C H A P T E R - T W E N T Y F I V E
HANSEL JOHN HENDERSON
"Alagaan niyo po ang mama ko" sabi ko sa doctor na naka assign kay mommy na gagamot. Nakiusap ako kay daddy na wag ipakulong si mommy at dalhin nalang siya sa mental facilities because my mom is suffering from mental illness.
"Don't worry Mr. Henderson aalagaan namin ang mommy mo" sagot niya saakin kaya't napatango naman ako.
"Thank you" sagot ko at nag excuse na siya at umalis na. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si mommy na nasa loob ng isang kwarto na naka sout ng puting damit.
This is for you mom..
Pinahid ko ang luha ko at nagsimulang maglakad palabas ng hospital.
Alam kong magagalit silang lahat saakin dahil sa ginawa ko pero may rason naman ako kong bakit ko yon nagawa.
Pagkarating ko sa labas ay nakita ko siyang naghihintay at may bitbit na milktea.
Hindi niya ako iniwan..
Napatingin siya saakin at kaagad siyang napangiti kaya't nilapitan ko siya.
"Hey, How was it?" tanong niya. Nagbuntong hininga lang ako bago tumingin sa hawak niya at inagawa ko ito at walang ano-ano ay ininom ko.
"Uy dahan-dahan lang mabulunan ka" sambit niya at nang matapos ako ay tinignan ko siya.
"I can handle it hmp!" sambit ko at nauna akong maglakad sakanya papunta sa sasakyan.
"Hoy teka ito naman! so kamusta nga?"
"Well ano pa bang eexpect ko? she hates me and i think lahat sila... even Axel and cal" malungkot kong sagot at pumasok sa loob ng sasakyan niya at sumunod naman siya.
"Wala namang nangyareng masama kay axel diba?" sabi niya.
"Kahit na... niloko ko parin siya" naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"Everythings gonna be okay just give them time atsaka i know axel is a good person at ganun din si asungot na si cal kahit na parang bato yon"
Siya din ang number one na pang palubag loob ko.
"Yeah.."
"Oo nga pala saan ka ngayon? sainyo or saakin?" nakangisi niyang tanong at pinalo ko siya.
"Nakakaisa ka na tumigil ka" sambit ko at natawa naman siya.
"I want a second time eh" sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang libog mo!"
"Mahal mo naman"
"Edi wow!"
Natawa nalang siya sa sinagot ko at hinayaan ko lang siya at napatingin nalang sa labas ng bintana.
Tama nga ba ang ginawa kong to? Napalingon ako sakanya na nakangiti habang nag dadrive. Kailan ko nga ba to nakilala? at siguro kong wala siya ano na kayang nangyare kay axel?
Bumalik sa isipan ko ang unang pagkikita naming dalawa noon sa canteen at nagulat ako dahil pinapansin niya ako and i was like, duh?! close tayo?
Nakatayo lang ako sa parking lot at hinihintay ko ang driver ko na dumating. Nakauwi na si Axel kasama si Calvin at mabuti nalang at naging kaibigan ko siya.
well malalaman ko din ang katotohanan soon.
Kagagaling ko lang actually sa france kong saan doon ako dati nag aaral pero pinilit ako ni mommy na umuwi dito sa pinas dahil gusto niyang tulungan ko siyang gawin ang plano niya.
First ay inimbistigahan niya ang dating asawa ni daddy.
but i found out na di ko naman talaga siya totoong ama dahil anak ako ni mommy sa ibang lalaki.
I enter Hanbin dahil nalaman namin na doon nag aaral ang anak ng dating asawa ni dad at kailangan naming malaman kong anak ba siya ni daddy.
"Hiiiiii hanseeeeel" napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang nakakabuwisit na boses na yon. Marahas ko siyang nilingon at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko at ngiting ngiti.
Siya yong buwisit na feeling close kanina sa canteen.
Pucha ano bang kailangan ng kumag na to?!
"What?!"tanong ko.
"Whoah! chill ang sungit naman nito nakikipag friends lang naman ako ah" nakapout niyang sambit.
"Iww? ang baduy ah" nagulat siya.
"What? ako baduy? excuse me gwapo ako no atsaka swerte mo nga ako na mismo ang lumalapit sayo eh" ay ang kapal ng mukha!
"Wow ha?! baka malas kamo! atsaka pwede ba wag mo nga akong pagtripan"saktong tumigil ang kotse sa tapat ko kaya't naglakad na ako papalapit dito at pumasok.
"Hey wait!"
"Manong let's go" sambit ko.
Nakakaasar talaga! ewan ko ba dun!
Next day at medyo nagiging close ko na si axel at parang ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan unlike nung nasa france ako.
Axel is a good person at masasabe ko talagang anak siya ni daddy.
pumasok ako sa loob ng banyo dahil tumawag si mommy at sinigurado kong walang ibang tao bago ito sinagot.
"Hello mom?"
"(How was it?)" napapikit ako ng mariin.
"Unti-unti ko na siyang nagiging kaibigan mom atsaka mabilis lang naman makuha ang loob ng axel dizon na yon" sagot ko.
"(Good job! Now humanap ka ng mga bagay na pwedeng magpatunay na siya nga para malaman na natin kong anak ba talaga siya ni jackson)"
"Yes mom nag hahanap lang ako ng tamang oras but are we going to kill him kapag siya talaga?"
"(Ofcourse dahil-)"
nanlaki ang mga mata ko ng biglang may umagaw ng cellphone ko at pinatay.
"So you're going to kill axel huh?" bigla akong kinabahan sa sinambit niya.
"Ikaw nanaman?! bakit ka nakikinig ng usapan namin?"
Tinignan niya ako ng masama at kinabahan ako.
shit naman oh!
Since that day ay tinakot niya ako na sasabihin kay axel ang narinig niya kapag di ako pumayag na makipag kaibigan sakanya. I find it weird noong una dahil lahat ng ginagawa ko ay alam niya at go with flow lang siya di kagaya ni William
Yeah i know william dahil kababata ko siya ngunit naghiwalay lang kami start noong nag college na dahil pumunta akong france at alam kong gusto niya ako.
Alam din niya ang plano namin ni mom.
"Bakit parang wala ka pang ginagawa?" tanong saakin ni william at nandito kami sa swimming pool area.
Hinarap ko naman siya.
"Anong gusto mong gawin ko? patayin kaagad siya ng wala manlang akong proof kong anak ba talaga siya ni dad?" napakunot noo naman siya.
"I know you hansel kapag may gusto kang kuhain o gawin gumagawa ka kaagad ng paraan para makuha ito pero bakit ngayon parang ang kupad mo?"
inirapan ko siya.
"I'm doing anything william" sagot ko.
"Really? o nagbago na isip mo dahil naging kaibigan mo si axel? or yong lalaking kasama mo lage?"nagulat ako sa sinagot niya
paano niya nalaman?
Ngumisi siya.
"Gulat ka?" nag crossarms naman ako.
"So? ano naman ngayon kong nakikipag kita o nakikipag usap ako sa ibang lalaki? masama ba?" nakataas kong kilay na sagot at nakita kong nagbago ange ekspresyon ng mukha niya.
"What? so you're really-" di ko na siya pinatapos.
"Yes i'm dating him"
"Then what about me?"
ngumiti naman ako.
"If you really love me ay hahayaan mo ako sa kong anong gusto kong gawin william" sagot ko at tinalikuran ko siya.
Biglang pumasok sa isipan ko si kaizer, di ko alam kong ano ba talagang meron kaming dalawa pero ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama siya.
"Are you sure about that?" tanong niya saakin habang nakatingin sa buhok na nakalagay maliit na clear plastic na hawak ko.
Buhok ito ni axel.
"Yeah ito ang magiging paraan para malaman ko kong siya ba talaga ang anak ni dad" sagot ko.
Huminga naman siya ng malalim.
"Then what are you going to do if siya nga?" napayuko ako.
Ayaw kong pumatay ng tao at hindi rin naman ako masaya sa buhay na meron ako dahil sumusunod lang ako lage sa utos like kong ano ang gagawin ko, isusuot ko, sasabihin ko.
This life is not mine.
at gusto ko lang naman ay maging ako, maging simple lang.
"Nakikita kong di ka okay sa planong to..." napatingin ako sakanya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Follow your heart" sabi niya.
Mas lalo akong nahirapan sa mga bagay na ginagawa ko at kinakain ako ng guilt.
Axel is good to me.
"I can't do this anymore" umiiyak kong sambit at naramdaman kong niyakap niya ako.
"I'm here for you hansel." niyakap ko siya at iniyak ko lang lahat.
I know what to do..
i will do the right thing.
"Help meee!" nakatingin lang ako mula sa kinatatayuan ko kay axel.
"Shit are you sure with this?" tanong ni Kaizer sa tabi ko. sobrang lakas ng ulan at nandito kami sa likod ng puno dahil binabantayan namin si axel. Napigilan namin ang tao ni mommy na dalhin siya sakanya at dito namin siya dinala sa gubat kong saan malapit lang.
"Yeah na text ko na si calvin" sagot ko.
"Damn it" naghintay lang kami ng ilang minuto at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sila calvin at ang mga kaibigan niya.
Thank god
Save your man cal...
Natauhan ako ang biglang magsalita si kai. Nandito na pala kami sa building ng condo niya.
"Are you okay?" tanong niya saakin.
"Yeah"
ngumiti siya saakin at bumaba na ng kotse.
This is okay for now...
atleast i did the right thing.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro