Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

Josephine's POV (Liya's mother)


Emalyn.. Emalyn Medina..




Hindi ako pwedeng magkamali.




Siya 'yung babae na 'yon.. pero hindi ako sigurado sa apleyido niya..




Kahit ilang taon na ang nakalipas, hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan niya.




'Yung batang lalake na Rj ang pangalan.. unang kita ko pa lang sa kaniya, nagulat na ako.




May kamukha siya..




"Ma, alis na po kami." narinig ko ang boses ni Liya. Hindi ako lumingon, tumango lang ako.




"Alis na po kami, salamat po." sabi nung Rj.




Napahigpit ang hawak ko sa hose. Hindi ko na namalayan na nalulunod na pala 'yung mga tanim na dinidiligan ko.




Pinagmamasdan ko ang Rj na 'yon kanina habang nasa sala siya. Hindi talaga ako makapaniwala na kamukha niya si..




Umiling ako. Hindi 'to pwede.




Ayokong isipin ang bagay na 'yon pero hindi talaga mawala sa isip ko.




"Mommy," si Greigh.




"Yes, baby?" bumalik ako sa wisyo dahil kay Greigh na nakabihis na ngayon.




"Akala ko po ba aalis na tayo? Bakit ka nagdidilig pa diyan?" inosente na tanong sa'kin ni Greigh.




Napalunok ako. Hindi ako mapakali. Binitawan ko na ang hose at naghugas ng kamay.




Muntik ko na makalimutan na kailangan namin mag grocery ngayon ni Greigh. Nang makasakay na kami sa sasakyan, tahimik lang kami.




Hanggang sa nagtanong siya..




Tanong na ayokong marinig..




"Mom, sino pala 'yung guy kanina?" eto na nga ba ang sinasabi ko. "Friend ni ate Liya?"




"Oo, nak. Why?" tanong ko habang nakatingin sa daan, ako kasi nag ddrive.




"Hmm. He looks so familiar kasi---- mom!" bigla kong nahinto ang sasakyan kahit nasa daan pa kami.




Nanlalamig ang kamay ko sa sinabi ni Greigh. Nakakagulat na pati si Greigh..




"I'm sorry, Greigh. I'm just.. tired." sabi ko na lang at pinaandar na ulit ang sasakyan dahil ang daming bumubusina sa likuran namin.




Ayokong isipin.




Ayoko na isipin 'to! Stress na stress na ako sa trabaho, dadagdag pa 'to!




Alam ko naman na darating talaga ang araw na mag kukrus na ulit ang mga landas namin..




At hindi ko inaasahan na nagsisimula na palang magkrus ulit ang mga landas namin..




Dahil may mga tanong noon na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon..


*end of Josephine's POV (Liya's mother)*

-

Liya's POV




"Hindi ko talaga maintindihan si mama. Ngayon lang siya nagkaganoon." napahilamos ako ng mukha. "I mean, pinapagalitan niya naman ako sa mga pagkakamali ko pero iba 'yung ganito.."




"Liya.. baka naman kasi may nagawa ka?" concern na tanong sa'kin ni Thea.




Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Si Rj nandoon sa baba, hinihintay kami ni Thea. Nauna ako dumating dito sa bahay nila Thea, hindi na ako bumaba kanina nung sinabi nung yaya nila Thea na nandito na si Rj.




"Wala.. wala akong ginawa. Ang alam ko lang, late ako umuwi kagabi." sabi ko.




"'Yun naman pala, baka kaya siya nagalit kasi late ka na nakauwi at hindi ka pa hinatid ni Rj." sabi niya habang nagsusuklay.




"Pero bakit ko kailangan lumayo? Anong meron?" stress na ako! Argh!




"Mas mabuti if you will tell your problem to Rj." tumayo siya at lumapit sa'kin. Tumabi siya, nakaupo kasi ako rito sa kama niya. "Kasi damay siya e."




Umiling ako. Ayokong sabihin kay Rj. Panigurado ako na masasaktan lang 'yon. Okay na 'yung ako na lang ang nakakaalam nito, maaagapan ko pa.




"Tyaka baka naiisip ng mom mo na bad influene sa'yo si Rj kaya ka niya pinapalayo. You know, praning ang mga nanay." dagdag ni Thea.




Nakaready na siya. Pwede na kami umalis.




"Hindi ko alam." napayuko ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.




Palaisipan talaga ang mga sinabi ni mama kanina.




Umagang-umaga pero ganito na agad ang nararamdaman ko. Myghad!




"Huwag mo na lang masyadong isipin 'yan, Liya. Magkakasama tayo today for Xander."




Tama siya. Kaya ako lumabas para kay Xander, hindi para mastress sa mga sinabi ni mama kanina.




"Salamat." ngumiti ako.




"You're welcome! Tara na!" binitbit niya na ang maliit na bag niya at binuksan ang pinto.




"Thea, wait." lumingon siya sa'kin. "Huwag mo sana 'to sasabihin kay Rj."




"Sure." ngumiti siya sa'kin at hinila na ako palabas ng kwarto.



"Grabe, tagal niyo ah.." bungad sa'min ni Rj sa may hagdan. "Hi, Liya!"




Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Hello!" Nakakaramdam ako ng guilt.




"Duh! Alam mo naman kaming mga girls.." tumawa si Thea.



Dinaldal ako nang dinaldal ni Thea para mawala ang iniisip ko. Halos hindi ko na makausap si Rj dahil sa kadaldalan niya. Ang awkward tuloy kapag nakikijoin sa'min si Rj dahil puro lang naman fairytales at barbie ang pinag uusapan namin ni Thea.




"Ay, Rj! Pupuntahan pa pala namin si Nietta." sabi ko sa kaniya. "Sama ka?"




Napakamot siya sa ulo niya. "Pupuntahan niyo pa 'yon? Sige sige, puntahan ko na lang si Kendmar." sabi niya sabay kuha sa cellphone niya.




"Sigurado ka? Pwede ka naman sumama sa'min." gusto ko pa siya makasama. Pero mukha kasi badtrip din siya kay Nietta.




"Why Kendmar? Sila Junjun?" tanong ni Thea.




"Magkakaaway nga sila, diba? Kawawa naman si Kendmar kung walang kasabay 'yon."




"Sabay ka na lang sa'min." pagpupumilit ni Thea.



"Um-oo na si Kendmar e." tumawa siya.




"Ha?" react ni Thea.




"Nag text kasi ako sakaniya na pupuntahan ko siya. Bilis niya mag reply e." nagkibit balikat na lang siya. "Tyaka para na rin kausapin niyo 'yon si Nietta, baka ma-op lang ako sa inyong mga girls."




Natawa kami ni Thea sa kaniya. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung bakit ako pinapalayo ni mama sa kaniya.




Naalala ko na dapat ko pala siyang tanungin kung may nagawa ba siya kahapon pero aalis na siya, pupuntahan na si Kendmar.




Okay lang, may mamaya pa naman.




"Liya," kumindat sa'kin si Rj. "Text."




Napangiti ako. Mag text na lang daw kami. Nakaharap pa siya sa'min, paataras siya maglakad. Nag flying kiss pa siya sa'kin.




Sinalo ko syempre hahaha!




Pagkasalo ko ng flying kiss niya, agad na siyang tumakbo palayo.



"Hayyss." umiiling-iling na sabi ni Thea sa gilid ko. "Life is so complicated.."




"Nakapag desisyon na ako, Thea. Hindi ko na sasabihin sa kaniya."




"What?! But-- why?! Dapat malaman niya 'yon, ano ka ba!" kulang na lang ay hampasin niya na ako gamit ang maliit na bag na hawak niya.




"Ayoko siya mag overthink, 'yun lang." sapat na ang rason ko para sa'kin.




"Grrr, bahala ka." huminga nang malalim si Thea.




Tinawanan ko na lang siya at hinayaan mabwiset sa gilid ko.




Nang makarating kami sa bahay nina Nietta, kinausap na agad namin siya. Si Zha lang ang wala rito.




(A/N: Read the Highschool Series #1 'Marou Marupok' Chapter 27 kung gusto niyo malaman kung paano nila kinausap si Nietta ^.^

Huwag sana kayo malito dahil POV ni Marou ang HS#1 kaya ang title ay nakapangalan sa kaniya. ^.^ Now you know! Hahaha)




Naging maayos ang pag uusap namin. Mabuti na lang at hindi mataas ang pride nitong si Nietta.




Sa hindi inaasahan, nakasabay na namin si Rj at Kendmar nang sumakay kami sa jeep. At eto pa! Nakita rin namin si Zha kaya hinila na namin siya.




Panay ang pag kwento ko kay Zha sa away na nangyare kagabi. Nakakunot lang ang noo ni Zha at hindi makapaniwala.




"Tuktukan ko 'yang si Paul mamaya." mataray na sabi ni Zha. Natawa kami ni Thea at Marou.




Pagkadating namin sa hospital, nagkaayos na rin na silang lahat at napuntahan na rin namin si Xander.




Lahat kami ay nag iyakan dahil sa nalaman namin kay Xander. Hindi ko maimagine na nagawa niya pa talagang manglimos. Sobrang nakakaiyak, nasasaktan kami para sa kaniya.




(A/N: Read the Highschool Series #1 'Marou Marupok' Chapter 27 kung gusto niyo malaman kung bakit nanglimos si Xander :((

Hindi po sapilitan na basahin ha, nasa sainyo pa rin po hahaha)




"Huwag na mag review!!" nagdiriwang na sigaw ni Junjun dito sa kwarto ni Xander.




"Ingay mo!" sigaw ni Nietta sa kaniya.




Napatingin ako kay Rj na masinsinan na nakikipag usap kay Lou. Eto na siguro ang time para kausapin ko siya.




"Nagdala pa ako reviewer hindi ko rin naman pala magagamit." natatawang sabi ni Marou, napalingon tuloy ako sa kaniya.




Grabe nagdala pa talaga siya reviewer dito sa hospital hahaha.




"Nakakatamad kaya mag review, lalo na kapag eto mga kaharap mo." sabi ni Thea at tinuro-turo kaming lahat.




"Oo nga, Marou. Puro daldal lang abot mo rito!" humalakhak ako.




Bigla akong siniko ni Thea at ngumuso sa pwesto ni Rj. Napatingin ako kay Rj na wala nang kausap ngayon.




"Kausapin mo na, kanina pa kita nakikita na tinitignan siya." bulong sa'kin ni Thea at tinulak ako! "Go!" pasigaw ngunit pabulong na sabi niya.




"Oo na oo na, eto na!" ipagtulakan daw ba ako.




Huminga ako nang malalim.




Sa totoo lang, nakalimot ako saglit dahil sa kanila. Dahil sa mga halakhak nila, kwentuhan at kalokohan. Nagpapasalamat talaga ako na naging kaibigan ko ang mga 'to.




Hindi nila alam na natutulungan nila ako makalimot. At dahil 'yon sa presensya nila na nakakapagpasaya sa'kin palagi.




"Rj," eto na, kinakabahan ako! "May itatanong lang sana ako." umupo ako sa tabi niya.




Pinagmasdan ko muna silang lahat na busy makipag usap sa bawat isa. Si Paul naman ay nag mamacho dance na.




"Ano 'yon?" mukhang ang saya-saya ng boses niya ngayon.

"Masaya ka?" napangiti ako.




"Oo naman, Liya hahaha bakit?" inakbayan niya ako. "Ikaw ba, hindi ka ba masaya?" lumungkot bigla ang boses niya.




Eto ang ayoko. Mabilis niya ma-sense kung malungkot ako o hindi.




"Masaya ako ah." I lied.




"Good. Ano 'yung itatanong mo?" mas humigpit ang hawak niya sa balikat ko.




"M-may.. nasabi ka ba kay mama kahapon na hindi maganda?" kinagat ko ang labi ko sa kaba.




"Ha?" bigla niyang natanggal ang kamay niya sa balikat ko, nagulat siya sa tanong ko. Napatingin siya kama ni Xander, nag iisip. "Wala." tumingin siya sa'kin at umiling.




Napabuntong-hininga ako. Wala naman pala e! "Nung nagbihis na ako kahapon, nag usap pa ba kayo?"




Gusto ko malaman kung may napag usapan ba sila habang wala ako sa tabi nila. Narinig ko naman kasi ang naging usapan nila nung una, malay ko ba kung may sunod pa pala silang napag usapan nung nagbibihis na ako.




"Hindi na." inosente na sagot niya. Nakatingin siya ng diretsyo sa'kin. "Bakit, may problema ba? Nagkaproblema ba?"




Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ang alam ko lang, wala akong balak sabihin sa kaniya ang mga sinabi sa'kin ni mama kaninang umaga.




Umiling ako. "Wala naman.. baka kasi.." hays!




"Baka ano?" mas lumapit siya sa'kin, curious siya.




"Baka kasi sinabi mo na kay mama 'yung mga kalokohan ko rito sa school!"




Tumawa ako nang malakas sabay hampas sa braso niya.




Napangiti naman siya at tumawa rin. "Hindi ah.. behave nga lang ako kahapon e. Tyaka nakita ko 'yung half sister mo. Mukhang maldita." dire-diretsyo na sabi niya.




Nahihirapan ako ngumiti ng totoo dahil alam kong may tinatago ako.




"Oo nga, maldita talaga siya." tumawa ako ng bahagya, pilit na tawa.




Pero,




Hindi niya 'yon napansin, tumawa lang din kasi siya.




Okay na 'yung ganito. Nakakaramdam man ako ng guilt, ay bahala na. Dapat kong panindigan 'to.




Pero pakiramdam ko, hindi ako matatahimik dahil nararamdaman ko na hahadlang sa'min si mama.




Hindi ko pa alam ang dahilan niya pero sigurado naman ako na darating ang araw na malalaman ko rin kung bakit.



Bakit niya ako pinapalayo kay Rj.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro