Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R - E I G H T E E N

AXEL DIZON

Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti sa mukha ko habang nakaharap sa salamin dito sa kwarto ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyare kagabe.

May boyfriend na ako!

Akalain mo yon? sa ganda kong to isang Calvin Harris Dela Questa ang nainlove? Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya't napalingon ako at nakita ko si Calvin na naka crossarms habang naka sandal sa gilid ng pinto.

Ang gwapo!

Naka school uniform na siya at naka bag. Hindi na siya gagamit ng saklay dahil medyo okay na daw ang paa niya at kaya na niya maglakad ng maayos.

"Ready?" tanong niya kaya't ngumiti naman ako sakanya.

"Yup!" sagot ko at ngumiti naman siya saakin. na tutulala talaga ako lage sa ngiti niya dahil parang ang swerte swerte ko dahil nakikita ko yon.

Sinarado niya ang pinto ng kwarto ko at sabay kaming naglakad at bumaba sa hagdan at nagulat ako ng nandun na sila tita nag hihintay.

"Wow! first time magkasabay kayong bumaba?" manghang tanong ni tita annabelle saamin.

"Good morning tita and tito" todo ngiti kong bati sakanila at umupo na kami. Magkaharap kami ni calvin.

"Okay let's eat and by the way cal ipapahatid ko nalang kayo sa Driver okay dahil di ka pa masyadong okay" sabi ni tita.

"Yes mom" sagot naman ni calvin at ako naman ay napangiti naman habang kumakain kami.

"Hmmm.. you both look happy what happened?" napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni calvin dahil sa tanong ni tito at nakita kong nakatingin silang dalawa saamin.

paktay

"Uh w-wala naman po tito e-excited lang ako kasi malapit nang matapos nag 1st semester" sagot ko at nakita kong tumaas ang sulok ng labi ni calvin.

"Ohh kaya pala" sagot ni tito at ngumiti naman ako bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Hmmm.. i thought may girlfriend na ang isa sainyo kaya masaya kayo" bigla akong nabulunan dahil sa sinabe ni tita annabelle.

"Omg! axel are you okay?" nag papanic na sambit ni tita. Di ako makahinga leche!

"Drink this" kaagad kong kinuha ang inabot na tubig saakin ni calvin at ininom.

Jusko nakakaloka naman to si tita!

"Thanks" sagot ko ng maging okay na ako at nawala naman ang pag aalala sa mukha ni calvin at nakahinga ng maluwag.

"Are you okay?" tanong ni tita.

"Yes po tita sorry po" sagot ko.

Napatingin ako kay calvin at sakanila tita annabelle at biglang may namuong takot sa puso ko.

Paano kong malaman nila na may relasyon kami? at anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na si Calvin Harris Dela Questa ay may boyfriend?

Napatingin ako kay calvin,

Kong titignan ay ang layo ng agwat naming dalawa when it comes sa pamumuhay. He is the son of the rich business man na mayroong mga resorts at hotels at si tita annabelle naman ay may sariling clothing line.

Then he's Smart, handsome at dream guy ng mga babae sa school and here i am, a plain gay di rin masyadong matalino at di naman kami mayaman kagaya nila.

hays

Nang matapos na kaming kumain ay pumunta na kami sa garahe kong saan naghihintay ang driver nila sa sasakyan at pareho kaming umupo sa backseat.

"Tara na po kuya" sabi ko sa driver at inistart na niya ang engine ng sasakyan. Naramdaman kong hinawakan ni calvin ang kamay ko at kinilig ako dahil gusto niyang mag holding hands kami.

Kyaa! kinikilig talaga ako! humarap ako sakanya at nakita kong nakatingin siya saakin.

"Anong oras ang breaktime mo ngayon?" tanong niya saakin.

"11 am" sagot ko sakanya at napatango.

"Let's meet then" sagot niya saakin at napahinga naman ako ng malalim kasi parang panaginip lang na nangyare to saakin.

Matagal na pala akong gusto ni calvin and damn! feeling ko babaeng babae ako sa part na yon!

"What are you thinking?" tanong niya dahil kanina pa ako tulala sakanya.

"Ah w-wala hindi lang ako makapaniwala na ganito na tayo" sagot ko at nakita kong ngumiti naman siya.

"Well kailangan mo nang maniwala na akin ka na" at kumindat siya kaya't natawa naman ako.

"Hayss.. oo na" sagot ko at tumingin sa bintana sa side ko. Magkahawak lang ang kamay namin boung byahe pero may namumuong takot sa puso ko.

Ano nang mangyayare saaming dalawa?

Dahan-dahang bumaba si calvin sa sasakyan kaya't tinulungan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makababa at umalis na yong sasakyan.

"Ihahatid na kita" sambit niya kaso pinigilan ko siya.

"Di na kaya ko na atsaka medyo di ka pa okay eh" sagot ko.

"Are you sure?" tanong niya kaya't ngumiti naman ako.

"Yup! atsaka strong ako no" sagot ko at natawa naman siya at tinap ang ulo ko.

"Okay kita tayo mamaya ha?"

"Yup!" at niyakap ko siya ng mahigpit.

"So cute" sambit niya kaya natawa ako.

"Take care okay?" sagot ko at kumalas na ako ngunit napakunot siya.

"Where's my kiss?" tanong niya kaya't nagulat ako.

"Hala? kiss? dito?" tanong ko at nagkibit balikat siya kaya naman napatingin ako sa paligid at wala namang tao dito sa parking lot.

"Okay" at lumapit ako sakanya at nag tiptoe pa ako para maabot ang lips nita at hinalikan, smack lang naman.

napangiti naman siya dahil don.

"Okay ka na?" nakangiti kong tanong sakanya at tumango tango naman siya habang nakangiti at maya-maya ay lumapit si kevin na kakarating lang.

"Hey! good morning!"nakangiting bati nito saamin at kinindatan ako.

"Hi kevin! sige na una na ako babye!" kaagad akong umalis at dumiretso sa room na nakangiti at pagkapasok ko ay naroroon na sila David at mica wala si Hansel.

"Good morning" masayang bati ko sakanilang dalawa at napatingin naman sila saakin at binati din ako kaya't umupo na ako sa upuan ko.

"Saya natin ah?" sambit ni David habang nakatingin saakin. Tinignan ko naman siya at nginitian.

"Ofcourse kailangan laging masaya para gumanda" at kinindatan ko siya at tinap ko ang baba niya.

"Hmm anong meron? ganyan ba talaga kapag kakatapos mag birthday?" tanong naman ni mica at tumingin ako sakanya.

"I think so? hahaha ano ba kayo dapat happy lang tayo lage" sagot ko at nilabas ko ang notebook ko para sa first subject namin.

"Okay sabi mo yan eh" sagot nalang ni david saakin at maya-maya pa ay dumating na din sa Hansel at binati ko din siya.

"Good job Mr. Dizon!" nakangiting sambit ng prof namin ng masagot ko ang tanong niya at napatingin ako sa gilid kong si Mica na pumapalakpak habang napapailing pa.

"May iba talaga sayo Axel ikaw na!" sambit ni Mica habang nag-aayos ng gamit niya ngunit hindi ako nakikinig dahil hinihintay ko ang text o tawag ni calvin dahil break time na namin at nandito kami sa canteen.

"So true ang happy happy niya eh" sagot naman ni hansel at kumagat ng burger niya.

"Ano ba kasing nangyare sayo be?" tanong ni mica saakin.

"Hmmm.. kasi ano-"

"Hi Axel" napatingin ako sa tumawag saakin at nagulat ako ng makita ko si William na nakatayo sa gilid ko.

Napatingin din sakanya sila Mica at napatingin saakin at kumunot ang noo.

"Anong meron?" tanong ni mica.

Ngumiti naman ako kay william.

"Hi william! a-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngumiti naman siya saakin at nagulat ako ng Tinap niya ang ulo ko.

"Napadaan lang at-"

Di na niya natuloy ang sasabihin niya ng may humablot ng marahas sa kamay niya at kaagad akong napatayo ng makita ko ang galit na galit na si Calvin.

"Touch him again or i will destroy your face" puno ng pangbabantang sambit ni calvin at kinabahan ako dahil nakatingin saamin lahat ng mga studiyante sa canteen at sila mica naman ay nagulat at nahulog pa mula sa bunganga ni hansel ang burger na kinakain niya.

"Why captain? Ano bang meron sainyo ni axel?" nakangising tanong ni william at nakita ko namang hinawakan ni Kevin ang kamay ni Calvin.

shit! shit!

"Ahhh calvin halika heheheh excuse me" sambit ko kay william at hinila ko si Calvin at sumunod naman siya saakin hanggang sa makalabas kami ng canteen at tumigil kami sa harap ng walang taong room at pumasok kami don at sinara.

"Ba't ba tayo nandito?" galit niyang tanong saakin.

"Hey chill ka lang okay? bakit ka ba nagagalit?" tanong ko at huminga naman siya ng malalim bago tumingin saakin.

"Chill? Matapos kang hawakan ng gagong yon chill?" napangiti naman ako dahil ang cute niya!

nagtaka naman siya.

"Why are you smiling?" tanong niya at mas lalo akong napangiti at niyakap ko naman siya.

"I'm sorry di na ako magpapahawak sakanya o kanino man okay? i'm yours remember?" sambit ko at tumingala ako sakanya habang nakayakap at nakita ko namang parang napailing siya at tumingin sa malayo.

"Tsk.. you're using your charm huh?" sabi niya kaya't kumalas naman ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Well nag work naman diba? hehehe ang cute cute mo!" sambit ko at kinurot ang pisngi niya.

"Eerr. . stop it" sambit niya kaya't tumigil naman ako.

"Wag ka ng mag selos okay?"

"Okay fine?" sambit niya.

"Yes! promise!" at nag taas pa ako ng kamay na parang nanunumpa.

"Cute... okay let's go i'm hungry" sambit niya at umakbay saakin at binuksan ang pinto kaya't napatigil ako at napalingon sakanya.

"What?" Takang tanong niya.

"N-nothing let's go"

Medyo natatakot lang akong malaman ng ibang tao na magkarelasyon kami.

Pinaikotan ako nila mica at ako naman ay nakasandal sa pader at ayaw nila akong padaanin.

"What's with you and Calvin?" tanong ni mica at si Hansel naman at David at naka crossarms habang nag hihintay ng isasagot ko. Kanina pa kasi sila tanong ng tanong saakin at di ko naman masabe kong ano ba talaga kami ni cal.

"W-wala nga" sambit ko.

"Axel yong totoo!?" Galit na galit na tanong ni Mica saakin.

Patay talaga ako nito!

SOMEONE'S POINT OF VIEW

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa matandang lalaking nasa harap ko sa dulong table and he was talking about me.

We are having a dinner at nandito kami sa Dining hall ng bahay at nandito si lolo dahil bumisita siya para pag usapan ang mga bagay na related saakin.

i hate it.

"Ofcourse grandpa" nakangiting sagot ni mommy kay lolo habang hawak hawak ang wine niya. Si daddy naman ay hinawakan ang kamay.

"Are you ready?" tanong niya saakin at ngumiti naman ako ng pilit.

"Yes dad" nakangiting sagot ko at napangiti naman saakin si lolo at nakita ko ang pag kindat saakin ni mommy.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at naroroon ang pangalan niya. Dahil hindi naman sila nakatingin ay binuksan ko ang cellphone ko at binasa.

"Sure ka ba talagang gagawin mo? I know na hindi ka talaga masamang tao... Listen to your heart"

Napapikit ako ng mariin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro