Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

Alas-sais palang ng umaga ay nagising na ako dahil sa tunog ng alarm na nakapatong sa drawer na nasa tabi ng kama ko.

Masyado pang maaga para sa alas nwebe kong pasok pero sinadya ko talaga gumising nang maaga para makapagluto. Naisipan ko kasing lutuan ng agahan si Galen. Pasasalamat ko na rin dahil sinundo at ginamot niya ako kagabi. Hindi ko pa naman siya napasalamatan kagabi dahil agad na ako nitong iniwan sa sala.

Ewan ko ba roon, ang bilis magbago ng mood niya.

May tinatago naman pala siyang kabaitan pero mukhang mas matimbang pa rin talaga ang kasungitan niya.

Hindi na ako nagtagal pang humilata sa kama dahil alam kong tra-traydor-in ako ng mga mata ko kapag nanatili pa rin akong nakahiga. Baka ituloy ko ang pagtulog ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr para maligo na muna. Pagkatapos ay nagbihis na muna ako ng pambahay at saka ko sinimulan ang pagluluto.

Bacon and egg na lang ang kinuha ko sa ref. Mabilis lang din kasi itong maluto, hindi na rin hassle para sa akin. Nagsangag na lang din ako ng kaning lamig. Nag-toast na rin ako ng tinapay para partner sa gatas na titimplahin ko para sa kaniya. Ang alam ko ay hindi siya umiinom ng kape. Puro gatas kasi ang nandito sa ref niya. Ako nga lang ang nagbabawas sa 3in1 coffee na stocks sa cabinet.

Pagkatapos kong iluto 'yon ay inayos ko na ito sa lamesa. Nilagyan ko ito ng maliit na sticky note na may sulat na "Thank You!". Gets niya naman na siguro kung para saan ang thank you ko na 'yon.

Sumilip ako sa kwarto niya, nakasarado pa rin ang pinto. Hindi yata maaga ang start ng klase niya ngayong araw kaya siguro ay tulog pa ito.

Napagdesisyunan kong mauna na lang akong kumain.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako at nag-ayos. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin na ready nang pumasok, kinuha ko na ang bag ko.

Bago ang bag na gamit ko ngayon. Ito 'yung binili ni Mama na never ko pa nagamit. Wala na akong choice ngayon kung 'di gamitin dahil nga na-holdap ang bag ko kagabi. Mabuti na lamang at coin purse lang dala ko kagabi na wallet. Iniwan ko ang wallet ko rito sa kwarto kung saan nakalagay ang mga ID cards ko. Wala na rin naman akong habol sa bag na 'yon dahil iisang notebook at ballpen lang at kasama nu'n. Siguro ay nagreklamo ang holdaper na 'yon dahil iyon lang ang nakuha niya mula sa akin. Sabi ko naman, lugi sila sa akin. Ako pa talaga ang hinold-ap niya.

Lumabas na ako kwarto nang saktong kalalabas niya rin sa kwarto niya.

Napahinto kaming dalawa at nagkatinginan.

Nakasuot siya ng plain white shirt at black jogging pants. Halatang bagong gising lang siya dahil gulo-gulo ang buhok niya. Pero sa lahat ng nakita kong bagong gising, siya lang ang walang problema sa hitsura. Gwapo pa rin at fresh pa ring tingnan. Hindi gaya ko na magsisimula palang ang araw pero mukhang stress na agad.

Ang unfair din talaga minsan ng buhay, ano?

Nang humakbang na siya papuntang sala ay saka naman ako nagmadaling tumungo sa shoe rack para isuot ang white sneakers ko. Ewan ko ba, gusto ko nang makalabas agad bago pa man siya makarating sa kusina at makita ang inihanda kong almusal niya roon.

Well, wala namang meaning 'yon, 'no! Hindi naman 'yon pagiging sweet. Ang right term ay pagtanaw lang ng utang na loob. 'Yon lang 'yun. Pasasalamat ko na 'yon dahil sinundo niya ako kagabi at hindi lang 'yon, ginamot niya pa ang sugat ko. May tinatago rin siyang kabaitan sa likod ng masungit at malamig niyang pakikitungo.

Hindi ko na inisip pa kung ano ang magiging reaksyon niya sa niluto ko. Hindi naman ako kinakabahan sa pwede niyang i-comment dahil medyo marunong naman akong magluto, mga prito nga lang.

Pagkalabas ko ng condo ay agad na akong dumiretso sa bus stop. Hindi pa ganoon karaming estudyante ang nag-aabang masiyado lang maaga. Saka lang may pila na rito kapag pasado alas otso or alas nuwebe na, for sure puro standing na 'yon.

Pagkasakay ko sa bus ay saka ko lang binuksan ang phone ko. Nauna kong binuksan 'yong gc namin ng mga kaibigan ko. Nasabi ko kasi sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Edi siyempre, todo alala naman ang mga mare ko. Gusto na nga nila akong puntahan kagabi pero hindi ko binigay ang address ko. Kapag pumunta sila, edi nalaman na nila kung sino ang kasama ko sa bahay. Hindi ko rin pinaalam na si Galen ang sumundo at tumulong sa akin. Nagdahilan na lang ako na may isang lalaking nagmalasakit sa akin sa daan.

Matapos kong reply-an ang mga kaibigan ko, saka naman ako nagpunta sa convo namin ni Jervy.

Wala ni isang chat akong natanggap mula sa kaniya.

Hindi naman ako nag-chat sa kaniya kagabi kaya bakit pa rin ako naghihintay ng chat niya? Hindi rin naman niya alam na tumawag ako sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam na nasa peligro ang buhay ko kagabi.

Bumuntong-hininga ako.

Kulang pa ba 'yong mga sign na 'yon para tanggapin kong hindi ako ganoon kaimportante sa kaniya?

Pagkarating ko sa University ay agad akong dumiretso sa gazebo na malapit sa cafeteria. Wala akong first class dahil hindi raw makaka-attend ang Prof namin dahil may urgent meeting. Kung mas maaga lang sanang sinabi, edi sana hindi pa ako pumasok. Mga isa't kalahating oras din akong tatambay nito.

Mag-isa ko lang sa gazebo dahil halos lahat ng estudyante ay nasa kaniya-kaniya nang room maliban sa tatlong taong natatanaw ko ngayon na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Asheng!" Kumaway si Coleen para kunin ang atensyon ko. Hindi nila alam ay nakilala ko na sila bago pa man nila ako tawagin.

Makikilala ko na agad ang dalawang kaibigan ko kahit malayo palang sila lalo na ang taong kasama nila ngayon.

Si Jervy.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko na maramdaman ang kaba sa tuwing natatanaw ko siyang papalapit sa akin. Wala na akong maramdaman ngayon na excitement and at the same time ay hiya, hindi gaya noon.

"Omg! Mabuti naman at nasinagan ka pa ng araw ngayon!" Bungad ni Audrey pagkarating nila rito sa gazebo.

Pabirong hinampas ni Coleen ang braso ni Audrey. "Hindi pa 'yan pwedeng kunin ni Lord, 'di pa nakakapag-jowa, eh!"

Naupo ang dalawa kong kaibigan sa magkabilang tabi ko. Nanatili namang nakatayo si Jervy. Hindi ko siya tiningnan pero ramdam ko ang presensya niya, ramdam ko ring nakatingin ito sa akin.

"Alam mo bang gustong-gusto ka namin puntahan kagabi, ha? Pagka-chat mo palang eh lalabas na sana kami ng dorm at bibiyahe agad papunta sa 'yo. Naku! Nag-alala kami nang sobra sa 'yo!" sambit ni Coleen. Bakas talaga sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Ano, may masakit ba sa 'yo?" Hinawakan ni Audrey ang braso ko. Nakita nila roon ang galos na natamo ko.

Biglang napabitaw si Audrey sa kamay ko nang agawin ni Jervy ito mula sa kaniya.

"What happened?" Pagkatapos niyang tingnan ang mga galos na natamo ko ay saka niya ako tinitigan sa mukha, naghihintay sa isasagot ko. Bakas sa mata nito ang labis na pag-aalala.

Binawi ko ang braso ko sa kaniya."W-Wala," malumanay kong wika. Iniwas ko ang tingin ko mula sa kaniya. "Na-holdap lang naman ako," dagdag ko.

"What?" Gulat na gulat niyang tanong.

Hindi ko na inulit ito dahil alam ko namang narinig niya ito. Ganoon lang ang naging reaksyon niya dahil ngayon niya lang nalaman.

"Bakit hindi ko alam?"

Sa tanong niyang 'yon ako napatingin sa kaniya. Tumingin na rin sa kaniya ang dalawang kaibigan ko. Maging sila ay nabigla sa naging reaksyon ni Jervy. Hindi nila in-expect na sa kanilang lahat, si Jervy ang may hindi alam tungkol sa nangyari sa akin. Dati-rati kasi ay si Jervy ang una kong napagsasabihan.

Well, 'yon din naman ang una kong ginawa kagabi. Si Jervy ang una kong tinawagan. Siya ang una kong naisip na pwede kong hingan ng tulong. Pero anong nangyari?

"Bakit hindi mo ako tinawagan?" Sa tono ng pananalita niya, para siyang boyfriend na nagagalit dahil wala siyang update na natanggap mula sa girlfriend niya.

"I did, Jervy. I called you." Tiningnan ko siya diretso sa mata.

"Ha? Anong oras?" Kumunot ang noo niya hanggang sa naisipan niyang buksan ang cellphone nito.

Siguro ay tiningnan niya na ang call history niya.

"Wait... Tumawag ka nga!" Hindi pa rin siya makapaniwala. "But how? I mean... bakit hindi ko maalalang sinagot ko ang tawag mo? Hindi ko alam!"

Ngayon naman ay hindi na ako makatingin sa kaniya.

Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa mukha nang may inililihim sa taong kaharap ko.

Paano ko sasabihin na hindi niya talaga maalala na tumawag ako kagabi dahil hindi naman siya ang nakasagot ng tawag kung 'di si Galen?

Paano ko sasabihin na si Galen ang sumundo at tumulong sa akin?

Paano ko sasabihin na magkakilala kami ni Galen and worse, nakatira lang sa iisang bubong?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro