Chapter 08
Jona's Point of View.
"Nainlove ka na ba?"
Yan. Paulit-ulit na lang sa utak ko, hays! Kahit panaginip lang yun, hindi pa rin ako makamove on.
"Okay ka lang, Jona?" Si Jessie pala, dala-dala si Mallow.
"Um... oo naman." napansin ko ulit na wala na naman si Samantha. "Si Sam?"
Baka kasi nakikipag-bakbakan na naman kay Kian. "Andun sa kusina, nagluluto na naman kasama si Ron."
"Ah okay," kasama na naman pala si Ronier. Sila kasi ang cook dito.
Biglang may pumasok sa kwarto namin. Si Ronier. "Nakita nyo si Kian? Tumakas kasi sa pagkuha ng kahoy e," kamot ulo nyang tanong.
Awtomatikong gumalaw ang katawan ko sa aking narinig at tumakbo papuntang kusina. And I'm right, andun si Kian, nakikipagbangayan na kay Samantha. Napaface palm na lang ako dahil sa dalawa.
"Di mo ba ako nakita ha? Ayan tuloy, anong uulamin natin?" Inis na inis n'yang tinignan si Kian.
May iilang gulay ang nakakalat sa sahig ngayon. Ano ba ang nangyari dito?
"Malay ko bang tatanga-tanga ka. Kita mo na ngang tumatakbo ako!" Hindi rin nagpatalo si Kian.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Duwag ka talagang Bakla ka..."
"Hindi ako bakla. Buntisin pa kita dyan e!
"Anong sabi mo?!"
Nanlaki ang mga mata namin sa kanyang sinabi bago s'ya muling nagsalita ulit. "Ayokong nagbubuhat ng panggatong! Tss. Pulutin mo na lang, pwede pa siguro yan."
Bigla na lang kinuha ni Sam ang sandok at hinampas ito ng pagkalakas-lakas sa ulo ni Kian. Kaya ayun, nawalan s'ya ng malay.
"Istorbo ka kita," yan lang ang nasabi n'ya nung nakahandusay na sa sahig si Ki. Napansin n'ya rin kaming tatlo sa wakas habang nanonood sa may pinto. "Pakipulot ng gulay," utos n'ya at muling bumalik sa pagmixed ng pancit.
Hmm, pag si Samantha na ang magluluto masarap yan. Pinulot namin isa-isa ang gulay na nakakalat. Mukhang nasasanay na kami sa pautos-utos n'ya kaya sumusunod na lang kami. Nag-uutos lang naman s'ya kapag may ginagawa s'yang ibang bagay. Hindi talaga sya utos nang utos.
Dumating agad si Ajay at pawis na pawis na naman. "Oy, luto na ba yan? Gutom na ako, Sam," heto naman parang bata kung makadabog.
Nagsalubong agad ang kilay ni Ms. Maldita. "Ikaw kaya magluto? Kaya mo? Psh, magluto ka mag-isa! Wag mo akong minamadali, Ajay. Itapon ko itong sandok sa pagmumukha mo e."
"S-Sorry po," bumalik na agad sya sa kanilang kwarto. Ang batugan talaga.
"Oy Jona, bestfriends kayo diba? Wala ba syang alam gawin sa buhay?" tanong ni Ronier habang hila-hila ang katawan ni Kian. Kawawa naman.
"H-Hindi ko alam but he's expert in editing. Kaya lang walang pakinabang kasi nasa kakahuyan tayo. Radyo lang meron," sagot ko.
"Sa bagay."
Bukod dun, wala na kong alam na iba pa. Kung tutuusin konti lang ang alam ko sa kanya. Hindi dahil mag-bestfriends kami ay kasa-kasama ko na sya 24/7. Nakakasama ko lang siguro kung sinusundo ko sya sa bar matapos n'yang maglasing.
Hindi nagtagal. Naluto na yung ulam at ako ang inutusan ni Sam para tawagin si Ajay, tutal naman daw ako yung bestfriend.
*tok tok* "Oy Ajay, kain na raw tayo."
Wala man lang sumasagot. "Ajay? Kakain na raw," akala ko ba gutom to? "Ajay, papasok na ko. Ayaw mo namang buksan," I decided to enter the room. At ayun, natutulog lang pala.
Bumalik na lang ako sa kusina. Titirhan na lang namin sya ng makakakain.
"Where's that useless jerk?" si Sam.
"Natutulog pa. Mamaya na lang, hahatiran ko na lang sya nang makakain."
Napatingin kaming lahat kay Kian.
"B-Bakit? Ano na namang ginawa ko?"
Tinaasan sya ng kilay ni Samantha. "Wala naman. Baka lang kasi may gawin ka!" Nilapit n'ya ang kutsilyo sa mukha nito. "Kainin mo pa lahat, malalagot ka sa 'kin," banta n'ya.
"Malalagot? Ha! Akala mo naman magaling," presko nyang sabi.
"What I meant to say is malalagot-an ng hininga!" banta nya. Tapos bumalik na sa dati, "Sige guys, let's eat," magkatabi pa naman sa upuan ang dalawa pero parang aso't pusa kung mag-away ang mga eto.
Tahimik lang kaming kumakain maliban na naman sa dalawa na puro pagba-bangayan lang ang ginawa sa harap ng pagkain. Nag-agawan sila sa karne na nakahalo sa pancit. "Akin yan, ako naghiwa, ako nagluto, ako nagsarsa, kaya akin yan," sumbat ni Sam.
Binawi iyon ni Kian gamit ang tinidor. "Ako nauna kaya akin 'to."
"I said it's mine, nakareserve na 'to para sa 'kin at sa 'kin lamang!" kinain yun agad ni Sam. Gumagaling ata to sa laro ng agawan ah, sya lang ata pumapatol sa kakulitan ni Kian.
"Lunch na ba? Hindi n'yo man lang ako sinabihan," antok nyang tono. Nagising na pala ang batugan, tsaka s'ya agad na tumabi sa akin.
"Paabot ng plato," inabutan s'ya ni Jessie ng isa. Kumuha sya ng kanin at ulam tapos, dinala nya iyon sa labas at mukhang doon ata sya kakain.
"Okay lang ba yun?" Pagtataka ni Ronier.
May problema ba sya? Mapuntahan nga. Tatayo na sana ako kaso hinawakan ako ni Sam sa kamay. "Later will do. Kung ayaw mo, dalhin mo na lang ang food mo. Masamang pinaghihintay ang grasya."
"Um... oo," kinuha ko ang aking plato tsaka ko pinuntahan si Ajay sa sala na nakikinig nang radyo.
"Patabi." Hindi sya sumagot, silence means yes. Naupo ako sa kanyang tabi. "Problema mo?"
"Wala ha. I just want to be alone, thinking time and self time," walang gana nyang sagot. Aba, bago yun ah.
"Marunong ka pa lang mag-isip? Hahaha," natatawa kong sabi. Ano kayang iniisip nya?
"I'm thinking about falling in love. Ang sabi mo kasi nainlove ka na. Pero hindi ko man lang alam kung kanino, I feel being left out as your bestfriend."
WHAAATT? So meaning, totoo nga yung ano? Hindi yun panaginip? Agghh, nakakahiya naman!!! Sht. You don't have to know, because its you. He expects so much from me at feeling ko nga tinatraydor ko na sya. I hate this bestfriend thingy! Hindi kami magiging bestfriend turn to lovers na gaya ng nasa pelikula. That's insanely impossible.
"Ahahaha ano ka ba? Sa 1D ang ibig kong sabihin, hindi ko naman akalain na todo isip ka dun, ahaha," palusot ko. Mali ako *facepalm*
"T-Talaga? Akala ko talaga meron," he sighed. "Sabagay, geek ka kaya normal lang naman siguro na hindi ka mainlove sa isang gaya ko..." What? "At gaya nila Ronier and Kian. Haha, Louie Tomlinson pala gusto mo xD"
Aish, sabi na nga ba. Walangya talaga, akala ko pa naman sya na yung ano... hays. Expectations be like...
"Ano ka ba, masyado mo kasing sineseryoso ang maliliit na bagay," nakakangiti pa pala ako kahit masakit. Bakit? Bakit ako nakakangiti habang nasasaktan?
Crush ko sya pero bakit? Maybe it's better this way :'(
Jessie's Point of View.
Kanina pa ako nakasilip dito sa may kahoy na pader. Ang tagal kasi nilang matapos kumain, e si Ajay ang nakatoka sa hugasin. Naabutan ko silang nag-uusap kaya naman hindi ko na lang sila inistorbo pa.
Bigla namang may nagsalita mula sa aking likuran. "What are you doing?"
"I-Ikaw pala, Sam. Parang seryoso kasi ang pinag-uusapan nila."
"Tawagin mo na, baka pag-ibig yan. Walang kwentang topic," di naman sya bitter nyan no?
"B-Bitter ka ba?"
Nagsalubong agad ang kanyang magandang kilay nang sabihin ko yun. "Nope. Of course not, I'm not bitter. Sadyang wala lang talagang magandang naidudulot ang pag-ibig na yan, tsupi yan sa buhay ko," may paalis effect pa sya.
"Ah, alam kong wala sa lugar kung itatanong ko eto sa iyo pero ni minsan ba naramdaman mong in love ka na?"
Napatingin sya sa 'kin. "Look, love is lame and to tell you the truth..." matagal syang natahimik bago sumagot. "I've never been in love before so I don't know exactly what to say." Tsaka s'ya bumalik sa loob.
Napatunganga na lang ako sa kanyang sinabi. Seryoso ba sya dun? May mga tao pa palang hindi naiinlove sa totoong buhay. Hm.. love? Naramdaman ko na siguro yun pero nakalimutan ko na din dahil sa sobrang tagal. I forgot how kilig feels.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro