Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Nasa taas yong song na pinapatugtog ni Con.

Sana all may abs diba? May abs ba kayo? Meron ako, isa lang. Hahahaha. Sori na agad.

Enjoy reading! Nawa'y icrushback ka.

-

Chapter 4: Abs


SABADO ngayon at walang klase na dapat sana ay pagpapahinga ng sistema ko dulot ng nakaka-stress na mga exam ngayong linggo, pero, marami akong dapat na gawin. Maglalaba pa ako ng mga damit, maglilinis ng buong apartment at gagawin ko pa ang mga projects ng mga kaklase ko. Marami-marami iyon kaya kailangan kong madaliin ang mga gawaing bahay.

Pinihit ko ang gripo at sinimulang maghugas ng plato. Tunog nang lagaslas ng tubig at kalansing ng mga kubyertos ang tangi kong naririnig. Ngunit ang mga tunog na iyon ay halos hindi ko na maulinigan ng biglang may malakas na tugtog ang nangibabaw sa apartment.

Hindi ko maintindihan~
Parang wala namang pupuntahan~
Ayoko na ng ganito~
Nahihirapan na ang puso ko~

Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama.
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga.
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga.

"Con ano ba! Hinaan mo naman 'yan! Hindi ka nag-iisa sa apartnent na 'to!" inis kong sigaw pero walang sumagot. Hindi niya yata naririnig ang boses ko mula rito sa kusina. Paano niya nga naman maririnig diba? Ang lakas-lakas ng music na nagmumula sa kwarto niya! "Con! Ano ba!" Napatakip ako sa tenga kahit na basa pa ang mga kamay. Ang sakit sa ulo ng music! Tae naman ng kalabaw oh!

Hindi ko maintindihan~
Tila tayo'y paulit-ulit lang~
Ayoko na ng ganito~
Nasisira na ang ulo ko~

Oo! Nasisira na ang ulo ko sa nakakabinging tunog na 'to! Inis akong pumaroon sa kwarto niya at kumatok ng ilang beses pero walang bumubukas ng pinto. Kahit yata magkandabali-bali 'tong mga daliri ko ay walang magkukusang magbubukas dito.

Sa inis ko dahil walang sumasagot ay pinihit ko na lang ang door knob ng kwarto niya at walang ano-ano'y pumasok ng walang pahintulot. Kahit nasa loob na ng kwarto niya ay hindi pa rin ako nalalayo sa pinto at nakahawak pa rin sa door knob.

Mas lalong lumakas ang tugtog na pati yata kasulok-sulukan ng tenga ko ay abot no'n. Pati na yata tutule ko ay naiingayan dito at kusang magsisilabasan dahil sa kanya! Kadiri naman ng nasa pinag-iisip ko!

"Con! Hinaan mo 'yang—"

Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama.
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga!
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga.

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil napatakip ang isa kong kamay sa bibig. Napamulagat akong napabitaw sa door knob at napaatras. Napalunok ako ng ilang beses at inaalisa ang nakita. Tila hindi pa ako nito napansin dahil abala siya sa pagpapatuyo ng buhok niya gamit ang tuwalya.

Sa wakas ay napatigil siya nang mapansin ako at ganoon na rin ang panlalaki ng mata niya nang makita akong malapit sa pintuan ng kwarto niya.

Sa itsura niyang iyan ay alam kong hindi niya inaasahang maparirito ako. Sino ba naman kasi ang baliw na papasok ng basta-basta sa kwarto nang may kwarto aber?

"W-what the f*ck? Why are you here?!" sigaw niya at dali-daling tinakip sa pang-ibabang parte ng katawan ang puting tuwalya na pinupunas niya sa mukha kanina lang. "Who the hell told you to enter in my room?!" dagdag niya pa.

Naglakad ito patungo sa pinanggagalingan ng musika at pinatay iyon. Seryoso itong nagtungo sa direksyon ko at matapos na matakip ang tuwalya ro'n.

Tila nalunok ko ang sariling dila sa mga oras na 'to. Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan. Napaigtad ako nang dumagundong ang malalim nitong boses sa apat na sulok ng kwarto niya, tila binuhay ang kung ano sa dibdib ko.

"I'm asking you. . .why are you here in my room? Hindi ka ba marunong kumatok, Ysa?" seryosong sabi nito na may bahid ng inis.

Nangilabot ang buo kong katawan nang marinig sa unang pagkakataon ang pangalan ko sa kanya. Tila nagdala iyon ng kiliti sa tiyan ko at may kung anong nagliliparan doon.

Kumabog nang husto ang dibdib ko sa bawat paghakbang nito. Sa pagkakataong iyon ay gumalaw na lang ng kusa ang mga paa ko. Napaatras ako ng ilang beses pero hindi iyon naging dahilan para makalabas ako ng kwarto niya. Hinanap kong muli ang tinig.

"Uhm. . .a-ano. . .'yong m-music a-ang i-ingay s-sabihin k-ko s-sana n-na p-pakihinaan m-mo," kanda-utal kong sabi.

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil wala itong damit pang-itaas. Tila nawala ang inis ko kanina at napalitan ng kaba. Ano ka ba Ysa?! Umayos ka nga!

"K-kumatok n-naman a-ako k-kaso h-hindi mo yata n-narinig k-kaya p-pumasok na lang a-a-ako," dagdag ko pa.

"So?" nakataas na kilay na aniya. Nasa harapan ko na ito at nakaka-distract talaga ang presensiya niya dahil sa ayos.

Napasulyap ako sa parte ng t'yan niya pero bigla akong nabilaukan ng sarili kong laway. Napaubo ako ng ilang beses at napahawak sa dibdib.

Bakit ba may ganitong katawan ang isang 'to? Highschool pa lang pero may pa-abs na. Napabalik ang tingin ko sa kanya at laking gulat ko na nakangisi ito.

"A-anong-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagsalita agad siya at mas lalong lumapit sa kinalalagyan ko. Kumalabog ng husto ang dibdib ko.

"Nabusog ko ba ang mata mo?" wika niya at hindi inaalis ang tingin sa 'kin habang humahakbang. Halos isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa kaya napaatras ako ng ilang ulit.

"Oo este oo-tut mo! H-huwag kang l-lalapit," utal kong saad.

Bawat paghakbang ko patalikod ay siya namang hakbang niya papalapit sa akin. Nawala ang ngisi nito sa mukha at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Next time, wait for me to open the door. Hindi 'yong papasok ka na lang bigla-bigla sa kwarto ko Ysa. Lalaki pa rin ako," panenermong saad niya. "Paano pala kung ibang lalaki ang nakauna sa 'kin dito sa apartment mo at may balak na masama sa 'yo? Tsk!" inis na dagdag pa niya.

Tama nga naman siya. Ikaw kasi, Ysa, e! Kasalanan mo 'to. Napayuko ako at napalunok dahil para akong batang sinisermonan ng magulang.

"P-pasensya na. . ." mahinang bulong ko.

"Tsk. Tapusin mo na ang mga dapat mong gawin. May gagawin tayo pagkatapos." Napabalik ang tingin ko sa kanya na may nanlalaking mga mata.

A-anong g-gagawin namin? Gagawin ba namin ang bagay na 'yon dito? Paano ba 'yon? Wala akong alam sa mga ganoon! Napasulyap akong muli sa dibdib niya pababa sa tuwalyang nakatakip sa kanyang pang-ibaba. Marahas akong napalunok sa nakitang bumabukol sa puting tuwalya. Gagawin ba namin 'yon? Estudyante pa lang ako, paano kung-

"I didn't like what's going on in your mind, Ysa," anito. Bigla siyang ngumisi. 'Yong ngising aso.

Nangamba tuloy ako kung nabatid ba niya ang iniisip ko. Anak ng tokwa ka naman, Ysa. Ang manyak ng isip mo! Kababaeng tao, e.

"A-ano bang i-iniisip ko? W-wala akong i-iniisip na ma-ma-masama ah!" tanggi ko at mas lalong napaatras.

"But. . .if you insist, mapag-uusapan naman natin 'yan. . ." Tila hindi nito narinig ang sinabi at lumapad ng husto ang ngisi niya.

Sigurado na ako! Siguradong-sigurado na nakuha na nito ang iniisip ko kanina patungkol sa sinabi niya.

Hala, hala, hala! Ang engot mo naman Ysa. Sobrang nakakahiya! Pati tae ko yata na nasa large instestine, e, ikakahiya ako ngayon. Naman, Ysa!

"Manyak! Manyak ka, Con!" sigaw ko at napatakip sa bibig na may nanlalaking mata.

Bigla siyang humagalpak sa tawa. 'Yong tawa na wala na talagang bukas. Nangunot tuloy ang noo ko sa inakto ni Con. Pinaglalaruan ba ako ng taong ito? Kanina ang sama kung makatingin tapos bigla-bigla na lang magiging seryoso, ngingisi na parang baliw at higit sa lahat bigla na lang tatawa nang ganito.

"So, tama nga ang hula ko. Iba ang nasa isip mo." Pinigilan niyang matawa pero mayroon pa ring umaalpas.

Napatitig tuloy ako sa mata nitong nawawala tuwing tumatawa. Napaamang ako. Ngayon ko lang napagtantong ibang-iba talaga ang Con na nakakahalubilo ko sa eskwelahan, kaysa sa Con na nakatira sa apartment ko. Parang magkaibang tao ang kaharap ko ngayon at noong kaklase ko rati.

Napatigil siya nang mapansing nakatulala ako sa kanya kaya napaayos siya nang tayo saka tuhikhim bago magsalita ulit.

"As what I am saying a while ago. . .just to clarify some things that you misunderstood. . .we need to agree with some rules here in our apartment. Para iwas na rin sa mga ganitong sitwasyon. Paano kung nadatnan mo nga ako kanina na walang saplot na kahit ano? Tsk. E di hindi na virgin 'tong katawan ko!"

Virgin? Grabe! May ganoon ba 'yon? Pero, walang saplot naman siya kanina ah? 'Di joke lang, may brief naman siya kahit paano. Yuck Ysa! Alisin mo nga 'yang kadumihan sa utak mo!

"Teka. . . . Anong rules? Aba't!"

"Later. We'll discuss about it. Don't get too excited okay?" Ngumisi siya at bigla na lang sinarado nang pagkalakas-lakas ang pinto ng kwarto niya.

Napatingin ako sa paa ko na nakaapak na pala sa labas ng kwarto niya. Hindi ko napansin na narito ako dahil sa pa-abs niy-pa-rules I mean! Ysa naman! Walang duda, ikaw na 'yong manyak!

Pinukpok ko ang ulo at umiling nang umiling. Naalala ko tuloy ang mga dapat kong gagawin sa araw na 'to kaya napatakbo ako sa lababo. Hala! Hindi ko pala napatay ang gripo! Ganito na ba ang epekto sa 'kin ng abs niya? Tae naman ng kalabaw na orange! Hindi nakatutuwa!

Napasapo ako sa noo dahil sa sitwasyon ng kusina namin. Nadatnan ko ang lalabong umaapaw sa tubig at basang sahig. 'Yan tuloy, dumoble ang gawain ko. Agad kong sinara ang gripo at kinuha ang sponge na nakabara sa butas ng lababo. Kaya pala umapaw. Engot ko talaga.

Kumuha na ako ng balde at basahan para matuyo itong basang sahig namin. Pagkatapos no'n ay ginawa ko na ang ibang mga gawain. Halos wala akong tigil para matapos lang ang lahat ng ito. Hapon nang maubos ko ang mga gawain pati na rin ang mga projects at homeworks na pinagawa sa 'kin ng iba kong kaklase.

Hinilot ko ang balikat para kahit paano ay maibsan ang sobrang pagod. Wala iyon kumpara sa ibang namumuhay sa hirap. Mas triple ang pagod na nararamdaman nila.

Napahawak ako bigla sa malapit na upuan nang makaramdam ng pagkahilo. Pilit kong isinantabi iyon. Ilang gabi na rin na wala akong masyadong maayos na tulog dahil palaging puyat sa mga school works. Tumanggap na rin kasi ako ng mga gawain sa ibang section kaya hayun, tumambak. Pero hayaan na dagdag ipon rin 'yon.

Napainom na lang ako ng tubig sa maliit na kitchen namin at pinipilit ang sarili na magising. Para akong lantang-gulay at kulang sa nutrisyon. Napatigil ako sa pag-iisip at pag-inom nang makitang dumaan si Con sa gilid ko at inabot ang baso at kumuha ng tubig.

Kita niyo 'to. Kukuha na nga lang hindi pa marunong mag-excuse sa 'kin. Hindi niya ba ako nakikita na umiinom pa? Kapag talaga nandilim ang paningin ko ipupokpok ko sa kanya 'tong basong hawak ko.

"Excuse me ha?" sarkastiko kong sabi.

"You're excuse," walang alinlangang tugon nito.

Aba't! Ako ba'y binubwisit nito? Parang gusto kong ipukpok ang basong hawak ko sa mukha niya, ngayon din! Kaso, baka mabasag pa dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya. Sayang naman itong baso. Singkwenta pa ang isang nito ano!

"Are you done?" tanong nito.

Alam kong sa gawaing bahay at kung ano-ano pa ang tinutukoy nito.

"Oo!" ismid ko at nanguna sa living room. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng bigla  umikot ang paligid ko, literal, pero binaliwala ko lang ulit iyon at nagpatuloy hanggang sa makaupo na sa sofa.

Aba't handa. Boys scout! May mga papel at ballpen na nakalatag sa mesa at hinihintay na lang kami para masulatan sila. Ilang segundo lang ay naupo na siya sa harap ko.

"May paganito pang nalalaman. Akala mo naman ri-rape-in kita," biro ko.

Tumiim ang bagang nito at matalim akong tiningnan. Tila may nakikita akong itim na aura sa paligid niya habang nakatitig sa 'kin. Ano bang nasabi kong mali? Napalunok tuloy ako at naging hindi kumportable sa kinauupuan.

"Don't use rape as if it's a joke. You need to be careful of what you are saying. What if you're talking to a rape victim? What will they feel towards you? Be sensitive. Be mindful. Watch your words," seryosong anang boses.

Napahiya tuloy ako. Naitikom ko ang bibig at hindi makatingin sa kanya. Hindi ko aakalaing manggagaling kay Con ang bagay na iyon. Tama naman siya. Napaka-insensitive ko sa part na iyon.

"S-sorry. . ." napapahiyang paumanhin ko. Napatitig na lang ako sa blangkong papel na nasa mesa. Napakaseryoso nang tingin niya sa 'kin na tila kinukwestyon ang sinabi ko. Gusto ko na lang tuloy malusaw sa kinauupuan.

"Anyway, let's start, shall we?" Umiba ang pananalita nito at bumalik sa dati. Nawala ang kaninang madilim na aura nito sa isang kisap-mata. Napatango na lang ako at hindi makapagsalita dulot sa kahihiyan. "Rule number 1, bawal pumasok sa kwarto ng isa't isa."

Napatango na lang ako. Okay naman sa 'kin 'yon ano. Kahit wala namang rules, e, hindi naman ako papasok-pwera na lang kanina.
'Yong six-pack abs niya.

Ano ba itong pinag-iisip ko. Ang halay ko na! Napailing ako at inalis sa isip ang imahe ng naka-topless na Con.

Naramdaman ko na lang na may tumama sa noo ko kaya napatingin ako sa sahig. Nilukot na papel. Naningkit ang mata ko at napatingin kay Con.

"Ba't ka ba nagkakalat? Kalilinis ko lang dito, e!" reklamo ko at pinulot 'yon.

"Hindi ka nakikinig sa 'ki—"

Hindi ko na siya pinatapos pa at nagsalita na agad. "Nakikinig ako sa 'yo! Hindi lang talaga halata!"

"Then, what did I say?" taas-kilay na aniya. Agad akong napaiwas nang tingin sa kanya. Buking ka, Ysa.

"Ha? Uhm. . .ano. . .ano nga ulit ang s-sinabi mo? Nakalimutan k-ko, e."

"Tsk. Sabi ko ilista mo r'yan sa papel ang mga rules na gagawin natin. Maganda sana kaso bingi," taas-kilay na saad niya. Mayro'n siyang binulong sa huli pero hindi ko naman iyon maintindihan.

"Teka? Bakit ako? Ikaw kaya ang nakaisip nito! Kaya, ikaw ang magsulat!" untag ko.

Ikinrus niya ang braso at tinaasan ako ng kilay. Naaalibadbaran talaga ako sa sitwasyon niya ngayon dahil mas malaki pa yata siya sa sofa.

"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa—"

Agad akong nagsalita. "Oo na! Oo na! Hayan ka na naman, e. Ito na magsusulat na, oh!" Kinuha ko ang ballpen at sinimulang isulat ang sinabi niya. "Ano pa?"

"'Yang lang muna."

"Ano?!" Pasusulatin niya ako tapos ganito lang? Kita niyo 'tong isang ito.

"Dadagdagan na lang natin kapag meron na tayong idadagdag. Problem with that?"

"Wala!" matabang kong sagot at niligpit na ang mga papel.

Narinig kong tumawa siya pero hindi ko na 'yon pinansin dahil bigla na lang akong nahilo no'ng tumayo na ako. Agad na nandilim ang paningin ko pero nilabanan ko iyon, ngunit, ganoon na lang yata kagusto ng katawan kong bumagsak sa sahig.

Nawalan ako ng lakas at tila umikot ako sa kawalan. Inaasahan kong babagsak ang katawan sa matigas na bagay pero hindi iyon nangyari. May mga bisig na agad na sumalo sa 'kin pero hindi ko na nagawa pang idilat ang mga mata ko.

"H-hey. Are you all right? What's happening to you? Hey, Ysa. Ysa? Sh*t," huling narinig ko ang boses ni Con hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro