F I N A L E
AXEL HENDERSON DELA QUESTA
Summer, pinayagan na akong umuwi ng lolo at papa ko sa pilipinas at nakakaloka dahil feeling ko sobrang daming nagbago saakin sa ilang buwan kong mag stay sa france.
Nakangiti lang ako habang nakaharap sa salamin dahil sout sout ko ang Blue at white ko na suit. Special ang araw ngayon dahil kasal ni Mama at ni papa!.
Yup magpapakasal na sila ulit dahil pinayagan na sila ni lolo ulit at okay na kami ni grandpa ngayon. Nandito parin ako sa bahay dahil hinihintay ko yong Fiancè ko na si cal.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok ng tatlong beses. Siya na yon for sure
kaagad akong lumapit dito at binuksan.
"Babe.. oh?" nagulat ako ng makita ko si hannah na nakabihis na din dahil invited sila ofcourse.
"Aww.. sorry wala pa si cal hihihi" sagot niya saakin at medyo na awkward naman ako.
"Hmmm ganun ba" sagot ko nalang. Ngumiti siya saakin.
"Axel sorry kong ngayon lang ako lumapit sayo after ng mga nangyare and i'm here para manghingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo before" sambit niya at napangiti naman ako.
"Okay na yon past is past" sagot ko.
"Thank you! ang bait mo talaga! no wonder kong bakit natunaw mo yong Nagyeyelong puso ni cal hahaha" pareho naman kaming natawa at maya-maya ay nagsalita siya.
"So? Friends?" tanong niya.
Tumango naman ako.
"Friends" sagot ko naman.
"Kyaaa!! omg!" nagkayakapan kaming dalawa at maya-maya ay may umubo sa gilid namin kaya't napahiwalay kami ni hannah.
Nakita ko si cal na naka suit na din and damn! ang hot talaga ang fiancé ko!
"Oh hi cal! hahaha nag usap lang kami ng babe mo" sabi ni hannah.
"I see, so ano? let's go?" tanong niya.
"Yeah let's go" sagot ko at isinara ko na pinto at nauna na saamin si hannah at kami naman ni cal ay magkahawak kamay na bumaba sa hagdan.
The wedding ceremony is done at nandito na kami sa reception sa isang bonggang hotel kong saan nagsasaya na ang mga tao. Di maalis sa mukha ko ang ngiti habang pinapanood sila mama at papa na sobrang sweet.
May umubo sa tabi ko at nakita ko ang nakasimangot nanaman na si calvin. Siniko ko siya.
"Anyare nanaman sayo?" tanong ko.
"Tsk.. i really hate noisy people" bulong niya at tinignan ko ang direksyon ng sinasabe niya at natawa ko ng makita ko si Oliver na kanina pa kinukulit si William at si Hansel naman ay hawak hawak ang mic dahil nag feeling MC si gaga.
Sinabe na din saamin ni William na siya ang nagpa bugbog kay calvin at naistress pa ako kasi kong di ko lang napigilan si cal ay baka ang bangasan nanaman sila ng mukha.
Hansel is my brother na talaga at masaya siya kasama si Kaizer na ikinagulat ko din. Nakakaloka! parang kailan lang na kinukulit at inaasar siya ni kai tas malalaman ko na sila na pala!
Mica and david is also here at namiss ko nang bongga ang dalawang yon kaya't need ko bumawe pero ngayon kailangan ko munang asikasuhin tong lalaking nakasimangot sa tabi ko.
"Uy grabi ka maingay din naman ako ah" sagot ko at tumingin siya saakin.
"I know but i love it lalo na kapag nasa kwarto kita" nanlaki ang mga mata ko at pinalo siya.
"Hoy wag keng genyen enebe" pabebe kong sambit at natawa naman siya.
"Are you happy?" tanong niya saakin.
"Yeah super"
"Good" tapos inakbayan niya ako.
"I can't wait na tayong dalawa naman ang ikasal" kinilig ako sa sinabe niya at napatingin ako sa gawi nila mama.
"Omg! ako din no! tapos magkakaroon tayo ng baby" parang tanga kong sabi.
"Gusto mo ba ngayon na tayo gumawa?"
"Calviin!" namumula kong sagot sakanya. Jusko naman tong lalaking to!
5 years later.
Nakatingin lang ako sa magandang view kong saan kitang kita ko ang kulay blue na dagat at sobrang nakaka relax dahil sa hangin na malinis na nalalanghap ko.
Limang taon na pala ang nakakalipas at ngayon ay kasal na kami ni calvin. Licensed Architect na si Calvin at may kompanya na siyang sarili at kasama niya doon ang mga kaibigan niya na sila Kevin at ako naman ay nag tatrabaho na sa kompanya namin kasama ang kapatid kong si Hansel.
Everything is good at parang kailan lang ay sobrang gulo ng mundo ko pero ito na okay na lahat.
Nakatira kaming dalawa sa bahay na sarili na namin and ofcourse si Calvin mismo ang nagdesign.
Narinig kong bumukas ang glass door sa likuran ko kaya't napalingon ako dito.
"Hey... bakit nandito ka?" tanong ni calvin saakin. ngumiti naman ako sakanya.
"Nagpapahangin lang" sagot ko sakanya at niyakap naman niya ako mula sa likuran ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Parang kailan lang no? na sobrang cold mo pa saakin pero ngayon ito na" sambit ko at natawa naman siya.
"Yeah sobrang bilis ng panahon at it because we are meant to be kaya't ito na tayo ngayon" napangiti naman ako sa sagot niya kaya't humarap ako sakanya.
"I'm so lucky to have you cal" sagot ko sakanya.
"Me too axel.. i'm so damn lucky to have you" Ngumiti ako at hinalikan niya ako sa labi.
Bumalik kami sa living room at naroon sila na nagtatawanan habang nag uusap. nakaupo lang ako sa sofa at kitang kita ko silang lahat.
Si Hansel at si Kaizer ay malapit ng ikasal kasi pabebe pa tong si hansel eh pero mahal na mahal talaga siya ni kai kaya kong mahaba ang buhok ko ay mas mahaba ang buhok niya!
Si Kevin naman ay may love of his life na din at buhat buhat niya ngayon ang anak nila ni hannah na 1 year old na.
oo sila ni hannah ang nagkatuluyan!
Si Xander naman ay may girlfriend na din at si mica kasal na kay larry dahil nagkabalikan sila. Si David ayon nasa Canada wala siya dito dahil busy sa life ang kumag.
Si Oliver at William? ayon Sila na at ang strong ng relasyon nilang dalawa.
Umupo sa tabi ko si Calvin.
At nakangiti akong tinignan siya.
Parang kelan lang na ang suplado nito saakin pero ito na..
asawa ko na siya..
Nakakaloka ang buhay ko sa totoo lang kasi simula di ko kilala ang ama ko tapos tumira ako sa bahay nila calvin tapos doon ko nalaman na gusto niya pala ako tapos muntikan na akong mamatay at sa isang iglap boom! isa pala akong henderson kakaloka!
pero ang pinaka masayang nangyare saakin ay ang nakilala ko si Calvin harris Dela Questa
ang sobrang cold..
suplado...
pero sobrang sweet at mapagmahal..
na inlove saakin oh diba? ganda ko eh!
before i'm living with mr. cold but now..
THAT COLD GUY IS MY HUSBAND..
-THE END-
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro