CHAPTER 17
"Someone asked me why do i love someone despite for no reason. I answered, if you have reasons to love maybe it will be the reason for you to leave." ( *walang lovelife ~ author )
Playlist: Therapy by All Time Low
-----------------------
AJay's Point of View.
I was not a bad boy jerk before. I have many reasons why I'm like this, and still like this.. it happened two years ago.
- First Year High ( June ) -
Home-schooled sya dati nung elementary. Pero nung nag high school sya, there she was, looking so nerdy and geeky. She maybe a laughing stock for everyone, but, she's different from everyone. Her uniqueness pique my interest so much.
Nakita ko sya nakaupo sa isang bench habang nagbabasa ng pagkakapal na encyclopedia. What the eff, i can't even read the first page or table of contents. Napapagod na mata ko, syempre pati utak ko na rin.
"Hi," i greeted her with my famous smile.
"Hm," nakayuko lang sya. Di nya ba ko nakita? Sa gwapo kong eto? Hahaha.
"I'm Aldrich John Soberano. Ajay na lang for short, ikaw?" pakilala ko.
Nakayuko pa rin sya. "A-Ako si.. ano.. Si Marie Jona Gil, Jona na lang din."
Dun ko narealize na ang cute nya palang mahiya. Hehehe, kukulitin ko sya hanggang maging kaibigan ko to. Matalino pa naman, sya ang magtatawid sa kin sa magandang landas.
Yun ang iniisip ko nang mga panahon na iyon.
- First Year High ( September ) -
Nagkakatuwaan lang kami ni Drake nang may biglang tumawag kay Jona. Nakatitig lang si Jona sa lalaking nasa labas, naghihintay, may dalang bulaklak.
"Who's that?"
"Di mo yan kilala?? Rumors said na nanliligaw daw yan kay Jona, di nya ba sinabi sayo? Noong una, i thought that it's just a joke, but, since I saw it with my own two eyes. Yah, naniniwala na ko," paliwanag nya.
"Sino nga sya e? Ang haba ng explanation mo di mo man lang nasagot tanong ko. Wow ha!"
"Sya si Tristan. Tristan Hyke Salvador."
I heard that name before, a badboy jerk in disguise as a sheep. Agghh! Tss. Nag-uusap lang sila sa may pinto, bakit di sinabi ni Jona sa kin ang tungkol sa kanya?
Tumayo ako agad nung bigla akong pigilan ni Drake. "Oh, saan ka??"
"Kay Jona!"
"Hoy, wag kang gagawa nang ano- hoy!!!" tinatawag nya pa pangalan ko pero di ko na sya binalikan pa ng tingin.
"Uh, sige.. teka lang ha," tumalikod si Jona para ata may kunin pero nakaharang na ako sa daanan nya. Nagulat nga sya e. "Ah, A-Ajay, ikaw pala."
"Oo. Oo ako nga, tss." hinarap ko this time yung Tristan, "Sandali lang pre, saan mo dadalhin si Jona??"
"Ajay-" pagpigil ni Jona sa 'kin.
"Tol, wag kang mag-alala. Di ko sya gagawan ng masama, may pag-uusapan lang kami."
Pag-uusapan? Kumulo agad dugo ko nang di ko namamalayan at hinarap ko si Jona. I need to clarify everything about this. "Jona, ano ba 'to ha? Why didn't you tell me about him?" inis kong tanong.
"B-Bakit ka ba galit?"
"Because-" tumigil ako saglit, bakit nga ba?? Bakit ako nagagalit? "Di ako nagagalit, naiinis ako. Magkaiba yun!"
"S-Sorry, I will explain everything when we get back. May pag-uusapan lang talaga kaming importante."
"Jona, matagal pa ba?" Utas nung Tristan.
"Anjan na, bye Ajay. I promised you, babalikan kita."
Binalikan nya nga ako.. nang matagal naman.
- Second Year ( August ) -
"Tol, long time no see!" bati ni Drake sa 'kin.
"Ang aga aga nambwibwisit ka. Hahaha, balita ko lilipat ka raw ng school."
"Oo tol, alam mo kasi mas maraming chicks dun sa states. Hahaha," pabiro nyang sabi.
Playboy. "Akala ko ba andito first love mo? -_-"
"Andito nga. Kaso mahal ko naman yun, magkaiba yung gusto sa mahal." -- Drake.
I just shrugged. Sabagay, magkaiba nga naman sila pati sa spelling magkaiba din.
"... nga pala, have you realized why you suddenly lose your temper kapag si Jona na ang pinag-uusapan?" taka nyang tanong.
"Oo naman, kaibigan ko kasi sya at bestfriend pa," sagot ko.
Tinapik nya ko sa balikat, "*sigh* Di ko alam na napakamanhid mo pala. Baka ja nai," sabi nya. ( a/t: You're stupid )
Teka, di ko maintindihan yung sinabi nya -.- . "Ah okay," sagot ko.
"Di mo ba naisip na baka may gus ---" naputol ang kanyang sinasabi nung tinawan sya ni tita.
"Tekaaa, na ano na ba kasi?"
"Malalaman mo rin naman yan sa sarili mo. Pagbalik ko na lang, goodbye Ajay ;)" sabay wink. Ayy ewan ko sa kanya, ang tagal nya pa bago makabalik.
- Second Year High ( October ) -
Di pala talaga nanliligaw sa kanya si Tristan. Tinutulungan nya lang yun para manligaw sa pinsan nya at good thing sinagot naman at naging sila until now. I really thought they're up to something. I guess i'm just being too paranoid noong nalaman ko na may ibang lumalapit at kumakaibigan sa kanya.
Kasa-kasama ko sya ngayon sa canteen. Break time namin and since lumipad na papuntang states yung mokong. Kami na lang dalawa yung natira, bff. Pero may gf ako no. Hahaha.
"Um.. anong order mo?" Tanong ko sa aking jowa.
"Ikaw na bahala. Maghanap nuna tayo ng upuan."
Naghanap ako ng mauupuan for three, kaya lang masyadong crowded at table for two na lang ang natira. kaya ang nangyari, dun si Jona sa kabilang banda.
"Thanks Jona, bestfriend nga talaga kita," tumango lang sya at lumipat dun sa kabila.
Nakatingin lang sa 'kin si Iya -- gf ko. "What? Why are you not eating? Diet ka pa rin ba??"
"I didn't know that you treat, Jona like that. Tss, nakakaturn off, Ajay." Lumipat sya kasama si Jona
Hala, anong ginawa ko?? Lumipas ang ilang buwan, nagbreak kami ni Iya. Ewan, sabi nya lang sa 'kin, "its not you, its me." Walangya, anong akala nya sa buhay namin?? Telenovela??
After that, nagpunta akong Odie's Bar at naglasing sa buong maghapon. May tutorial session noon si Jona, pero wala akong ibang makausap kundi sya lang talaga.
"Shaan ka??"
"Sa bahay nila Kris, nagtutor pa ako."
"G-Ganun ba? *hiccup* puntahan mo na lang ako pagkatapos mo jan *hiccup*" sabay baba.
Pinuntahan nya nga ako. Ang galing diba?? Para akong remote control, nakokontrol ko sya kung kelan ko gusto kaso.. kaso... "He likes badboys. Anong panama ko, kung isa akong goodboy?"
Ang sakit Iya, ang sakit, sakit. Tang*na, bakit ganito kasakit nararamdaman ko ngayon. May mas sasakit pa ba dito??
- Third Year High ( Summer ) -
One day, i went home at may binalita si mommy sa 'kin. "Ajay, did you know na pupunta si Jona sa isang camp?"
Camp? "Po?" Di ako sigurado sa narinig ko pero camp sabi nya diba??
"Camp Royalty, where rich kids go there to experience and live a normal life. Sinabihan ka ba nya tungkol do'n?" Tanong ni mommy.
Hindi ko alam na may gano'ng camp. I mean, sino namang mag-iimbento ng ganun diba? At higit sa lahat, di yun ang problema dito. Di na naman nagsabi sa 'kin si Jona na pupunta sya sa gano'ng uri ng lugar.
"Uh.. Opo, she said something about it," palusot ko. Pero ang totoo, wala syang sinasabi sa akin.
"Do you want to go there? Bantayan mo si Jona."
"Ha? Bakit ko naman yun gagawin, di nya naman ako body guard. Kaya na nya sarili nya =.="
Binitawan ni mommy yung kutsilyo. Naghihiwa kasi sya ng kamatis. "Anak, have you ever, ever realize na inaalagaan ka ni Jona since the day you became friends? Ilang beses ka na nyang hinatid dito sa bahay sa tuwing lasing ka, sya palagi sumusundo sayo. Tapos ano lang?? Ni thank you nga di mo magawa-gawa. It's time for you to repay her!! By entering that camp." Nakapameywang na sumbat ni mommy.
Napabuntung hininga na lang ako. Wala akong magagawa kapag sya ang nagsabi. Wala akong interest sa camp na yan pero nakakakonsensya rin tung ginagawa ko sa kanya.
Buti sana kung makakakita ako ng chics.
"Sige po, if that's what you want," walang gana kong sagot.
---
If you want to know more about Ajay's Point of View entitled "No Questions Just Answers" part 2 will be posted on the next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro