Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R - T W E N T Y E I G H T

CALVIN HARRIS DELA QUESTA

Pagkapasok ko palang ng bahay ay narinig ko kaagad ang galit na galit na boses ni daddy.

"Emman anak mo siya! bakit ba di mo nalang tanggapin?" sambit ni mommy.

"Bakit ba ang dali lang sayo lahat? hahayaan mo nalang ba na di maging normal ang buhay ng anak mo?"

"Bakit emman? anong hindi normal sa dalawang taong nagmamahalan? ha? Emman nasasaktan din ang anak mo! atsaka di mo ba napansin na simula ng pumasok sa bahay natin si axel ay naging okay ang pakikisama saatin ni cal?" tumulo ang luha ko.

"Hindi ako papayag annabelle! nag iisang anak lang natin siya at paano nalang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila na ang anak ko ay may karelasyon na kapwa niya lalaki?"

"Yan yong problema sayo eh! lagi mo nalang iniisip yang sarili mo? Kami ba nang anak mo naiisip mo? lagi nalang siyang sumusunod sayo! lagi mong kontrolado kahit di niya gusto ginawa niya dahil utos mo!"

Lumapit na ako at ibinaba ang medal na nakuha ko kanina at sinigurado kong maririnig nila iyon. Tumingin silang dalawa saakin.

"Cal anak"

"I won dad" sambit ko at tinignan niya ang medal na nilapag ko sa center table.

"So what do you expect? i ko-congrats kita? after what you did?"

"I love him pa, i can't live without him. Please... just let me love him i promise that i will do everything you want just let me" umiiyak kong sabi sakanya.

"I know na nag eexpect kayo saakin but i can't marry stacey because i don't like her, i can't force myself because i'm inlove with axel. Dad please... sinunod ko lahat ng gusto mo pero please give me this one... just let me...." para akong batang umiiyak sa harap nila at maya-maya ay naramdaman ko na niyakap ako ni mommy.

"Mom please..." umiiyak kong sambit at niyakap siya.

"I love you so much son.. at kahit ano ka pa at kong ano ang magustuhan mo ay susuportahan kita okay?" mas lalo akong naiyak dahil sa sinabe niya at maya-maya ay nagsalita si dad.

He is crying

"Okay.. enough this drama" napatingin kami sakanya ni mommy.

"You're so stubborn calvin! tsk!" inis parin niyang sambit at pinahid ang luha niya.

lumapit naman sakanya si mommy at dinaluhan siya.

"Hon please..." sambit ni mommy.

"Tsk! annabelle paano ba yan? mukhang di na tayo mag kaka apo?" Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabe niyang yon at di ko mapigilang mapaluhod sa harapan nila.

"Thank you dad" umiiyak kong sambit at maya-maya ay dinaluhan nila ako at tinulangang tumayo.

"I'm sorry son." sambit niya at tinap ang balikat ko.

"Thank you dad"

"You are always welcome son, and also thanks to your mom because she made me realize everything and I'm so proud of you remember that. Hindi ko man yon nasasabe sayo pero i'm proud of you sa lahat ng bagay and this time make me proud again okay? Get your man cal" at ngumiti siya.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at niyakap siya.

This is it.

AXEL DIZON

Isang linggo na akong nandito sa france at si oliver lang lage ang kasama ko at damn! ang daming pinapagawa saakin but kahit papaano ay natutunan ko naman lahat ng tinuturo saakin. Alam ko na lahat ng tungkol sa Henderson at nakakalula lang kong isipin kong anong mundo ang meron sila.

at kasali na pala ako sa mundong iyon dahil ako din mag mag mamana ng lahat ng yon pagdating ng araw.

"Ano na? labas tayo?" sabi ni oliver at nakakailang labas na kami at kong ano ano lang ang binibili namin like damit, sapatos at kong ano ano pa na magustuhan namin.

ganito pala ang pakiramdam na lahat ng bagay na gugustuhin mo ay nakukuha mo no?

"Jusme ayaw ko na pagod na ako" sagot ko at natawa naman siya at umupo sa tabi ko. Nandito kaming dalawa sa veranda at kitang-kita ko ang magandang view.

"Okay sige pero Axel okay ka na ba?" tanong niya saakin at ngumiti naman ako.

"Hindi ko din alam eh, kasi parang ang bilis ng mga pangyayare sa buhay ko kasi parang kailan lang nasa ibang bahay ako nakatira at muntik na din akong namatay at ngayon ito na" sagot ko sakanya napabuntong hininga lang siya.

Di ko alam kong bakit ganito ang nangyare saakin parang roller coaster ride lang.

Pero isang tao lang ang gusto kong makita at makasama ngayon.

CALVIN HARRIS DELA QUESTA

Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng mataas na gate ng bahay ng mga Henderson. Damn this house is so big! bumaba ako ng kotse ko at lumapit sa gate at sinubukan kong mag door bell.

"Please open the gate!!" parang tanga kong sigaw.

This is it! makikita ko na siya ulit!

biglang bumukas ang malaking gate at may mga lalaking nakatayo sa harap ko.

Fuck!

"Who are you?" tanong ng isa sakanila.

"Let me in please i want to talk to axel" sambit ko at kumunot noo naman sila.

"You're not allowed to go inside young man" sabi ng isa kaya't naasar ako.

"No! please! tell axel i'm here!" pilit akong pumasok kaso tinulak nila ako.

"Pleaseee!!" pagpupumilit ko ngunit tinulak lang ako at wala akong lakas dahil ang laki ng mga katawan nila.

"Wait! the master said na papasukin yan" sambit ng isa kaya napangisi ako.

"Kita niyo lang? tsk hoy bitawan niyo ako!! ahhh!" sigaw ko ng bigla nila akong bitbitin papasok ng bahay.

Pilit akong kumawala sakanila ngunit sobrang lakas ng mga to kaya't di ako nakapalag hanggang sa makapasok kami loob ng bahay at dumiretso sa tapat ng malaking pinto.

"Anong meron dito?"

"Pasok!"

Napamura ako ng biglang bumukas ang malaking pinto at tinulak ako ng walanghiyang lalaki nakahawak saakin. Sasapakin ko to eh!

Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto at parang mahuhulog ang panga ko sa laki nito.

"Tell me your name young man" kaagad akong napatingin sa nagsalita at bigla akong kinabahan ng makita ko ang isang matandang lalaki na naka upo sa isang malaking sofa at nasa tabi din nito ang isa pang lalaki na kahawig ni axel.

shit! is that...

"I'm C-calvin Dela Questa" sagot ko at nakita kong napangisi yong isa at tumayo at naglakad papalapit saakin.

"You're the boyfriend of my son?" sambit nito at umikot saakin na parang tinitignan ang kabuuan ko.

"Yes sir and i'm here to see him" boung tapang kong sagot.

"Paano kong ayaw namin na ipakita sayo si axel?" biglang sabat ng matanda.

"Alam ko pong di ninyo gusto ang pagkakaroon namin ng relasyon ng apo ninyo pero di niyo po ako mapipigilan na mahalin ang apo niyo" sagot ko at naglakad pabalik sa tabi niya ang ama ni axel.

"Really huh? then tell me kaya mo bang ibuwis ang buhay mo para sa anak ko?" bigla akong kinilabutan sa tanong ng ama ni axel at nakita ko ang baril na nasa center table na kinuha ng papa ni axel.

napalunok ako.

"Yes sir" sagot ko at napataas ang kilay nito at napalunok ako ng biglang itinutok saakin ang baril.

"Are you sure?" tinignan ko siya sa mga mata niya.

"I know axel will hate you if you kill me but go on" ngumisi ako at nagulat ako ng biglang pumalakpak ang lolo ni axel kaya ibinaba ng ama ni axel ang baril.

"I'm Impressed! Wow!" napatingin kaming dalawa ng ama ni axel sa lolo niya.

"What do you mean sir?" ngumisi siya saakin.

"You're so confident huh"

"Yes sir because if you really love someone ay ipaglalaban mo yong taong yon sa mga taong pilit na pinipigilan ang mamagalan niyo" sagot ko.

Napatango siya.

"Okay and I promise to my apo that i will not hurt you but sadly axel is not here" para akong sinampal ng sabihin niya iyon.

"W-what? n-nasaan siya?" tanong ko.

"Come here young man" utos ng ama ni axel saakin kaya't lumapit ako sa kinaroroonan nila.

kinakabahan ako.

nasaan si axel? gusto ko na siyang makita

"Here" napatingin ako sa papel na inilapag ng lolo niya sa lamesa at kinuha ko naman ito at napakunot ako ng makita ko na address ang nasulat dito.

"That's the address kong saan nakatira ang anak ko sa france and promise me one thing young man" napatingin ako sa ama ni axel.

"Take care of my heir" napangiti naman ako.

fuxk!

"Yes sir! promise" sagot ko.

"Good! so what are you waiting for?"

Kaagad akong lumabas ng kwartong iyon.

This is it axel! magkikita na din tayo!

Nakarating ako sa living room at isang lalaki ang nakita kong pababa ng hagdan.

"Calvin?" sambit niya at lumapit saakin.

"Hansel"

"What are you doing here axel is not here" sambit niya.

"I know but here i got this" sagot ko at napangiti naman siya.

"OMG! PERO WAIT I THINK KAILANGAN MO NANG KASAMA KASI BAKA MALIGAW KA" Excited niyang sambit kaya't napakunot noo naman ako.

"What do you mean?"

"Duh! edi sasama ako sayo omg!"

Napailing nalang ako.

Axel wait for me....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro