Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10


"Liya!" niyakap agad ako ni Thea nang makita niya ako.




"Sakto lang ang pagdating niyo." sabi niya bago kumawala sa pagkakayakap sa akin.




"Rj?" kunot noo na sabi ni Paul habang nakatingin sa likuran ko, sa likod ko kasi ay ang malaking bahay na nina Thea.




Agad akong napalingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya na nakatayo roon at pinapanood kami. Nakajacket siya na color gray at black jeans tapos naka... tsinelas.




"Hoy! Sabi mo hindi ka pupunta?!" sigaw ni Junjun habang nakaturo ang kanang kamay kay Rj. Akala mo ay magsusuntukan na sila.




Naglakad si Rj papalapit sa amin habang medyo tumatawa-tawa siya sa naging reaksyon nina Paul.




"Ang sabi ko, BAKA hindi ako makapunta." sagot sa kaniya ni Rj, nilagpasan niya ako bago tuluyan na nakalapi kina Paul. "Kanina pa ako rito, ang tagal ninyo." reklamo niya.




"Hindi ka naman kasi nagsasabi."




"Tara na! Tara na! Sa loob," sabi ni Thea at pumapalakpak pa.




Automatic naman kami na mabilis na naglakad papasok sa loob dahil sa palakpak niya.




Sa may garden nila kami dumeretsyo, dahil nasa living room nila ang mga bisita ng kuya niya.




"Nakita namin si Xander at Cassie kanina." narinig ko na sabi ni Lou habang paupo ako sa isang duyan.




"Ako rin." sagot ni Rj na ikinagulat ko, dahilan para mapalingon ako ng tuluyan sa kanila.




"Nakita mo rin, Rj?" tanong ni Junjun na nakapatong ang kaliwang paa sa mukhang upuan na bato.




"Ay hindi! Hindi ko nakita!" sarkastiko na sabi ni Rj at ang OA pa ng pag iling-iling niya.




Kauupo ko lang pero tumayo ako para lang magkunwari na tinitignan ang mga damo. Ayoko marinig ang magiging usapan nila na tungkol sa Cassie'ng 'yon, tsk.




"Rj, crush ka ni Cassie, diba?" sabi ni Thea habang may hawak ako na isang dahon.




"H-huh?!" react ni Rj, muntik niya pang madali 'yung vase na nasa tabi niya lang. "Hin--"




"It's a prank!" humagalpak sa tawa si Paul at Junjun.




Prank? PRANK LANG 'YON?!




Binitawan ko 'yung dahon na hawak ko lang kanina at bumalik sa duyan malapit kay Thea.




Gusto ko na marinig ang lahat. Haha!




"Mayroon kasing crush itong si Rj---" biglang tinakpan ni Rj ang bibig ni Junjun.




"Pero ayaw umamin--" napatakip ako sa bibig ko nang biglang sinapak ni Rj ang tyan ni Paul. "Aww.." napahawak si Paul sa tyan niya pero tumatawa pa rin siya.




Binitawan ni Rj si Junjun. Si Junjun naman ang tumatawa ngayon, lumapit siya kay Paul at naghampasan na sila sa kakatawa.




Seriously? Ganiyan ba talaga sila kasaya kapag pinagtitripan si Rj?




"Wala naman talagang gusto sa'kin si Cassie eh, imbento lang 'tong dalawang 'to!" nagkakamot sa ulo na sabi ni Rj at umupo na ulit sa upuan niya.




"Oh, so you two are a liar now?" sabi ni Thea at tinuro niya si Paul at Junjun




Napahinto sa pagtawa si Paul at Junjun dahil sa sinabi ni Thea. Napawi ang mga ngiti nila at nakatinginan sila sa isa't-isa.




"Eto may pasimuno oh!" tinulak ni Junjun si Paul na parang kinasusuklaman niya na ito.




"Eh paano ka nakilala ni Cassie?" kunot noo na tanong ni Lou.




Bingo! Answered prayer!




"Schoolmate, noong elementary." maikling sagot niya kay Lou.




"Schoolmate, hanggang ngayon." pagtatama ni Paul kay Rj.




"Mula noon, hanggang ngayon, ikaw at ako--" napahinto sa pagkanta si Junjun nang sipain ni Rj ang paa nito.




Grabe! Mapanakit pala itong si Rj!




Natawa na lang ako sa kanila. Matapos sabihin ni Rj na imbento lang pala 'yon ng dalawa niyang makulit na kaibigan ay parang may natanggal na tinik sa puso ko at kasabay nun ay ang pag ginhawa ng pakiramdam ko.




Feel na feel ko pa ang pagduduyan ko rito sa garden nina Thea at hindi na mawala ang ngiti sa labi ko.




Ang saya saya lang, bHie! Haha!




Nag blow na ng candle ang kuya ni Thea at nagmeryenda na. Syempre, binati muna namin si Kuya Ben bago kami kumain. Pumunta kami sa isang circle table. Doon kami magkakatabi kumain nina Thea.




Nakikita ko pa si Rj na sumusulyap-sulyap sa'kin habang nakain kami. Ako ba talaga ang tinitignan niya o nag kakataon lang or nag aassume lang ako??




Nawala 'yung iniisip ko nang biglang lumapit sa'min si Kuya Ben, ang kuya ni Thea.




"Oh, hi!" sabi ni Kuya Ben sa'kin nang makita niya ako. "Ikaw 'yung nakikita ko palagi na kasama ni Thea sa tuwing sinusundo ko siya school." ngiting-ngiti na sabi niya.




"Hello po! Opo, ako po 'yun." nahihiyang sabi ko. "Liya po," pagpapakilala ko sa kaniya. "Happy birthday po ulit!"




"Ay salamat!" mukhang masayahin ang kuya niya. May hawak siya na baso sa kaliwang kamay niya at sa kanan naman ay ang cellphone niya. "Feel at home!" bibo na sabi niya at saka pumunta sa ibang table.




Hindi sila magkahawig ni Thea. Wala ang parents nila dahil nasa Manila raw ngayon, may inaasikaso.




"Wazzup, Kuys!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Paul kay Kuya Ben. Natawa naman si Kuya Ben sa kaniya. "Happy birthday po!"




"Tara sa second floor." makapal na mukha na sabi ni Junjun.




Nang matapos kaming lahat sa pagkain. Naisipan namin na sa balcony kami tumambay. 'Yung mga kaibigan kasi ni Kuya Ben ay nagsisimula na mag inuman.




"Alis na kami ng mga 6 o'clock." sabi ni Lou habang naakyat kami ng hagdan.




Hindi ako makalingon sa kanila dahil nasa likod namin sila. Kung lilingon ako ay baka madapa pa ako rito!




"Luh, anong oras pa lang oh." napatingin si Paul sa orasan niya. "Magfa-five pa lang."




"Mabilis lang ang oras." sagot ni Lou. "Hanggang sa hindi mo na namamalayan na may gusto na pala siyang iba."




Lahat kami ay literal na huminto sa paglalakad sa gitna ng hagdan at sabay-sabay na napalingon kay Lou dahil sa biglang hugot niya.




Siya ang nasa pinakalikod, nakatingala siya sa'min ngayon. Tumawa siya, "Joke lang, lakad na." sabi niya na may kasama pang hand gesture.




Nauna kami ni Thea makapunta sa balcony. Kung ano-ano pa kasi dinadaldal ng mga boys kaya ang tatagal nila maglakad.




May nadaanan pa kami na mga picture frames na nakasabit sa pader, namangha pa ako sa ka-cute-an ni Thea noong baby pa siya.




"Bakit parang hindi mo kamukha ang kuya mo?" tanong ko kay Thea, curious ako e.




"Ahh, ang lola ko kasi sa side ni daddy ang kamukha ko. And si Kuya, pinaghalong mommy at daddy." sabi niya habang inaayos ang uupuan namin. "Ang kamukha naman kasi ni mommy ay ang lolo ko sa kaniya. Palaging naiisip ng ibang tao na mukha kaming hindi magkapatid ni kuya Ben pero okay lang. I'm used to it." paliwanag niya.




Tumango na lang ako at umupo na.




"Wait, may kukunin lang ako sa kwarto ko." paalam niya at saka siya umalis.




Naiwan ako mag isa rito kasama ang mga boys.




Biglang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang bigla akong tabihan ni Rj sa kanan ko. May kaunting space pa na pagitan namin pero sapat na para maamoy ko ang pabango niya. Medyo nakatalikod siya sa'kin, sa kanang bahagi kasi ng balcony nagkumpulan sina Junjun, may upuan din doon, doon sila umupo. Kaya nakaharap si Rj sa kanila.




Napatingin ako kay Paul na biglang naniningkit ang mga mata habang tinitingnan kami ni Rj.




"Rj, may space pa rito oh." mapang asar na sabi ni Junjun.




Umiwas agad ako ng tingin dahil naramdaman ko na nag iinit ang mga mukha ko.




Ang tagal naman ni Thea makabalik.




"Kinuha ko lang camera ko." nagulat ako nung nasa harapan ko na pala si Thea, nakatayo. Tumingin ako sa kaniya, kumunot naman ang noo niya. "Oh? okay ka lang?" nag aalala na sabi niya at agad tumabi sa kaliwa ko. "Bakit namumula ka?"




Mas lalong nag init ang mukha ko sa sinabi niya!




"Huh?!" napaurong ako sa gulat at mas nag panic ako nang maramdaman ko na dumampi ang likod ko sa likod ni Rj!




Naramdaman ko pa na gumalaw si Rj nang mapadikit ako sa kaniya. Napatayo na lang tuloy ako! Amp!




Ang bilis-bilis pa ng heart beat ko!




"Hey, are you okay?" tumayo rin si Thea at hinawakan ang kaliwang braso ko.




Hindi ako makalingon kina Paul dahil nararamdaman ko na mas lalo akong mamumula kapag lumingon ako sa kanila.




"O-oo." naglakad ako palapit sa railings at pinatong ko ang dalawang braso ko roon.




"Ow, okay." kumbinsido na sabi ni Thea.




Pasimple akong nag inhale-exhale nang malalim para pakalmahin ang puso ko na nag aalburoto at gusto na sumabog!




"Picture muna sana tayo habang may araw pa." namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Thea kahit nakatalikod ako sa kanila.




"Hindi naman nawawala ang araw." pamimilosopo ni Junjun. "Charot."




Pinatong ni Thea 'yung camera sa maliit at mataas na lamesa na nasa isang sulok.




"Pwesto na kayo." utos niya.




Sapilitan kong inalis ang braso ko sa pagkakapatong sa railings at nakatungo na lumapit kina Rj.




Hindi ko pa alam kung saan ako pupwesto kaya huminto ako sa pinakagitna ng balcony na'to!




"Oy, dito ka!" rinig kong nagkakagulo sila Paul sa likod ko.




"Hindi, ikaw rito. Ako diyan!" nagtutulakan pa yata sila.




"'Wag ka diyan, hindi ka makikita diyan!"




Ang konti lang namin pero nagkakagulo pa sila sa lagay na 'yan?




"Dito na lang ako, ang gulo niyo diyan." napakagat ako sa labi ko nang marinig ko ang boses ni Rj sa tabi ko!




Narinig ko na natawa si Paul na nasa likod ni Rj. "Sus! Gusto mo lang diyan kasi nandiyan si--"




"10 seconds lang timer nito ah!" nadismaya ako sa pagsingit ni Thea. "Okay!!" excited siya na lumapit sa tabi ko.




May tunog kaming naririnig na galing sa camera, 'yun 'yung timer. Naka ready lang kaming lahat at bigla na lang may nag flash na ilaw. Medyo napapikit ako dahil sa liwanag ng flash.




"Omygash! Sorry, nakalimutan ko tanggalin 'yung flash!" tumakbo si Thea palapit sa camera niya at may inayos ulit siya.




Pinalobo ko ang pisngi ko, pinahid-pahid ko ang palad ko sa dress ko, hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko!




"Okay, eto na talaga!" bumalik ulit si Thea sa tabi ko.




Ilang beses pa kami nag picture. 'Yung una ay formal tapos the rest ay puro na wacky.




Nawala ang kaba ko na nararamdaman ko lang kanina dahil sa pagka-excite na makita ang mga pictures namin. Pinalibutan namin si Thea, kulang na lang ay magkapalit-palit na kami ng mga mukha sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.




"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawang-tawa na naman si Paul nang makita niya 'yung pinakauna naming picture with flash. Halos lahat kami ay sumingkit ang mata at si Paul lang ang maayos ang istura. Ang daya!




'Yung mga sumunod na picture naman ay okay lang. Maayos. Hindi maalis ang tingin ko sa itsura naming dalawa ni Rj sa bawat picture. Ang cute lang namin pareho hehe. Hanggang sa napunta na kami sa wacky.




"Mas bet ko 'tong mga wacky!" sabi ko. Naaaliw talaga ako sa mga itsura namin dito. Mas cute ito kumpara sa formal.




Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pinaka last na picture. Magkatabi si Paul at Junjun sa likod namin ni Rj, naka form ng pa-heart ang pinagduktong nilang kamay at nasa ibabaw iyon ng ulo namin ni Rj.




Bakit sila naka ganiyan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro