Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R - T H R E E

AXEL DIZON

Nirun ko ang program na ginawa ko at napangiti ako ng mag run ito na walang error. Naks naman! ako na talaga charoot! Sumandal ako sa Sandalan ng upuan ko at napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam ko din ang Lamig na nang gagaling sa aircon dahil malapit lang ang pwesto naming tatlo sa Aircon.

"Taeng yan error parin?" naiistress na sabi ni david sa tabi ko kaya't sinilip ko naman ito.

"Bakit anyare?" tanong ko at tinignang ang codes niya.

"Ayaw eh nakailang check na ako pero may mali parin" inis niyang sambit kaya't tinignan ko naman ito ng maigi at napangisi ako ng makita kong may kulang siya na bracket sa dulo ng isang code niya.

"Ito oh mali mo" sambit ko at tinype ko ito at ni run at boom!

"Wow! ang galing ah!"

"Ako pa ba? char!"

"Mr. Dizon?! what is happening?!" napakagat ako ng ibabang labi ko at lumingon kay sir.

"Ah w-wala po sir nag tanong lang po ako" nahihiyang sagot ako at nakita kong nakatingin na saakin ang mga kaklase ko.

Masungit kasi tong prof namin sa Programming kaloka di umeepek kagandahan ko!

charing!

Lumapit siya sa may computer ko at tinignan ang gawa ko at ng nakita niyang okay ay tumango tango siya at bumalik sa harap.

Kala mo ah!

Breaktime at nakaupo lang kaming tatlo dito sa Canteen at nakaharap sa mga laptop namin dahil mamaya ay may report kaming tatlo. Magkasama kasi kami lagi sa pag may report kaya ngayon magkasama kami ulit.

Napairap ako ng biglang nag hang ang laptop ko.

Gosh! ito nanaman! sumandal ako sa upuan ko at napatingin sa babaeng dumaan. May dala-dala siyang Ice coffee kaya napangiti naman ako.

Parang gusto ko nun!

"Wait lang guys ah bibili lang ako ng maiinom" paalam ko sa dalawa at nag okay sign lang sila kaya't tumayo na ako at dumiretso sa counter.

"Isang ice coffee po" sabi ko sa nagbabantay sa counter.

"120 po sir" kinuha ko naman ang wallet ko at binuksan ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita kong 100 peso nalang ang pera ko.

"Shit" bulong ko.

Paubos na pala yong allowance ko! mama!

"Sir magbabayad po ba kayo o tatayo lang kayo diyan?" mataray na tanong ng babae.

Wow ah! ang taray naman nito! ganda ka?!

"Ah kasi-"

"Isabay mo nalang dito atsaka isang chicken sandwich at coke" napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si Calvin na inabot ang kulay blue niya na card sa babae.

Napataas naman ang kilay ko ng makita kong halos maihi sa kilig si ate girl sa counter.

Hype! from mataray to Maharot real quick!

"Okay po sir" sambit nito.

Napatingin naman ako kay Calvin at kinuha ko ang ice coffee ko.

"S-salamat babayaran nalang kita" sambit ko at lumingon naman siya saakin.

"No need" tipid niyang sagot at may kinuha siya sa wallet niyang isa pang card at inabot saakin kaya't napaawang naman ang bibig ko.

"That's your allowance at pinabibigay yan sayo ni mommy" Walang ganang sabi niya at tinanggap ang order niya at walang pasabeng umalis.

"Uy teka sandali!" tawag ko sakanya at mabuti naman ay humarap siya.

"Thank you" nahihiya kong sabi ngunit as expected wala parin siyang reaksyon at naglakad palabas ng canteen.

"Ano teh? tatayo ka lang ba diyan? may iba pang bibili oh!" napatingin ako kay ate girl sa counter na nakataas ang kilay saakin.

Aba aba! kanina ang harot tapos ngayon mataray na ulit?!

GANDA KA?!

""Ito na aalis na! galit na galit?" sagot ko at inirapan siya.

"So saan ka pala ngayon nakatira?" tanong ni David saakin matapos kong sabihin sakanila ang problema ko. Natapos na din ang report namin at buti nalang at nagustuhan ito ng Prof namin.

"Oo nga teh?" sabat naman ni mica. Tumingin muna ako sa paligid at sumenyas na lumapit sila saakin.

"Quite lang kayo ah" panimula ko at tumango naman silang dalawa.

"Sa bahay na ako nila Calvin nakatira" sabi ko at napaatras silang dalawa.

"What? seryoso?" gulat na sambit ni Mica.

"Calvin? As in Calvin Harris Dela Questa?" tanong ni David at tumango tango naman ako.

"Omg! Paano?" Huminga muna ako ng malalim at nagsimulang mag kwento sakanila at gulat na gulat naman sila sa kwento ko.

"Ang swerte mo naman pala eh" sambit ni mica.

"Hmmm? anong swerte dun? eh di nga ako kinakausap tapos ang sungit sungit pa" sagot ko at natawa naman silang dalawa.

"Pero wait nakakagulat pero anyways make kwento ah kapag alam mo na nakita mo yong ano" napakunot naman ako ng noo.

"Anong ano?" tanong ko at bumaling naman ako kay david na natatawa.

"Hoy ano yon?" tanong ko.

"Edi yong" nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang sinasabe nila.

"Fuck! ang bastos ah!" sambit ko at hinampas ng ballpen si mica sa ulo.

Gosh!

"Sowws! sabagay Birhen pa kasi kaya ayan HAHAHAHAH!" tawang tawa na sambit ni David.

"Sa totoo! di pa siya nakakita ng ibang ano HAHAHAHAHAH!"

napailing nalang ako at napatakip ng taenga.

Hayop tong mga to!

Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay at nakasalubong ko si tita na nakabihis at may dalang maleta.

hala?

"Hello po tita" bati ko sakanya at napalingon naman siya saakin.

"Yon buti nandito ka na anyway aalis pa ako axel I'm going to korea tonight dahil susunduin ko ang daddy ni Calvin and Kayo muna ni Calvin ang maiiwan dito for one week kasi naka leave ang mga katulong natin" napanganga ako sa sinabe ni tita at napatingin ako sa paligid dahil wala nga akong nakitang mga katulong.

omg!

"P-po? kaming dalawa lang ni Calvin?" tanong ko.

"Yup! kayo nang bahala okay? may kailangan ka magsabi ka lang kay calvin okay?" at nagkiss siya saakin.

"Sige po tita ingat po kayo" nahihiyang sambit ko.

"Thanks dear! pasabe nalang kay calvin" naiwan akong nakatulala at narealize ko nalang ang sinabe ni tita.

ONE WEEK NA KAMING DALAWA LANG NI CALVIN DITO SA BAHAY?!

Napakagat ako ng daliri.

Napakusot ako ng mata habang nakatingin sa laptop ko, kanina pa ako nandito sa Living room at hinihintay ko si Calvin na umuwi. Nakapag luto na din ako ng dinner naming dalawa at ngayon 9pm na pero wala parin siya.

Saan na kaya yon?

Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko hanggang sa may narinig akong busina sa labas at for sure na siya iyon.

Maya-maya ay bumukas ang pinto kaya't napatayo ako at nakita ko siya.

"Calvin" tawag ko, nilingon naman niya ako.

"Ano kasi si tita umalis na at-"

"I know" naiwan nanaman akong nakanganga dahil hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko.

"AIST! NAKAKAINIS!" Sambit ko at umupo ulit para gawin ang Assignment ko at maya-maya pa ay biglang nag blackout ang laptop ko.

"Shit! anyare?!" sigaw ko at ichinarge ko ngunit wala paring effect.

no no! kailangan ko nang matapos yon at di ko pa nasave! maya-maya ay napangat ako ng tingin ng makita ko si Calvin na umupo sa kabilang sofa at naka sout na ito ng pambahay na sando at gray na short.

Napalunok naman ako dahil sa sout niya.

gosh!

Ang puti opo!

Binuksan niya ang TV at ako naman ay napailing nalang at tinignan ang laptop ko pero wala paring nangyare.

"No omg" sambit ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko.

Hindi naman sa pagiging OA pero kapag nasira to ay wala na akong magagamit.

"Tsk!" napatigil ako sa pag dadrama ng tumayo si Calvin at nag martsa papunta sa taas.

Anong nangyare dun? Inayos ko nalang ang laptop ko at sinara. Tatawagan ko nalang si Mica para siya nalang ang gumawa ng assignment ko dahil wala nang chance tong laptop ko.

"Hello?" panimula ko ng Sagutin ni Mica ang tawag ko.

"(Hello teh? o bakit napatawag ka?)" tanong niya sa kabilang linya.

"Ano kasi nasira yong laptop ko pwedeng ikaw nalang gumawa ng Assignment ko para bukas?" nahihiyang sabi ko at napaangat ako ng tingin ng dumating si Calvin na may bitbit na laptop.

Nakakunot ang noo niyang nakatitig saakin kaya't pinatay ko ang tawag.

"Bakit?" tanong ko.

"Use this" nanlaki ang mga mata ko at napatayo.

"OMG! TALAGA?!" Nakangiti kong sambit at tinanggap ko ito. Mac ito at mukhang bago pa.

"Tss" tanging sambit niya inilapag ko naman ito at humarap sakanya.

"Thank you talaga ah!" akmang yayakapin ko sana siya ng bigla niyang tinulak ang noo ko gamit ang daliri niya.

"Stop acting like a kid" cold niyang sambit at napatigil naman ako at napakamot ng ulo.

Ang arte!

"Ahh hehehe sorry! na Carried away lang hehehe anyway nakaluto na pala ako ng dinner di ko nasabe sayo kanina kasi umakyat ka kaagad" sambit ko he just nod at tumalikod na.

Ay ganun? pero infairness ah! may tinatagong kabaitan din pala itong kuya mo! Pero nagtataka lang ako kong bakit ganun siya, bakit ang cold niya?

Binuksan ko ang laptop na pinahiram niya saakin at ginawa ko ulit ang assignment ko at tinapos ko na ito. Pagkatapos kong gawin ay dumiretso ako sa kusina at napatigil ako ng makita ko siyang naghuhugas ng pinagkainan niya.

Seryoso lang siya

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sakanya.

Bakit kaya ganito siya?

Kinabukasan ay ako ang naunang gumising para magluto ng agahan at plano ko din na kulitin si Calvin kasi naman ang seryoso lage! Hotdog at Scrambled egg ang niluto ko at inilagay sa Lamesa.

Tulog pa kaya yon?

Umupo muna ako sa lamesa at maya-maya ay naramdaman kong pumasok siya at naka school uniform na siya.

"Good morning!!" malakas kong bati sakanya pero bored niya lang akong tinignan at umupo sa Upuan.

Ngumiti naman ako at umupo din kaharap niya.

"Uy calvin" tawag ko sakanya pero di siya sumagot o tumingin manlang.

"Calviiin!! yooooo!" inangat naman niya ang tingin niya saakin kaya mas napangiti ako.

"Yiee! titingin ka din naman pala eh! hehehe masarap ba yong luto ko?" tanong ko but instead of answering me ay sumimangot lang siya.

"Annoying" napa pout naman ako.

"Hindi naman! grabe! bakit ba kasi ang seryoso mo?" tanong ko ngunit di parin siya sumasagot at ipinagpatuloy niya ang pagkain niya at maya-maya ay tumayo na siya at dinala ang plato niya sa kitchen.

Hays! mukhang walang effect tong pagiging maingay at maharot ko sa lalaking yon ah!

Tinuloy ko ang pagkain ko at maya-maya ay dumaan siya ulit at tumigil siya sa harapan ko.

"Eat faster sasabay ka sakin" napatigil ako.

"Talaga?! omg wait!!" Binilisan ko ang pagkain ko ag halos mabulunan na ako dahil doon at pagkatapos ay dinala ko na sa Kusina ang platong ginamit ko at sumunod na sakanya.

Pumasok ako sa kotse niya at ganun din siya. Boung byahe kaming tahimik dahil seryoso nanaman siya.

Ano ba yan? di kaya napapanisan ng laway to? nilingon ko siya.

"Uy calvin?" tawag ko.

wala parin

"Calviiiin" wala parin.

"Sungit!" tawag ko at lumingon siya saakin na nakasimangot.

"Chill! uso kasi magsalita! hahahah! kamusta ka naman?" tanong ko at umiling naman siya at nag drive ulit.

"Hay naku! ang seryoso naman! sige na nga ako nalang ang mag kikwento ehem!" inayos ko muna ang boses ko at saktong tumigil ang sasakyan dahil nag red ang stop light.

"Alam mo bang lumaki ako na di ko kilala ang tatay ko? kasi iniwan niya si mama noon dahil di sila magkaanak eh ang hindi alam ng tatay ko na buntis pala si mama noong iniwan niya ito" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong nakatitig saakin.

"Yiee! nakikinig siya!" masayang sambit ko at umiling naman siya.

"Seriously? Magkikwento ka nang ganyang bagay sa taong di mo naman kilala?" sambit niya.

"Ha? eh kilala naman kita eh! atsaka for sure di ka naman madaldal atsaka secret lang yon ah! pero alam na pala nila david kaya di na secret" naka pout kong sambit.

"Annoying" bulong niya kaya napatigil naman ako nilingon ko siya.

"Annoying kaagad? hmp! ang ganda ganda ko kaya atsaka di ka naman galit sa bakla diba?" tanong ko at di nanaman siya sumagot.

"Hayss! magsalita ka naman diyan" sabi ko pero wala parin siyang kibo.

Wala parin siyang kibo hanggang sa nakarating kami sa school. Nauna siya bumaba at sumunod na din ako.

"Salamat sa pagsabay" sabi ko.

"May kanin ka pa sa labi tsk" nanlaki ang mga mata ko at inilabas ang cellphone ko at tinignan ang mukha ko at damn! meron nga!

WALANG HIYA! NGAYON NIYA LANG SAAKIN SINABE!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro