Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 09



Jessie's Point of View.

Time checked 6:30AM. I need to wake them up now at baka magalit na naman yung boys kapag walang pagkain sa hapag.

Pinuntahan ko si Samantha sa ibabaw. Nasa taas kasi ang kanyang higaan tapos sa ibaba naman si Jona. Akin lang yung extended na kama na nasa ilalim ng double-deck. "Sam, Sam." I tried to wake her up pero mukhang di ata sya gigising. She even took her blanket back.

Aggh. Ang hirap gisingin ng malditang 'to. Si Jona na nga lang, "Jona Jona, gising na pleaseee."

"Ayoko, mamaya na. Yung boys..." tapos nakatulog ulit s'ya. Wala rin, tss. Si Ronier na nga lang at baka makatulong sya.

Pinuntahan ko ang boys room.
*tok tok*

Agad iyong binuksan ni Ronier. Mabuti naman pala at gising na sya ng ganito kaaga kaso ang sama ng bedhair nya. Hahaha, but it looks good on him.

"Bakit, Jessie?"

"E kasi ayaw gumising ni Jona at Sam kaya ako na lang ang tutulong sayo magluto."

Napatingin sya sa kanyang dalawang kasama. "Kaso wala pang panggatong. Kailangan pang gumising nitong dalawa."

Oo nga pala. Yan yung tinakbuhan ni Ajay at Kian kahapon. "K-Kung ganun, if it's okay. Tutulungan na lang kita sa paghahanap ng panggatong." Kahit hindi ako kalakasan, gagawin ko.

"Ah sige, mukha ka namang masculado. Teka, magjajacket lang ako," sabay sara ng pinto.


A-Ang bastos! Masculado ako? Ano ba naman yan! Hindi ako masculado no. Chubby ako pero hindi malaki ang katawan ko. Karapat-dapat ba yung sabihin sa isang babaeng katulad ko? Lumabas rin sya agad matapos magjacket, malamig kasi dito sa cabin kapag umaga until 8AM. Nasanay na rin kami sa lamig at buti nagdala kami ng jacket. Maliban kay Sam na nanghiram lang sa 'kin. Meron naman siguro syang jacket kaso walang hood.


"Tayo na."


Tinitigan ko sya pagkatapos n'yang sabihin iyon. My heart was beating insanely fast. Ang gwapo nya kasi sa jacket nya, bagay sa kanya ang kulay red. But, violet ang favorite ko. "Saan ba ang mga panggatong?"


"Nasa kubo, help me okay? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya."


Tumango ako. Double meaning ata yung "tayo-na" word. What am I even thinking? Erase thoughts, erase, erase.


Binasag ni Ronier ang katahimikan namin. "What should we do? Mukhang ganun na talaga sila, hindi na sila babait pa." Tinutukoy n'ya siguro ang mission impossible namin.


Tumango ako, "Oo nga e, maybe let time managed everything for them."


"Sa bagay."


Nang nakarating kami sa kubo, kumuha ako ng dalawang nakatali na kahoy. Mukhang tinalian na ata nila ito. Tapos si Ronier naman kumuha ng SAMPUNG bunch. Waaa, k-kaya nya ba ang ganyan karaming kahoy?


"M-Mabigat ata yan ah."


"Ha? Hm, not really. Ang gaan nga lang."

Sa bagay, lalaki naman sya kaya malakas. While me? Wala nga talaga siguro, hindi nga ako marunong magwalis at maghugas. Tinuruan pa ako ni Ajay kahapon, si Jona tinuruan akong magwalis. Tapos si Ronier, he taught me how to feed a pig. Ang bigat nung balde kahit two tabo lang ang laman nun. Mas nafefeel ko na ang mga salita ni sir RJ sa akin.


Nang makakuha kami ng sapat na panggatong. Bumalik na rin kami agad sa bahay kaso natutulog pa rin ang dalawa-si Sam at Kian. Habang nagkakape na si Jona at Ajay. Nagbabasa sila pareho ng something.


"Good morning." Bati ko.


"Good morning rin," si Jona.


"Mornin', kape muna kayo," yaya ni Ajay. Napatingin sya kay Ronier pagkatapos, "Tol, kape ka muna. Sinabi ko na kahapon na ako na yung magbubuhat nyan diba?"


"Haha, wag na. Bukas ulit."


So meaning, si Ajay pala talaga. Tss, akala ko kasi.. pwede. "Ako na muna ang magluluto, mukhang ayaw pang gumising ni Sleeping beauty," natatawang sabi ni Jona.


Tumayo si Ajay, "Okay. Magsisibak muna ako ng kahoy," may pastretching pa.


Lumabas silang dalawa, kami na lang ni Ron naiwan. Tungkol dun sa secret mission namin, mukhang hindi na yun imposible pero bakit kailangan pa naming gawin na kami mismo? Wala pa nga kaming ginagawa pero unti-unti nang nagbabago ang apat.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Ronier, anong gagawin ko?"


"Pakigising si Kian, tulog mantika talaga yun."


Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin pero di bale na nga lang.


Pinuntahan ko ang boys room. Tulog mantika nga sya, tapos tulo laway pa. Nakakaturn-off. "Kian, Kian, wake up!" I pulled his blanket pero hinila n'ya iyon pabalik.


"Tss. Maya na!"


"Gising na ano ba!" pamimilit ko pero ayaw n'ya talaga. Paano ba ito? "UMUULAN NA NG MAGAGANDANG LATINANG BABAE!"


"ASAAAANN?!" Natataranta n'yang tanong. Sabi na nga ba. E di gising na gising na sya.


"Nasa kusina, hahaha. Good morning. Tara, tulungan mo kami dun," I pulled him hard. Kahit na lalaki ito, patpatin pa rin kaya keri lang.


Ilang lakaran lang naman ang kusina kaya mabilis din kaming nakaabot.


"Where's Sam?"


"Ang aga-aga sya agad hinahanap mo. Tulungan mo kaya ako rito?" sagot ni Ronier.


Nagmaktol agad si Kian. Bakit n'ya ba hinahanap si Sam?


"Tss, ang unfair. Ayaw nya ba talaga gumising? Bwes, hayaan nyo si lover boy ang gumising sa kanya," presko n'yang sabi.


"Oo na oo na, true love's kiss ang tatalab dun," pabiro kong sabi.


Bigla ba naman syang namula. Totoo ba 'to? Hahahaha. Parang may something na ata ha. "E-Ewan!" Inis n'yang sabi sabay layas.


Ang halata nya masyado. Tsk, tsk. Oo nga pala, I forgot to greet him. "Ronier, alam kong huli na pero good morning nga pala."


Iniwas nya agad ang kanyang tingin sa 'kin. Ay, ano yun? "Good morning rin."














Kian's Point of View.

NagpapaVIP pa tung babaeng na to. Akala mo naman kung sinong maganda! Walang katok-katok sa akin. Agad kong binuksan ang pintuan kasi wala namang lock e.

"Hoy! Babaeng tulog mantika! Gumi-" natigil ako sa pagsasalita nung napatingin ako sa kanyang mukha. Time stopped like it was all in slow motion. Not just me but also my heart.

Bakit ang ganda nyang matulog? She looks like an angel in disguise. Ang itim at ang kapal pala ng kanyang pilikmata. Hindi ko man lang napapansin. Tss, oo na. Para syang walang kasalanan pero kapag tulog lang. Parati nya kasi akong inaaway sa tuwing gising sya. Haay naku, kung hindi nya lang sana ako inaaway, baka nainlove na ako sa kanya... at IMPOSIBLE YUN. She's definitely not my type! Bleh.


"What are you doing?" bigla siyang dumilat dahilan para magulat ako.


Nalaglag ako mula sa hagdan. Tang*na. Double deck kasi. "Waaah!" ayun, una pwet. Ang sakit pero pinilit kong tumayo agad para hindi nya makita.


Tinitigan nya lang ako mula sa itaas. "Buti nga sayo, ang sama mo kasi." Tapos bumaba na sya agad.


"Kagigising mo lang pero inaaway mo na ako agad?"


"Sino ba kasing nagsabi sayo na gisingin mo ako? Panira ka ng umaga e," nilagpasan nya ako saka s'ya lumabas.

Wala man lang good morning? Sinundan ko sya at hinila sa pulso paharap sa akin. "Hoy, batiin mo nga-ayos ka lang?" natigil ako sa pagsasalita nang makita ang kanyang mukha na parang nanghihina.

"Um... siguro," tapos bigla syang nahimatay sa dibdib.


----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro