Chapter 02
Maldita's Point of View.
Ugh.
Kainis, I cursed my dad from the bottom of my heart. Paano ba naman kasi? Tsk, di man lang nagpasabi na para pala sa akin yung invitation.
-Flashback-
I was pedicuring my toe nails nang biglang may kumatok sa pinto ko.
"Sino yan?"
"It's me, sweetie."
"Daddy? Come in," napatingin ako sa kanya. "You're too early, how was the business meeting in Philadelphia?"
"It was great, sweetie. We already closed the deal," nakangiti nyang sabi. Buti naman pala, binalik ko yung tingin ko sa pagccutics. Pero di pa rin umaalis si daddy.
"May problema po ba?" taka kong tanong.
"Umm... Sweetie, since you're already 17 years old and your birthday will be on October. I have something for you," binigay n'ya sa akin yung letter na luma. "Advance happy birthday"
I took the letter, so ibig sabihin. This is his birthday gift to me? Daddy, kailan ka pa naging ganito kacheap?
"D-Dad? You are kidding me right? Summer pa po ngayon, it is still April " and daddy's giving me the wrong present.
"I know, I know but, that invitation is going to be your entrance for tomorrow's trip... more like a camping."
Napatingin ako sa kanya. Ayan tuloy, lumagpas na yung cuticle ko.
"D-Daddy, camping? Okay ka lang ba? May sumapi ba sayo ha? Tell me you are not serious, malamok ang camping!" inis kong sabi.
Nung girl's scout nga namin, parati akong nanunumbat kasi ayaw kong malamukan. Tapos magcacamping pa?
"I am dead serious, I heard that you are not being a good girl here. Utos ka nang utos even though you have legs and hands, sweetie. Maybe this camp will change you as an individual."
"Don't you love me for who I am, dad," naiiyak kong sabi. Pero arte lang talaga 'to no.
Hinawakan nya pisngi ko. "I do, of course, don't get me wrong, sweetie. Kaya lang kasi, I promised your mommy that I will raise you as a kind and sweet young woman, not a spoiled brat and maldita."
Tss. Sabi na nga ba, si mommy na naman? Asan ba kasi si mommy, bakit ayaw nyang magpakita sa 'kin? Kinarma na ba sya sa pag-iwan nya sa amin ni dad ha? Psh.
"Fine!"
-present-
"Kainis," sabi ko habang nakatingin sa labas ng limousine.
"Okay lang po ba kayo, miss?" tanong ni manong Peter.
"Opo, manong, magka-camping na naman po kami."
Nagtataka kayo kung bakit mabait ako sa kanya?
E kasi po, mas nag-aasal tatay pa 'tong si manong kesa kay daddy. Sana nga sya na lang tatay ko, kahit di sya mayaman ayos lang. At least napapansin nya presensya ko at hindi nagdedesisyun ng padalos-dalos.
"Ganun ba? Teka, baka malamok dun..." May kinuha sya sa bag nya. "Heto po miss, mosquito repellant lotion."
Waaaa. Buti naman naalala ni manong na galit ako sa lamok!
"T-Thank you po, you're the best tatay ever!" I smiled.
Tumawa lang si manong. After ilang hours, nakarating na ako sa "camp" na yun. I stepped outside the car and kinuha naman ni manong yung maleta ko.
"Thank you po talaga, manong Pete."
He bowed in front of me. "You are welcome my princess." At ganun rin ginawa ko pero as princess. "Una na po ako, ingat kayo ha."
"Opo naman po! Babaaaayyyy!!" Kaway pa rin ako ng kaway, hanggang sa di na sya makita ng mga mata ko.
I stared at the sign. Di sya nakatarp o anuman, kahoy po talaga sya. “Camp Royalty” what the heck, bakit bahay 'to? Office? Di bale na nga, isa pa ang bigat lang ng bagahe ko ha? Naku naman!
Lumapit ako papunta sa pinto. Hila-hila pa rin yung maleta ko, and now I am staring at the door. Grabe mga pinto dito, nakakatakot naman titigan!
Biglang may nagsalita sa likuran ko. "Hindi yan mabubuksan kung tititigan mo lang," sabi nung mama na naka tore jeans. Uso ba yan dito?
"Bakit ang dumi ng ano... pinto?"
"Malinis yan miss," lumapit sya sa 'kin. Ang bahoooo, amoy popo! "Ganito lang yan oh," sabay katok.
"Ah, okay..." sabay pasok.
"Hoy, miss," nilingon ko sya. Baka kasi may nahulog ako o anuman. "Salamat ha!" sarkastiko nyang pahayag.
Dapat ba akong magpasalamat? Akala ko obligasyon nyang tulungan ako. "Um... tsupi ka na dun," pumasok na rin ako. Akala ko ako lang mag-isa. At ang tatlo pa rito ay familiar, maybe isa sila sa school mates ko.
Nakatitig sila sa 'kin, asa silang babatiin ko sila. Lalo na ang mukhang mahiyain na lalaki!
Matalino's Point of View.
Kakarating ko lang pero sandamakmak na kamalasan ang nangyari sa 'kin. Unang-una, natapunan ako ng putik dahil sa lalaking naka tore jeans. Second, kinagat ako ng langgam ng katukin ko yung pinto. Sino bang matinong tao ang maglalagay ng langgam sa pinto ha? Tao pa ba yun? Pangatlo, ANDITO si bestfriend kong bobo. Aaggh, could this day get any worse?
"H-Hello," bati nung mukhang elegante sa 'kin.
"Hello rin."
Ang nandito lang ngayon ay kaming apat. Di ko pa kilala yung dalawang. Binasag ni Bobo ang katahimikan naming apat.
"Hoy, bakit ka andito? Hindi mo sinabi sa 'kin."
"Ha? Lahat ba talaga ng bagay kailangan kong sabihin sayo? Di ka naman pulis n'yan no?"
"Ahahahahaha, wala lang." Napatingin sya dun sa mahiyaing lalaki. "Tol, what's your name?"
"A-Ako?" tinuro nya pa sarili nya. Sino ba ang ibang lalaki rito?
"May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" sagot ni bobo.
"Um... ako si, Ronier. Ronier More Bernardo."
Napatingin ako kay elegante. "Um... I-I'm Jessie. Jesselyn Padilla ."
Tapos ako naman yung magpapakilala kaso sumingit tung si bestfriend kong bobo. "The name's Ajay. Aldrich Jay Soberano."
Sinamaan ko sya ng tingin tapos nagpakilala na agad ako. "My name is Marie Jona Gil. Nice to meet you." A formal way to introduce myself. Hahahaa.
"Apat lang ba tayo?" Ani ni Jessie.
"Sa pagkakaalam ko sa sinabi ni papa. Anim dapat tayong andito” sagot ni ron
Ibig sabihin, kulang kami ng dalawa. Ang obvious naman e, simple math. Maya-maya may dumating na lalaki. Ay ang gwapo, gwapo rin naman tung dalawa kaso mas angat nga lang sya. Looks like a girl pero di rin. May pagkapayat kasi.
Tiningnan nya kami isa-isa.
"Am I in the right camp?" he asked, looking so cool.
"Nag-iisang camp lang 'to, may problema ka?"
Hindi nya ako sinagot, sa halip, nilagay nya ang kanyang bagahe sa gilid.
"The name's Kian Izra Lustre, KI for short." sabay suot ng headset.
Naku naman, makakasama ko ba talaga sila?
"Five down, one to go," bulong ko.
Tahimik lang kami kaya dinig namin yung ingay mula sa labas. "Babay!"
"Ano yun?" gulat na tanong ni jessie
"Baka sya na ang huli," hula ni ron
Nakinig lang kami, "Di yan mabubuksan kung tititigan mo lang." Sabi ng isang boses.
"Bakit ang dumi ng ano... pinto?"
"Malinis yan miss. Ganito lang yan oh." tapos may kumatok na.
"Ah okay..." Pumasok na nga sya.
Ako lang ba 'to or sadyang ang ganda n'ya lang talaga?
Ang lakas ng appeal n'ya, nakita ko na ba sya dati? Tinitigan nya lang kami, mukha namang mabait, e. Akala nga namin magpapakilala kaso naupo lang sya sa sulok at nagbasa ng pocketbook.
Ang snob nya naman. Magkakasundo pa ba kaming lahat dito kung iba-iba kami ng pag-uugali?
x—x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro