C H A P T E R - S I X
AXEL DIZON
"Then after that ipasa niyo saakin next week gets niyo?" mataray na tanong ng prof namin ng matapos niyang sabihin ang group project namin. Website lang naman yon at magka group kaming tatlo nila David as always naman.
"Uy teh may naisip ka na bang gagawing website?" tanong ni Mica saakin at napahawak naman ako sa baba ko.
"Hmm wala pa eh" sagot ko.
Wala pa kaming naiisip na gagawin at biglang bumukas ang pinto ng Classroom kaya't lahat kami ay napalingon dito at adviser pala namin yon at may kasama siyang studiyante na lalaki.
Mukha siyang babae at pak! parang mas maganda siya saakin! he look nice at parang ang bait niya tignan.
"Yes Mrs. Santos?" tanong ng prof namin.
"I'm here para ihatid tong new student ko" nagkatinginan kaming tatlo.
"Ang cute niya" sabi ni mica.
"Tsk! basta lalaki talaga mica no? walang jowa??" sabi naman ni David.
"Grabe ka naman ang cute niya kasi" napailing nalang ako at tinignan ko ang transfer student na pumunta sa harapan.
"Good morning everyone I'm Hansel John Ford" Napawow naman ako sa pangalan niya. Ang taray naman pangmayaman!
"Okay mr. Ford pwede ka nang umupo" utos ng mataray namin na prof and to my surprise ay sa tabi ni mica umupo yong hansel dahil walang naka upo doon.
"Hi!" bati ni mica sakanya at napatingin naman siya saamin kaya't nginitian ko siya.
"H-hello I'm hansel" nahihiyang pakilala niya saamin.
"Hey! i'm mica this is Axel and david" sabi ni mica at nagkatinginan kami ni Hansel kaya't nginitian ko siya.
"Hi! i'm axel nice to meet you" masiglang bati ko ngumiti siya saakin kaya't natuwa ako. Ang ganda kasi ng Lips niya heartshaped.
"Pwede kang sumama saamin tuwing break time kapag gusto mo ah? don't worry mukha man kaming chaka pero mabait naman kami" natatawang sambit ni mica.
"Hoy ikaw lang chaka saatin no"sambit ni david at natawa naman si Hansel.
"Tama! ang ganda ko kaya hmp!" sambit ko at nagtawanan lang kami.
Natapos ang klase at dumating na ang breaktime at kasama namin si Hansel sa canteen.
"I heard that maganda ang school na to kaya dito ako nag transfer" kwento ni Hansel at napatango naman kami and nalaman namin na mayaman nga siya at halata naman sa hitsura niya.
Tamang kain lang ang ginawa namin ng makaramdam ako ng pagka ihi kaya't nagpaalam muna ako sakanila. Instead na sa Building namin ako pumunta para mag cr ay sa iba ako nag punta at napadaan ako sa Building ng Architecture kaya't pumasok sa isipan ko si Calvin.
Saan kaya yong masungit na yon?
Napangiti ako at may idea na pumasok sa isipan ko dahil pumasok ako sa loob ng building instead na mag cr.
Marami akong nakasalubong na mga studiyante ngunit di ko parin nakikita si Calvin hanggang sa nakarating ako ng second floor.
Hinanap ko siya pero wala parin hanggang sa.
"Hoy! taga dito ka ba sa building na to?" nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon kaya't naglakad ako ng mabilis.
patay na!
"Hoy! bumalik ka dito!!"
Shiiiit!!
Lakad takbo na ang ginawa ko hanggang sa namalayan kong tumatakbo na ako at wala akong pakialam kahit may nababangga ako hanggang sa nakaabot ako ng second floor.
no no! baka maabutan niya ako!
Binilisan ko ang takbo at napatigil ko sa tapat ng classroom na walang tao May glass kasi ito kong saan makikita mo ang loob kaya't binuksan ko ito at pumasok sa loob at sinara.
"Gosh! muntik na yon ah!" singha ko at napahawak ako sa dibdib ko.
"What the hell are you doing here?" naistatwa ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon kaya't nilingon ko ito at siya nga.
"Calvin!" nakangiti kong sambit at napalunok ako. Mabuti nalang at mag isa lang siya dito at napansin kong iba ang upuan nila.
Tumayo siya at lumapit saakin.
"What are you doing here? stalking me?" tanong niya.
"H-hoy hindi ah!" sagot ko.
"Then what the hell are you doing here?" tanong niya ulit kaya't napakamot naman ako ng ulo ko.
"A-ano kasi-" napatigil ako ng may marinig akong ingay sa labas at naalala kong may guard na humabol saakin.
"Shit! itago mo ako!"
"What?"
"Omg!" nag panic ako at di ko alam basta't sumuot nalang ako sa ilalim ng desk at nag takip ng bibig.
"Yes?" dinig kong tanong ni Calvin kaya't napa finger cross naman ako at nagdasal na wag niya akonb isusumbong.
"May pumasok bang studiyante dito na taga ibang department?" tanong ng guard.
"Wala" sagot ni calvin at nakahinga naman ako ng maluwag.
"O sige salamat"
Narinig kong nagsara ang pinto at lalabas na sana ako ng may narinig ako.
"Calvin! pare bakit di ka sumama saamin? kumain ka na ba?"
Shit shit!
Napakagat ako ng ibabang labi ko ng marinig ko ang mga kaibigan ni calvin.
Naku naman!!
"Yeah nakakain na ako" sagot ni calvin at napapikit ako ng may nakita akong paa sa harapan ko.
shit!
"Owww" rinig kong sambit ng lalaki kaya't dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko si kevin na nakatayo sa harap ko.
"H-hello?" bati ko at sinubukan kong tumayo ngunit nauntog ako.
"Aray!" singhal ko.
"Oh shit! are you okay?"
"Yeah heheh sorry" nakalabas na ako at tumayo at mas nakaramdam ako ng sobrang hiya ng makita ko pa ang dalawang lalaki niyang kaibigan at si Hannah.
Shit!
"Owww may kasama pala" sambit nung isa at si hannah naman ay napakunot noo at napatingin kay calvin na ngayon ay walang emosyon na nakatingin saakin.
Nakakahiya!
Tumingin ako kay kevin at ngumiti ng pilit.
"Sorry napadaan lang ako dito heheh bye!" at nakayuko akong naglakad papunta sa pinto ngunit may nabangga akong dibdib na walang iba kundi kay Calvin.
napalunok ako ng iangat ko tingin ko.
"Heheh sorry aalis na ako bye!" at mabilis kong inabot ang pinto at lumabas.
Nakalabas naman ako ng Building nila nang safe at di nahuli at ramdam ko parin ang kaba at hiya.
"Oh anong nangyare sayo bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ni mica. Napaupo ako at inagaw ko ang bote ng tubig ni mica at ininom.
"Omg okay ka lang?" tanong ni hansel saakin at inilapag ko ang bote ng tubig na wala ng laman.
"Oo hahah okay lang ako" hinihingal kong sagot.
"Naku Axel ah ano nanaman kayang kalokahan ang ginawa mo" natatawang sabi ni david.
"Uy wala ah hahaha" biglang nag ring bell kaya't tumayo
na kami ngunit nakaramdam ako ulit ng pag ka ihi.
Shit! kita mo lang dahil sa kagagahan ko nakalimutan ko ng umihi!
Boung maghapon kaming ang daming ginawa at nakaka stress pa kaya pagod na pagod ako. Ngayon ay nandito ako sa parking lot dahil hinatid ko pa si mica na susunduin ng bebe niya.
"Bye mica!" paalam ko kay mica ng makasakay siya sa motor ni larry at si david naman ay kasama ng bebe niya.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko kong anong oras na ba or may text si mama pero wala naman At 4pm na.
"Axel" napalingon ako ng may tumawag saakin at kaagad akong napangiti ng makita ko si Hansel na papalapit saakin.
"Oy! ano tapos ka na?" tanong ko sakanya at lumapit naman siya saakin at tumabi.
"Oo mabuti nalang talaga at mabilis yong process sa registar" masayang sambit niya dahil nag asikaso siya ng mga papers niya dito sa school dahil nga nag transfer siya dito at part na din siya ng squad namin.
"Mabuti naman kong ganun anyway tapos na ba lahat?" tanong ko at tumango naman siya at ngumiti.
"Yeah! ang bilis nga eh! ikaw mukhang pagod na pagod ka?" tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Oo jusme nakakapagod talaga"
"Pahinga ka na at anyway thank you pala sa pag sama niyo saakin ah" ngumiti naman ako.
"Wala yon heheh basta magsabi ka lang okay? fighthing!" nakangiti kong sambit at maya-maya ay may bumusina na sasakyan sa harap namin at tumigil kaya't napa wow naman ako dahil ang ganda nito.
"Thank you axel ah! nandito na yong sundo ko babye!"
sakanya pala yon.
"Sige babye!" nakangiti kong sambit at tinanaw ko lang siya na sumakay at ng makaalis siya ay aalis na sana ako ngunit nakita ko si Calvin.
Ang pogi talaga nito! nakaitim siya na jacket na pinatong niya sa uniform niya at papunta siya sa Kinaroroonan ko kaya nginitian ko siya.
sabay nalang ako sakanya pauwi.
Tumigil siya sa harap ko at nagulat ako ng may pinalo siyang naka roll na papel sa ulo ko.
"Aray!" sambit ko at kinuha ko ang papel. Namulsa naman siya.
"Ano to?" tanong ko sakanya.
"Open it stupid" na pout naman ako.
"Hmp! maganda naman!" binuksan ko ang naka roll na papel at nanlaki ang mga mata ko.
"WOW! YOU GOT 100!!" tuwang tuwa kong singhal at napatalon talon pa ako. Ito yong Plates na ginagawa niya at kapag naka 100 siya ay ililibre ko siya.
"Ofcourse now let's go" sambit niya.
"Sige! akin nalang to ah?" sabi ko at ni roll ko ulit.
"Ano namang gagawin mo diyan?" naka kunot noo niyang tanong.
"Hmmm remembrance kasi syempre galing sayo! Tara na!" nakangiti kong sagot at nauna sakanyang mag lakad.
"Tss.. whatever" sabi niya pero nakangiti parin ako habang hawak hawak ang binigay niya.
"Ano yan?" tanong niya ng inilapag ko ang inorder ko. Dalawang jolly spag at chicken ang inorder ko para saaming dalawa.
Umupo ako at ibinigay ko sakanya ang pagkain niya.
"Spag yan at chicken favorite ko yan simula noong bata pa ako at yan yong nirerequest ko kay mama kapag lumalabas kami" nakangiting kwento ko sakanya.
Kinuha naman niya ang tinidor at tinikman ang spag at nakangiti lang akong nakatingin sakanya.
"It's good" sambit niya kaya mas napangiti ako.
"Oo naman! sige na kain ka na"
Nagsimula na kaming kumain at napatigil ako ng makita ko siyang kumakain.
Para siyang bata! omg ang cute!
Naubos na niya yong spag at chicken ng mapatingin siya saakin.
"What?" natawa ako ng makita kong may sauce pa siya ng spag sa Gilid ng labi niya.
Ang cute!!
"Wala gusto mo pa?" tanong ko sakanya at inoffer ko ang spag ko na di pa nakalahati.
"Yeah?" natawa naman ako.
"Oo naman oh ito" at iniusog ko ang pagkain ko sakanya at napangiti naman ako ng makita ko siyang kumain.
Ang cute! parang gusto ko tuloy pisilin ang pisngi niya!
parang hindi siya yong calvin na madalas mong nakikita na naka simangot at ngayon he looks adorable habang kumakain.
Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at kinuhaan ko siya ng picture at sakto namang tapos na siya at iniangat ang tingin saakin.
"What are you doing?" naka kunot noo niyang tanong kaya't kaagad kong tinago ang phone ko.
"Wala hehehe tapos ka na?" tanong ko at napatawa ako ng makita kong ang dungis niya.
"Yeah"
"May sauce ka pa oh" sabi ko sakanya.
"Where?" tanong niya at tinuro ko ang gilid ng labi niya na kaagad naman niyang pinunasan ngunit di naman niya nalinis lahat.
"Meron padin oh! hays ako na nga" kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang gilid ng labi niya at nabigla naman siya sa ginawa ko kaya't napatitig nalang siya saakin habang nakangiting pinupunasan ang labi niya.
"Ayan okay na! ang kalat mo naman kumain para kang bata" sabi ko ng matapos kong punasan ang gilid ng labi niya.
"Tsss i'm just hungry" sagot niya.
"Yieee ang sarap ng spag- umuulan?" napanguso ng makita kong umuulan sa labas at nagtatakbohan yong mga tao.
Lord sana naman ulan lang...
tumingin ako kay calvin na nakatingin lang din sa labas.
Ang tahimik nanaman niya.
"Calvin" humarap siya saakin
"Hmmm?"
"Ngayon ka lang ba nakakain dito?" curious kong tanong sakanya.
"Yeah" sagot niya at napatango naman ako.
"Ay ganun? taray naman pala" sabi ko lang sakanya.
Napangiti naman ako habang nakatingin sakanya kaya't tinignan naman niya ako ng naka kunot noo.
"What?" tanong niya.
"Wala lang hehehe kasi medyo di lang ako sanay na kinakausap mo na ako kasi naman kahit dati na sumasama kami sa outings niyo ay sinusungitan mo ako" naka pout kong kwento.
"Well i hate Annoying people"
"Ang sama! atleast maganda naman ako" proud kong sabi.
"You're not" napanguso naman ako.
"Ang sama mo talaga! hmp!" biglang may pumasok sa isipan ko.
"So dahil kinakausap mo na ako friends na ba tayo?" excited kong tanong sakanya.
"No" napaatras naman ako.
"Hmp! edi more than friends! yiee bagay naman tayo eh" natatawa kong sambit at mas lalong sumama ang hitsura niya.
"You're so annoying" bigla siyang tumayo at naglakad.
"Uy teka wait!" sumunod naman ako sakanya ngunit napatigil kami dahil medyo malakas pa ang ulan.
"Ano ba yan" reklamo ko at tumabi sakanya.
"Here use this" nagulat ako ng ipinatong niya sa ulo ko ang jacket niya kaya't naamoy ko ang pabango niya. Tinignan ko naman siya.
"Hala bakit okay lang ako-"
"Wag kang maarte" napanguso naman ako dahil sa sinabe niyang yon.
"Okay! hmp!"
"Tsk! lets go" sumunod lang ako sakanya habang nakayakip sa ulo ko ang jacket niya at napangiti lang ako.
Nakarating kami sa bahay at napainat pa ako dahil sa sobrang pagod.
"Thank you pala dito" sabi ko at inabot sakanya ang jacket ng makaakyat kami sa taas.
Kinuha naman niya ito at dumiretso sa tapat ng pinto niya ngunit napatigil siya at humarap saakin.
"Axel" bigla akong kinilig ng marinig ko ang pangalan ko.
"Hmm?"
"Thanks" sagot niya at pumasok na sa kwarto.
Malapad naman akong ngumiti habang hawak ang plates na ginawa niya at pumasok sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko at napapikit.
"Akalain mo yon? kinakausap na ako ng isang calvin harris Dela Questa?" nakangiti kong sambit at naalala ko na may picture pala siya saakin kaya't kinuha ko ang phone ko at tinignan.
Ang cute!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro