CHAPTER 29
Chapter 29: Escaped
SINUGOD ni Calum ang mga kalaban at isa-isa itong napatumba. Agad niya akong tinago sa likod niya at hinarap ang mga taong nagbabalak sa amin nang masama.
"Okay ka lang ba, Ysa? You need to be careful, they are on different levels."
Naguluhan ako sa sinabi ni Calum na nagpakunot sa noo ko. Ano bang mayroon sa kanila? Ano't ganoon na lang ang kabang nakikita ko sa mukha niya? Na saan na iyong Calum na nakita ko noon sa arena na tawa nang tawa sa kinakalaban niya?
"H-ha? B-bakit?" Ayan na naman ang kuryosidad ko. Gustong-gusto kong malaman kung bakit ganito na lang ang inaasta niya.
Hindi niya pinansin ang tanong kong iyon.
"F*ck! Na saan na ba ang Lolargang 'yon! I can't handle all of them!" inis na bulong niya ngunit dinig na dinig ko naman.
"Cal, sabihin mo! Anong mayroon sa kanila? Ganoon ba sila kadelikado? Alam kong kaya mo sila," kinakabahang usal ko.
Nagsimulang magtayuan ang mga napatumba ni Calum na nagpalaki sa mata ko.
"Ang sarap ng warm up!"
"Bwisit na babaeng 'yon, ah?"
"'Yon lang ba 'yon?"
"Tama na ang laro mga hunghang!" sigaw nang matabang lalaking iyon.
Laro? Laro lang ba iyon para sa kanila? Kinilabutan ako sa sa mga ngisi nila pati na rin sa matabang lalaking iyon.
Ilang ulit na nagmura si Cal pero hindi ko na iyon pinansin dahil may naaninaw akong bulto ng tao sa likod ng mga puno. Tila tinakasan ako ng lakas ng binilang ko ang mga taong nanonood lang sa amin mula sa dilim.
Lagpas sa mga daliri ko ang bilang nilang lahat. Ano't hindi ko man lang ito napansin kanina? Ang pag-aakala ko ay labing lima lang ang kalaban naming lahat.
Palabas lang ba ang lahat ng matabang lalaking iyon na ganito lang ang bilang nila para hindi namin mapansin na marami sila? Namin? Posible bang alam na ni Cal iyon sa simula't sapul pa lamang?
"I can't handle all of them, Ysa. They're not just 15, more numbers of them are in the woods, hiding in the dark."
Mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kabang nadarama. Napasapo ako sa bibig, totoo ngang alam na niya sa simula pa lamang. Ako lang 'yong walang kaalam-alam.
"A-anong gang ba sila?" wala sa sariling tanong ko.
"They are not gangsters, Ysa."
"Ha?"
"What I mean is. . . they are the yakuza's."
Yakuza? Ano ba 'yon?
"A-anong—"
"It's a japanese mafia group. At alam kong si Leo lang ang may kakayahang magpapunta ng mga taong 'to rito. D*mn! Wala ako sa kalingkingan nila! Hindi ko alam kung makakaya ko sila!" Tumingin si Calum sa akin. "You need to escaped! Gawin mo ang lahat para makatakas dito, Ysa. Promise me that!"
Ang tinutukoy niya bang Leo ay 'yong leader ng serpent gang?
"P-pero hindi kita p-puwedeng—"
"Just saved yourself! Don't mind me!" sigaw niya na nagpaigtad sa akin.
"C-Calum. . ."
"Just go!"
"A-ayoko!" pagpupumilit ko pa.
May tatlong sumugod na kalaban at agad niya akong prinotektahan. Napatumba ni Cal ang dalawa ngunit ang isa ay papunta sa akin.
May hawak na tubo ang lalaki na naging dahilan para mapaatras ako. Napalunok ako, ang laki niyang tao. Paano ko 'yan mapatutumba?
Ngumisi ito sa akin.
Lumaban ka, Ysa! Kumbinsi ko sa sarili pero hindi ako nakagalaw. Inunahan na ako ng kaba at na blangko na ng tuluyan ang isip ko. Tila nalimutan ko na ang mga tinuro nina Con sa akin sa ganoong kadaling minuto.
Hindi pa man sa akin tuluyang nakalapit ang lalaki ay pinatumba na ito ni Calum. Sa mga nakalipas na minuto ay pilit akong pinoprotektahan ni Cal kahit siya na itong napupuruhan.
Bakit ba palaging ganito? Pabigat na lang ako palagi sa kanila. Tinuruan nila ako sa abot ng kanilang makakaya pero heto ako ngayon,nakatunganga lang at walang man lang magawa sa pagpapatumba sa mga lalaking ito dahil sa takot.
Nasaan na 'yong lakas ng loob ko? Tila nilipad iyon ng hangin at hindi na bumalik pa. Nakaiinis! Hindi ka pa rin pala nagbabago, Ysa! Napakahina mo pa rin!
Napasinghap ako ng tamaan ng suntok si Cal na nagpatumba sa kaniya. Iilan na lamang ang nakatayong mga kalaban ngunit hindi pa rin nagpapakita ang mga nakatago sa bawat puno.
Tila panonood lang yata ang pakay nila dahil walang ni isang nagtangkang lumabas at gumawa ng ingay.
"Ysa!" sigaw ni Calum na kumuha sa atensyon ko. "R-Run!" Hirap man sa pakikipagbuno sa matabang lalaking iyon ay nilingon niya ako ngunit mali ang ginawa niyang iyon. Sinukmuraan siya ng doble ng laki sa kaniya.
"Cal!" Tumakbo ako papunta sa direksiyon niya ngunit nadapa ako nang may kumapit sa paa ko.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Tao ba ang mga ito? Ano't may malay pa rin siya sa kabila ng pagbugbog ni Calum sa kanila?
Dulot ng pagkaalarma ay agad kong tinadyakan ang mukha ng lalaking iyon at mabilisang tumayo.
"Cal!!!" sigaw ko ng tamaan siya ng suntok at sinipa.
"Run, Ysa! Don't l-look back! You need to escape!"
"P—"
"Tumakbo ka na!" inis na sigaw niya.
Napasapo ako sa bibig ng may nagtangkang pumunta sa direksiyon ko ngunit agad itong kinalaban ni Cal.
"Go! Don't stop running!" dagdag pa niya. "Just go!"
Nangiligid ang luha ko nang hampasin siya ng tubo sa likod na naging dahilan para bumagsak siya ngunit agad siyang tumayo.
Unti-unti na ring nakabawi ang ibang napatumba niya.
"Hihingi a-ako ng t-tulong, Cal," nanginginig man ay inumpisahn kong ihakbang ang mga paa hanggang sa naging takbo ito.
"Habulin niyo ang babae!" rinig kong sigaw ng leader nila.
Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Napalingon ako ngunit mas lalo akong naiyak. Mag-isa lamang siya roon pero pilit niyang pinipigilan ang mga kalaban papunta sa akin.
Rinig ko ang mga daing ni Calum dahil sa mga suntok at tadyak ng mga kinakalaban niya. Napahikbi ako habang tumatakbo pa rin pauwi. Sana ay okay ka pa rin, Cal, kapag nakahingi ako ng tulong.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi man lang lumalabas sa pinagtataguan nila ang iba. 'Di ba ay kasamahan din nila iyon? Ano't nanonood at walang ginagawa ang mga ito?
Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang natakbo ko pero sa kabutihang palad ay walang akong nakikitang humahabol sa akin na nagpakaba lalo sa sistema ko.
Bakit parang may mali?
Napatigil ako ngunit agad ding napatakbo ulit. Dapat ay huwag akong tumigil. Kailangan kong makahingi ng tulong.
Papaliko na ako sa isang kanto at halos mahugot ko ang hininga sa nakasisilaw na liwanag na papalapit sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at halos hindi ko na masundan pa ang sumunod na nangyari.
Naramdaman ko na lamang ang pagtama ng katawan ko sa sasakyang nakasalubong ko at ang paggulong ko sa daan.
Napapikit ako sa hilong nadarama. Nasapo ko ang ulo ngunit nangingibabaw ang sakit sa paa ko.
Nakarinig ako ng iba't ibang mura sa pamilyar na boses ng lalaki na papalapit sa akin. Napaupo ako sa daan at nang minulat ko ang mga mata ko ay nasalubong ko ang nag-aalalang mata ng taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
"C-con," bulong ko.
"Ysa, are you all right? Saan ang masakit? I'm sorry, hindi ko inaasahang lalabas ka ro'n. F*ck," sunod-sunod ang pagmumura ni Con habang inaalalayan ako patayo.
Hindi ko na pinansin ang mga katanungan niya para sa akin. Agad akong napakapit sa braso niya ar mangiyak-ngiyak na tinitigan ito.
Tila bigla ko na lang gusto yakapin siya at umiyak sa braso nito. Nawala ng lang ng ganoon ang kaba ko kanina dahil narito ni si Con at alam kong kaya niyang iligtas si Calum.
"Con, si Calum! Tulungan mo si Calum!" taranta kong saad. "Ang dami nila! Hindi niya kaya lahat iyon! Con tulungan mo siya!" pakiusap ko pa.
"Shh. Okay, okay, we will but before that I will take you home now." Masuyo niya akong tiningnan at inalalayan papunta sa kotse niya.
"Huwag mo na akong intindihin, Con! Si Calum muna! Si Calum! Con, pakiusap!" nangiligid ang luha ko.
"Ysa, calm down."
"Si Calum, Con! Ako ang dahilan kung bakit siya mapapahamak! Ako 'yong pakay ng mga lalaking 'yon tapos. . . tapos—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil bigla ako nitong ikinulong sa mga bisig niya.
Napatigil ako sa pagkakataong iyon. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso niya na naging dahilan para unti-unti akong mapakalma.
"Shhh. Calm down. We will saved him. Huminahon ka lang, okay? Gagawin namin ang lahat para maligtas siya." Hinarap niya ako. "Uwi na muna tayo. Gagamutin natin ang mga gasgas mo."
Doon ko rin napansin na may gasgas nga ako sa braso at napakapdi no'n. Naramdaman ko na rin ang kirot sa kanang paa ko marahil tumama ito kanina sa kotse niya.
Bukod sa mga natamong gasgas at masakit na paa ay wala na akong seryosong natamo. Mabuti na lang ay nakapagpreno agad si Con at hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo dahil kung sakali man ay baka nasa hospital na ako ngayon.
Pinapasok niya na ako sa kotse at ilang minuto lang ay nasa apartment na kaming dalawa. Habang ginagamot ako ay tinawagan niya ang mga kaibigan nito.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina, Con?" basag ko sa katahimikan.
"I'm sorry, I forgot my phone on my dad's office. Binalikan ko 'yon at doon ko nakitang marami kang missed calls pati na rin sa number ni Cal. Agad akong umuwi."
"Pero 'di ba dapat ay doon ka dumaan sa dinaanan namin ni Cal?" taka kong tanong.
"Nag-short cut ako dahil baka nauna ka na sa apartment natin but to my surprise wala ka ro'n."
Napatango na lang ako. "Sabi ni Cal mga Yakuza raw ang mga nakalaban namin. Sinong Leo 'yong tinutukoy ni Cal?"
Kahit hindi ko ipaliwanag ang lahat ay alam kong alam ni Con ang tinutukoy ko.
Napatigil siya sa paggamot sa mga gasgas ko sa siko. "Leo Hashimoto, leader of the serpent gang."
"Pero, bakit?"
"Bestfriend ng ama niya ay isang yakuza. Hindi na bago iyon na gamitin niya ang koneksyon ng ama sa mga yakuza."
"Bakit ganoon na lang ang galit sa inyo ni Leo?"
Kung hindi kasi iyon galit bakit magpapadala 'yon ng mga taong gusto akong saktan? Na halos patayin kami ni Calum kanina. Ganoon na lang kalaki ang galit nito? Anong atraso ko sa kaniya? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya naging kaibigan.
"Because of what happen to his girlfriend 5 years ago," maikling sagot nito na nagpakunot lalo sa noo ko.
"Ha?" Napabuntong hininga si Con at nilapag sa lamesita ang bulak at betadine na hawak.
"Ako ang sinisisi nito dahil namatay ang girlfriend niya noon."
"A-ano? B-bakit? A-anong kinalaman m-mo roon, Con?" Kinabahan ako bigla sa magigung sagot nito.
"I was on the mall that day. Hindi ko naman inaasahang makikita ko ang girlfriend niyang si Miyu. Lumapit ito sa 'kin dahil naiwan ko sa isang bench ng mall ang wallet ko. Nang-aabutin ko na 'yon ay biglang nagputukan sa loob ng mall. There was a shoot-out. Everything was in chaos. I was shocked, of course! Nakatingin lang ako sa mga pulis at civilian na nagpapalitan ng putok. When I turned around para sana hilahin ang girlfriend niya para makalayo, nakita ko na lang na nakahandusay na ito sa sahig."
Napanganga ako sa narinig. Bakit naman sisisihin siya ni Leo gayong hindi naman si Con ang bumaril sa girlfriend niya?
Ginulo ni Con ang buhok. "I was a coward back then. I didn't helped her. I run away to hide and saved my life from danger."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro