Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R - T W O

Kinabukasan ay wala ako sa mood na pumasok at napansin kaagad yon nila mica at david dahil hindi sila sanay na di ako nagdadaldal.

"Hoy teh lungkot mo ngayon ah? anyare?" tanong ni mica saakin at tinignan ko naman siya.

"Wala naman may problema lang sa bahay pero keri ko naman" nakangiti kong sagot.

"Weh? sure?" tanong niya kaya ngumiti ako ng malapad.

"Yup ako pa ba?" sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti deep inside natatakot ako.

Natatakot ako kasi iiwan ako ni mama mag-isa dahil baka hindi ko kayanin at ang worst pa ay titira ako sa mansyon nila Calvin.

Gosh!

Sabado ng tanghali at nakatanaw nalang ako sa bahay na tinirhan namin ng ilang taon at ngayon ay nasa loob na ako ng taxi at nakaayos na ang mga gamit namin dahil ngayon na kami pupunta sa bahay nila tita annabelle at mamayang gabi naman ang alis ni mama papuntang Canada.

ang bilis ng oras!

Wala naman kaming masyadong gamit na dinala dahil ibinenta nalang namin yong mga appliances namin an may kalumaan na din sa may-ari ng bahay at tanging mga damit at mga personal na gamit nalang ang dala namin.

"Tara na po kuya" sambit Ni mama sa driver ng taxi at nagsimula na itong umandar, nandito kasi ako sa back seat at si mama naman ay nasa tabi ng driver.

Kinakabahan ako dahil alam kong mag aadjust talaga ako ng sobra doon at isa pa makakasama ko si Calvin. Naalala ko bigla ang hitsura niya noong nabangga ko siya at nakakatakot talaga!

Hindi na ako magtataka kong bakit siya binansagang king of ice.

Kaso paano na yan at titira ako sakanila? omg! Naimagine ko na baka lalasunin niya ako or baka pagsamantalahan!

wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

Tanga!

As if naman na gagawin niya saakin yon! alam kong maganda akong bakla pero for sure straight yon si Calvin.

Since elementary palang ako ay alam ko nang di talaga ako straight at nang ma open ko yon kay mama ay okay lang sakanya kaya't naging Komportable ako sa kong ano ako at wala akong paki sa sinasabe ng iba.

Bakit? Ano bang masama sa pagiging bakla? at wala naman akong naapakang tao.

Atsaka maganda ako kaya who cares! char

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumigil ang taxi sa harap ng isang mataas na gate.

Shit!

Bakit ba ako kinakabahan?! Umayos ka axel! kaya mo yan! Strong girl ka diba?

Kaya mo to!

"Oh! anak ibaba mo na ang gamit natin" utos saakin ni mama, pagkababa ko naman ng taxi ay napanga-nga ako sa laki ng bahay.

Ang laki nito at mayroon ding mataas na gate.

Ang yaman talaga nila, ngayon nalang kasi ako ulit nakabalik dito after how many years and sa malas ko dito pa ako titira.

Hays!

Pinapasok kami sa loob ng guard at nakita ko kaagad kong gaano kaganda ang bahay nila. Nakatawag kaagad ng aking atensyon ang swimming pool sa may gilid at mayroon din silang garden na may fountain sa gitna.

ang taray!

"Mars! omg! kamusta na! namiss kita!" nakatayo lang ako sa gilid habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng sala nila. Ang lawak ng sala nila at mayroon itong chandelier.

"Okay lang ako mars ang ganda mo parin jusko!" napangiti nalang ako habang nakatitig sa dalawang ginang sa harapan ko at akala mo mga teens parin sila kong mag usap.

"Ikaw din naman mars ano ka ba! omg! yan na ba si Axel?" nalipat ang atensyon nilang dalawa saakin at nakita ko si tita annabelle.

Sa tingin ko ay nasa 40's din siya kagaya ni mama and makikita mo talaga ang ganda niya.

"Hello po tita" nakangiti kong bati at nakita ko naman na lumapad ang ngiti niya.

"Hala! ang gandang bata!" napaawang ang bibig ko dahil sa sinabe niya at natawa naman si Mama.

"Naku Belle lalaki yang anak ko ha? pusong babae lang" natatawang sambit ni mama na ikinatawa ko din.

"Alam ko! jusko ang ganda, ang gwapo, basta! hi bebe boy!" na awkward ako ng bigla niya akong yakapin at maya-maya pa ay kumalas siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat habang nakangiting nakatitig saakin.

"Huling kita ko sayo ang bata mo pa pero ngayon! wow look at you!!. Anyway wala pala si calvin and he is asking me about you dati kaya di ko alam kong anong magiging reaksyon niya kapag makita ka niya dito mamaya"

Ano daw? si calvin? eh dati naman ay di ako pinapansin ng lalaking yon at as if may pakialam saakin.

Ano kayang magiging reaksyon niya.

"Ah dati kasi magkalaro sila eh" sagot ni mama at muntik na akong matawa.

Ni hindi nga ako pinapansin magkalaro? Omg!

Nakaramdam kaagad ako ng lungkot ng makita ko ang kwarto na tutuluyan ko. Malaki naman ito at mayroon nang queen size bed at may sariling banyo.

Jusme kalahati lang yong kwarto namin dati sa laki nito.

Umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa paligid. May mga cabinet na din naman at kulay blue and grey ang design at may study table na din sa gilid ng kama. humiga ako at tumingin sa kulay grey na Kesame.

Di ko pa naayos ang mga gamit ko pero ang laptop ko ay nakalagay na sa Study table.

Titira talaga ako sa bahay na to? At for sure matatagalan pa akong titira dito.

Nakaramdam ako ng pagod kaya't ipinikit ko muna ang mga mata ko.

Napamulat ako ng may humahaplos sa Buhok ko at nakita ko si mama na nakangiti saakin.

"Ma? a-anong oras na po?" tanong ko at tinulungan niya akong bumangon at nakita kong nakahanda na ang gamit niya at bihis na bihis na siya.

"Gabi na anak at paalis na din ako" bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil doon kaya umiyak ako at niyakap siya.

"Ano ka ba anak wag kang umiyak diyan okay? para sayo tong gagawin ko okay? kaya maging matatag ka lang ha?" sambit niya at umiiyak parin ako.

"Mag iingat po kayo ma ha" umiiyak kong sambit at kumalas siya sa pagkakayakap saakin at pinunasan ang luha ko.

"Ikaw din Mag iingat ka lage ha? wag kang mahihiya kanila tita annabelle mo kapag may kailangan okay?" tumango naman ako.

"Opo ma" sagot ko.

"O siya halika na ihatid mo na ako"

Mabigat man sa loob ko ay nakatingin lang ako kay mama na nasa loob na ng sasakyan ni tita annabelle. 10 pm kasi ang flight niya at si tita mismo ang maghahatid sakanya sa airport at ako naman ay di na pinasama ni mama dahil baka daw mag wala ako doon at di na siya makaalis.

"Bye ma" sambit ko at nag wave sakanya, ngumiti naman saakin si mama at tinanaw ko nalang ang sasakyan na palabas na ng gate.

Ang lungkot

Lalo na at dito pa ako nakatira sa bahay ng di ko naman kadugo kahit na close sila mama ay di parin akong komportable.

pinahid ko ang luha ko dahil iyak na ako ng iyak at nakaramdam ako ng kaluskos kaya't napatigil ako sa pag eemote ko.

Tumingin ako sa likuran ko at bigla akong kinabahan dahil nakatayo gilid ng pinto si Calvin at walang ganang nakatingin saakin.

Shit!

Baka naalala pa niya yong ginawa ko.

"Ahh o-okay lang ako, malungkot lang ako sorry" wala sa sariling sambit ko.

"I'm not asking" napaawang ang bibig ko sa sinagot niya at sumimangot papasok ng bahay.

Ay ganun?

Okay?

Hinabol ko siya papasok at mabuti naman ay naabutan ko siya.

"Calvin" tawag ko sakanya at tumigil naman siya at walang emosyon na tumingin saakin.

"Ah s-sorry pala sa nangyare noong nakaraan sa sketchpad mo h-hindi ko sinasadya" utal utal kong sambit ngunit nakatitig lang siya saakin at maya-maya ay tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ano ba yan! Nagsasayang lang ako ng laway!

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa likod niya habang paakyat siya ng hagdan.

Hays!

Umakyat nalang din ako sa ikalawang palapag at naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko.

Oh? magkatabi lang ang room namin?

Humarap siya saakin at nakasimangot siya.

"Annoying tsk!"

Napatigil ako at narinig ko nalang ang malakas na pagsara niya ng pinto.

Hala? anong nangyare sa lalaking yon?

Napakamot ako ng ulo ko at pumasok sa kwarto ko. Ramdam ko kaagad ang lungkot dahil feeling ko nag iisa nalang ako.

Eh yong magaling ko kayang ama? kamusta kaya siya? Well hindi naman niya alam na may anak siya kay mama kaya wala siyang pakialam.

Binuksan ko ang laptop kong luma na dahil nabili pa namin ito noong Fourth year ako at second hand pa dahil di naman namin afford ang Brand new. Itutuloy ko na sana ang gagawin ko ng mapatigil ako dahil wala palang wifi!

Shit

Na expire na nga pala yong load ko. Paano ba yan? nagloload lang kasi ako sa phone ko tapos kinoconnect ko sa laptop at ngayon kailangan kong isend tong powerpoint kay mica para sa report namin.

Nice talaga!

Pero may wifi naman sila dito diba?

Malamang!

Bitbit ang phone ay lumabas ako ng kwarto. Sabi kasi ni tita wag daw akong mahihiya kong may kailangan ako kaya ito ako ngayon nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Calvin.

Napakamot naman ako.

Ano ba yan baka sigawa pa ako nito.

Nilakasan ko ang loob kong kumatok ng tatlong beses dahil kailangan ko ng wifi! mag iinarte pa ako e grades ko ang nakasalalay dito.

mga ilang segundo ay wala paring nagbubukas.

Ano ba yan!

Kakatok pa sana ko ng biglang bumukas at medyo napaatras pa ako ng makita kong nakasimangot si calvin pero infairness ah! ang gwapo niya!

"What?" cold niyang tanong.

Napalunok naman ako ng laway ko.

"E-eh kasi p-pwede mahingi yong password ng wifi? k-kasi need kong mag-" napapikit ako ng sumara ng malakas ang pinto sa harapan ko.

Okay?

Ang sama ah!

Napayuko nalang ako at bumalik sa kwarto ko.

Ilang minuto nalang at 11pm na!

No choice kailangan kong lumabas. Kong ayaw niyang ibigay edi wag! nakakainis ah! hmp! di porge't gwapo! nagsout ako ng jacket at humarap sa salamin.

Nang masigurado kong okay na ako ay lumapit na ako sa pinto ngunit.

"Ay kabayo!" sigaw ko at napahawak ako sa dibdib ng makita ko si Calvin na nakatayo sa harap ng pinto. Di ko alam pero ang cold talaga ng tingin niya.

"Here" sambit niya at may inabot na sticky note saakin at tinanggap ko naman ito.

"A-ano to?" tanong ko at tinignan.

"Basahin mo stupid" napatingin ako sakanya at ng sabihin niya yon at umalis sa harapan ko.

Aray ah!

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto niya.

Anong problema ng lalaking yon? atsaka maka stupid naman wagas! hmp! ang ganda ganda ko tapos sasabihan niya lang ng stupid?! binasa ko ang nasa note at napangiti ako ng makita ko na nakalagay ang password ng wifi dito.

Bibigay naman pala eh! umiling ako at bumalik nalang sa loob habang hawak ang note.

Kinaumagahan ay gumising talaga ako ng umaga para tumulong kay tita sa kitchen dahil syempre kailangan ko ding kumilos dito sa loob ng bahay nila dahil nakikitira lang ako.

"Axel sige na kami nalang ni yaya dito may pasok ka pa eh" sabi ni tita saakin habang naghihiwa siya ng bawang. Nginitian ko naman siya.

"Tita okay lang po di rin po kasi ako sanay na walang ginagawa tita eh" sagot ko at ngumiti naman siya saakin.

"Hay sige na nga mana ka talaga kay beth eh" natawa naman ako dahil doon at itinuloy ko na ang paghugas ng ginamit nila hanggang sa natapos na kaming maghanda.

"Manang patawag naman kay Calvin-"

"I'm here" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni calvin at nakita ko siyang naka school uniform na din kagaya ko at nakasukbit ang bag sa likod niya at may storage tube din siya na dala at iyon yata ang lagayan ng mga drawing niya.

ang cool siguro pag arki no?

"Goodmorning Calvin!" bati ni tita and Calvin just nod at umupo sa upuan katapat ko.

Yon lang? grabe ah! pati sa mommy niya ang cold niya.

Nakatingin lang ako sakanya nang nagsimula siyang kumain at damn this guy is really handsome at naamoy ko pa ang pabango niya. Siguro Inggit na saakin yong mga nagkakacrush dito kasi natitignan ko siya nang malapitan at take note nakatira kami sa iisang bahay!

"Axel narinig ko na scholar ka daw sa Hanbin" napatingin naman ako kay tita.

"Opo tita" sagot ko.

"Wow! Ang galing naman! Pero Anyway Calvin nasa isang school lang pala kayo nitong ni Axel pero bakit di mo manlang saakin sinabe?" tanong ni tita kay calvin.

"Ay tita h-hindi niya po kasi ako kilala-"

"Kilala ko siya" napaawang ang bibig ko ng sabihin niya iyon at nahulog pa ang kutsara na hawak ko.

What?!

Kilala niya ako? kasi sa pangalawang taon ko palang ngayon sa Hanbin ay never niya akong nilapitan or what.

"Oh Axel okay ka lang?" napatingin silang dalawa saakin kaya't pinulot ko yong kutsara.

"O-opo okay lang po ako nadulas lang po yong kutsara" sagot ko at nagtama ang mata namin ni Calvin.

"Tss" usal niya at kumain na ulit.

"Kilala mo naman pala calvin eh pero bakit di mo manlang sinabe saakin? naku tong batang to talaga" inis na sambit ni tita at hindi naman sumagot si Calvin.

Kita mo tong lalaking to?

After naming kumain ay nauna na akong umalis sa bahay dahil kailangan kong makasakay ng maaga para di ako malate.

Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa noo ko habang naglalakad palabas ng village para doon makasakay ng jeep na papuntang hanbin.

Napatingin ako sa sasakyang dumaan at nagulat ako ng makita kong si Calvin ang laman nito at nilagpasan lang ako.

Okay? ano bang inaasahan ko? as if naman isasabay niya ako at for sure ayaw niyang malaman nang iba na nakatira ako sakanila.

Expect ko na yon no!

Hmp! okay lang yan self! maganda ka!

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may biglang bumusina na sasakyan.

"Ay kalabasa!" sigaw ko dahil sa gulat at nilingon ko ito at nagulat ako nang makita ko si Calvin.

what?

Nakababa kasi ang salamin.

Nilingon niya ako at naka simangot lang siya.

"Get in" utos niya kaya napa awang ang bibig ko.

Tama ba ang narinig ko?

"Ha?" tanong ko.

"Tss.. I said Get in! Bingi ka ba?" kaagad akong nagpanic sa sigaw niya kaya dali-dali akong lumapit sa pinto ng back seat and i was about to open it ng bigla nanaman siyang nagsalita.

"I'm not your driver dito ka sa harap" napapikit ako ng mariin.

Nagagalit na siya mars!

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Calvin at sobrang tahimik din dahil seryoso lang siyang nag da-drive at ako di ako mapakali di kasi ako sanay na walang kausap!

Lihim ko siyang tinignan at kitang kita ko ang side profile niya mga mars! ang gwapo niya! Ang tangos ng ilong niya at ang kinis pa ng mukha niya.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabe niya kanina.

kilala niya pala ako?

Umiling nalang ako at napansin kong nagpaparada na siya ng sasakyan dahil nakarating na kami sa school at nasa parking lot na kami.

Nang itigil niya ang sasakyan ay kaagad kong tinanggal ang seatbelt at naunang lumabas. Hinintay ko siyang makalabas at ng makalabas na siya ay nagsalita na ako.

"T-thank you" nagihiya kong sambit sakanya pero tinapunan niya lang ako nang boring na tingin at naglakad na.

Ano ba yan?!

Nang makalayo na siya ay nilakasan ko ang loob kong sumigaw

"CALVIN THANK YOU SA PAGHATID! ANG GWAPO GWAPO MO MHUAAAH!" at nag flying kiss pa ako ngunit napatigil ako ng bigla niya akong nilingon at nakita niya akong nakanguso.

Shit!

Kumunot naman ang noo niya at napailing bago maglakad ulit.

Shit! nakakahiya!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro