Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Aria’s POV

Nakaupo ako dito sa may chapel sa hospital habang naka earphone,pinapakinggan ko kasi ang paborito kong OST ng Goblin na Stay With Me.Nakaupo ako dito at hindi ko mapigilang maluha sa pinakikinggan kong kanta,feel na feel ko kasi ‘to hehe.

Kung nagtatanong kayo kung bakit dito sa hospital ang napili ni author na setting sa prologue,ay hindi ko din alam hehe.Basta isang bagay lang ang alam ko,nandito ako dahil kay mama.Kakatapos ko lamang kausapin ang doctor at sabi niya ay pahinga lamang daw ang kailangan ni mama.Dinala ko kasi dito si mama dahil tumaas nanaman ang dugo niya nang makita niya kanina si papa.Naka confine si mama ngayon at nagpapahinga.

Nakaramdam ako ng gutom,oo nga pala hindi pa ako kumakain ng tanghalian.Kailangan kong bumili ng pagkain ni mama.Umalis ako dito sa chapel at agad na hinanap ang daan para makalabas.Habang naglalakad ako at nakikinig sa paborito kong OST ay biglang tumunog ang phone ko.Tinanggal ko ang earphone na naka connect dito at sinagot ang tawag.Tumatawag ang bestfriend kong si Jasper.

“Par!Okay lang ba si tita!?”biglang sigaw ni Jasper sa kabilang linya.

Jusko!Kaloka naman ‘to!Akala mo naman siya ang anak ni mama.

“Aray!Lakas ha!Panic na panic par?”pagrereklamo ko sa kaniya.

“Sorry Aria,I’m just worried.Kamusta na ba kasi si tita?”tanong niya na may halong sincerity.

“Okay naman na s-”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may lalaking bumunggo sa akin.Sa sobrang lakas ng impact ng pagbunggo niya sa akin ay tumilapon ang cellphone ko paitaas.Sa sobrang pagkagulat ko ay naalala ko ang eksena sa pinanood kong k-drama na Descendants of the Sun.Ni flip ni Captain Yoo Si Jin yung phone ni Doctor Kang Mo Yeon kaya ito tumalsik paitaas,kaya nga lamang iba ang sitwasyon namin.Hindi niya sinasadyang mabunggo ako dahilan ng pagtaas ng phone ko.Hindi nga ba?

Nabigla ako sa mga sumunod na nangyari,ganoon nga ang ginawa niya!Katulad na katulad sa Descendants of the Sun!Ako biglang si Doctor Kang ay gulat na gulat habang yung lalaki ay parang si Captain Yoo!Sinambot niya ang phone ko bago pa man ito tuluyang mahulog.Grabe!Hindi ako makapaniwala!Gwapo din siya at medyo kamukha niya si Captain Yoo!Goshhhhhhh!!!!Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang…..

“Miss,are you okay?Why are you shock like that?”tanong ng gwapong lalaki na kaharap ko.

Ha?Bigla akong nabalik sa realidad.Ngayon ko lamang napansin na nakabuka nga pala ang bunganga kong nagpapahiwatig na gulat na gulat ako.Aisshhh!Ka bwisit naman!Nakakahiya naman kay Captain este kuya!

“Ahmm….yung phone ko na sinambot mo?K-kailangan ko k-kasi may ka-kausap ako ehh,”mahiyain kong pagtatanong.Nginitian ko siya habang hinihintay kong ibalik niya ang phone ko.

“What?I don’t have your phone miss.I think you’re mistaken?”buong pagtataka na tanong niya sa akin.

Teka,parang may mali….

Hindi kaya….

Dahan-dahan akong tumingin sa sahig at ‘yon!Tuluyan ko na ngang natagpuan ang cellphone kong kawawa!

Oh my god!Cellphone ko!

T_T

Pinulot ko ang cellphone ko sa sahig at binalingan ang gwapong lalaki na kausap ko.How dare he?Hindi niya manlang pinulot yung phone ko!

“Hindi mo man lamang pinulot yung phone ko!”galit na sigaw ko sa kaniya.

“You know miss,I was running here because of an emergency.I need to hurry at nabunggo kita dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo,”pagsumbat niya sa akin.

Ha!At ako pa talaga ang mali!

“At ako pa talaga ang mali?Ikaw na nga ‘tong nakabunggo tapos ikaw pa ‘tong walang paki-”

“Correction miss!I need to hurry but I turn back!I still approached you to ask you if you’re okay.Pero ikaw ‘tong tulala at gulat na nakatingin sa’kin.Now if you excuse me,I need to go,”pagpapaalam niya.

Wait,what?

Pinigilan ko siya sa pagalis niya nang kinapitan ko ang braso niya.

“Una sa lahat kuyang masungit,kung tumitingin ka lang sana sa daanan na tinatakbuhan mo e di sana mangyayari ‘to.Pangalawa,oo okay ako!Pero yung cellphone ko hindi!”pang aaway ko sa kan’ya.

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya.May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin.Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay sa palad ko.

“Here!Take this!!10,000 pesos,buy a new phone.Dami mong satsat,I need to go,”sigaw na sabi niya sa akin.

This time,hindi ko na talaga siya napigilan.Umalis siya at tumakbo ng mabilis.Pinanood ko lamang siya habang tumatakbo paalis.Ha!

Hindi ko kailangan ng pera!Apology ang kailangan ko!Apology!Bwisit!

Tumingin ako sa perang ibinigay ni kuyang sungit.

“Tss!Gwapo ka sana at maporma,kaso ang sungit sungit mo!Tss!”pagdadabog ko habang tinitignan ang perang hawak ko.

Sana ay hindi na kami magkita pa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #andysixx