
CHAPTER 5
"Eto na polo mo," inabot ko kay Rj 'yung polo niya.
"Uy" ngumiti siya sabay tingin sa kamay ko na hawak ang polo niya. "Salamat." ngiting-ngiti na sabi niya atsaka kinuha ang polo niya sa kamay ko.
Tumalikod agad ako. Ayaw ko na maging malapit sa kaniya. Baka matapunan ko na naman ng kung ano e.
"Liya, you okay?" tanong sa'kin ni Thea habang nakapangalumbaba
"Oo naman." ngumiti ako sa kaniya.
Sa totoo lang, ayoko na makita ako ng mga kaibigan ko na malungkot. Alam ko kasi na malulungkot din sila.
Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Greigh kahapon at lalo na sa sigaw ni papa sa'kin.
Ligaya nga ang pangalan ko pero parang hindi ko naman maramdaman ang tunay na kaligayahan sa buhay ko.
"Bakit kayo nandiyan?" napalingon ako kay Thea sa sinabi niya. Nakatingin siya sa likod namin.
Napatingin din ako at biglang kumalabog ang puso ko nang saktong umupo si Rj sa likod ni Thea at nagtama ang mga mata namin. Ngingiti pa sana siya pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya at tumingin na lang kay Junjun.
"Dito na kami uupo." sabi ni Junjun habang nakatayo sa upuan at bibit ng kanang kamay niya ang kulay itim na bag na parang wala namang laman.
"Huwag ka umapak diyan." hinampas ni Rj ang binti ni Junjun. "Eto kasi may daanan oh!" gigil na sabi niya.
Si Paul naman nakaupo na pero nakataas naman ang isang paa. Umupo na rin si Junjun pero kahit sa pag upo niya, ang ligalig niya pa rin. Si Rj lang ang nakikita ko na matino umupo at... puro games sa cellphone ang inaatupag.
"Hi, Xander!" bibo na sabi ni Paul kay Xander na katabi ni Thea. Napag gigitnaan namin ni Xander si Thea.
Pinatong pa ni Paul ang braso niya sa sandalan ni Xander pero agad iniwas ni Xander ang likod niya. Siya 'yung tipo na ayaw makihalubilo sa iba.
Mabilis lang natapos ang klase namin. Hindi na rin pinansin pa ng teachers namin ang seating arrangement na ginawa nila dahil kahit may arrangement, nagtatabi-tabi pa rin ang mga magkakaibigan.
"Uy Liya, sabay tayo!" napalingon ako sa sumigaw.
Si Rj.
Nakatinginan kami ni Thea, aasarin niya pa sana ako habang malayo pa samin si Rj pero tinawag na kaagad siya ng kuya niya kaya umuwi na sila.
Pinanood ko lang si Thea na umalis. Hanggang sa nakalapit na sa'kin si Rj. Hindi ako lumilingon sa kaniya dahil naririnig ko ang tibok ng puso ko.
"Tara na." masigla na sabi niya at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo niya.
"Saan?"
"Ha?" kumunot ang noo niya. Napalingon ako sa kaniya. "Uuwi na?" sabi niya at hindi maalis sq mukha niya ang pagkunot ng noo niya.
"Ay! Oo nga.." nahihiya na sabi ko at umiwas ng tingin. "Oo nga pala! May pupuntahan pa ako." pagsisinungaling ko.
"Saan?" sabi niya pa pero nag umpisa na ako maglakad. "Sama ako." napahinto ako sa paglakad sa sinabi niya.
"A-ay! Nako! Hindi na!" umatras ako habang wini-wave ang kamay ko. "N-nagmamadali na ako, babye!"
Tumalikod ako at agad tumakbo palayo. Mabuti na lang at hindi niya ako sinundan. Phew!
Napagdesisyonan ko na dumaan na lang sa ibang daanan. Maglalakad nga lang ako ng mas malayo pa. Pero okay lang.
"Jusko" napakamot ako sa ulo ko. "Bakit ba dito ako dumaan?" naiinis na sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa matataas na damo na dapat kong daanan.
Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko kanina at bakit dito ako dumaan!
Dapat pala nilunok ko na lang ang pride ko at sinabayan na lang si Rj! Pwede naman na magkasabay kami pero hindi ko siya kakausapin. Tama! Pwede naman 'yung ganoon.
"Kainis naman ih!" pinandyak ko ang kanang paa ko sa inis. "Bakit ba kasi kailangan nakapalda palagi!"
"Sino kausap mo?"
"Hutang--" napatakip ako sa bibig ko dahil muntik na ako magmura sa gulat.
Napalingon ako sa likod ko pero wala namang tao.
"Anong ginagawa mo diyan?" nagulat ulit ako nang makita ko si Xander sa loob ng isang sasakyan sa backseat. Nagtataka ang itsura niya habang nakatingin sa'kin.
"U-uy! Haha!" parang baliw na sabi ko. "Kanina ka pa nandiyan?"
"H-hindi naman. We're just passing by." sagot niya, tinanaw niya 'yung paligid na kinatatayuan ko.
Pinagmamasdan ko lang ang sasakyan nila. Kapareho ng sasakyan namin--ay mali, sasakyan nila mama. Never nila ako pinasakay sa sasakyan, kapag naman nag ggrocery iniiwan lang nila ako sa bahay.
Bumalik ulit ako sa wisyo nang lumiyad si Xander doon sa nag dadrive, nag uusap sila. Hindi ko makita ang istura nung nasa driver's seat dahil tinted ang salamin ng sasakyan.
Pinagmamasdan ko lang si Xander na tumatango-tango hanggang sa lingunin ulit ako.
"Sabay ka na raw sa'min."
Napanganga ako sa sinabi niya at agad umiling.
"Ay..hindi na. Okay lang ako!" paninigurado ko sa kaniya.
Biglang sumilip 'yung driver at napansin ko na magkamukha sila ni Xander.
"Sabay ka na. Delikado ang daan diyan at walang tao." sabi nung lalaki sa'kin.
Tatanggi pa ulit sana ako pero biglang bumama si Xander sa sasakyan at pinagtulakan ako na sumakay na. Nang makasakay ako, naamoy ko kaagad ang bango ng sasakyan nila.
Sumakay na rin si Xander pero sa passenger seat na siya umupo. Hindi niya ako tinabihan dito sa backseat.
Kinakabahan ako dahil nakakahiya!
"Sabi ni Xander magkalapit lang daw tayo ng bahay ah" sabi nung nag dadrive.
"Kuya," saway ni Xander na parang ayaw niya pagsalitain ang nagdadrive.
Ah, magkapatid pala sila. Kaya pala sila magkahawig, mas may itsura nga lang ang kuya niya.
Mabilis lang ako nakarating sa subdivision namin. Hindi na ako nagpahatid sa mismomg bahay namin dahil nakakahiya naman, pinipilit pa kasi ng Kuya niya na ihatid ako sa tapat ng bahay namin.
"Salamat po! Pasensya na po sa abala, Kuya Xian." sabi ko bago ako bumama ng sasakyan. "Bye, Xander!" kinaway ko na lang ang kamay ko.
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay, akala ko si Greigh ang maaabutan ko pero hindi.. hindi lang si Greigh ang naabutan ko!
"Omg! What an ugly ghost!" maarte na sabi ng isang babae na kulot-kulot ang buhok.
Mga nasa sampu silang lahat at puro babae. Nanonood sila ng horror movie.
Sinarado ko ang pintuan dahilan para mapalingon silang lahat sa'kin. Hindi ko sila pinansin, mas pinagtuunan ko ng pansin 'yung mga kalat na nasa paligid.
Talagang umorder pa sila ng Mcdo tapos 'yung mga pinagkainan iniwan lang sahig. Tama ba 'yon?
"Guys, don't mind her!" umirap si Greigh matapos niyang sabihin 'yon.
"Sister mo?" gulat na sabi ng isang tisay at payat na babae.
"No!" tanggi agad ni Greigh.
Parang may tumusok sa puso ko matapos niya itanggi na kapatid niya ako. Sabagay, hindi niya naman ako tinuturing na kapatid e.
"Maid namin 'yan."
What?! Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Oh," tumayo 'yung isa namang babae na medyo malusog. "Paki-clean na lang po 'yung mga kalat namin." nakangiting sabi niya habang nakaturo sa mga kalat na nasa sahig.
Napatulala lang ako sa kanilang lahat. Gulat sa sinasabi nila.
"Bingi ka na ba ngayon, Yaya? Kilos!" sigaw ni Greigh at pumalakpak pa.
Sa inis ko, dumiretsyo na lang ako sa kwarto ko. Dinaan ko lang 'yung mga kalat nila. Narinig ko pa sila na nagbulong-bulungan nung dumaan ako.
"Potek," sabi ko sa sarili ko pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko. Napasandal na lang ako roon sa inis.
Sumosobra na talaga si Greigh! Ano bang kasalanan ko sa kaniya at bakit niya ako ganito tratuhin?!
Hindi ko man lang naipaglaban sarili ko sa kanila kanina dahil hindi ko inasahan 'yung mga lumabas sa bibig ni Greigh.
"Argh." nagpalit na lang ako ng damit pagkatapos.
Lumabas din ako agad sa kwarto ko para mag lunch.
"Oh, 'diba, I told you! Nagpalit lang siya ng damit bago siya maglinis." sabi ni Greigh sa mga kaibigan niya na nakatitig sa'kin ngayon. "Right, Yaya?"
Ang sarap sampalin ng bibig ni Greigh ngayon.
Tumalikod lang ako at diretsyo sa kusina para kumain. Narinig ko na naman sila na nagbubulungan habang iniinit ko sa microwave oven 'yung ulam na kinuha ko sa refrigerator.
Naglalagay na ako ng pagkain sa plato ko nang marinig ko ang kaibigan ni Greigh na nag uusap-usap. Pinatay pa talaga nila 'yung TV, sinasadya yata nila para marinig ko.
"What a rude maid! Palitan niyo na nga 'yan, kumuha na kayo ng bago." tuloy tuloy lang ako sa pag nguya ko habang pinapakinggan 'yung sinasabi nung babae. "Kung ganiyan ang yaya namin? Hindi 'yan tatagal sa bahay namin. I'll do everything just to kick her out of my house!"
Gigil na gigil si ate girl. Parang ang laki ng galit sa'kin ah.
Ngayon, alam ko na kung bakit ganiyan ang ugali ni Greigh. Same feather flocks together.
Natapos na lang ako kumain pero hindi pa rin sila tapos magparinig. Nakakarindi.
Papasok na sana ako sa kwarto ko pero sumigaw si Greigh.
"Hoy!"
Lumingon ako sa kaniya habang hawak ko ang door knob. Galit na galit na naman siya habang nakaupo sa sofa at may hawak pa na baso.
Tumingin-tingin ako sa paligid. "Sino kausap mo?" tanong ko kay Greigh na nakatingin sa'kin.
"Ikaw!"
"Ay, ako ba?" natatawa na sabi ko. "May pangalan naman kasi ako. Gamitin mo naman para hindi sayang." papasok na sana ako sa kwarto ko pero nagbunganga na naman siya.
"Linisin mo 'to!" sigaw niya, nakatayo na siya ngayon.
"Hindi mo 'ko yaya." tamad na sagot ko at sinaraduhan ko siya ng pinto. Ni-lock ko pa para hindi siya makapasok.
Kinuha ko ang tablet ko na nakatago sa cabinet ko para mag online, pang palamig lang ng ulo.
Wala naman masyadong ganap sa school kaya naisipan ko na lang na ichat si Thea.
Ligaya: Hi
Nag intay ako ng ilang minuto para sa reply ni Thea pero hindi siya nagrereply.
Ay, hindi pala kasi siya online.
Mag o-off na lang sana ako para matulog nang biglang may nagchat.
Rick James: Nakauwi ka?
Kumalabog na naman ang puso ko nang mabasa ko ang chat niya. Nataranta pa ako at hindi ko alam ang irereply ko.
Nag type ako ng 'oo' pero hindi ko muna sinend. Pinalitan ko ng 'oo, ikaw?' pero binura ko ulit. Binaba ko saglita sa kama ko 'yung tablet at tumitig sa kisame para isipin kung ano ang tamang reply.
Sa kakaisip ko kung ano ang irereply ko, 'yung like na sticker na lang ang sinend ko.
Ligaya: 👍
Rick James: typing..
Rick James: typing..
Kinakabahan ako habang inaantay ko ang reply niya.
Rick James: typing..
Rick James: 👍
Tsk! Gaya-gaya!
Inis kong binalik sa cabinet ko 'yung tablet at natulog na lang. Nagising na lang ako sa sigaw na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa orasan, 5:20 PM na.
Sapilitan akong bumangon habang kinukusot-kusot ko ang mga mata ko. Pagkabukas ko ng pintuan ko, si papa, mama at Greigh ang bumungad sa harapan ko.
Nagising ang buong diwa ko nang makita ko si Greigh na galit at umiiyak. Napatingin ako sa sahig, nandoon pa rin 'yung mga pinagkainan ng mga kaibigan niya pero wala na mga kaibigan niya.
Kumunot ang noo ko nang makita ko si papa na galit habang nakatingin kay Greigh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro