4
"That's the end of our topic for prelim period. So, get ready for your prelim examination next week. Hindi porket prelim palang ay hindi niyo muna seseryosohin. Alam niyo naman ang course na pinasukan niyo, hindi uso rito ang mag-chill lang. We have the quota grades, and you need to maintain that unless, may naiisip na kayong ibang course na pag-shi-shift-an." Tumigil saglit si Ma'am sa pagsasalita, ginala niya ang paningin sa buong klase. "Nawa'y wala nang malalagas sa klase na 'to. Iilan na lang kayong natira, so please, maintain your grades, okay? That's all. Class dismiss!"
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang discussion. Hindi ko nga rin alam kung anong topic ang diniscuss ni Ma'am ngayong araw. Lagot ako nito! Kailangan kong balikan ang topic na iyon at aralin. For sure, kasali iyon sa exam.
Lumilipad kasi ang utak ko sa buong klase.
Hindi mawala sa isipan ko ang sinagot kanina ni Jervy sa dalawang babaeng nakasalubong namin sa gate.
"Kayo na ba ni Ashira?" Naririnig ko pa rin ang boses ng babae kanina.
Hindi ko malaman kung ano ang mas nangingibabaw na emosyon sa akin dahil sa tanong na iyon.
Takot ako sa puwedeng isagot ni Jervy, and at the same time, excited akong malaman kung ano ba talaga ang tingin niya sa koneksiyon naming dalawa.
"I can't answer it directly, but I'm sure of one thing, Asheng is very special to me."
Oh, 'di ba? Lalo lang akong mag-o-overthink dahil sa sinagot niya! Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating. May positive and negative side kasi ang sagot niya. At ito ako ngayon, iniisip ko kung alin ba sa dalawa.
Kaya ba hindi niya masagot nang direkta ay dahil ayaw niyang malaman ng iba? Ayaw ba niya i-public ang relationship namin if ever? Sinabi pa nitong I'm very special to him. What does it mean? Binibigyan na ba niya ako ng sign na hindi na ako dapat mag-isip pa ng kung ano pa dahil iyon na ang assurance niya para sa akin?
Am I special to him because he likes me, too?
Or am I just special to him because I'm his friend, a special friend?
Halos iuntog ko na ang ulo ko sa armchair dahil hindi ko masagot ang sarili kong tanong.
Ang hobby ba ni Jervy ay bigyan ako ng mixed signals, ha?
"Hoy, Asheng!"
Napaangat ako ng ulo dahil sa tumawag sa pangalan ko.
Tumigil sa harapan ko si Jenneyah, dala ang kaniyang bag. Mukhang palabas na siya ng room. "Hindi ka pa ba uuwi? Ikaw na lang ang matitira rito kapag lumabas na ako."
Nilibot ko ang paningin sa buong room. Wala na ang mga kaklase namin. Kaming dalawa na nga lang ang natira rito.
Ah, oo nga! Uwian na namin.
Napatango ako kaagad. "Uhm, oo, paalis na rin ako. Ligpitin ko lang itong gamit ko."
Hindi na nagsalita pa si Jenneyah, binigyan na lamang niya ako ng ngiti bago sumenyas na mauuna na siya.
Sumunod na rin naman ako agad. Hindi na ako nag-aksaya pang isarado ang classroom dahil may next class pa naman ang gagamit nito.
Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko sina Audrey at Coleen. Mukhang papasok palang sila sa klase nila. Paano ko nasabi? Ang fresh pa kasi nilang tingnan. Hindi pa stress sa mga major subjects nila.
"Oh, Asheng! Uwian mo na?" Huminto ang dalawa kong kaibigan nang makita nila ako.
Pumunta kami sa gilid ng hallway upang hindi kami makasagabal sa mga estudyanteng nagmamadali sa paglalakad.
I nodded.
Alas-tres ang uwian ko tuwing Monday and Wednesday, samantalang alas-dos naman ang uwian ko kapag Tuesday, Thursday and Friday. Maaga nga ang uwian ko pero maaga rin naman ang pasok ko. Laging 8 o'clock ang start ng klase ko. Kailangan ko pang um-attend ng flag ceremony, pero dahil mala-pagong akong kumilos, hindi ko na naaabutan ito. Diretso na lamang ako sa klase ko.
"Pauwi na ako, papasok palang kayo," pagbibiro ko.
Nakakatamad ang schedule nila. 3:30 ang pasok nila tapos uuwi sila ng mga alas-otso na ng gabi.
Kung ako iyan, matutulugan ko lang ang klase ko!
"Ano pa nga ba? Ito ang piniling schedule ni Audrey," ani ni Coleen na may halong pangongonsensya sa kaniyang tono. "Gusto niya sa hapon ang start ng klase para raw payapa ang gising niya sa umaga. Alam mo naman iyan, ang hirap gisingin sa umaga!"
Hindi ko maiwasang mapangisi dahil totoo ang mga sinabi ni Coleen. Sa aming apat na naroon sa dorm, si Audrey ang pinakamahirap na gisingin sa umaga. Kahit nga ang alarm clock niya ay hindi makapalag sa kaniya. Imbes na siya ang magising sa ring ng alarm niya, kami pang dormmate niya ang unang magigising. Tapos kami pa ang magpapatay sa alarm niya!
"Anyway, saan ka pa pupunta?"
Nagtaka sila dahil hindi naman dito ang daan palabas ng gate ng University. Ito ang hallway papunta sa Engineering and Architecture building.
"Kay Jervy," matipid kong sagot.
Nagtinginan muna ang dalawa sa isa't-isa sabay ngiti na tila nagkaintindihan na sila sa simpleng tinginan lamang.
"Ikaw ha!" Sinundot ako ni Audrey sa tagiliran. "May nililihim ka ba sa amin?"
"H-Ha?"
Hindi nila inalis ang mausisa nilang tingin sa akin. Tila hinihintay nilang umamin ako, na hindi ko naman alam kung saan ko huhugutin.
Hindi na nahintay pa ni Coleen na magsalita ako. Agad na itong nag-crossed arms at sabay taas sa kaniyang perfect drawing na kilay. "Akala mo ba ay hindi umabot sa amin ang tea for today?"
"T-Tea?" Naguguluhan kong ulit, hanggang sa naproseso ko ang ibig sabihin nito. "Chismis?"
"Yes! Tea, as in kape na nagpapagising at nagbibigay sigla sa buhay ng mga marites! And unfortunately, ikaw ang laman ng tea ngayong araw."
Kumunot ang noo ko. "Ako? At anong chismis naman?"
"Kalat na kaya sa University kung ano ka para kay Jervy. May nag-send sa confession page na sinabi raw ni Jervy na you're special to him. So, iyon na nga, dinagsa ang comment section at halu-halo na roon ang conclusions ng mga marites."
"Para iyon lang?" tanong ko.
Tiningnan nila akong dalawa na hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko.
"Anong iyon lang? So, totoo nga? Sinabi ni Jervy iyon? Omg!"
Hindi ko alam kung bakit ganoon ka-big deal sa kanila ang sinabi ni Jervy. Hindi ba sila sanay na madalas naman magbigay ng motibo si Jervy pero kulang sa explanation, hindi niya sinasabayan ng exact words ang actions na ginagawa niya. And that's making me more confuse.
"Ibig sabihin ay kayo na? May label na kayo?" Sunod na tanong ni Coleen.
Umiling ako. "Hindi."
"Ha?" Sabay pa silang nagsalita.
"Hindi pa kami, okay? Iyong sinabi niya, hindi ko rin alam kung anong gusto niyang iparating. Kung i-a-analyze mo nang maigi iyong sinabi niya, hindi niya nilinaw kung special ba ako sa kaniya because he's into me or I'm just simply a special friend for him."
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ng ilang segundo.
"Hay, ang gulo ha! Mas mahirap pang intindihin ito kaysa sa major subjects namin. Hindi namin malaman-laman kung ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Jervy."
"Alam niyo, hindi niyo talaga malalaman kung anong status naming dalawa, kasi kahit ako, hindi rin alam kung anong mayroon sa amin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro