
CHAPTER 32
"Nakita ko kayo na magkachat ni Kendmar, palagi." tinignan ko siya nang nakakainis na tingin. "Sa instagram pa."
Nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya sa sinasabi ko sa kaniya ngayon.
Ang dami kong gusto sabihin sa kaniya pero pinipigilan ko lang na mag alburoto sa harap niya.
"Liya.." umiling-iling siya. "H-hindi.. hindi ganoon. Uh, m-mali ang iniisip m-mo." nauutal na sabi niya, hinawakan niya pa ang kamay ko.
Hinawi ko nang marahan ang kamay niya. "Itigil mo Nietta ha. Itigil mo." banta ko sa kaniya. "Hindi ko 'to sasabihin kahit kanino, kahit kay Thea o kila Paul, basta itigil mo."
Tinalikuran ko na siya. Nakakabwisit na talaga! Hindi ko na napigilan.
Oo, kaibigan ko si Nietta pero kaibigan ko rin si Marou. At sa kanilang dalawa, si Nietta ang may hindi tamang ginagawa.
Pumunta kami sa bahay nila Marou para tulungan si Marou sa mga namissed niyang lessons. Pero talagang si Nietta, hindi pa rin tumitigil. Nagtataka na nga sila Zha e.
Ang dami pang nangyars at halat talaga kay Marou na selos na selos na siya. Pero makalipas ang isang araw pa, naging okay na sila ni Kendmar. Mabuti naman at tumigil na si Nietta.
At sa hindi inaasahan..
"Namatay nanay ni Marou." malungkot na balita ni Kendmar sa'min.
Nahihirapan kami para kay Marou. Iyak lang siya nang iyak. Binisita pa namin siya sa bahay nila.
"Ang bata pa ni Marou para mawalan ng nanay." nahihirapan na sabi ni Rj sa tabi ko.
"Oo nga e, lalo na si Malou, 'yung kapapanganak pa lang." malungkot na sabi ko. "Hindi niya man lang mararanasan ang pag aalaga ni Tita."
Naaawa ako kay Malou, hindi pa siya nag wa-one year old pero wala na agad ang nanay niya sa tabi niya. Pero alam ko naman na babantayan siya nito.
"Sigurado naman ako na, magiging mabuting ate si Marou kay Malou." napangiti ako sa sinabi ni Rj.
"Tama," pag sang ayon ko at hinawakan ni Rj ang kamay ko.
"Oo nga pala, Liya.. may sasabihin ako." mukhang masaya siya ngayon. "May balak na ako magpakilala sa tatay ko." masyang-masaya na sabi niya.
Mabilis akong napalingon sa kaniya. "Talaga?!" masayang sabi ko.
"Oo. Pumunta na siya sa bahay namin bago mamatay ang nanay ni Marou, nagalit pa si mama sa kaniya sa biglang paglitaw niya.." kwento niya sa'kin.
"H-hindi ka na galit sa papa mo?"
Umiling siya. "Hindi na.. tama lang na magkausap kami. Tatay ko pa rin siya kahit papaano. Kahit baliktarin ko pa ang mundo, tatay ko pa rin siya."
"Awww, i'm happy for you, Rj!" masayang sabi ko.
Bigla lang akong nalungkot nang maisip ko ang totoo kong tatay. Hanggang ngayon kasi ayaw talaga ipakilala sa'kin ni mama ang tatay ko.
"Sana.. mahanap mo na rin ang tatay mo, Liya." inakbayan ako ni Rj.
"Sana nga." ngumiti ako ng pilit.
"At gusto ko, kasama ka sa pagharap ko sa tatay ko." agad akong napalingon sa kaniya. Natanggal tuloy 'yung pagkakaakbay niya sa'kin. "Ipapakilala na kita."
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang isasagot ko. Natutuwa ako na nahihiya!
Tumango na lang ako.
"Yes." mahinang sabi ni Rj, natutuwa siya dahil pumayag ako.
"Kailan?" ecxcited na sabi ko.
"Matagal pa." tumawa siya. "Excited lang ako sabihin sa'yo."
Natawa lang din ako. Akala ko naman ay bukas na. Pinaplano niya lang pala muna.
"Okay," niyakap ko siya.
Makalipas ang ilang araw, bumalik na si Marou. Tumatawa na ulit siya pero eto ang pinakamalupet,
Nagbreak sila ni Kendmar,
At dahil 'yon kay Nietta.
"Sinabihan na kita Nietta!" sigaw ko kay Nietta nang mag walk out si Marou.
Inannounce niya talaga sa buong klase namin na break na sila.
Naaawa ako kay Marou! Kamamatay lang ng nanay niya, eto na agad ang bungad sa kaniya.
"Liya, kalma. Huwag mo sigawan si Nietta." saway sa'kin ni Zha.
Napakagat ako sa labi ko. Nagsisisi na sinigaw si Nietta, umiiyak lang si Nietta sa upuan niya. Habang si Kendmar hindi na makaalis sa kinatatayuan niya, para na siyang napako roon.
"Nasabi sa'kin ni Alliyah yung chats niyo." nanginginig ang boses ko. Hinawakan ni Rj ang braso ko. "Sinabihin na kita na tigilan mo dati pa! Bakit hindi mo tinigil!" tumulo na ang luha sa mata ko.
Tahimik lang si Kendmar.
Umiiyak na rin si Thea.
"Rj naman e! Zha, ano?! Kukunsintihin niyo na lang 'to?" nanghihina na tanong ko sa kanila habang nakaturo kay Nietta.
"Liya! Tama na!" sigaw sa'kin ni Lou.
Sila Xander naman ay binitbit si Nietta sa labas ng classroom. Alam nila na hindi ako titigil hangga't nakikita ko ni Nietta.
Makalipas ang ilang buwan, magbabakasyon na. Hindi na natuloy 'yung open forum na usapan namin dahil sa nangyare kay Marou, Kendmar at Nietta.
Actually, last day of school na namin ngayon. Hindi na pumasok si Marou, Kendmar at Nietta. Ewan ko ba sa tatlong 'yon, ayaw nila mag dikit-dikit. Pero si Nietta at Kendmar ay magkadikit.
"Hay nako.. bakit naman kasi ganito ang nangyare sa'tin.." dismayado na sabi ni Xander.
Pinlano kasi namin noon na kapag last day of school, gagala kami. Pero mukhang hindi na matutuloy dahil hindi naman kami kumpleto.
"Nagbanta na ako sa kaniya, pero tinuloy niya pa rin. Kasalanan niya na 'yon." tamad na sagot ko.
"Sino?" inosente na tanong ni Junjun.
"Si Nietta malamang!" highblood na sabi ko.
Si Junjun ay parang walang alam sa nangyare! Nakakainis!
"Hindi mo pa rin ba kakausapin si Nietta?" nag aalala na tanong sa'kin ni Rj.
"Kinakausap ko naman siya ah?" oo kinakausap ko si Nietta pero hindi na katulad nung dati.
"Hays, halika nga rito.." inakbayan niya ako. "Mapapatawad niyo rin si Nietta."
Tama, mapapatawad din namin si Nietta. Hindi nga lang ngayon.
Mabuti na lang at palaging nasa tabi ko si Rj. Pinapakalma niya ako palagi. Ang sweet sweet niya talaga. Hindi na siya nagbago.
Sinulit na namin ang natitirang oras na magkasama kami dahil for sure, mamimiss na naman namin ang isa't-isa pagkatapos ng araw na 'to.
"May kuhaan pa ng card, don't worry!" tumawa si Thea.
"Ih, ma-mi-miss kita, Thea!!" parang bata si Junjun na pinagpapadyak ang paa.
"Ayieee!" asar ni Paul sa kaniya.
"Gago, tropa lang kami." umirap si Junjun.
"Diyan din kami nagsimula ni Liya." sabi ni Rj at mapang asar na ngumiti kay Junjun.
Ako naman ay ngumisi kay Thea. "Tama, diyan kami nagsimula." inaasar ko siya. Namula naman!
"I will miss you, Liya!" inis na sabi niya at niyakap ako.
"Ako rin." niyakap ko siya pabalik.
At nag group hug na kami.
Pagkauwi ko ng bahay, nadatnan ko si Greigh na ang daming hawak na pictures. Nandito siya sa sala, nakaupo siya sa sahig at 'yung mga pictures ay nakakalat.
"Oh, ano ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. "Bakit mo hawak 'yang mga 'yan?"
"I'm bored." tamad na sagot niya habang nakatingin pa rin sa mga pictures.
"Bihis muna ako." paalam ko, nagbihis ako kaagad para masamahan siya magkalikot ng mga pictures.
Hindi kasi uuwi ngayon si mama at papa. Busy sila sa work nila, next week pa ang balik nila. Kaya kahit gabi na, kung ano-ano pa rin ang pinagkakaabalahan ni Greigh.
"By the way.. hindi ko na makita rito 'yung picture na sinasabi ko sa'yo." napakamot siya sa ulo at parang hinahanap niya pa rin. "Nandito lang 'yun e."
"Sa kwarto ba nila mama galing 'yan?" sabi ko at umupo na rin sa sahig.
"Yup. Eto na rin lahat ng albums, wala akong tinira sa kwarto nila." sabi niya sabay tingin sa'kin. "Pero sa pagkakatanda ko, nakaipit 'yon dito sa album na 'to." sabi niya at winagayway sa harap ko ang isang makapal na photo album.
Inabot niya sa'kin. Kinuha ko naman at binuklat. Tinignan ko isa-isa ang mga nakadevelop na pictures ni mama noong dalaga pa siya. May iilan na pictures doon na kasama ang mga tropa niya yata 'to. Madami sila sa picture na 'yon, puro pa gabi ang ang pictures nila kaya hindi masyadong malinaw.
"Wala bang matinong picture dito? Hindi ko makita nang maayos mga istura nila." natatawa na sabi ko. "Ang labo," dahil na rin sa kalumaan.
"Yeah, pero 'yung picture na sinasabi ko sa'yo, malinaw 'yung picture na 'yon kasi umaga yata kinunan 'yon." sabi niya. "May iilang parts pa nga roon na natuklap na 'yung kulay."
Napatinin ako sa kaniya habang nag eexplain siya. "Paanong tuklap?"
"'Yung ano.. uhm, paano ko ba ieexplain." natatawang sabi niya. "Basta kasi 'yung sa bandang dibdib ni mama hanggang sa hita niya, tuklap na 'yung kulay. Kumbaga, puti na lang ang makikita mo roon. Pero 'yung ulo niya, kita pa rin tyaka kaunting legs niya, kita pa."
"Eh, 'yung sa lalaki na sinasabi mo?" nacurious ako bigla roon sa lalake.
"Hindi masyadong natuklap 'yung sa side niya e, pero nakita ko 'yung tshirt niya na color red." paliwanag niya. "Oh, tignan mo 'to. Ikaw ba 'to?" tinapat niya sa'kin ang isang picture.
"Oo ako 'yan," baby pa ako roon sa picture.
"Awww, cute cute mo naman noon!" puri niya.
"Syempre naman! Ako pa!" pagyayabang ko.
Tinignan niya ang mukha ko at lumungkot ang itsura niya. "Anong nangyare ngayon?" panlalait niya.
Tinignan ko siya nang masama kaya humalakhak na naman siya. Tsk. Eto talagang babaeng 'to.
Inenjoy lang namin ni Greigh ang pagtingin sa mga pictures. May nga picture ako nung bata ako na wala akong damit kaya puro na naman siya tawa!
Tawa na hindi ko nakikita o naririnig noon sa kaniya.
Puro kasungitan at katarayan kasi ang nangingibabaw sa kaniya noon.
Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil nagbago na si Greigh. Nag matured na siya. Hindi na siya spoiled brat. Natawa tuloy ako.
Sa susunod na araw ay recognition na nila Marou. At syempre, bilang supportive na mga kaibigan niya, pupunta kaming lahat.
Ewan ko lang kay Nietta, may award din kasi si Kendmar.
Top 1 si Marou tapos si Kendmar ay Top 2. Ang galing talaga nilang dalawa. Perfect na sana kaso.. ganoon 'yung nangyare.
"Ayan na si Marou na sunod na tatawagin!!" excited na sabi Junjun at niyuyugyog niya pa si Lou.
Nang tawagin ang pangalan ni Marou sa stage para sabitan ng medal, nag sigawan kami. Para kaming mga tanga rito sa bleachers kakasigaw at kakapalapak. Nakita ko pa si Marou na parang nahihiya siya sa ginagawa namin pero natatawa siya.
Sunod na tinawag ay si Kendmar. Pumalakpak lang kami. Walang kasamang sigaw.
"Wala si Nietta 'no?" sabi ni Paul. "Hindi niya man lang suportahan 'yung inagaw niya."
"Loko," sabi ni Rj kay Paul habang natatawa at umiling.
"Grabe ka kay Nietta." inis na sabi ni Thea kay Paul.
"Masama magsinungaling." walang gana na sagot ni Paul.
"Whatever!"
Katabi ko lang si Thea sa kanan ko, sa kaliwa ko naman ay si Rj, sa tabi ni Rj ay si Xander. Sa baba ni Thea ay si Paul, sa baba ko ay si Junjun, at sa baba ni Rj ay si Lou.
"Liya," tawag sa'kin ni Rj.
"Hmm?"
"Malapit na kita ipakilala." kinikilig na sabi ni Rj.
"Oh, kailan na?" naexcite rin ako!
"Sa May." sagot niya, ang tagal pa pala.
Bumusangot ako. "April pa lang ngayon-- May?! Next month na ang May!"
"Yeah, kaya mag ready ka na." natatawang sagot niya. "Mabilis lang ang oras. Baka nga bukas pag gising mo, May na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro