Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03


Jessie's Point of View.

Hanggang ngayon, di pa rin namin alam ang pangalan nung magandang babae.

"Tss, haaay naku! Makakasama natin sa iisang bubong ang dalawang yun?" Di makapaniwalang tanong ni ajay

"Do you have a problem with that, Ajay?" taas kilay nyang tanong

"Di naman sa ganun, Jona. Ang akin lang naman, sana marunong silang makisama sa 'tin."

"Ano bang akala mo sa camp na 'to? PBB?" at sinamaan nya ng tingin si Ajay.

I just heaved a deep sigh. Sila pa nga lang di na nagkakasundo, paano na lang kami diba? At nasa iisang camp lang kaming anim, buti pa itong si Ronier, napakatahimik.

Napatingin sya sa 'kin pero nag-iwas rin agad. Gutom na ako, wala bang makakain rito?

"A-Ang tagal ni sir RJ!!" sigaw ni Ronier.

Waaaa! First time yun, well, masasabi mo talaga yun kasi di naman kayo magkakilala, Jessie. Bobo mo naman masyado.

Biglang may pumasok na mama, dalawa sila. Yung isa, naka tore jeans at yung isa may dalang aso na parang azkal. Ni minsan di pa ako nagkakaroon ng aso sa buong buhay ko. Ang kintab nya.

"Good day everyone, sorry kung late kami. Masyado lang talaga kayong maaga! Ahahahaha," tapos nagtawanan yung dalawa.

Siniko ni naka tore jeans yung lalaking may aso. "Ehem, anyway, I'm sir Rey Jann, RJ na lang for short and this is my apprentice, Mr. Kye, sya ang caretaker nitong cabin or bahay. Ako naman ang owner," pakilala nya.

Si sir RJ yung may aso at si Mr. Kye yung naka tore jeans. Nagtaas bigla ng kamay si Jona, "What is this camping all about? I heard it's just for royalties.

For Royalties? Di ko yun alam, mga royalties ba kaming lahat dito?

"No, of course not. You're smart, I guess you're Jona," sir RJ smiled.

"Um... Opo," she replied.

"Excellent question, kaya nga andito si Kye para i-orient kayo sa dapat nyong malaman at sa mga nalalaman nyo na, right? Kian and Ronier?" nagwink pa si sir sa kanila.

Natahimik yung dalawa, di naman ata nakikinig si Kian sa mga nangyayari. Pati na rin si... uhm, i don't know her name. Napatingin si sir sa dalawang magkaharap, yung walang pake sa kanya.

"Kian and Samantha!" napalingon sila agad sa sigaw ni sir.

Agad tinanggal ni Kian ang kanyang headset, at sinarado naman ni Samantha ang binabasa nyang libro. So her name is Samantha, suits her pretty face.

Tinaasan nya ng kilay si sir. "What?!" Ang maldita nya!!

"As what your father always told me, napakamaldita mo talagang bata ka!" naiinis ba sya o natatawa?

"Ugh. Whatever, di naman ugali ko problema dito. So just get on with it. Kung may sasabihin ka, sabihin na kasi," sabay balik sa pagbabasa ng libro.

Napabuntong hininga na lang si sir sa kamalditahan nya. Sabay tingin kay Kian, "Do you have something to say, Ki?"

"May sasabihin ka ba? Tinawag mo kasi ako," titig lang sya ng titig. Sa pagkakaalam ko, dalawa sila ni Samantha ang tinawag.

"Guys, please proceed outside. Let's have an orientation," tinapik nya si Mr. Kye. "Kye, ikaw na bahala please," iniwan nya sa sahig yung aso. Akin na lang yan pleaseeee

Lumabas kaming lahat. Grabe, royals kaya sila?? Kilala ko na ata yung Samantha, kaya pala familiar. She's the sister of Frenz, I guess.

Nilapitan ako ni Jona, "Have you heard about them?

"Kanino?"

"Samantha and Kian. Si Sam batchmate natin yan diba? Sister of Frenz, while Kian, second cousin of Jhanel, bumisita yan dati sa school."

Kaya pala, kaso ibang school si Kian? Ganun? Napatingin ako sa likuran, andun kasi sila sa likod namin. Nagpapahuli, sana naman di nila kami naririnig. Napaka lakas pa naman yung dalawa.




Samantha's Point of View.

Tss. Ngayon naman, lalabas kami. Maglolotion muna ako, baka magkaroon pa ako ng rashes because of mosquitoes.

"What are you doing?" tanong nung nakaheadset.

Inirapan ko lang sya. Di kami close at wala kong balak.

"Okay, maganda ka sana kaso maldita ka." Diretso n'yang sabi.

Napataas ang kilay ko. "Excuse me?"

"Di ka pala pipi e, sagot agad. Have we met before?"

"Di tayo close, hindi kita kilala. Turo ng daddy ko, don't talk to strangers," I continue putting on mosquito lotion.

I have natural white skin kaya walang problema kahit di ako magsunscreen.

"And besides, kung kilala man kita. Makakalimutan rin naman kita agad," dagdag ko pa

"Alam mo, di ka lang pala maldita no? Prangka ka pa! D'yan ka na nga..." nauna na syang maglakad pero agad ding huminto. "Kian nga pala, nice to meet you, if you're nice to meet me."

Inirapan ko sya, "I don't care... Samantha," I replied as pakilala na rin.

Kahit sinumpa akong maldita, hindi ako pipi para hindi makasagot sa sinabi nya.

He smiled at me nang nakakaloko. What the eff, makakasama ko ba sila sa bahay na 'to? Mas okay pa ata PBB e.

After putting on my lotion, lumabas na rin ako ng cabin or bahay ba dapat? Andun silang lahat, naupo sa dalawang logs na mukhang pinutol at ginawang upuan. Malinis naman siguro 'to. Tabi ako dun sa babaeng mahinhin na may eyeglasses.

She smiled at me, "I'm Jona, by the way," pakilala n'ya sabay balik ang tingin kay mr. Kye.

Tumahimik lang ako at nakinig kay mr. Kye, "So as you can see, this is our camp! Oo, aminin na natin, wala masyadong maganda sa camp na 'to, pero marami ang nagbabago.

Tinuro nya yung bahay. "Inside that house, it has everything you need. Kuryente, kaldero, kalan, lababo, plato and utensils, ref, and foods.

Lahat na ata binanggit nya, except for... "Water, you didn't mention water," puna ko.

Nagsmile lang sya. "Of course, kasi walang tubig. Kailangan n'yong magtulong-tulong para lang makakuha ng tubig mula sa balon na andun malapit sa pig pen. Aalagaan nyo ang mga baboy, at syempre..." lumapit yung aso sa kanya. "Si Marshmallow, ang azkal na aso.

"What??!! Andito na kami naghihirap tapos may alagain pa? Ano ba naman yan, imbes matutong magbago gagawin n'yo pa ata kaming katulong dito." Reklamo ni ajay.

Masyado syang hambog at presko kung magsalita. Sana naman may ikabuga sya.

"Ajay, right? Macho ka pa naman, kaya mo naman sigurong magbuhat ng balde diba?" napatigil na lang sa pagsasalita si Ajay. Ayan, buti ngasy

"Sir, what about, sa pagligo? Liliguan pa po ba namin yung mga baboy?" Tanong nong ronier.

"Aba, oo naman Ron. Alam ko namang kaya mo yan, hahaha. Did I forget to mention na pwede n'yong itinda yung mga baboy at manok? Bawal si Mallow kasi aalagaan nyo lang sya, may banyo din kayo, kaso nga lang iisa. No male and female, kaya naman magpilahan kayo," natatawa nyang sabi.

Oh Gosh, could this day could get any worse? Ano ba yan, this is such a pathetic cabin. Pati proper hygiene, wala, bagsak sa sanitary inspection.

Nagpatuloy siya, "Anyway, pasok tayo.”

Kanina nasa labas kami ngayon nasa loob naman, ano ba talaga?

"First of all, this is the balcony. Maliit lang sya kung titignan pero kasya naman kayo," may upuan at mesa rin. "Second, kwarto nyo. Left side girls, right side boys, only rule, walang lipatan ng kwarto. And'yan na lahat ng kailangan nyo." Oo nga naman, baka kasi ano... Like the hell? "Third, the kitchen, and'yan na lahat except for water. Fourth, yung banyo andun lang sa likuran. May nag iisang ilaw dun at nakakatakot nga lang pag gabi."

Napaisip tuloy ako. Uso pa naman sa ganitong makahoy na lugar ang mga multo at aswang. But, I'm a realist, I don't believe in ghost yet I get goosebumps whenever I think about it.

"Lastly, ineexpect ko na magkakasundo kayong lahat. Andito lang naman ako kung sakaling kailanganin nyo 'ko, I have my house straight lang sa kusinang 'to. Questions?"i

Walang nagtaas ng kamay. "Well, since wala naman give me all your gadgets, cell phones, tablets, including chargers and batts," he took the basket near him. Akala ko lalagyan ng prutas. "Pakilagay dito."

Isa-isa naming nilagay sa basket. Yung iPad ko, babay, useless lang pala. Buti nagdala ako ng libro, pampalipas oras. At cuticles, hahaha.

"Andito kayo para maranasan ang normal na buhay," he smiled at us. "Welcome to Camp Royalty."

x—x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro