Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 07



Samantha's Point of View.


~ grumbleeeesssss ~


Shit. Gutom na gutom na talaga ako, gusto kong magluto kaso wala na akong lakas para gawin yun. May loafbread naman siguro, that's right. Maybe I should toast it, pero yung nangangamoy bacon kasi parang hinihila ako papuntang kusina.


Kinuha ko muna yung gitara, before I go. Pero hindi ko alam kung kay Jessie o Jona 'to. Gusto ko munang kumanta, ayoko namang magalit sa taong iyon dahil hindi kami close.


(A/N: isipin nyo na lang po na si Sam talaga yung kumakanta. Kaboses nya si Chrissy Costanza)


"Look at this photograph,
Everytime I do it makes me laugh,
How did our eyes get so red
And what the hell is on Joey's head ~"


Dun lang muna. Gutom na talaga kasi ako. I went to the kitchen and found out na may pagkain sa mesa. Uwaaa!! Godbless to me, I'm such a lucky child talaga.


"B-Baka naman para eto sa iba?" Pero bahala na. Kumain na sila tapos ako hindi pa at ayoko namang mamatay sa gutom.


I saw a letter beneath the plate. It's for me!


*My payback to Sam. Eat well*


I sat on the chair at kumuha ng kanin. Bacon nga!!! Tinikman ko sya ng konti. Kaso di kasing sarap ng akin pero di bale na. Gusto ko talagang kumain. The one who made this is an angel.


Pasasalamatan ko talaga 'to ng marami mamaya.





~ Boys' Room ~


Kian's Point of View.


"A-Aray. Dahan-dahan nga, Ronier." Ang sakit kasi ng sugat mula sa kutsilyo. Ang liit kaso ang hapdi.


"Magtigil ka nga, reklamo ka ng reklamo dyan," habang patuloy sa paggagamot. "Ano ba kasi ang nangyari ha? Kanina sinuntok ka tapos ngayon sinuntok ka na naman? Nakaka two points ka na sa isang araw."


"Psh, wala kang pake. Patuloy mo lang yan, aray!"

Kainis naman kasi ang mga 'to. Pinilit pa akong magluto kahit hindi ko naman gusto. Hindi lang yun, nasugatan pa ako dahil sa babaeng yun. Sana naman hindi sya sumusuka dahil sa lasa, pagtikim ko kasi masyadong maalat. Pusta ko, di nya yun mauubos. Ang arte nun e, sa oras na 'to siguro reklamo na yun ng reklamo tungkol sa pagkaing hinanda ko.


"Ano bang iniisip mo?" Tanong n'ya.


"Si Samantha," walang malay kong sagot. Bigla ba naman akong tinitigan. May sinabi ba ko?


"Um... Okay."


After Ronier treated my wound. Pumunta ako sa kusina at chineck ang pagkain. Baka hindi nya pa kinakain kaya ihahatid ko na lang sa kanyang kwarto. Hindi ko inaasahan ang aking nakita pagdating ko doon. There was a letter, wag kayong assuming. Hahaha.

Nakalagay dun...


Thanks for the food, it's salty but it's good :).
-K


"So sa kanya 'to galing?" Pasasalamat through a letter? Ano pa bang aasahan mo Kian e hindi nya nga alam na ikaw nagluto nung bacon. Aish, tanga!!


Well, I just hope na nagustuhan nya kahit papaano.













Samantha's Point of View.


Asan ba si Ronier? I need to talk to him and thank him na rin siguro for saving me and my stomach. Nakita ko syang papunta sa pig pen, mukhang magpapakain na naman siguro nang baboy.


"Oy, Ronieeeerrr!" pagtawag ko sabay kaway. Buti at napansin nya ako kaya kumaway din sya pabalik. "THANK YOU NGA PALA!"


He was confused. He's giving me the confused look this time. Bakit, di nya ba alam ibig kong sabihin?


"PARA SAAN?" he shouted back.


"PARA SA BACON. IKAW ANG NAGLUTO NUN DIBA?"


Hindi ko akalain ang naging reaksyon nya. He shook his head sidewards. Ha? "S-SINO?" sigaw ko ulit.


"SI KIAAAN!" tapos nagsign sya nang 'magpapakain-muna-ako'.


I was stupefy that time. Shteng naman, sa lahat-lahat ba naman ng taong magluluto nun yung patpatin pa talaga? Grrrr, ayoko, nakakaapak ng pride. Hindi ko sya kayang pasalamatan. Never ko syang pasasalamatan in my entire existence no! After he called my specialty a trash? Asa pa sya!


Naglakad-lakad ako papuntang kakahuyan. Nakuuu, maliligaw na naman ako nito. Walangyang mga paa pero bumalik rin ako agad. Natauhan kasi ako bigla at kailangan ko na pa lang matulog.

Habang pabalik ng bahay nakita ko si Kian na nakatingin lang kay Ajay habang nagsisibak ng kahoy. Wow ha, ang laki ng naitutulong nang lalaking 'to sa buhay namin. Napatingin sya sa 'kin, inirapan ko sya agad-agad in a major major way. Uniwas rin sya agad ng tingin. Baliw talaga!


Bigla na lang lumapit si Jona sa 'kin. "*sighed* kung di lang sana sya insensitive no?"


Tinitigan ko sya ng masama. "Ha? Sulpot ka nang sulpot, dun ka nga!" sita ko.


"Alam mo nakakainis minsan yang katarayan mo e. Buti na lang at mahaba ang pasensya ko sa mga taong gaya mo."


Nakuu! Ang sabihin nya nagbabait-baitan lang sya kasi gusto nyang hiramin ang mga libro ko. Ganyan lahat ng tao sa paligid ko, kaya ako naiinis at nagtataray para matirang matibay! Tunay na kaibigan ang kailangan sa mga taong gaya ko at walang tumatagal nang ilang araw. O diba? It's a test of courage and faith.


"Well, I'm sorry. I wasn't born to please you," at pumunta ako sa balcony. Nakakapagod pa lang magpanggap minsan.


Tumabi sa 'kin si Kian. Kapal talaga ng mukha, mas makapal pa sa puno ng acacia. Hindi ko sya pinansin kahit alam ko na may gusto syang sabihin akin.


"Aagghh, if you want to say something just say it!" I said, breaking our silence.


"Baka ikaw meron!!"


Aba, aba, aba!! Ang kapaaaaaaal talaga. Akala mo naman may utang na loob ako sa lalaking 'to. Never!! Wala, none! As in N-O-T-H-I-N-G!


"You know what. Kung nilapitan mo lang ako para inisin? Bwes, napaka effective kasi naiinis na ako kahit wala ka pang ginagawa!" naiinis na talaga ako promise.


He scratched his head at parang nagdadalawang isip sa pagsasalita. "I just wanted to say- s-s-SOUR!"


Napatingin agad ako sa kanya nang nakakunot ang noo. "Ano?"


"S-S-Soury?"


"Baliw ka ba? Alam mo nakakailan ka na e. Wala kang kwentang kausap! Bye!" aalis na sana ako kaso he suddenly pulled my wrist. Nakatingin lang ako habang hawak-hawak nya yun. "A-Ano nga? Sabihin na kasi!" I stuttered?


Walang paligoy-ligoy, walang confusing statement, walang flowery words nyang sinabi ang salitang... "Sorry."


Nabigla ako sa pagiging seryoso n'ya. Masyado syang seryoso. Hinila ko agad ang kamay ko pabalik. "H-Ha? A-Ano bang pinagsasasabi mo ha? Nababaliw ka na talaga no? D-Dyan ka na!"


"Teka lang. Di ako papayag na iwan mo akong nakatunganga lang dito. Ano? Wala ka bang sasabihin sa 'kin?"


"Ano ba ang dapat kong sabihin sayo? Salamat kasi pinagluto mo ako matapos mo akong gutumin at sabihang basura yung luto ko? Ay naku wag na oy! Bahala ka dyan!"


"Sorry na nga sabi diba? Di ka ba nakakaintindi?"


At ako pa ngayon ang hindi makaintindi? "Ako pa? Kung hindi mo lang sana dinescribe na basura yung specialty ni mommy edi sa-" I paused for a bit. Sinabi ko ba talaga yun? "I-I... Nevermind," and then I stormed out in the balcony. Bumalik ako sa room ko at nahiga.


* dug dug dug dug dug dug dug *


Ayaw nyang tumigil. Actually, kanina pa talaga sya mabilis. Mukhang kulang ako sa exercise, is this what they called.. arithmea?














Jona's Point of View.


I've read too many books but, Samantha's collection are so so good. "Hey!" May bigla na lang sumulpot.


"Ay kabayo!" sabay kapit sa aking dibdib. Hinampas ko sya agad. "Walangya ka, kabute ka na ba ngayon?"


"Eto naman masyadong nerbyosa. Di ka pa naman matanda!"


Hindi naman talaga. Batang-bata kaya ako, malabo nga lang mata. "Ano ba kasing kailangan mo? Kita mo nang nagbabasa ako ng libro!" nasa bahay kubo ako ngayon. Yung maliit na barong-barong. Presko kasi tsaka mahangin.


Inagaw nya ang libro ko mula sa 'kin. "What the hell is this?"


"Give me that, matatalino lang ang nakakarelate sa ganyang bagay!" sabay agaw.


Binalik nya sa 'kin ang libro ng walang kahirap-hirap. "Oo na, ikaw na matalino!" sarkastiko nyang sabi.


May problema ba ito sa 'kin? Sabihin nya kasi hindi yung paligoy-ligoy pa. Nakita ko si Jessie na may dala-dalang balde. Mukhang magpapakain ata s'ya ng baboy. "JESSIEEEEE!" sigaw ko, mabuti at narinig n'ya.


Kumaway rin sya sa 'kin. "Bakit mataba ang baboy?" tanong nya. Anong nakain nito?


"Because all they have to do is sleep, bath and eat."


"Hmm... bakit dapat ikulong ang baboy? Pwede namang talian sa leeg."


Seryoso? "Agh. Walang chain ang kasya sa leeg ng baboy."


Ang dali-dali ng mga tanong. Wala bang mahirap? Hindi ko inasahan ang sunod n'yang tanong sa akin. "Have you ever been in love?"


We both made an eye-to-eye contact. What should I do? What should I say? "Oo," tipid kong sagot.

-

"Haaaaa!" Nagising ako bigla, hawak-hawak ang aking dibdib. Patuloy na kumakarera ang aking paghinga.


It It was just a dream? Napatingin ako sa aking kamay. It looks real and it feels real.

-x



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro