Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

Nakakakaba.




Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila.




Sa babay nila Rj.




"Kanina ka pa tahimik." sabi ni Rj. "Kinakabahan ka ba?" hinawakan niya ang kamay ko.




Tumango lang ako.




"Masungit ba mama mo?" nag aalala na sabi ko. Ewan ko bakit 'yun agad ang pumasok na tanong sa utak ko.




Baka mamaya kasi niyan ay mapangitan sa'kin ang mama niya at hindi ako matanggap! Waaaah!




Tumawa si Rj. "Hindi ah. Kaya tara na, huwag ka matakot." ngumiti siya nang napakalawak. "Kasama mo naman ako. Tyaka sigurado ako na magugustuhan ka ni mama."




Ngumiti ako ay humawak na sa kamay niya.




Ang bongga rin ng outfit ni Rj ngayon. Naka longsleeves polo pa talaga siya na dark blue ang kulay tapos itim na pants. Natawa pa nga kami kanina dahil ang dress na suot ko ay white tapos may designs na bulaklak na dark blue rin ang kulay. Halos terno na ang damit namin.




Okay. So, meant to be na ba talaga kami kapag ganoon? Hahaha!




"Ma," tawag ni Rj sa mama niya. "Liya, wait lang. Tawagin ko lang si mama sa taas." tumango ako.




Nandito na ako ngayon sa sala nila. Ang ganda ng bahay. Hindi ganoon kasosyal tignan pero ang ganda! Ang simple.




Bigla na lang ako pumunta sa isang cabinet na puro picture frames ang nakalagay. Napako ang tingin ko sa isang picture, mukhang si Rj 'yung bata roon tapos buhat-buhat siya ng isang babae, mama niya ata ito. Tisay 'yung babae at may bangs.




Hindi ko pa nakikita ang mama ni Rj. Ngayon pa lang.




Nakarinig ako ng footsteps pababa mula sa hagdan kaya lumayo na ako sa cabinet.




Pagkababa na pagkakababa ni Rj, nakasunod sa kaniya ang isang babae na nakita ko roon sa picture. Siya ang mama ni Rj!




Eto na naman ako kinakabahan na naman ako!




"Oh, hija!" ngiting-ngiti na sabi sa'kin nung mama ni Rj.




"Hello po," bati ko at nagmano ako.




"Uy, napakagalang naman nitong batang ito." sweet na sabi ng mama niya sa'kin. Napangiti tuloy ako. "At napakagandang bata."




Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinawakan niya pa ang mukha ko. Medyo nailang pa ako pero nakakatuwa dahil hindi naman pala masungit ang mama niya!





"Halika, doon tayo sa kusina, may ginawa akong meryenda." pagyaya sa'kin ng mama niya. Nauna maglakad ang mama niya.




Biglang tumabi sa'kin si Rj at bumulong. "Sabi ko sa'yo e, magugustuhan ka ni mama. Ganda mo kaya."




Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Ano ba 'yan! Ang awkward masyado kapag pinapakilig ka sa mismong bahay nila! Mas sanay ako sa school e.




Pero mas nakakakilig dahil nagandahan sa'kin ang mama niya!!




"Palagi ka nakukwento sa'kin ni Rj." kinikilig na sabi ng mama ni Rj habang nag kukwento.




Nandito na kami ngayon at kumakain ng meryenda. Ang sarap ng spaghetti na niluto niya.




"Ang ganda-ganda mo raw, kinikilig pa raw siya kapag nasasabayan ka niya umuwi lalo na nung mga panahong crush ka pa lang niya." pagpapatuloy ng mama niya.




"Ma.." nahihiya na sabi ni Rj.




"Oh, bakit ka nahihiya, Rj?" natatawa na sabi ng mama niya kaya natawa rin ako.




'Yung itsura kasi ni Rj ay parang nanlulumo. Pero kinikilig ako sa mga kwinukwento ng mama niya!!




Napalingon kami sa sala ng tumunog ang cellphone roon.





"Ay saglit lang ha, sagutin ko lang tawag. Kain ka lang, hija." ngiting-ngiti na sabi sa'kin ng mama ni Rj.




Nang umalis ang mama niya, nakahinga si Rj ng maluwag.




Tinignan ko siya ng mapang asar. "Ikaw ah, kaya pala palagi mo ako niyaya na sabay tayo umuwi ha." sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.




Natatawa ako dahil nakikiliti siya sa ginagawa ko.




"Syempre crush kita. Magpapapansin talaga ako sa'yo."




Hindi ko alam pero natalo yata ako! Tumigil tuloy ako sa pangingiliti sa kaniya at ako naman ang kinikilig ngayon.




"Rj," tawag ng mama niya. "Nandiyan na raw papa mo."




Biglang napatayo si Rj, nagpaalam siya na sasalubungin niya ang papa niya sa labas. Tumango naman ako.




Kami na lang ng mama ni Rj ang naiwan dito sa kusina.




"Uh, hija." panimula ng mama niya.




"Po?"




"May gusto sana ako itanong sa'yo."




"Ano po 'yun?"




Hindi ko maintindihan pero kinabahan na naman ako. Wala na ito kanina pero bumalik na naman.




Dahil mukhang seryoso ang itatanong sa'kin ng mama ni Rj.




*end of Liya's POV*


-


RJ's POV


Excited na ako para sa araw na 'to.




Sa wakas at pumayag na si mama na ipakilala ko si Liya sa kanila kahit hindi pa ako pormal na nagpapakilala sa magulang ni Liya.




Eh, diba nga kasi, ayaw sa'kin ng mama ni Liya.




May respeto naman ako sa magulang ni Liya kaya hindi ako mamimilit. Baka mamaya niya ay mag away pa sila, ayoko naman ng ganoon para kay Liya.




"Tuloy ba kayo ni Liya mamaya, anak?" tanong sa'kin ni mama.




"Opo, ma, tuloy na tuloy." ngiting-ngiti na sabi ko.




"Gustong-gusto mo talaga siya 'no?" natatawa na sabi ni mama habang pinupunasan ang mga flower vase.




Gusto niya raw kasi na malinis dahil may ibang babae na pupunta rito. Malinis naman talaga ang bahay pero mas gusto ni mama na mas malinis pa dahil dadating din si papa.




"Opo, ma, gustongggggg-gusto ko po." pag amin ko.




Hindi ako nahihiya kay mama mag sabi. Nanay ko 'yan e, sa kaniya ako galing, bakit ako mahihiya sa kaniya na magsabi tungkol sa babaeng minamahal ko ngayon?




"Nako, ikaw talaga! Big boy ka na!" pinisol niya ang pisngi ko. "Payakap nga si mama," sabi niya sabay yakap sa'kin. "hay nako, anak.. mamimiss kita kapag nag asawa ka na."




"Mama naman! Hindi pa nga ako nakakagraduate ng highschool, asawa na agad iniisip mo." napakamot ako sa ulo ko.




"Hahahaha, totoo naman kasi. Darating ang araw na mag aasawa ka rin at iiwan mo na ako!" nagtatampo na sabi niya. Ang cute ni mama.




"Mama," hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Mas matangkad na kasi ako sa kaniya. "Kahit magkaasawa na ako, hindi kita iiwan. Tyaka nandito na rin si papa nun para may kasama ka na." pang aasar ko sa kaniya.




"Che!" nagtaray bigla at hinampas pa ako. "Hindi ko babalikan ang papa mo!"




"Ay si mama, bitter." natatawa na sabi ko.




"Ewan ko sa'yo, tulungan mo na lang ako rito kaysa isipin pa 'yan." sabi niya at inabot sa'kin ang mga basahan.




"Bakit ba kasi kayo naghiwalay ni papa, ma? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa'kin." basta ang alam ko lang, ang sabi niya, iniwan kami ni papa.




Noong tinanong ko naman si papa nung pumunta siya rito, hindi rin siya nasagot. Ay ewan ko ba sa kanila!




"Basta, bata ka pa. Hindi mo pa maiintindihan." sabi niya habang nakatalikod sa'kin, nagpupunas naman ng mga picture frames.




Nagkibit-balikat na lang ako. Tinulungan ko na lang si mama hanggang sa natapos kami maglinis. Hindi na tuloy ako nakapag online ngayong umaga dahil sa paglilinis namin ni mama.




After namin mag lunch ni mama, sabi niya gagawa na raw agad siya ng meryenda. Mag ayos na raw ako para sunduin mamaya si Liya.




Yah, pinagtulakan talaga ako ni mama na sunduin ko siya. Pero hindi na kailangan sabihin sa'kin 'yon ni mama kasi gagawin ko 'yon kahit hindi niya sabihin.




"Hmmm." nilanghap ko ang mabangong amoy na galing sa kusina. "Bango niyan ma ah, spaghetti!"




"Sunduin mo na si Liya." tumingin siya sa'kin at natulala. "Anak, i-ikaw ba 'yan?"




Kumunot ang noo ko. "Opo."




"Anak.." dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. "Ang gwapo gwapo mo!!" tili na sabi niya. "Kaya ka siguro nagustuhan ni Liya dahil ang gwapo gwapo mo!" proud na sabi niya. Inayos-ayos niya pa ang kwelyo ko.




Hahaha si mama talaga.




"Ayos na ba 'to, ma?" sabi ko sabay turo sa damit na suot ko.




"Oo naman, nak! Kahit sinong babae magkakagusto sa'yo kapag nakita ka!" parang teenager lang si mama kung magsalita.




Matapos niya ako purihin, pinalayas niya na ako. Excited na raw siya makita si Liya.




Pagkarating ko sa bahay nila Liya, nakaready na rin siya. Pinapasok pa ako ng half sister niya na mukha talagang maldita. Hindi pa ako kinakausap. Patango-tango lang siya sa'kin.




"Hayaan mo na si Greigh, may topak 'yan ngayon." bulong sa'kin ni Liya habang natatawa.




Napatingin naman ako kay Greigh na nakabusangot habang nakatingin sa TV. Mukha ngang may toyo.




Napatingin ako kay Liya. Naka dress pala siya. Ngayon ko lang napansin! Bigla na lang kasi siya sumulpot sa gilid ko at bumulong na hayaan ko na lang si Greigh.




"Huy!" nag snap siya. "Tulala ka?" tanong niya sa'kin. Ang ganda niya kasi.




Nakakainlove!




"Wala. Ang ganda mo." wala sa sarili na sabi ko.




Nagulat pa ako dahil biglang umubo-ubo si Greigh.




"Okay ka lang, Greigh?" tanong ni Liya.




"Yeah, I'm fine. I think you two should leave now. I'm getting sick." parang may double meaning 'yung sinabi niya ah!




Umalis na kami ni Liya dahil mukhang ayaw kami makita ni Greigh na magkasama sa harap niya!




"Ganoon ba talaga si Greigh? Ayaw niya ba sa'tin?" kunot noo na tanong ko kay Liya.




Tumawa lang siya. "Sinabi ko na sa'yo, may topak nga siya ngayon. Kaninang umaga pa 'yan masungit." natatawa na sabi niya.




"Okay lang sa'yo na sinusungit-sungitan ka niya?" nako, kung ako ang may kapatid na ganiyan, 'di 'yan uubra sa'kin!




"Sanay na ako. Pero nagbago na ngayon si Greigh. Nagkataon lang na may topak siya ngayon. Sweet siyang babae, pero dinadaan niya sa pagiging masungit ang ka-sweetan niya."




Kumunot ang noo ko. Ang weird naman nung ganung babae.




"And I find it cute. Unique ang ka-sweetan niya. At.. danas ko na kaya alam ko." pagpapatuloy niya.




Napangiti ako. Nakwento niya sa'kin dati na hindi siya naganti kay Greigh dahil mahal niya 'to kahit inaapi siya. Napakabait niya talaga.




"Halos magkapareho na pala tayo ng damit." sabi ko sa kaniya nang pagmasdan ko ang damit naming dalawa.




Napahinto siya at tinignan ang damit namin. "Oo nga 'no!" tumawa siya at tumawa rin ako. Ang cute cute niya! Para siyang inosenteng bata na ang babaw ng kaligayahan.




Nang makarating kami sa bahay, tinawag ko kaagad si mama. Si Liya ay namumutla na sa kaba kanina hahaha. Niyaya na agad kami mag meryenda e wala pa nga si papa.




"Ma, hindi ba natin hihintayin si papa?" bulong ko kay mama.




"Bakit? Siya ba ang bisita?"




Grabe ang sungit ni mama pagdating kay papa hahaha.




"Eto na ang spaghetti, Liya!! Kumain ka ng mabuti ha.."




Pinaglagyan niya ng pagkain si Liya sa plato nito kahit dapat ay ako ang gumagawa nun huhu! Inaagawan ako ni mama.




Kung ano-ano pa ang sinasabi ni mama kay Liya. Nakakahiya waaaah! Totoo lahat ng sinasabi niya pero wala sa usapan namin na ibubunyag niya lahat kay Liya!




Inasar-asar tuloy ako ni Liya.




"Papa!" salubong ko sa kaniya.




"Oh, anak. Nandiyan na ba ang girlfriend mo?" ngiting-ngiti na sabi niya.




"Hindi ko pa girlfriend, pa." natatawa na sabi ko. "Tara na po sa loob."




Nang makapasok kami sa bahay, naaninag ko na may sinasabi si mama kay Liya. Tumigil siya nung makita kami ni papa. Napatingin ako kay Liya na namumula na ngayon.




Kumunot ang noo ko.




Anong sinabi ni mama sa kaniya habang wala ako? Bakit siya namumula ng sobra ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro