Chapter 05
Ronier's Point of View.
"Tol, magluto ka na," sabi nung Ajay kay Kian.
Nakatunganga lang si Kian habang nakatingin sa ref. "Tss, ayoko, kapagod," sabay pasok sa kwarto.
Haaayy, kung makakasama mo ba naman ang mga mayayaman sa iisang bubong. Wag na lang siguro no?
"Ikaw jan, tol, alam mo ba?" sa akin na naman s'ya nagtanong.
"Oo."
Tinapik nya ko, "Kung ganun magluto ka na. I'm also tired, mukhang taga dito ka naman kaya sige na."
At sa akin n'ya pa talaga binigay yung responsibilidad sa pagluluto!
"Royals royals di naman marunong magluto," pagmamaktol ko.
"Tsk, tsk. Walang magagawa yang pagmamaktol mo," bigla na lang s'yang sumulpot at tinulungan ako kumuha ng mga gulay at karne. "No bacooonn?!" sigaw nya.
Hindi n'ya ba alam? "W-Wala. Puro gulay at karne ng baboy lang. Kung gusto mo nang bacon, gagawa tayo."
"Ha? Um... No thanks, ako na lang ang gagawa ng sarili kong bacon. Gawa ka rin kung gusto mo," sabay sara nung ref.
Pinaglihi ka ba sa sama ng loob Samantha Anj Reid?
"S-Samantha, diba?"
"Yup.. I'll slice the cabbage and carrots, today we will make chopsuey. At kung ayaw nila, magluto sila mag-isa," tugon n’ya.
At nagsimula na syang maghiwa ng mga gulay. AMBILIS NYA NAMAN MAGSLICEEE! She's an expert. Akala ko ba puro lang s'ya cutics at paganda. May ibubuga ka rin pala sa pagluluto Samantha. Hindi nakapagtatakang pinadala ka rito kaso ano pa ba ang babaguhin ko sa kanya?
"Um.. okay sige," nagsimula na rin ako sa paghiwa ng sibuyas at garlic.
Konti lang naman at pampalasa na rin. Ako na rin yung gumawa ng apoy, walang gasul. Merong kalan at uling tsaka gas para mapadali ang lahat.
Sanay ako sa mga ganitong bagay kasi nakikitira lang ako kina uncle noon noong wala pa akong trabaho bilang cook, sideline lang naman but, still, ang laki ng sweldo ko.
Bakit nga ba ako napunta rito? Hindi kami mayaman, oo. Pinapunta ako rito para tumulong. Yun lang at sa isang rason na hindi ko maaaring sabihin sa kahit na sino sa kanila.
"Ronier, ilagay mo lahat ng ingredients kapag kumulo na," mag-ookay na sana ako nung may sumingit sa usapan.
"Nang-uutos ka na naman, palautos ka talaga," - Jona.
"So? Ugh, whatever. I don't have time for you, pay my attention na lang next time!" patuloy pa rin sya sa paghihiwa ng karne. Wala syang arte, akala ko pa naman maarte sya kung may dugo o wala.
"Psh, ang galing mo naman pala. Di mo man lang sinabi," pagpupuri ni Jona.
Di sya nakatingin kay Jona habang sumasagot. "Lakampake! Lumayas ka nga jan kung puro saway at pagpupuna ang pinunta mo rito."
"S-Sorry, pumunta ako dito para magsorry about kanina. Well, can I borrow your book?"
"Kunin mo kung gusto mo, istorbo."
Ngumiti si Jona sa kanya kahit di nya yun nakikita. Wow, ganyan ba mag-usap ang mayayaman? Royalty vs. Royalty? Para akong nasa PBB.
Lumabas si Jona at kami na lang ni Sam ang natira sa kusina.
"Alam kong wala ako sa lugar para sabihin 'to pero-"
"Buti naman alam mo," mataray nyang sagot.
Di pa nga ako tapos e. "Let me finished first, tss. Pero, ang bait mo pala."
Tumigil sya sa paghahalo ng mga ingredients. "Tss, masama ako. Maldita ako, yan ang tingin sa 'kin ng ibang tao. Kaya wala ka nga sa lugar na sabihin yun, kasi di mo naman ako kilala," tapos bumalik sya sa paghahalo nung chopsuy.
Hindi. Mabait talaga sya, bakit ba sya nagpapanggap na maldita? Alam kong mabait sya, but, it's still to early to say that. Biglang pumasok si Ajay at Kian sa kusina. Ang lapit lang ng kwarto at kusina, maririnig mo nga pinag-uusapan namin e.
Biglang binuksan ni Kian yung ref na parang may hinahanap. "Aba, di nyo ginalaw yung karne ah? Anong papakain nyo sa 'min? Damo?"
Sasagot na sana ako kaso narinig ko bigla ang pagkatapon ng sandok papunta kay Kian. Buti at hindi sya tinamaan.
"Ahahaha, sayang at di pa bullseye. Wala ka rin pala Samantha!" tawang sabi ni Ajay.
S-Si Sam nagtapon nun? Hindi ba sya takot na makatama ha? Nakakatakot.
"W-Why did you throw that laddle to me?" si Kian. Alam kong nagulat din sya.
Kahit nga ako nagulat sa ginawa nya. Pwede ko bang bawiin yung sabi ko kanina ha?
"Pake mo? Tsaka bakit ka ba mareklamo ha? Natulog ka na nga lang e, then gigising ka na para kang hari dito at uutusan kami? Ano ba sa tingin mo ha? Nakakain ang mga damo, para sa mga kambing na gaya mo! And excuse me, para sa kaalaman mo, masarap itong chopsuey ko. Kung ayaw mong kumain edi wag, mamatay ka sana sa gutom!!! Magluto ka mag-isa!" sabay lakad paalis. "Bwisit! Ronier, pakihain na lang!"
Ah, tinawag nya ba ko? Natauhan ako bigla.
"Um... oo sige," sagot ko. Kinuha ko yung sandok malapit kay Kian. Hahahaha, priceless ang reaksyon nya bro.
"Wait, hindi ka ba natatakot sa amazonang yun, Ronier?" si Kian.
"Bakit naman? Tao rin naman sya, hahaha."
"I don't have time for your lame jokes. Sagutin mo nga ako ng maayos kasi nagtatanong ako ng maayos dito."
Ang hangin talaga. Akala mo naman hari, "Opo, your highness." Sarkastiko kong tugon. Bago ko pa sya sagutin may sumagot na para sa akin.
"Because she's nice," si Jessie.
Saan ba sya galing? Kanina ko pa 'to hinahanap, nag-usap na kaya sila ni uncle este sir tungkol dun?
"Hi Ronier," pagbati nya sa 'kin.
Sya lang talaga ang bumabati sa 'kin ng ganun kahit royalty sya.
"H-Hello."
"Aaayyy, love birds ba 'to? Ang corny naman, d-yan na nga kayo, nakaka-ampalaya. Halika na nga Kian!" Inis na tugon ni AJay sabay akbay sa kanya.
"Di tayo close uy!" Maktol ni Kian.
Ahahaha, dinamay nya pa yung mas masungit sa kanya. Ayan tuloy.
Umalis na nga silang dalawa, kami na lang ni Jessie ang naiwan. The silence was not awkward but anong pag-uusapan namin?
"May kailangan ka ba? Di pa kasi luto yung-"
"H-Hindi yan ang pinunta ko rito." pabebe nyang ngiti. Ang cute lang kasi. "Ano... if it's okay with you, ayokong makipag-cooperate ka sa secret mission na 'to." seryoso nyang sabi.
What?! Nagpunta sya dito para sabihin lang yun sa 'kin. Para akong nareject ng wala sa oras ha? Di ako makakapayag.
"Look, I know you're selfish but, wag mong dalhin dito. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Jessie," tumayo ako para ihain yung chopsuey. "Please call the others, kakain na tayo."
"Okay fine! I will let you help me but, still you don't have the right to say that to me-"
Ngayon, ako naman ang nagcut off. "Excuse me, but you don't have the right to speak to me like that. Kapag andito ka sa camp, simpleng mamamayan ka lang."
She sighed. Hindi ko alam na may pagkabata rin itong si Jessie. "Okay and I'm sorry. Like I said, I'm going to call the others."
I smirked at her and said. "That's a good girl."
"D-Don't treat me like a kid!" inis nyang sabi.
Jessie's Point of View.
Agh.
Alam ko naman na wala akong kwenta, kaya nga binigay nila sa akin itong misyon na 'to para magka-kwenta ako. Kaso ang bastos ng lalaking yun, nakakainis si Ronier.
Papasok sana ako kaso lumabas na ng kwarto si Jona. "Kakain na raw," sabi ko.
"Ah, okay," sinara n'ya ang kanyang binabasang libro at tinignan ako nang may pagtataka. Bakit ka galit?"
Ha? Halata ba?
"I-I am not angry. Paano mo nasabi?"
She pointed my eyebrows. "Halos hindi mapansin-pansin ang eyebrows dahil sa kanipisan nito pero ang halata mong magalit kasi namumula ang mukha mo. So tell me, bakit ka galit?" She repeated.
"Naiinis lang ako, nakakainis kasi si Ronier."
She only smiled at me. "Okay, I will not say anything. Mauna na ako sa mesa"
Kinatok ko ang kwarto ng boys at lumabas na rin yung dalawa. Okay na pala, si Samantha na lang ang hindi pa nagpapakita. Ahm... saan ko sya hahanapin?
Bumalik ako agad ng kusina at nadatnan silang kumakain. "S-Saan nga pala si Sam?" tanong ko sa kanila habang nagtatakang nakatingin sa akin. Hindi nila ako pinansin, aagh!
"Guys, ano ba?" sigaw ko.
Gulat nila akong tinignan.
Napatakip agad ako ng bibig. Omosh, di pa ako sumisigaw sa buong buhay ko.
"S-Sorry, wala kasi si Samantha sa room namin kaya naman..." nahinto ako saglit dahil hindi naman nila ako binibigyan ng pansin. Bwiset na mga lalaking ito, ayaw akong tignan. "Ako na lang ang maghahanap sa kanya." Nagwalk out na ako.
Walang pag-asa. Di namin matutupad yung mission impossible dun sa apat. Hahanapin ko na lang si Sam mag-isa.
Jona's Point of View.
Mukhang nainis ata yun. Ang sasama naman kasi ng mga kasama ko dito. Hindi ko narinig ang tanong nya kasi naghain pa ako ng kanin.
"Anong sabi nya?" tanong ko.
Walang sumagot. Tss, oo nga pala. Di kami close ng mga 'to. "Hoy, Ajay. What did she say?"
"Nagtanong sya kung asan daw yung maldita," sabay kain.
Nilapag ko padabog yung kanin sa mesa. "You know what? Ang babakla nyo rin no? Wala kayong ibang inatupag kundi ang kumain, sana mabulunan kayo kakalamon ng mga gulay. Si Samantha pa naman nagluto nyan tapos di nyo sya hahanapin? Hindi nyo rin sinagot ang babaeng yun!" inis kong sabi.
Oo walang preno ang bibig ko kasi likas talaga akong mabunganga.
Hindi sila nagreact or nag-respond. "MGA BAKLA! Bahala kayo jan!" magwwalk out na sana ako nang biglang nagsalita ang payatot na 'to.
"Tss. Ang ingay mo naman, you should respect the food. Tsaka isa pa, di naman namin alam kung asan sya at kung saan sya hahanapin. Kaya paano namin sya sasagutin?" Pilosoping sagot ni Kian.
Napatingin ako kay Ronier. "May sasabihin ka? Sabihin mo na!"
Para akong naghahamon ng away. Alam ko naman kasi na may gusto syang sabihin.
"Babalik rin naman sya kapag nagutom."
Isa pa ito! Kaloka. "Ewan ko sa inyo!"
Napaisip ako dun. Matatalino lang ang nakapag-iisip, di bale na! I continue walking. Hahanapin ko rin talaga sya kahit tarayan n'ya pa ako.
x—x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro