Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R - F I F T E E N

AXEL DIZON

Kinabukasan.

Napangiti ako habang nakaharap sa salamin.

"Happy 21st birthday self!" nakangiting bulong ko. Today is my birthday at gusto ko lang maging masaya. Nakita ko na din ang text saakin ni mama at masaya na ako dahil doon. Kaagad akong nag ayos pagkatapos kong maligo at lumabas ng kwarto at Mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina kong saan naroroon si Tita.

"Good morning po tita" bati ko sakanya.

"Oh ang aga mo yata?" malumanay na tanong niya saakin at ngumiti naman ako.

"Opo tita kasi may aayusin kami sa school so kailangan ko pong umalis ng maaga sige po tita babye po" paalam ko.

"O-okay sige ingat!" dumiretso akong lumabas ng bahay at gate.

Pumasok talaga ako ng maaga para makaiwas kay calvin dahil di ko siya magets at actually pupunta kami sa venue kong saan gaganapin yong competition para mag support sa Swimming team at ang nakakalungkot lang dahil wala si calvin.

hindi ko siya magets kong anong nangyare sakanya kagabe!

bakit ganun.

"Dito tayo para mas makita natin" excited na sambit ni mica at umupo kami sa bench. Sobrang daming taong manood dito sa Pagdadausan ng competition at pinaghalong mga studiyante from Hanbin at kalaban naming school.

"Sayang no? wala si calvin" sabi ni Mica.

"Oo nga eh pero axel nakauwi na siya diba?" tanong ni david sa tabi ni mica.

"Yeah nakauwi na siya" sagot ko.

"So kamusta? Na hug mo ba?" nakangising tanong ni Hansel.

"Baliw! Bakit ko naman I ha-hug?" natatawa kong sagot ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng makita ko si Calvin na naka saklay at tinutulungan ni hannah.

Bitch?

"Ops! speaking" sambit ni hansel at nakita ko din sina Kaizer at Xander pati na si kevin at sa mismong baba pa namin sila umupo.

nice!

"Hi Axel!" nakangiting bati saakin ni kevin.

"Hello!" sagot ko naman at ngumiti at nakita ko namang ngumiti si kaizer kay Hansel but hansel just rolled his eyes.

"Dito ka na umupo calvin" rinig kong sambit ni hannah.

Sarap sipain!

"Thanks" sagot ni calvin and didn't even bother to look at me at umupo.

Okay ano pa bang aasahan ko? at kasama naman niya ang girlfriend niyang bruha.

Umupo na sila sa bandang baba namin at kahelera ko si calvin at nasa tabi naman niya si hannah.

"Gusto mo ba sipain ko nalang yan si hannah?" bulong saakin ni hansel.

"Uy ang bad hahaha! Maging mabait sa mga animals" sagot ko at pareho kaming natawa.

"Girl? Are they you know? dating?" tanong saakin ni Mica at nag kibit balikat ako.

"I don't know at wala akong paki" sagot ko.

"Di sila bagay hmp!" sagot ni mica at nagulat ako ng humarap saamin si hannah with matching taas ng kilay.

ay?

"Excuse me? pinag-uusapan niyo ba ako?" tanong niya.

"Assuming ka teh?" tanong ni hansel kaya't muntik na akong natawa.

"Tsk as if di ko naririnig" mataray na sagot niya.

"Di ka namin pinag uusapan kaya wag kang assuming pwede ba? At bakit di nalang manood? Diba nandito ka para manood? kesa mag assume ka diyan?" sagot ko sakanya at mas tumaas ang kilay niya.

"Bitch?"

"Hannah" sabi bigla ni calvin kaya't napatigil naman ang bruha.

"Yan kasi" sabi ni hansel at napairap nalang.

"Uy tama na yong ganda mo masira at naku! ang dami kasing assuming na tao sa earth" sinadya kong iparinig sakanilang dalawa ang sinabe kong yon at sila kevin ay natatawa nalang.

Tsk!

Nagsimula na ang competition at sobrang ingay ng mga tao sa Venue kaya't pati kami ay nakikitili na lalo na noong si William.

"Go william omg! marry me!!" sigaw ko at wala na akong pakialam kong marinig nila.

The race began at sobrang kabado kaming lahat na tiga Hanbin and

"WHAAAAA!!! ANG GALING!"

"WILLIAM! MY LOVEEEESSS!"

Umingay ang mga tao at nakisigaw na din kami dahil naging first si william sa race.

Umupo na ulit kami at tawa kami ng tawa ngunit nawala ang ngiti ko ng makita ko si hannah at calvin na naghahalikan.

"Whoaaah!!"

"Sana all!"

Para naman akong tinusok ng sobrang daming karayom sa dibdib at sobrang sakit!

Nagtama ang mata namin ni Kevin at parang nag aalala siga saakin.

Pinahid ko ang luha na kumawala sa mga mata ko at umalis.

"Axel saan ka pupunta?"

"Axel"

Di ko sila pinansin at nag lakad nalang ako palabas.

Di ko alam kong saan ako dinala ng mga paa ko hanggang sa napaupo nalang ako sa bench sa labas.

Ang sakit sakit!

Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat.

"I think kailangan mo to"napaangat ang tingin ko at nagulat ako ng makita ko si Kevin at may panyo siyang hawak.

Pinahid ko ang luha ko.

"N-no okay lang ako" sagot ko at tumawa siya.

"Wag ka nang mag kunware diyan o heto tanggapin mo na" Tinanggap ko naman ito.

"T-thank you" at pinahid ko ang luha ko at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Mahirap intindihin si calvin at saamin ako lang talaga ang nakakaalam ng lahat tungkol sakanya." bigla niyang sabi.

"Then you know na si hannah nga yong someone na sinasabe niya?" natawa naman siya.

"Ofcourse not! Atsaka hindi naman si hannah yon eh" napakunot naman ako ng noo.

"E sino nga? kong hindi si hannah eh bakit naghahalikan sila?" ngumisi siya.

"Di mo parin get's hahaha sa tingin ko ginagawa niya lang yon para pag selosin ang someone na yon" at kinindatan ako.

"Tss. di kita magets" asar kong sagot at tumawa naman siya.

"Pakinggan mo lang siya para magets mo at anyway... Happy birthday" napalingon ako sakanya ng sabihin niya yon.

"H-hey paano mo nalaman?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Secret... atsaka wag ka nang umiyak kasi nababawasan yang pagiging cute mo at ayan oh! Papunta na yong mga kaibigan mo" napaayos ako ng upo ng makita ko sila mica na paparating at tumayo naman si kevin.

Baliw na kevin!

"Alis na ako ha? Atsaka tandaan mo lang yong sinabe ko na Listen to him" at ngumiti siya bago umalis.

"Hoy! bakla! kanina ka pa namin hinahanap!" inis na sigaw ni mica saakin at umoupo sa tabi ko. si Hansel naman ay sa kabilang side ko umupo at si david naka crossarms na nakatayo sa harapan ko.

"Okay ka lang ba talaga? you can tell us naman kong anong problem mo" ngumiti naman ako sakanila.

"K-kasi nahihilo ako kaya't lumabas na muna ako hehehe tas paglabas ko ayon napuwing ako" natatawa kong sagot pero di manlang sila naniwala.

"Di Bumenta be! kaloka ka! ayos ka lang ba talaga?" tanong ni david.

"Oo nga okay lang ako" pinagsingkitan naman ako ng mata ni david.

"Tsss.. alam mo halika na may pupuntahan nalang tayo let's go!" Sumunod nalang ako sakanila at napakunot ako ng sumakay kami sa sasakyan ni David.

Nasa tabi ako ni hansel sa backseat samantalang si Mica naman ay katabi ni David sa harapan.

"Axel uminom ka muna oh" inabot saakin ni mica ang coke na naka can pero bukas na at tinanggap ko naman.

"Inumin mo na para naman ma refresh ka" natatawang sambit ni hansel sa tabi ko at ininom ko naman ito.

"Thanks" sabi ko ngunit unti-unti akong nahilo na ewan.

napahawak ako sa ulo ko

"Wait guys ano-" naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng ulo ko sa balikat ni hansel.

"I'm sorry axel" rinig kong bulong niya hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

AXEL DIZON

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at naramdaman kong nakaupo ako sa sofa. Tatlong nakangiting mukha ang nakita ko.

"Asan ako?" tanong ko sakanila at biglang...

"SURPRISE!!!" nanlaki ang mga mata ko ng may sumaboy na Confetti sa paligid at narealize kong.

"Omg!" napatakip ako ng bibig.

"Happy birthday axel!"

Naluha naman ako dahil sa ginawa nila dahil akala ko ay nakalimutan nila ang birthday ko kasi simula pa kaninang umaga ay di nila ako binabati.

"Huhuhu sorry talaga sa drinks ako may pasimuno nun" natawa naman ako kay hansel.

"Hahahah loko ka ah pero thank you!"

"Happy 21st birthday" bati niya saakin.

"Oh let's party na!!!"

Nakangiti lang ako dahil sa ginawa nila at nandito kami sa condo ni David at may pa Lights at music pa sila para saakin. May Cake din silang binili at mga canned beer tapos Kong ano pa at nag kantahan pa kami.

"Sige na! blow mo na yong candle tapos wish" sambit ni david habang hawak hawak ang cake.

Napangiti naman akong napatingin sakanila.

"Thank you talaga guys ah?"

ngumiti naman sila.

"You're welcome axel, alam namin na sad ka kasi wala yong mommy mo dito kaya ginawa namin to" sagot ni hansel.

"Yeah bebe axel kaya sige na iblow mo na" nakangiting sagot naman ni mica kaya mas napalapad ang ngiti at nag wish bago hipan ang kandila.

"Yeheeey!! happy birthday ulit!!" bati nila saakin.

"Ops may nakalimutan pa tayo!" sabi ni David.

"Oo nga Yong regalo!"

Napa awang ang bibig ko ng makita kong may mga box silang hawak isa-isa.

"Omg! seryoso to??" tanong ko at tumango tango naman sila.

"Whaaa thank youuu!!" kinikilig kong sagot.

"Here's mine at gusto ko buksan mo na" Sabi ni hansel at iniabot saakin ang maliit na box.

"Whaaa! thank you hansel" at nag beso kami.

"Daliii open mo na!" excited na tili ni hansel at dali dali ko namang binuksan.

"Wow!" mangha kong sambit ng makita ko ang wrist watch na nasa loob ng box.

"Ang ganda!" sambit ko.

"Sige na isout mo na dali" Isinout ko naman ito.

"Ang ganda! thank you Hansel" kinikilig na sambit ko habang tinitignan ang relo na sout ko.

ang ganda nito tignan at ang high tech pa tapos mukhang mahal.

Ani pa bang aasahan ko kay hansel kasi naman yayamanin.

"Ito naman ang saakin bebe" sambit ni mica at tinanggap ko naman ang box niya at binuksan.

"Wow!! ang cute!" isang color White na jacket na may hoodie.

ang ganda!.

"Thank you mica" sabi ko at hinug ko siya.

"Okay ito akin pre hahaha" sabi ni david at kinuha ko ang box at natawa ako ng makita ko ang laman nito.

"Seryoso? Panda na stuff toy?" natatawa kong sambit at napakamot naman siya ng ulo niya.

"Wala akong maisip eh sorry" sagot niya at natawa naman kaming tatlo.

"Thank you david" at niyakap ko siya.

Kumain muna kami at nagkantahan bago namin naisipang umuwi.

Ang saya ng birthday ko dahil sakanila.

"Thank you david! byeee!" nag wave ako sakanya habang nakatayo ako sa harap ng gate.

"Babye! happy birthday ulit!" sigaw niya pabalik saakin.

Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa paalis niyang sasakyan at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Napatigil ako ng makita ko si Calvin na mukhang paakyat na sa taas. Napatigil din siya ng makita ako Napalunok ako ng magtama ang paningin namin at naalala ko ang nangyare kanina.

"Hi" maikling bati ko at naglakad na papalapit sa hagdan at akmang aakyat ng bigla siyang nag salita.

"Can you help me?" napalingon ako sakanya.

"Huh?"

Nagkibit balikat siya at narealize kong naka saklay nga pala siya.

"Ah? sige hehehe" awkward akong ngumiti at bumaba ulit para tulungan siya.

"Ayan good!" masigla kong sambit ng makarating kami sa taas at medyo nahirapan pa ako sakanya dahil wala manlang talaga siyang reaksyon.

"Okay ka na dito?" tanong ko sakanya ng tumigil kami sa tapat ng pinto niya.

"Pwedeng pabukas ng pinto" tanong niya at napabuntong hininga naman ako.

"Ofcourse! halika na" sagot ko at binuksan ko ang kwarto niya at ganun din ang ilaw.

Isinara ko naman ulit at inalalayan siya hanggang sa maka upo siya sa kama.

"Saan ko to ilalagay?" tanong ko sakanya habang hawak ang saklay niya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama at nakatingin saakin.

"Diyan lang" at itinuro niya sa may gilid ng kama.

Tumingin naman ako ulit sakanya.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko.

Tumingin siya saakin

"C-can you come closer" napakunot naman ako ng noo.

Ano nanamang kailangan niya.

Lumapit ako sa harap niya at nagulat ako ng bigla niya akong hinila pahiga.

"Calvi-" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang pumatong sa taas at halos mag dikit na ang mga labi namin at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at titig na titig siya saakin.

"A-anong problema mo?" kinakabahan kong tanong.

"Ikaw, ikaw ang problema ko dahil bakit mo to ginagawa saakin?" seryosong sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"T-teka anong pinagsasabi mo??

*******

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro