Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14


"Music is life, that's why our heart have beats." ( *unknown )

- Somewhere in Neverland by All Time Low -

----------------------

Samantha's Point of View.

Hmmmmm..

What am I going to do now? I'm here staring at the radio doing nothing but... stare.

"What are you doing?" tanong ni Ajay.

"I'm hunting elephants," sarcastic kong sabi. Ang obvious na nga ng ginagawa ko, nagtatanong pa. Stupido talaga.

"Nagtataray ka na naman, that's what I like about you."

Inirapan ko sya agad-agad. "Hindi mo 'ko madadala sa paganyan-ganyan mo. I know your kind at di kita papatusin!"

Before pa sya makapagsalita, ay nope. Before nya pa maibuka ang kanyang bibig. I turned on the radio at pinalakasan yung volume. Timing talaga kasi isa sa mga favorite songs ko ang kantang pinapatugtog ngayon.

Ayan, malapit nang mag-chorus...

( insert song here *Somehere in Neverland by All Time Low* )

"Peter, runaway with me,
I know it sound crazy don't you see what you do to me?
I wanna be your last girl, your last chance.
A better reality,

Peter we can get away,
I promise if you're with me say the word that will find a way
And i can be your last girl, your last chance.
You're everything that I planned. . Oh-" tapos bigla n'yang pinatay.

"Hoy, ano ba. Kumakanta ako dito. Hindi mo ba nakikita?" Asik ko.

"Anong kanta yan?"

"Somewhere in Neverland, dzuuh!" sabay irap. Nakakainis na talaga kasi ang lalaking 'to. Pinipilit nya parati ang sarili nya sa'kin. Todo pilit rin ako na wala akong gusto sa kanya. Mas bagay silang magsama ni Jona.

"tss. Taray! Just be thankful that-"

I cut off his word, "WHAT? What is it? Be thankful na gusto mo ko? Huh? Kung yan lang pala ang pinagmamalaki mo. Don't be, 'cause I am not worth it. I told you before na di kita gusto! Saang parte nung sentence ang hindi mo gets?"

Napipi sya sandali. "Um.. sa lahat?"

"Uuugghh. Mga taong pinanganak na bobo, mamamatay na bobo. Gaano ba kawalang laman yang utak mo? Pati sinabi ko hindi mo gets. Tagalog na nga yun!"

"I know that, I just don't want to sink that in 'cause I know you hate me," seryoso nyang sabi.

Buti naman pala alam nya. "Buti alam mo. Kaya pwede ba? Tigilan mo na yang panliligaw kuno mo sa 'kin, walang patutunguhan yan!" I said while crossing my arms.

"And I told you, hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko. May iba ka bang gusto?"

"Wala nga. Wala!!!"

"...but you said you like someone. Remember?"

Napaisip ako agad. Sinabi ko ba yun? May sinabi ba ako?

-- Flashback --

Nagpapakain ako kay Mallow noong nakaraan and then nilapitan ako ni Ajay. "Di pa luto yung ulam." Yun kasi ang palaging pinupunta nya sa kusina. Pagkain!

"I didn't come for food this time," hinagod nya si Mallow.

"Ah okay. Buti naman, so anong kailangan m??" Wag mong sabihin na pumunta sya dito para lang kay Mallow. Psh, so pathetic.

"Pinuntahan kita, i have to tell you something." Seryoso nyang sabi.

Nag-iba ata ihip ng hangin ngayon ah. "Importante ba yan? Dahil kung hindi, lumayas ka na lang." pagtataray ko. Wala akong panahon makipagbiruan.

"It's.. in between? I like you."

Ano raw? He like me? Talaga lang ah? "Weeehh, wala kong panahon sa biro, Ajay. Di yan pwede sa 'kin," tumayo ako at lumakad kaso hinila nya kamay ko kaya naman tiningnan ko sya ulit. "ANO?"

"It's true, it's kinda rude pero gusto talaga kita. Alam kong di ito ang tamang panahon para sabihin ko ito pero gusto talaga kasi kita." Oh gosh, he's dead serious.

Di ko maibuka ang aking bibig. Yun ang pagkakaalam ko. "I like someone!" diretso kong sabi.

Lumakad ako at iniwan syang nakatunganga. Maybe he's confuse and so am I -________-.

-present-

"Remember?"

I snapped out from my flashback. "Ha? Ah, oo. Oo, naman. Paano ko naman di maaalala?"

"See? You told me, sino nga kasi. If you'll tell me, then I will stop this thing."

"T-Talaga?" paninigurado ko.

"Maybe, if he's worth it? At kung totoo man na sya ang gusto mo."

Aish. Ang daming conditions ng lalaking 'to, could he be any more demanding? (-.-)

"O-Oo, tama, that's right, I like someone else. At hindi yun ikaw. At si ano yun... si-" napatigil ako sa pagsasalita. Sino ba naman kasi ang pwede kong ituro? Si Ronier na hindi ko naman type o si Kian na WALA rin akong mapapala. Hindi ko rin sya kayang patusin.

"Sinooo?" pinandilatan nya pa ako ng mata.

Tusukin ko kaya mata mo ng matigil ka sa kakatanong. Tsk. "Si ano.. si-" nakita ko si Kian na may dala-dalang itlog. "SI KIAN!" sabay turo sa kanya.

Ganito lang sya oh : O________o ?

"S-si Kian? Si Kian gusto mo?" paninigurado nya.

Aba, it looks like he's questioning my type. Nakakababae na to ah. Isa na lang talaga! "Oo naman, may reklamo ka do'n?"

"W-Wala. Talaga lang? Baka naman sinasabi mo lang yan para tumigil na ko."

Oo. Oo naman, tumpak, pero di ko yun sasabihin sayo kasi di ka worth it para bigyan ng explanation. "Um.. hindi ah. Mabait sya, tsaka ano, matulungin tsaka ayun nga nauutusan kahit papaano." Errr. Ang pangit, kabaliktaran lahat ng sinabi ko.

biglang may sumulpot na kabute. "May tumawag ba sa pogi kong pangalan?"

napakapit ako sa dibdib ko, tengeneng oh! Ang seryoso na ng moment namin dito tapos sisirain nya lang. "Di mo ba feel ang atmosphere dito ha?"

"Hindi, ano ba kasi yun? Bakit mo 'ko tinawag?"

"D-Di kita tinawag!"

"Bakit narinig ko pangalan ko?"

"Guni guni mo lang yun. Baliw ka kasi.. Sige na, magluluto na nga ko." umalis ako agad para makaiwas sa topic.

Kinabahan ako do'n. Saglit lang naman pero kakaiba kasi yung kaba ko, iba sa lahat ng kaba. Hindi kaba na magsspeech sa harap ng maraming tao, makipag negotiate sa clients ni daddy, at maglanding ng wala sa oras ang eroplano. Ibang kaba 'to.













Kian's Point of View.

Aish.

Ang lilikot ng mga manok dito sa kulungan. Tapos kinain pa kamay ko, I mean, tinuhik pala. "Aggghh!! Tumigil nga kayo, ihawin ko kayo jan e," pagkasabi ko nun. Nagflap yung inahin na manok. "Ikaw talaga uunahin kong gulgulan ng leeg!"

Tss. Kinuha ko yung mga itlog nya, sensya na pero wala kaming kakainin pag di ko 'to kinuha. Hehehe, tama naman kasi sampu itlog nya. Haaayy, magtitira na lang ako ng apat. Kahit papano, rarami pa sila.

"Aisshhh.. what am I even saying? am I really talking to a hen?"

Lumabas ako nang kulungan at bumalik naman sa pag-upo yung manok sa itlog nya. Goodluck! Pabalik na ako sa camp ng marinig ko yung fav music ko. Well, one of my favorite I guess.

Wala akong nagawa kundi ang mapakanta.

"Wendy we can get away,
I promise if you're with me say the word that will find a way
And i can be your last boy, your last chance.
You're everything that I planned. . Oh-" TANG*NA! Sinong nagpatay nung music?

Tss, nakakabadtrip naman. Nadaanan ko sila Sam at Ajay na nakaupo lang sa balcony. Aba, aba, ang aga naman ata para magpahinga.

Napatingin sya bigla sa 'kin. Anong problema nya? "Si Kian!" tapos tinuro nya pa ko.

Anong ako? Tumakbo ako agad, baka kasi tadtarin na nya talaga ako. At ano na naman ang ginawa ko sa kanya? Sinunod ko naman ang utos nya na kumuha ng itlog ah. Tss.

Pagkatapos kong ilagay ang mga itlog sa lalagyan nito. Pumunta akong balcony, nakita ko pa nga si Jona na nakaupo lang sa likod ng pader. Eavesdropping? "Bakit di ka na lang pumasok? -_-"

"Ha? D-Dito lang ako, ayokong maistorbo."

Aahhh. Nagbabasa pala sya, nagbabasa ba talaga? Pumasok na rin ako at sumingit sa usapan nung dalawa. "May tumawag ba sa pogi kong pangalan?"












Jona's Point of View.

Samantha, likes Kian? Pag ako ang tatanungin, hindi iyon totoo. Ang halata nya masyado at bobo si Ajay kaya di nya yun alam at ramdam. Haaayy, Ajay, kanina pa talaga ako nakikinig sa inyo. Kaya nga lang, mas pinili kong makinig na lang sa tabi. Kesa masaktan na naman ako nang harap-harapan. Ganito nga talaga siguro, kapag nagmamahal ka ng pasikreto, masasaktan ka rin ng pasikreto. At ikaw lang nakakaalam ng nararamdaman mo.

Di ko naman masisisi si Sam, si Ajay ang may gusto sa kanya at hindi sya. Unrequited o one-sided love?

"Bakit di ka na lang pumasok? -_-"

"Ha? D-Dito lang ako, ayokong maistorbo." nagpanggap akong nagbabasa ng libro. Si Kian lang pala.

Di nya siguro alam na sya yung pinag-uusapan nila kanina pa. Teka, asan ba sila Jessie at Ronier?

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro