Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04

Sam's Point of View.

"Tss, no computers, wifi, TV and gadgets, tsaka inumin, paano kami mabubuhay?" Bulong-bulong ni Ajay.


Aayy, kanina pa ako naririndi sa kanya ha?

"Tch. Kaya nga andito tayo diba? Hello? Look at our situation, alam naman namin na lumaki ka sa yaman, ang arte mo naman. OA ka pa, you thought you're someone special but you're just a useless bad boy jerk! Kanina ka pa reklamo nang reklamo e hindi pa naman tayo nagsisimula. I think it's better if you will just get out!" inis kong sumbat. Sorry, pinanganak akong maldita. Nakakairita eh!

Tumahimik na lang sya. Mabuti naman, ayoko kasi ng maiingay.

"Gaya nga ng sabi ko, magkasundo-sundo ka-," someone cut his words off.

"Hindi namin yan masisiguro sir, she already gave him war. Mahihirapan kaming magkasundo-sundo. Hindi naman po ito PBB na makikipagplastikan ka para mapanalunan ang premyo." Ani ni jona.

Buti naman alam mo, kasi wala akong balak makipagkaibigan sa inyong lahat!!! "I should lock my room!" mataray kong sabi.

"Uh-oh, you can't do that Sam. I know na madalas kang magkulong sa kwarto mo, reading books, pedicuring your nails, pero di mo na yan magagawa dito." Pagbabawal ni kye.

"Agree ako kay Sam, we should put locks on our door at kanya-kanya dapat kami ng kwarto." -- Jona.

See? Kahit papano, may pinagkakasunduan kami. I think she's royal. I looked at the girl who wears pink dress, masyado s'yang elegante.

"Ikaw? Pipi ka ba?" mataray kong tanong.

She was shocked. Oh God, tatanga tanga ba sya?

"Um... I'm not really okay with that. Dapat tayo maging magkaibigan kasi nasa iisang bubong lang naman tayo simula ngayon, at hindi natin alam hanggang kailan," inosente nyang sagot.

Nagtinginan kaming lahat at tumawa. Ahahahaha.

"AHAHAHAHA! S-Seriously? Royalty ka diba? I think? But you're acting like you're being ordinary, ahahaha. Can't you see? Magbabait-baitan ka, aabusuhin ka." Sabi ko.

"Ahahahaha, miss, you're being too kind. Imposible yang sinasabi mo," sabi nung Kian.

"He's right, wala tayo sa isang fairytale. You're not Snow White, I am not Cinderella and she's not Belle," sabi nung Jona habang nag-aayos ng gamit.

Napabuntong hininga na lang si sir Kye sa inaasta namin. Ahahaha, sabi na nga ba.

"No locks, no own rules, only cabin rules and no fighting!!!!" sabay padabog na sinarado ang pinto.

Nagtinginan kaming anim. I hate this kind of plot, pumasok na ako sa loob. May double deck dun at ako yung nasa ibabaw, ayoko na nasa may sahig at lower deck. Ayoko dun, baka may ipis o daga sa ilalim no.

Pumasok yung elegante.

"Hey, what's your name anyway?" I asked.

"A-Ako si-"

"Jessie, pinapatawag ka ni sir RJ," singit ni Ronier sa usapan.








Jessie's Point of View.

Uwaaaa. Nakakatakot, nakakatakot yung mga kasama ko sa bahay. Mommy, uwi na ako jan oh, pleaseeee. Pinapatawag pa ako nung head. Maybe i said something kanina at di nila yun nagustuhan.

I knocked at the door when I arrived.

"Sir." Pumasok na rin ako sa loob.

Ang ganda ng office kahit gawa lang sa kahoy. E mamahaling kahoy naman siguro ‘to.

"Bakit po?"

"Jessie, I heard about what happened, and I would like to say.sigur
Ayan na, pagagalitan na nya ako. "THANK YOU!!”

Huh?

"P-Pero..." Akala ko pagagalitan niyo ko?

"Tsaka, I deeply apologize para dun sa apat. Jona, Ajay, Kian and Samantha, matitigas talaga ulo nun at sanay sa marangyang buhay. But, still, they're not bad people. Kailangan lang natin palambutin ang mga puso at kaluluwa nila lalo na si Sam. Kaya sya pinadala ng dad nya kasi palautos sya at napakamaldita talaga. Pero promise, mabait talaga yang bata."

"Opo. But, why are you telling me this?"

Tumayo sya, "Why? Maybe you can tame the four? I guess?"

what? Me? "N-No way, I can't do that. Kung alam n'yo lang po ang nangyari kanina, I became their laughing stock."

"Kaya nga pabor, sige na naman o pleaseeeee. Pleaseee, may makakatulong ka naman. Si Ronie."


Wow lang ah? Bakit sya pa sa lahat?? "Um... baka po di okay sa kanya kaya wag na lang po. Kaya ko pong mag-isa."

Sir smirked at me. "I knew it, tama nga ang sabi nang mommy mo. Ayaw mo ng tinutulungan ka kaya gusto mong mag-isa. Kaya ka walang friend, hahahaha. Di bale, marami naman kayo sa cabin."

Di ko alam pero, natamaan ako sa sinabi nyang yun. Masakit na katotohanan nga naman.

"Sige po, I'll accept your challenge." I confidently said, like it was the best decision I've ever made.

"Good!! I knew it, si Jona, mahinhin yan, pero pag may lumabas sa bibig n'yang salita lagot ka. She's smart and a tutor pero self-centered masyado, unica hija kasi. Next, Ajay, may kumpletong pamilya kagaya kay Jona. Magbff sila, kaso lasinggero at booze addict yan. He's a bad boy and he is not smart."

"Sunod, si Kian, suplado sa simula pero pag nakilala mo na hindi talaga yan masama. Mapang-asar yan at napaka maloko. Eto dapat ang baguhin mo, si Sam. Gaya nga ng sabi ko kanina, palautos yan at wag mong hayaan na may mautusan s'ya. Maldita kasi kaya hindi nadadala. Yung apat na binanggit ko sila lang yung may napaka di magandang ugali, pero mababait talaga yan sila promise."

"Paano kami ni Ronier? Bakit kami andito sa camp na 'to?" Curious ako sa tingin sa akin ng ibang tao.

"Si Ronie? He's ordinary you know, at lumaki sya sa hirap. Kasa-kasama ko na sya simula pa lang. Oo mabait sya pero, masyado syang emosyonal at OA. Ikaw, ano pa ba sa tingin mo?" I shrugged. I don't know why exactly. "Then I'll tell you. Andito ka kasi ang dami mong dapat baguhin sa sarili mo, wala kang alam na gawaing bahay Jessie, niisa. At kung tutuusin, mas may kwenta pa yung lima kesa sayo."


Gyaaahh!!! Ang sasakit naman nun, pero totoo kasi nga truth hurts. "I-Is that so?"

"Yes, it is. Si Jona, tutor, si Ajay, expert sa pag-eedit, si Kian, nagpapalakad ng bar, si Ronie, marunong mag-alaga ng mga hayop, si Samantha naman, palautos nga pero madiskarte sa lahat ng bagay. Compare to those five, ikaw ang pinaka walang kwen-" naputol s'ya nung biglang may kumatok sa pintuan.

Walang kwenta ako... diba??

We stared at her. It's Samantha, "Do you need something Sam?"

"You don't have to tell her those kind of hilarious thing about her, sir," sabay lapag nung papel. "That's my form, nakalimutan mo kasi!"

"Uh, I'm sorry, hahaha. Matanda na talaga ako."

"You bet," she looked at me. "Hey, what's your name again?"

Di nya pa rin pala yun nakakalimutan? "J-Jessie."

"Jessie? Di bagay sayo," gyaaah. Ang prangka mo naman masyado. T_T Mommy uwi na po ako! Napatingin s'ya kay sir. "At wala kang karapatan para sabihan sya na wala s'yang kwenta, you don't know her, sir," dagdag nya. "A person already knows her own imperfections before anyone can tell her that she's being imperfect." Malakas n'yang sinara ang pinto.

Imbes na mainis ngumiti si sir paglabas niya. "She's nice," I whispered.

"Sinabi mo pa. Kaya lang, matigas talaga ang ulo ng batang iyon!"

Pero kahit ganun, mabait pa rin naman sya, diba?

Bumalik ako sa camp at ang tanging nadatnan ko lang ay si Ronier na nag-aayos nang mga panggatong na kahoy.

Kahoy gagamitin namin? "Um..." Wala akong alam kung ano ang dapat kung sabihin sa kanya.

Napansin nya ata ako na nakatayo kaya sya lumingon agad sa akin. "May kailangan ka?"

Magsalita ka Jessie, ipaalam mo sa kanya ang secret mission nyong dalawa.


"Ah, kasi, may nasabi ba sa iyo si sir Rj tungkol dun sa apat?" Dire-diretso kong pahayag. Whooo, ang galing ko naman.

He nodded. "Oo, alam mo na? Okay lang ba sayo?"

"Oo, nice meeting you, Ronier diba?" paninigurado ko.

"Yup. It's nice meeting you too, Jessie." he bowed to me. nakakahiya. Di ko dapat dinadala pagka prinsesa ko dito. "Bakit?"

"E wag mo nang gawin ulit yun ha. Yung mag-bow," paalala ko.

"S-Sige, kung yan ang gusto mo," at nagpatuloy sya sa pag-aayos ng kahoy.

"Ah kasi Ronier, m-may plano ka na ba para sa secret mission natin?"

Lingo lang sya ng lingo. Mukhang wala pa, kailangan kong mag-isip ng plano para dun sa apat. Sana nga lang maging kaibigan ko sila.

Welcome to me sa Camp Royalty.

x—x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro