C H A P T E R - F O U R T E E N
AXEL DIZON
Nagpakawala ako ng buntong hininga habang hawak hawak ang kutsara na ginagamit ko para kumain ng cup noodles Nandito ako sa 7/11 sa labas malapit sa hospital at akmang hihigop pa sana ako ng makita kong wala na palang laman.
Kaloka!
Tumayo nalang ako at itinapon ko ang basura at nagsimulang maglakad pabalik sa hospital.
Siguro masaya na si hannah dahil nasolo niya si Calvin.
Badtrip eh!
Pumasok na ako sa elevator at mag-isa lang ako sa loob at tumigil ito sa isang floor at bumukas. Nalunok ako ng makita ko ang isang lalaki na i think nasa 40's or 50's na medyo kamukha ko at naka nakasout ng marangyang suit at may kausap sa phone.
Tumayo siya sa tabi ko at para akong naubusan ng hangin.
No hindi ako pwedeng magkamali..
Siya ang lalaking nasa cellphone ko na ibinigay ni mama..
walang iba kung hindi si Papa.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at di ko alam kong paano kumalma.
"Okay okay I'll be there in a sec" bumukas ang elevator at lumabas na siya hindi ko alam kong anong nangyare ngunit natagpuan ko ang sarili kong sinundan siya hanggang sa pumasok siya sa loob ng room.
after 20 years.. nakita ko na siya!
Sinundan ko siya sa room na pinasukan niya at dahan-dahan akong sumilip sa Glass ng pinto and there i saw him hugging a kid.
Napasapo ko ang bibig ko at naramdaman ko ang pagbuhos ng luha ko.
Papa... anak mo din ako..
Umalis na ako sa tapat ng pinto at pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko alam kong masasaktan ba ako o magiging masaya o magagalit sakanya.
Tulala akong naglakad pabalik kong saan ang room ni calvin and pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nasaksihan ko.
Nakatayo silang dalawa and magkadikit ang labi.
Parang mas lalong nadurog ang puso ko dahil doon kaya'r isinara ko nalang ang pinto at tumakbo papalayo sakanila.
Ang sakit sakit..
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si david.
"(Oh pre bakit? gabi na ah?)"
napalunok ako.
"David... pwedeng mag pasundo please..." naiiyak kong sambit.
"(Okay fine! wait where are you?)"
Sinabi kong nasa hospital ako at naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating siya.
KINABUKASAN ay nagulat si david ng makita niya akong paalis na kahit alas kwatro palang ng madaling araw.
"Teka aalis ka na?" tanong niya habang nagsosout ako ng sapatos. Dinala niya kasi ako sa condo niya at nakitulog saglit at ngayon ay kailangan ko ng umalis dahil papasok pa ako at nasa hospital ang gamit ko sa school.
"Oo mag aayos lang ako para sa pagpasok sa school" sagot ko.
"Hala? ka? sure ka?" ngumiti naman ako.
"Oo salamat david ah babawi ako bye!"
Mabilis akong nakabalik ng hospital kahit inaantok pa talaga ako at pagkarating ko sa room ni calvin ay napakunot ako dahil wala na si hannah.
oh? i thought she's going to stay with him?
Biglang nag play sa isipan ko ang eksenang nakita ko kagabe.
Sila na siguro?
At baka yon yong bagay na sasabihin saakin ni calvin?
At ito na din siguro ang oras para lumayo ako sakanya...
Pinahid ko ang mga luha ko at dahan-dahan na kinuha ang gamit ko at lumabas ng kwarto niya.
"Ipopost namin ang grades niyo for midterm soon kaya goodluck!" sambit ng adviser namin bago siya lumabas ng classroom. napapikit naman ako at isiniksik ko ang mukha ko sa yakap yakap kong bag.
"Axel kumain ka na ba?" tanong ni mica sa tabi ko.
"Later na mica wala akong gana eh" sagot ko sakanya.
"Uy Axel maputla ka na kaya ilang gabi ka ng walang maayos na tulog simula ng ma hospital si Calvin" saba't naman ni hansel.
Inangat ko naman ang tingin ko sakanila at nakita ko ang nag aalala nilang mga tingin.
"Oh ayan oh malalim na ang mga mata mo kaya halika na sige ka papangit ka niyan" medyo natawa naman ako dahil sa sinabe saakin ni david kaya't ngumiti na ako.
"Oo na, sige na ayaw kong pumangit eh" sagot ko.
"Ayon! buti naman sige libre kita basta damihan mo kain mo ah" sabi ni hansel at umakbay saakin.
"Uy kami din!"
"Sige ba!"
Napilit nila akong kumain nang sobrang dami at libre yon lahat ni Hansel kaya tuwang tuwa naman ako. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga nakita ko kagabe at yong mga nangyare.
Di kaya ng utak at puso kong pagsabayin na makita ang papa ko at makitang naghahalikan si Calvin at Hannah.
Nakakainis!
Pabalik na kami ng room ng maramdaman kong tinatawag na ako ng kalikasan kailangan kong umihi!
"Wait lang guys ihi muna ako" paalam ko sakanila.
"Ay sige sasama na ako" sabi ni hansel.
"Tara naiihi na ako" Dumiretso kaming dalawa sa Comfort room at ginawa na namin ang dapat naming gagawin at naglakad na pabalik sa classroom.
"You know sa tingin ko kailangan mo nang sabihin sakanya" sabi ni hansel kinikwento ko kasi sakanya na gusto ko si Calvin at di ko alam kong anong gagawin.
"Wala na din sigurong pag asa eh kasi mukhang sila na ni hannah-"
"Kami na nga" napatigil kami sa paglalakad ng marinig namin ang boses na yon sa mula sa likuran namin kaya't nilingon namin at naroon si hannah na nakataas ang kilay.
"Who you?" tanong ni hansel kaya't tinignan siya ni hannah from head to toe.
"Oh? new friend? At to tell you ginagamit ka lang niya my dear" tinignan ko ng masama si hannah ng sabihin niya yon kay hansel pero ngumisi lang si hansel.
"Really? well di ko naman na feel so paano mo nasabe?" sagot ni hansel.
"Oh really?"
"Anong kailangan mo?" tanong ko kay hannah.
"Ikaw dahil may kasalanan ka saakin" tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh? bakit di ko alam? ikaw lang naman yata ang gumagawa ng issue mo? bakit? di ka na ba napapansin kaya nagpapansin ka?" mataray kong tanong at nakita ko ang galit sa mukha niya.
"Malaki ang kasalanan mo saakin at nandito ako para sabihin na layuan mo si calvin." naglakad siya papalapit saakin at tumigil sa harap ko.
"Do you understand?" ngumisi naman ako.
"Bakit ba takot na takot kang lapitan ko si calvin? diba sabi mo kayo na? threaten ka?" tanong ko.
"What? why would i?"
"Then why are you telling me na iwasan siya? or baka kasi di ka talaga gusto ni calvin pero pinagpipilitan mo lang ang sarili mo?" nakangisi kong tanong.
"Mukhang yon nga" sagot naman ni hansel.
"Bitch!" akmang sasampalin sana ako ni hannah ngunit pinigilan siya ni hansel.
"Ops! you can't hurt my friend dear"
"Bitawan mo'ko!!" sigaw ni hannah.
"Gusto mo? edi ayan!"
"AHHHHHH! ISA KA PA BANG BITCH KA!" sigaw ni hannah habang naka balandra sa sahig dahil binitawan siya ng malakas ni hansel.
"Mas bitch ka gaga! ambisyosa pa! tara na axel hayaan mo na yan HAHAHAHAH"
Tumakbo kami pabalik sa room at kwenento namin sakanila Mica ang nangyare
"Hala? ginawa mo talaga yon?" natatawang tanong ni mica kay hansel.
"Ofcourse ako pa ba!? hahahah mas worst pa dun ang kaya kong gawin" nakangising sambit ni hansel at tumingin saakin at kumindat.
"Buti nga sakanya leche siya! kong ako sasapakin ko yon kahit babae pa yon" gigil na sabi ni David at natigil lamang ang paguusap namin ng pumasok ang teacher.
Ano pa ba kasing kailangan saakin ni hannah? atsaka for sure sila na ni calvin kasi nakita kong naghalikan sila.
Tsk! edi sana all!
Biglang nag vibrate ang cellphone ko, kaagad kong kinuha at tiningnan.
From: Calvin Masungit 💛
"Please Umuwi ka nang maaga."
Napataas ang kilay ko dahil sa text niya?
Ipinasa walang bahala ko nalang at itinago ko ang cellphone ko. Kailangan ko siyang iwasan dahil baka makalbo ako ni hannah tsk! ayaw ko ng gulo!
Kaya ako nalang ang iiwas.
"Uy salamat pala sa foods ah ingat kayo!" nakangiting sabi ko sakanila.
"Your welcome hahaha wag ka ng magpuyat axel ah? naku!" gigil na sabi ni mica saakin.
Nandito kasi kami sa mall dahil nag yaya si david na kumain at pasado alas otso na nang gabi ng natapos na kami.
"Sige bye guys! ingat kayo!" paalam ko sakanila at naglakad na palabas ng restaurant ng mag ring bigla ang phone ko.
Calvin Masungit 💛 is Calling....
Di ko ito sinagot dahil ni reject ko lang at tinago. Ayaw ko muna siyang kausapin dahil magulo pa talaga ang utak ko.
Nag ring ulit at napakunot ako ng may message siya.
From: Calvin Masungit 💛
"Sasagot ka o sasagot ka?"
Napairap ako utosan mo ako?
tsk?
"Mukhang stress ka ah?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si William na nasa tabi ko.
"Uy! nandito ka din?" nakangiti kong sabi at napangiti din siya saakin.
"Yeah nagkayayaan lang ang team namin sayang nga wala si Calvin eh, may laban pa naman kami bukas" sagot niya.
Bukas na pala dapat yong laban nila kaso di pwede si calvin dahil yong sa paa niya.
"Kaya niyo yan! galing galing niyo eh!" sabi ko sakanya.
"Thank you! pauwi ka na ba?" ngumiti ako at tumango.
"Yup ikaw ba?" tanong ko.
"Oo! At dala ko ang kotse ko so tara na?" natawa nalang ako at sumunod sakanya sa parking lot.
Tawa lang kami ng tawa ni William habang nag da-drive at ibang-iba kapag siya ang kasama ko kesa kay calvin na SOBRANG TAHIMIK.
"Hala! so nahubad talaga yong underwear mo pag ahon mo?" tawang tawa kong tanong.
"Yeah at buti nalang practice yon as in bumaba talaga siya at nakita na yong kalahati ng butt ko" dagdag pa niya kaya't tawa parin kami ng tawa.
Walang hiyang william to.
"Anyway axel are you dating someone?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niyang yon.
"Wala, walang nagkakagusto saakin"natatawa kong sagot.
"What? i mean look at you, you're beautiful at mas maganda ka pa nga sa totoong babae tapos walang nagkakagusto sayo?" manghang sambit niya.
"Hmm.. wala e atsaka sino naman kasing magkakamali na magustuhan ako eh ang plain ko lang tapos ang ingay ko pa" sagot ko.
"Grabe naman" natawa nalang ako.
"So dahil wala kang dinidate so pwede akong manligaw?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa sinabi niya at saktong tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay.
napalunok ako ng magtama ang paningin namin.
"Uh S-seryoso ka?" ngumiti siya at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Yeah i'm serious na liligawan kita is that okay?" at naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko.
Napalunok ako at biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni calvin.
"Ahh eh... wait lang hinahanap na pala ako ni tita" medyo nabigla naman siya at ngumiti nalang.
"O, okay sige haha can i see you tommorow? Sa competition?" tanong niya saakin.
Ngumiti naman ako ng malapad sakanya.
"Ofcourse hehe! goodluck sige babye naa!" pilit kong pinasaya ang boses kahit sobrang awkward talaga.
Di ko alam ang sasabihin ko.
"Sige bye see you tommorow!" nag wave na ako sakanya at tinanaw ko ang kotse niyang paalis.
Napabuntong hininga nalang ako.
Liligawan niya ako? agad? napailing nalang ako at pumasok ako sa loob at deretsong umakyat at bubuksan ko na sana ang pinto ng.
"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" naistatwa ako sa boses na yon at damang dama ko na galit siya. Dahan-dahan akong lumingon sakanya at nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng kwarto niya ngunit may saklay.
Nakatingin lang siya saakin ng masama pero kahit naka saklay siya ngayon ang gwapo niya parin! Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"C-calvin! omg! nakauwi ka na! hi!" masiglang bati ko at naglakad ako papalapit sakanya ng magsalita siya.
"Hindi mo sinasagot ang tawag ko at di karin bumalik kagabe anong nangyare sayo?" galit na tanong niya kaya napatigil ako.
Ngumiti naman ako sakanya.
"A-ano kasi tinawagan ako ni mica na kailangan niya ako sa bahay nila kasi tatapusin namin yong gagawin namin" sagot ko at tinignan ko ang kabuuan niya and he looks okay na.
i want to hug him pero hindi pwede...
"Really? Pero nagpahatid ka kay william pauwi?" napakunot noo naman ako.
"Yeah and wala namang problema dun ah, mabait naman siya at actually liligawan niya daw ako so finally im-"
"WHAT THE FUCK?! GUSTO KA NIYANG LIGAWAN TAPOS OKAY LANG SAYO?!" nanlaki ang mga mata ko ng sumigaw siya at napalunok ako ng makita ko ang sobrang galit sa mga mata niya.
"T-teka nga? bakit ka nagagalit? wala namang masama kong liligawan niya ako ah! atsaka bakit wala ba akong karapatan magka love life? ikaw lang ba dapat ganun?" sagot ko at napapikit naman siya ng mariin pero nagulat ako nang makita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
Hala?!
"Okay fine," Cold niyang sagot at di ko maintindihan ang inaakto niya.
bigla siyang tumalikod at pumasok sa kwarto niya at napapikit ako sa lakas ng pagsara niya ng pinto.
What the hell is wrong with him?!
Pumasok naman ako sa loob ng kwarto ko at napakunot ako ng may nagtext sa cellphone ko.
From: Unknown
"Are you ready to die?"
What?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro