1
"Kanina pa iyang tawag nang tawag sa 'yo, hindi mo ba sasagutin?" Bakas sa tono ni Coleen ang pagkairita.
Kanina pa kasi tumutunog ang phone ko na nasa study table ngunit tila wala akong naririnig. Siya na itong nagpaalala na may tumatawag sa akin ngayon. Marahil ay naririndi na siya.
Kahit pa hindi ko tingnan sa screen kung sino ang tumatawag, kilala ko na ito. Kagabi pa niya ako kinukulit, mapa-chat or tawag man.
"Si Jervy lang iyan," matipid na ani ko.
Itinuloy ko ang pagkuha ng mga libro na nasa taas ng cabinet, dating lagayan ng mga damit ko. Hindi ko kasi nadala ito noong lumipat ako sa condo dahil hindi na kasya sa maleta. Kaya ang sabi ko, balikan ko na lang. Tutal, pinapayagan pa rin naman akong pumasok dito dahil ka-close ko naman ang owner nitong girl's dormitory. Tatlong taon din akong nag-stay sa dorm na ito at ngayon pa talagang huling taon ko sa kolehiyo ako aalis.
Pagkarinig ni Coleen sa pangalan ni Jervy, agad itong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama niya at saka lumapit sa akin. Tinanaw muna nito ang phone ko na nakalapag sa lamesa upang kumpirmahin na tama nga ang sinabi kong pangalan bago siya tumabi sa akin.
"Oh, I got it. I have an idea na why he chatted me awhile ago."
Natigil ako sa paglalagay ng mga libro sa dala kong tote bag. Humarap ako sa kaibigan ko. "Anong sabi?"
Napangiti naman ito agad, ngiting mang-aasar na naman. Panigurado, bibigyan niya na naman ng malisya ang simpleng tanong ko.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam niyo, daig niyo pa ang totoong mag-jowa kung magtampuhan. Kaya kami nalilito eh, totoo bang hindi talaga kayo mag-jowa?" Nanatili siyang nakangiti sa akin. "Or teka, baka naman sinasadya niyo talagang huwag aminin sa amin dahil gusto niyo is lowkey-lowkey lang? Kayo ha!" May pasundot pa siya sa tagiliran ko.
Ito na naman kami.
Inalis ko na ang paningin ko sa kaniya. Nag-focus na lang ulit ako sa mga libro na inaayos ko. Halos nalagay ko naman na lahat sa bag.
"Tigilan mo nga ako Coleen sa ma-issue na pag-iisip mo. Sa tingin mo ba papayag ako sa letseng lowkey relationship na 'yan?"
If ever, hindi ako papayag na lowkey lang kami, ano! Ayokong mag-overthink araw-araw. Saka isa pa, deserve ko kayang maipakilala na girlfriend ng isa sa mga magagaling na varsity players ng University namin. Sa dami ng nagkakagusto sa kaniya, papayag ba akong maging lowkey lang kami? Maliban sa aming dalawa, ang alam ng lahat ay single si Jervy at patuloy na hinaharot ng iba. Paano naman ako? Gusto ba talaga nilang mamatay ako sa sobrang pag-o-overthink?
"So, magkaibigan lang talaga kayo? As a friend lang lahat ng galawan niyo, ganoon?"
Hindi ko na siya inimikan sa tanong niyang iyon. Paano ko siya sasagutin, ako nga mismo ay hindi alam ang sagot.
Hindi ko alam kung ano ba talaga kami ni Jervy.
Parang kami, pero hindi talaga kami.
Inilapag ko ang bag ko sa lamesa. Ilang libro lang naman ito kaya hindi ganoon kabigat. Nasa locker ko kasi iyong mas makakapal na Accounting books ko.
Kinuha ko ang phone ko. Ilang minuto na ring hindi tumunog iyon. Siguro ay sumuko na siya sa pangungulit.
Tiningnan ko ang screen.
18 missed calls.
In-off ko rin agad ang phone ko at saka ito ibinulsa sa wide leg pants na suot ko.
"Mauuna na ako, Coleen. Gagawa pa ako ng bagong resume na ipapasa ko sa coffee shop."
"Sasabay na ako sa 'yo. After 20 minutes ay start na rin naman ng next subject ko."
Kinuha nito ang bag niya at saka kami sabay na lumabas sa kwarto. Apat kaming nag-re-rent sa kwarto na iyon, kasama namin sina Audrey at Hazel na parehong may klase ngayon.
Sabay kaming naglakad ni Coleen sa mahabang hallway.
"Resume? Akala ko ba ay ayaw kang pagtrabahuin ng parents mo? Kaya ka nga lumipat sa condo ng Tita mo, 'di ba?"
Tumango ako. "Pero hindi naman ako papayag na wala akong gawin. Hindi ko naman maatim na pabayaang mag-doble kayod sila Mama para lang may ipangtustos sa akin. Kaya ko namang mag-working student. Siguro, huwag ko na lang ipaalam sa kanila."
Gaya ng sabi nila Mama, humina raw ang SPA and Salon business namin kaya nagkukulang kami ngayon sa budget. Ang mahal pa naman ng tuition fee ko. Idagdag pa iyong rent ko sa dorm monthly, hindi talaga namin kakayanin ngayon.
Hindi naman siguro masama na maglihim sa kanila, para rin naman sa amin ito. Gusto kong makatulong. Kahit may maidagdag man lang ako sa pambayad ng tuition fee ko.
Isa pang dahilan na nag-push sa akin na magtrabaho ay para makabalik ulit sa dorm. Iyong sweldo na makukuha ko ay gagamitin ko sa rental ng dorm. Ayokong mag-stay sa condo ni Tita Jasmine lalo pa't nalaman ko na hindi lang pala ako mag-isa sa condo na iyon! Okay lang sana kung babae, kaso hindi, eh!
Hindi ko pa pala nakausap si Mama about doon. Magtutuos kami mamaya! Ang sabi lang nila sa akin, condo ni Tita Jasmine, pero hindi nila sinabi na kasalukuyang nakatira roon ang panganay na Anak ni Tita!
Nang makarating kami sa labas, napahinto ako nang makita kung sino ang lalaking nakasandal sa railings habang naghihintay.
Napatingin ako kay Coleen.
Naiilang siyang tumingin sa akin. "Eh, Asheng, nangulit sa akin, eh. Kanina pa niya tinatanong kung nasaan ka."
"Sinabi mo naman?"
"Sabi niya kasi, libre niya ako mamaya."
Napabuntong-hininga na lamang ako. Itong mga kaibigan ko, handa akong ipagkanulo para lang sa libre!
Naagaw namin ang atensiyon ng lalaki. Agad siyang naglakad patungo sa direksiyon namin ni Coleen.
Nasa harap na namin siya ngayon.
"Asheng."
Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya nang sambitin nito ang pangalan ko.
"Oh, paano ba iyan? Mauuna na ako. Bahala na kayo riyan magsuyuan. Maiinggit lang naman ako!"
"Thanks, Coleen," aniya.
"Tse! Basta iyong libre ko mamaya!"
Iniwan na nga kami ni Coleen at nauna nang maglakad. Magkaiba rin naman ang direksiyon namin pagpasok sa University dahil sa bandang dulo pa ang department building nila.
Nagsimula na akong maglakad at umakto akong walang kasama.
Ramdam kong nakasunod siya sa akin sa paglalakad.
"Hoy, Asheng. Galit ka ba sa akin?" Hindi ko mawari kung nag-be-baby talk ba siya o sadyang malumanay lang talaga ang boses niya.
Hindi niya nakita ang pagkunot ng noo ko dahil nauuna akong maglakad. "Hindi."
"Weh? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?"
"Hindi ko hawak phone ko," simple kong sagot.
"Kahit pa online ka?"
Mas binilisan nito ang paglalakad upang makasabay sa akin.
Wala akong maisip na palusot. Ang shunga ko naman kasi! Nakalimutan kong mag-off ng active status.
Hindi ko na lamang ito sinagot.
Nakailang tawag siya sa pangalan ko ngunit hindi ko pa rin siya kinikibo.
"Asheng, bakit hindi mo ako pinapansin?"
Napahinto na ako sa paglalakad. Napahinto rin siya.
Hinarap ko siya at mukhang wrong move yata ako dahil mas na-distract ako sa mga mata nito na nangungusap. Baka makalimutan kong nagtatampo ako sa kaniya.
"Ano ba, Jervy! Hindi mo ba ma-gets na galit ako sa 'yo?"
Ganito na lang ba lagi? Kailangan pa bang direktahin ko siya bago niya ma-realize? Kaya ba pati status namin ay naguguluhan ako dahil mismong siya, hindi niya napapansin na may something kaming dalawa? Pati ba naman iyon ay kailangan kong idirekta sa kaniya?
"H-Ha? Eh, kasasabi mo lang kanina na hindi ka galit."
Napa-facepalm ako nang wala sa oras.
"Okay, ganito iyon. Kapag sinabi kong hindi ako galit, ibig sabihin nu'n ay galit talaga ako," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"May ganoon ba? Bakit hindi mo sagutin nang totoo?"
Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya. Nagpakawala na lamang ako ng buntong-hininga at saka ko siya tinalikuran.
Gusto ko lang naman na siya mismo itong makaramdam!
"Ang labo niyo namang mga babae." Narinig ko pa ang pagrereklamo niya bago ako naglakad papalayo.
Hinabol pa rin ako nito.
Hindi ko inaasahan na bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
Humakbang siya hanggang sa huminto ito sa harap ko.
He sighed. "Okay, I know you're mad at me." Ito na naman ang pagiging serious mode niya na nagpaparupok sa akin. "I'm sorry, Ashira. Sorry kung hindi kita nasamahan kahapon. It's just that dumating iyong kaibigan namin, nag-transfer galing ibang University kaya sinamahan namin para mag-enroll. Hindi ko naman inaasahan iyon, susunduin na sana kita kahapon kaso hindi ko na nahindian ang barkada. I'm really sorry." Naramdaman kong pinisil nito ang palad ko. "Puwede ba akong bumawi ngayon?"
I pouted. Matitiis ko ba ang ganitong kagwapong mukha?
"Cookies and Cream ice cream," wika ko sabay irap sa kaniya.
Gets niya agad ang sinabi ko kaya napangiti ito. "Iyan lang pala, eh. Tara sa cafeteria!"
Kinuha nito ang dala kong tote bag at saka sinabit sa kaniyang balikat. Hinigit niya ako papunta sa cafeteria na hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Hindi niya alintana ang mga matang nakakasalubong namin sa daan. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin nila tungkol sa paghawak niya sa kamay ko habang naglalakad.
Tiningnan ko ang kaniyang likuran.
Ito iyon, eh. Ito iyong sitwasyon na nagpapagulo sa akin. Ito iyong actions niya na binibigyan ko ng meaning. Dahil dito, mas lalo lang akong nag-a-assume na there's something between us.
We acted like we're couple.
Nag-aaway, nagtatampuhan, nagsusuyuan.
I know na normal lang ito sa ibang magkaibigan pero sa amin ni Jervy, hindi. Lalo pa't may aminan na nangyari noon.
I confessed my feelings towards him when we were in High School.
Yes, I fell first.
Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung ano ang sinabi niya noon na pinanghahawakan ko pa rin until now.
"Liligawan kita pagkatungtong natin sa kolehiyo."
We are now in third year college. Ito na ba iyon?
Nililigawan na ba niya ako?
"So, kumusta naman ang nilipatan mo? Grabe, condo na iyon, ah! Baka naman puwede kaming dumalaw?"
Naupo kami sa bandang dulo ng cafeteria. Hindi pa siya nag-order ng pagkain dahil medyo mahaba pa ang pila. Marami kasing nakatambay ngayon dito dahil malapit na mag-lunch break.
"Condo iyon ng kumare ni Mama. Kung sa amin lang iyon, baka doon ko pa kayo patulugin nila Coleen."
Isa pa, bawal talaga silang pumunta roon dahil ayokong malaman nila na may kasama ako sa condo na iyon! Mga ma-issue pa naman ang mga kaibigan ko. Malamang ay bibigyan nila ng malisya ang pagtira ko sa condo kasama ang isang lalaki, lalo pa't may hitsura rin ang isang iyon. Mukhang masungit nga lang!
Naalala ko na naman ang kahihiyan na nangyari kahapon.
Pinagbintangan ko lang naman na magnanakaw ang mismong Anak ng may-ari ng condo na tinutuluyan ko!
Kaya sinadya ko talaga na lumayas nang maaga sa condo kanina dahil wala akong pagmumukha na maihaharap sa lalaki na iyon.
"Hintayin mo ako rito, mag-order lang ako saglit."
Akmang tatayo na si Jervy nang may natanaw ito sa pintuan ng cafeteria.
"Galen!" sigaw nito.
Napalingon naman ako dahil hindi pamilyar ang pangalan na binanggit niya. Halos lahat naman ng kakilala niya ay kakilala ko rin.
Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang isang lalaking papalapit na ngayon sa direksiyon namin.
Siya ba ang tinawag ni Jervy?
Agad akong tumalikod. Napayuko ako at palihim na napangiwi. "Magkakilala silang dalawa?"
"Dito ka na sa mesa namin. Maya't-maya ay narito na rin naman sila Diego," wika ni Jervy.
At talaga namang inaya pa niya na mag-share kami sa iisang table. Paano ako makakapagtago nito?
"Asheng? Okay ka lang?"
Inangat ko ang ulo ko. "H-Ha? Oo naman!"
Hindi ko tiningnan ang bagong dating. Narinig kong hinatak nito ang isang upuan na nasa right side ko.
"By the way, si Galen pala. Iyong kaibigan namin na tinutukoy kong nag-transfer galing sa ibang University, iyong sinamahan namin kahapon."
At pinakilala pa ako!
Wala na akong magawa kung 'di harapin siya.
Hindi nga ako nagkamali.
Ang lalaking tinutukoy ni Jervy ay ang Anak ni Tita Jasmine! Ang lalaking kasama ko sa condo!
"H-Hi!" naiilang na bati ko sa kaniya.
Tiningnan lang ako nito na parang walang nangyari kahapon. Ni hindi man lang siya nagulat na makita ako ngayon kasama ang kaibigan niya. Walang emosyon ang maipipinta sa kaniyang mukha.
"Masanay ka na kay Galen. Mas malamig pa iyan sa yelo," pagbibiro ni Jervy.
Halata naman.
Eh, baka nga hindi pa niya alam paano ngumiti, e'.
Pero in fairness sa kaniya, ang attractive niyang tingnan sa pagiging mysterious and cold-hearted personality niya.
"Maiwan ko na muna kayo. Mag-order lang ako ng pagkain."
Tuluyan na ngang tumayo si Jervy. Hinabol ko pa siya ng tingin dahil hindi ako mapakali. Gusto ko tuloy sundan siya para lang huwag maiwan kasama ng lalaking ito.
Finocus ko na lang ang tingin ko sa lamesa.
Wala rin naman akong balak na kausapin siya. Biglang umurong ang pagiging madaldal ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi rin ako nito kikibuan kahit pa mag-speech ako sa harap niya.
Ilang minuto lang ay naagaw ang atensiyon ko sa brown envelope na nilapag niya sa lamesa.
Tinitigan ko iyon dahil parang familiar ito.
"It's yours, isn't it?"
"Ha?"
Inilapit nito ang envelope sa harap ko gamit ang dalawa nitong daliri.
Binuksan ko naman iyon.
Ang resume ko and other documents na gagamitin ko sa pag-apply ng trabaho.
Teka, paano napunta sa kaniya ito?
"Ikaw ang nakabanggaan ko kahapon sa bus stop?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro