CHAPTER 18
"You are not afraid to love, you are afraid that you will not get love back." - unknown .
- put your playlist here -
-----------------------
Samantha's Point of View.
"Mommy, mommy, don't leave me pleaseee!" pagmamakaawa ko kay mommy habang nakakapit pa rin ako sa kanyang paanan.
"Tumigil ka, do'n ka sa daddy mong babaero. Magsama kayo!!!"
"Mommy, mommy, WAG!!!"
"Huuuuhh!!! Ha, ha," I woke up trying to catch my breathe.
Napakapit ako sa dibdib ko. What the heck was that? Bumabalik na naman ang panaginip na yun. Teka, nasa may puno pa rin pala ako at... ang bigat nang GYAAAHH!!! Agad ko syang tinulak palayo sa akin.
"Manyak ka!!! Bakit ka andito sa hideout ko ha? Sinusundan mo ba ko?"
"H-Ha?" Pagtataka nya, while gently rubbing his eyes.
*blink blink*
"Ah! amazona, nakatulog ba ako? Hahaha."
"Anong nakakatawa? Baliw ka talaga," so di nya naalala na nakasandal sya sa balikat ko? "Ehem, buti naman pala."
"Anong mabuti?"
"Ha? Ah, w-wala. Wala ka ng pake dun," sabay irap.
Kinuha ko yung libro na nasa gilid at umalis. Hindi ko akalain na sinusundan nya pala ako ngayon, uugghh!
I faced him while crossing my arms. "Oy teka nga, bakit mo ba ako sinusundan?"
"What the heck are you saying? Iisa lang tayo ng camp kaya malamang," pilosopo nyang sagot.
"Di yun ang ibig kong sabihin, PATPAT!! What I meant to say was, bakit ka napunta dun? Natulog ka rin gaya ko, sinusundan mo ba ko?"
He smirked at me, may paganyan ganyan pa sya pasalamat sya at hindi sya mukhang daga. "Ano na? Wag kang magsmirk-smirk ng walang dahilan!"
"You're such a feeler, hahaha. Di kita papatusin no, hinahanap kita kanina pa at napadpad ako dito sa kakahuyan."
Now I'm confused. "May utang ba ko sayo at hinahanap mo ko?"
"Wala naman, namiss lang kita," sabay kindat.
Waaaaa. Di nato tama, malalagotan na talaga sya ng hininga ngayon na. Umaksyon ako ng isang karate chop, "Yung totoo!!!!"
"Oo na, oo na. Tsk, ang inipin... gumawa ka nang meryenda, gutom na kasi ako. Tara!" hinila nya ako pabalik sa camp.
Ay bwisiiit, may lalaki pa pala talagang ganito no? Ang sarap nyang sakalin at patayin ng paulit-ulit. Nakuuu, kung sya lang sana si James Reid, kahit ganito pag-uugali nya maaatim ko kahit papano.
-_________-
Nung nakabalik kami sa camp, ayun pinilit nya akong gumawa ng sandwich.
Anong sandwich e wala ngang mayonnaise dito o kahit margarine. Tapos magrerequest sya ng sandwich?
"Bakit ba kasi di ka na lang gumawa ng sarili mo? Wala ka bang kamay?"
"Meron, pagodtom ako ngayon. Kaya stop mumbling and start doing," sabi nya sabay patong ng paa sa mesa.
Hinagis ko agad yung kutsilyo sa kanyang paanan. O diba, parang ninja lang. Si Naruto na ba ako no'n? Hindi sya nakaiwas pero wala talaga akong plano na tamaan sya.
"What the eff, ilang beses mo na bang pinagtangkaan ang buhay ko?"
"Never pa, pero papatayin din kita balang araw," pambabanta ko. Pero joke lang yun no. Ang uto-uto nya kasi, sarap asarin.
"Sht, you should never mess with me. Kahit maldita ka, papatulan pa rin kita," seryoso nyang sabi.
Magsasalita na sana ako kaya lang
*duuuuuggg dug dug dug dug*
Naunahan ako ng kaba sa dibdib.
Hala! Ano yun, bakit parang nagskip dibdib ko? O.o?? Lingo lingo, nevermind. Wala lang yun, kailangan ko lang ng exercise. Oo bukas mag-eexercise na ako.
"Hoy! Matagal pa ba?!"
Kian's Point of View.
What's taking her so long. She's dicing and slicing something pero ang tagal nyang matapos.
Nagparinig ako agad. "Tss."
She never looked back. Is she thinking something or someone. "Hoy! Matagal pa ba?"
"Mag antay ka! Ang inipin," pagtataray nito.
Bakit ba ang taray-taray nya. Araw-araw ba tung may dalaw? Sa pagkakaalam ko kasi three days or one week lang naman tumatagal ang mens ng babae -3-
"Wala ka ba talagang sweet hormones sa katawan?" sabi ko sabay pout.
"Gusto mo ba talagang matapunan ulit ng kutsilyo?" uh-oh, mukhang ginalit ko si Amazona. Nagulat ako ng bigla syang humarap. Whooo, akala ko talaga tatapunan nya ako ng kutsilyo pero ibibigay nya lang pala sa kin yung plato na may sandwich.
"O, ayan na your highness!" sarkastiko nyang sabi.
"Ang bagal mo talaga. Tsk," tapos nilamon ko yung pagkain. Akala ko sisigawan nya ako at susumbatan kasi di ko sya pinasalamatan. Pero nag-iba ata ihip ng hangin at di nya ako pinansin palabas. "Anong problema nya?"
Samantha's Point of View.
That dream.
Keeps on haunting me. Ang past ko, kumakalabit na sa 'kin. Haaayyssstt, kung pwede ko lang balikan ang nakaraan. Gagawin ko. Pero mukhang imposible yun.
Bumalik ako sa kwarto namin at binuksan ang aking drawer. I took the only picture that's inside my journal. Pic eto ni mommy kasama si Drake-kababata ko.
Napabuntong hininga ako at napaisip. Kumusta na kaya si Drake? Si mommy? Oo iniwan nya kami, pero di ibig sabihin no'n na di ko na sya mahal at di ko na sya gustong makita kahit kailan.
"Ano yan?" Sumulpot na parang kabute si Ajay sa likod ko habang tinitingnang mabuti yung picture.
Tinago ko agad yung picture sa aking bulsa. "Tss, do'n ka nga. Ano bang kailangan mo?"
Naupo sya na parang isang mahinhin na babae. Mukhang may problema nga eto. "Ayy, ano ba yun ha? Bakit di ka nagsasalita?" Tanong ko.
"Baka kasi hindi mo ako tulungan pag sinabi ko."
Napatingin ako sa kanya ng diretso. "So hinihingi mo na ang tulong ko?" he nodded as a sign of agreeing for what I said. "Ano ba iyon? Five minutes, explain."
Nalito ata sya sa sinabi ko pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Mukhang nagets nya naman agad kaya nagmamadali syang magsalita. "S-Si Jona, mahal ko sya!"
"At?"
"Help me get through her. I'm not a romantic kind of person, kaya naman ikaw-" i cut him off.
"Mali ka ng nilapitan. Hindi ako ang dapat mong istorbohin dyan. Wala nga akong sweet hormones sa katawan diba? Tss, dun ka kay Kian o di kaya kay Ronier, o kay Jessie, baka makatulong sila, but me? I'm helpless and I can't help you."
"Pero kasi-"
"Wala nga sabi akong maitutulong diba? Bingi lang?" Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo nang lalaking to?
"Patapusin mo nga muna ako, pwede??"
"Sige bilis. Hindi pa naman ubos ang five minutes mo."
"I told everyone about this and they said na ang makakatulong lang sa 'kin ay yung taong may experience. E pangalan mo ang sinabi nila kasi daw ang galing mong mag- advice!"
"Ting! Five minutes na. Time's up!"
"Pinakinggan mo ba 'ko?"
Di ako nagreact, di rin ako sumagot. Wala lang.. narinig ko talaga. "Mahal mo pala bakit di mo aminin sa kanya? This is your only chance at wag mo iyong sayangin lang ng basta-basta."
"T-Tama ka, pero di ko kasi alam kung paano. Never pa akong nagkaganito at alam mo naman siguro yun."
"I am not your bestfriend Ajay, Jona is. Mahal ka rin naman ni Jona!" Ayan, ayan na, nasabi ko na. Ang bagal naman kasi nitong dalawa kaya ako na lang ang magsasabi.
Napatingin sya sa 'kin ng super seryoso at parang nagdadalawang isip sa aking sinabi. "S-Sure ka ba?"
I nodded. "At di mo yun alam? Puntahan mo na kaya sya? Andun lang naman siguro sya sa paborito nyang tambayan!" sabi ko habang di nakatingin kay Ajay.
"... sa bahay kubo?"
Ano? Di nya alam? "Bestfriend ka ba nya talaga? At di mo alam ang kanyang tambayan?"
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"
Napaface palm na lang ako ng wala sa oras. "Rambutan tree, gagu!"
Bigla nya akong nilapitan at hinawakan ako sa kamay. "Salamat!! Thank you very much, Sam. Anghel ka talaga!"
"OA mo, dun ka na nga. Puntahan mo na yun, okay?"
Tumango sya at napailing naman ako. Mga taong in love talaga, parang stupido at stupida at ibang-iba na sila kung umasal. Pero hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko kapag andoon na ako sa kanilang sitwasyon.
Nag-aayos lang ako ng gamit nang biglang may kumapit na kawayan sa balikat ko.
"Oy!" - Kian.
Agad ko syang hinampas ng sobrang lakas sa kanyang braso. "Walangya. Wag kang manggulat!!"
"S-Sorry, ang lalim ata ng iniisip mo?"
Inirapan ko lang sya. "Wala akong iniisip, gusto ko lang mapag-isa kaya lumabas ka nga muna, pwede?"
Hinawakan nya ako sa kamay. Waaaa, anong ginagawa nya? Di nya ba alam na harassment ito?
"B-Bitawan mo nga ako! What the heck do you think you're doing?" Feeling ko namumula pisngi ko kasi nag-iinit na nang todo ang aking mukha. Di to pwede!
Nanatiling seryoso ang kanyang mukha kaya binawi ko agad ang kamay ko kaso hinawakan nya iyon ulit. "Sandali, may sugat ka."
Napatingin ako sa aking kamay. Oo nga, may sugat ako. Pero bakit hindi ko ramdam yung sakit? Ang manhid ko na ba masyado para di ko yun mafeel? Para syang laceration sa kutsilyo, nahiwa ko iyong kamay ko? Paano? Magaling naman ako pagdating sa pagluluto ah.
"Masakit ba?" Seryoso nyang tanong.
"H-Hindi."
Nakatingin lang kami pareho sa sugat. "Ang manhid mo naman, di mo napansin na may sugat ka na pala," magsasalita pa sana ako kaso nagulat na lang ako sa kanyang ginawa.
H-HE'S SUCKING MY INDEX FINGER!! O////////O
"A-Anong-"
"Ayan, wala nang dugo," tuwa nyang sambit tsaka sya napatingin sa 'kin nang nagtataka. "Bakit?"
"T-Thanks." I said staring at my wound.
Nagkamot sya ng ulo at hindi nakatingin sa 'kin ng diretso. "N-No prob."
This is a bit awkward, di ako sanay na ganito nya ako tratuhin.
"GUYS! Halika kayo ditoooo!!!" excited na sigaw ni Jessie, hila-hila nya pa si Ron.
"What's happening?" - Kian.
"Eto kasing si Jessie, gustong makichismiss kila Jona at Ajay -_-" - Ronier.
"Halika, punta na tayo!" hyper na sabi ni Kian, tatakbo na sana sya ng mapatingin sya sa 'kin. "Aren't you going to come?"
Bumalik ako sa dati. "Ha? Ahm.. wag na. Mamaya na lang siguro, magluluto pa ko."
"Ha? Mamaya na tayo magluto, Sam!" protesta ni Ron.
"Oo nga, don't stress yourself out," - Jessie.
Magsasalita pa sana ako kaso naunahan na ako ni Kian. "Don't worry, ako na lang tutulong sa kanya," at lumapit sya sa 'kin.
"H-Ha? Marunong ka ba- aray!" Di na nakapalag pa si Ron kasi hinila na sya ni Jessie palabas.
"Tayo na nga kasi, Ronier!"
W-What's going on? -_______-
Jessie's Point of View.
Ang lakas-lakas naman ng lalaking to, ang bigat-bigat pa. Para tuloy akong nagbubuhat ng isang bag ng semento.
Malapit na kami sa puno ng rambutan kaya naman nagtago na kami sa gilid ng katabing puno. Malapit lang kasi 'to sa kinatatayuan nila.
"Jess-"
"Sshhh, mamaya na. Let's listen."
"Hindi ko akalain may pagchismosa ka rin pala," bulong nya pero dinig ko naman.
Napalingon agad ako sa kanya. Wala pang tumatawag sa kin ng chismosa sa buong buhay ko, sya lang nagsabi nun!!
"Hindi ako-" napatigil ako agad nang marealize na ang lapit-lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa.
O////////////o
*dug dug dug duuuuug dug duuug dug dug*
"H-Hala, ano yun?"
"Ano ang alin?"
"Ha? Ah, eh.. wala." Bumalik ako sa pakikinig do'n sa dalawa.
How could this be happening?
------
- Don't forget to VOTE, LIKE, SHARE & COMMENT -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro