Chapter 06
Kian's Point of View.
Bakit ba ang kukulit ng mga babae? Tanong sila nang tanong, pag di namin sasagutin, magmamaktol. Di naman kasi namin alam ang isasagot. Tapos magwwalk out.
"Required ba talaga silang mag-walk out nang mag-walk out?" inis kong tanong.
"Pre, mga babae sila. Normal lang na maging OA nang walang sapat na dahilan," sagot ni Ajay.
Napabuntong hininga na lang kaming tatlo. Wala naman kasi kaming magagawa sa kaOAhan nang girls. Maliban na lang kung... naaaahh. There is no big way na tutulungan ko silang hanapin ang malditang yun lalo na't tinapunan nya ako ng sandok. Muntikan na kong magka heart attack. Hahaha joke lang, healthy ako no. Healthy!
"Uy Kian. Tirahan mo si Sam ha," sabi ni Ronier.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Anong tirahin?"
"TIRAHAN! Tirhan mo si Sam," pagdidiin n'ya sa kanyang sinabi.
Nabingi pala ako!
Hindi ko namalayan na patuloy pa rin pala ako sa paghigop ng sabaw. Ang sarap kasi ng chopsuy n'ya. Nakakapanibago lang.
"Ha? Kailangan pa ba? Baka busog na yun," pagmamaang maangan ko.
"Pre, tirhan mo yun! Baka magalit yun sayo," isa pa tung si Ajay. Akala ko ba kakampi ko sya rito?
Patuloy pa rin ako sa pagkain at pag-ubos nung sabaw. "Bahala kayo, gutom ako. At kabayaran na rin 'to sa pagtangka nya sa buhay ko."
"Pagtangka? Tol, sandok lang yun. Ang gaan sa mukha."
"Oo nga naman, Kian, isa pa, kung di mo sya pinakialaman sa pagluluto kanina, hindi nya naman yun gagawin kaya di mo sya masisisi."
Ugh.
Sige, kampihan nyo ang babaeng yun. Pero huli na ang lahat kasi naubos ko na yung sabaw! Huh! Tingnan lang natin kung gaano sya katinding magalit. I smirked.
Samantha's Point of View.
Gutom na ako at niisa sa kanila walang pumunta sa 'kin sa kakahuyan? Tsk, sunduin nyo ako mga tangina kayo. But, since this is my fault. Babalik na lang ako mag-isa. Bakit ba kasi ang daming punong kahoy sa lugar na 'to. Wala pang signs. Maglagay kaya ako? Tss, ang daming lamok!
Maya-maya nakarating na ako sa bahay. Ako pa naman nagluto nung chopsuy tapos di ako makakakain, its too unfair diba? Bumungad sa 'kin si Jona.
"Bakit ngayon ka lang?" aniya
Dumating sa buhay ko...
"Bakit ba? Tsk, kumain na ba kayo?"
"Oo at mukhang wala nang natira.”
"WHAT! AT HINDI N'YO MAN LANG AKO TINIRHAN?" I shouted.
Aah! Papatayin ko talaga kayong lahat, e. Kainis, mamamatay na siguro ako sa gutom dahil dito.
"Tinirhan ka namin, kaso kinain ni-" I cut Jona's words off.
"MALLOW? Kinain ng aso?" inis na inis na talaga ako. Hindi nyo dapat ako ginugutom ng ganito, malalagot kayong lahat sa 'kin.
"Hindi. Hindi si Mallow, mas masahol pa sa aso."
Namumula na ko. "Sino nga ang nagsabi?"
Biglang sumulpot yung boney guy, si Kian.
"Chill ka lang, nawawala ang ganda mo. Namumula pa ang ilong at tenga mo sa galit." ngisi n'ya.
At natutuwa syang galit ako? Abaaaa! Labanan na ito at hinding-hindi ko sya uurungan.
"Hoy!? Hindi hinihingi ang opinyon mo rito kaya wag kang mangialam. Andito lang yung conversation line oh!" nagsign pa ako ng pagkataas taas na linya sa pagitan namin.
"Si Kian," malamig n'yang sabi. "Sige, una na ako. Baka kasi mag-alburuto kayong dalawa d'yan. Ayoko pa namang madamay," nagwalk out sya agad.
Sinamaan ko sya ng tingin. "IKAW? You ate all the food? The course? My exquisite delicacy? Ikaw kumain? Ang siba mo naman masyado sa lagay mong yan ah!"
Oo na ako na ang masungit, mataray at maldita.
"E sa nagutom ako, e. May magagawa ka?" ismid niya.
"Ha! Ang sabihin mo, nasarapan ka kaya mo naubos pati pinggan!" presko kong sabi.
"Ano? Pinagtyagaan ko nga lang yung lasa tapos ganyan ka pa. Pasalamat ka nga may kumain pa sa basura mo."
B-Basura? He just called my specialty na basura? Okay, that's it. Nakakababae na 'to. Uupakan ko na talaga sya.
Hindi na nga ako nakapag-pigil pa. Ayun, dumudugo na ang kanyang ilong at ngipin at nasa sahig na sya ngayon. "Sabihin mo yan sa mukha mo. Specialty yun ng mommy ko at tinuro n'ya yun sa 'kin kaya pwede ba, don't you dare call my Chopseuy a basura!" sabay pasok sa kwarto. Iniwan ko lang syang nakabulagta.
"Uh, Sam-" boses ni Ronier kaso di ko na pinansin pa.
Inis na inis akong naglakad palayo sa kanya. Nakakabwisit, ayoko na dito. Lalo na sa lalaking yun.
Kian's Point of View.
Fuck! Hindi lang sya basta babae, napaka amazona nya pa! Nilapitan ako ni Ronier.
"You okay?" nilahad nya sa akin ang kanyang kamay.
"Sa tingin mo?" tinanggap ko iyon at tumayo habang iniinda ang sumasakit kong nguso. "Tomboy ba yun?"
"Hindi. Bakit kaya hindi ako pinansin nun?” tawa niya.
Alam nyo, kanina pa sya tawa nang tawa. Mapunit sana bibig nito no?
"Thanks?"
Lumabas mula sa kwarto si Jessie at pinanlakihan ako ng mata. Ay hindi, malaki na talaga mata nya, "W-What happened? Bakit ka may dugo?!" Natataranta n'yang tanong habang nakatingin sa gwapo kong mukha.
Dugo? I wiped my mouth at oo masakit nga. Ngayon ko lang nalasahan ang sarili kong dugo.
"It's just a scratch."
"N-Nagsuntukan ba kayo, Ronier? Bakit mo yun ginawa ha? Tell me?"
"Hindi ako ah, why would I punch him for no good reason? Oy, Kian, sino ba kasing nagpatumba sayo?"
"Yung amazonang si Samantha," sagot ko at nagpatuloy sa pagpupunas.
Gulat sila noong sinabi ko. Both of them glanced at each other.
"Did I hear it right?" paninigurado ni Ronier.
"Oo. May gamot ba kayo? Di ko akalain na sya pa unang makakagalos sa gwapo kong mukha."
"S-Sa kwarto, may first aid kit kami dun." Boluntaryo ni jessie.
"Ay naku wag dun! May amazona sa kwarto nyo!" ayoko talaga dun. Nakakatakot ang babaeng yun, e. Sirain nya pa ng tuluyan ang mukha ko.
-Kwarto ng Boys-
"Ang kalat naman ng kwarto nyo," unang komento ni Jessie nang makapasok sa room namin.
"Sensya na. Gusto nyo nga pala pink," I said, sarcastically.
Pero napakalinis ng higaan ni Ronier kumpara sa amin ni Ajay. Bakla kasi yan, kaya ganyan.
"Bobo, ang sabi niya makalat. At hindi lahat ng babae pink ang gusto." napatingin kami sa nagsalita. "What happened to you?"
"Ikaw pala, Jona. Napaaway sya kay Sam kaya ayan," paliwanag ni Jessie.
Heto namang si Ronier gamot lang ng gamot sa sugat sa bibig ko. Sumasakit palagi kapag nilalagay n'ya ang cotton but, I will never shout. I'm a guy, not a gay!
"Maybe she has her reasons. She won't kick your ass if you haven't done anything to her?" - Jona.
Tss. Ayan na naman ang matalino. "Ano ba kasi ang ginawa ko? What exactly did I do to her?"
"You know exactly what I mean, Kian. Ang manhid mo naman, ikaw kaya umubos sa lahat ng ulam na tinira namin para sa kanya. Sya yung nagluto kaya deserve nya na matirhan but, look at what you've done. Inubos mo lahat” paliwanag nya.
Hindi ko yun alam.
"Dahil lang dun? Ang babaw masyado," sabi ko pa.
"D-Di naman kasi yan pababawan ng rason. Mom always say that you should treat a girl right, their hearts are too fragile. Even if they're as tough as diamonds. Malay mo may nasabi kang masama sa kanya kanina at di mo lang yun narealize," sabi ni Jessie.
Ang corny talaga ng babaeng 'to.
May nasabi akong hindi n'ya nagustuhan? I always watch my words and think before I speak.
"Gaya nang ano? Psh," hindi pa rin mawala-wala sa mukha ko ang inis sa babaeng iyon.
"Gaya nang pagdedescribe as basura sa chopsuy nya," sulpot ni Ajay na pawis na pawis pa.
At saan sya nanggaling? Agad n'yang nilapitan si Jona.
"A-Ang baho mo, lumayo ka nga. Maligo ka!" iritadong sabi ni Jona habang nagtatakip ng ilong.
"Ewan ko sayo. Mabaho na kung mabaho, basta gwapo pa rin," binalik nya ang kanyang tingin sa 'kin. "Pre, wala ka talagang sensitive hormones. Ang sarap kaya nung chopsuy, ikaw nga yung nakaubos kaso tinawag mong basura. Ganyan ba ang masarap sayo? Basura?" napapailing pa s'ya na parang dismayadong-dismayado sa ginawa ko.
Totoo ba yun? Parang ang labo, napaka-liit na bagay pinapalaki nya pa.
"Ano ba ang gusto nyang gawin ko? Lumuhod ako sa kanyang harapan?"
Inakbayan ako ni AJay. ANG BAHO NAMAN PUTSPA!
"Pre, alam kong wala kang sweet hormones sa katawan. Pero kasi babae pa rin si Sam kahit tomboy s'ya. Kaya kung ako sayo, lulutuan ko sya," suhestyun niya.
"Agree!" they respond.
I sighed deeply, edi ako na ang masama at manhid na lalaki. Naku, nagkautang na loob pa ako sa amazonang yun!
Tumayo ako at umalis ng kwarto.
"Sa'n ka?" si Ronier.
"Kusina," tipid kong sagot.
Naririnig ko pa ang mga tawanan nila. Kabago-bago pa lang namin dito at pinagtatawanan na nila ako agad? Ang sasama talaga ng mga yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagdating ko doon. Pero may bacon na sa ref kahit wala naman eto kanina.
"Oh well. I must try."
Samantha's Point of View.
Correct me if I'm wrong pero bacon ba yung naaamoy ko? Saan yun nanggagaling gayung wala naman kaming bacon sa fridge? Oh well, my imagination always goes wild kapag gutom ako.
Gutom na ako.
x—x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro