang inabot sa'kin ang isang plastic na puno ng bond papers.




Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na may inaabot siyang ganito sa'kin ngayon.




"Tatanggapin mo o itatapon ko 'to?" irita na sabi niya. Napansin ko na nangangalay na siya kaya agad kong kinuha ang bond papers.




"Para saan 'to?" parang ang saya-saya ko.




Diretsyo siya na tumingin sa'kin sabay irap. "Stupid." padabog niyang sinarado ang pintuan ng kwarto ko.




Naiwan akong tulala at hawak-hawak itong isang balot ng bond papers.




Naalala ko na pinagtatapon niya at sinayang lahat ng bond papers ko noong nakaraan. Ibig sabihin ba nito ay nabawi siya? Ayokong umasa pero parang ganoon ang nararamdaman ko.




Napangiti na lang ako. Kahit pala ganoon siya kasama ay bumabawi pa rin siya. Medyo kinikilig tuloy ako.




Pagkauwi nila mama nagpaalam na aga ako. Pinayagan naman nila ako. Ganoon naman sila, hindi na nila ako kwinekwestyon basta alam nila kung ano oras ako uuwi at saan ako pupunta.




"Greigh." pagtawag ko sa kaniya.




Iniiwasan niya ako kanina habang nag pupwesto ako ng mga plato.




"Ano?!" galit na sabi niya.




Napaatras pa ako sa sigaw niya.




"Salamat sa bond papers." ngiting-ngiti na sabi ko.




Umiwas siya ng tingin sa'kin at tumalikod.




"Hindi 'yon para sayo! Inabot ko lang 'yon para itago mo, tsk!" pagsusungit niya at pumasok na siya sa kwarto niya.




Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya pero imbis na mainis ako ay natutuwa ako sa inaasta niya.




Kinabukasan, nagbihis na agad ako. Hindi ko alam bakit ang bilis ng oras ngayon at mag aales-tres na agad.




Sabi nina Paul, sa school na raw kami magkita-kita para sabay-sabay na kami pumunta sa bahay nina Thea kahit hindi namin alam kung saan ba bahay nun.




"Liya," sinalubong ako ni Paul, may hawak pa siyang turon.




"Kakain naman tayo roon, kumain ka pa rito." sabi ko sa kaniya.




Napatingin ako sa likod niya. Si Lou at Junjun lang ang nakikita ko.




"Wala si Rj." natatawang sabi ni Paul. Mabilis akong napalingon sa kaniya, kasabay nun ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.




Tinaasan ko lang siya ng kilay pero tumawa lang siya. Putulin ko kaya 'yung mahabang turon na kinakain niya? Tsk.




"Tayo lang?" sabi ni Lou. "Bakit parang ang dami natin doon sa GC pero ngayon... apat lang tayo." dismayado na sabi niya.




"Okay lang 'yon, lima naman na tayo pagdating natin kina Thea." sabi ni Junjun. "Uy," napatitig siya sa likuran ko. "Si Xander oh," napalingon ako sa likod ko. "Kasama si Cassie!"




Bigla na naman kumulo ang dugo ko nang makita ko si Cassie! Mabuti na lang at wala si Rj! Ha!




"Syempre magkasama talaga 'yan, mag pinsan 'yan e." sagot ni Paul kay Junjun.




Kunot-noo akong napalingon sa kanila. Natatawa namang nakatingin sa'kin si Paul.




"Pinsan 'yan ni Xander." sabi ni Paul. "Halos suntukin na kami ni Xander noong inasar namin si Rj kay Cassie nung nagkabanggaan sila sa canteen e." natatawa at napapailing na sabi niya.




Mas lalo akong nagtaka.




"A-akala ko ba may gusto 'yung Cassie kay Rj?" napalunok ako sa sarili kong tanong, kinakabahan din.




"Hindi 'yun totoo." tumawa nang malakas si Paul. "Pinagtitripan lang namin si Rj."




"Ano?!" sigaw ko na ikinagulat nilang tatlo. "A-ano?" hininaan ko ang boses ko.




Kung ganoon, bakit alam ng Cassie'ng 'yon ang pangalan ni Rj? Dibale, ang mahalaga ay hindi 'yon totoo at sapat na ang nalaman ko ang tungkol doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro