Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35

Congrats


KATHALEEN

As we almost reach the part where Marco said that could lead us to the safe place. Nang suriin naman namin ang bagay na naka-angat sa ibabaw ng tubig ay doon lang namin nalaman na isang submarine ang nag-aabang sa amin. Ilang kilometro pa ang layo namin pero hindi mapanatag ang damdamin namin na sa pagkakataong ito ay maliligtas na namin ang sarili namin.

"Guys..." ani Gyllia.

As we thought we're safe, hindi pa pala. Hinahabol na kami ng mga piranha but now, it's bigger than the normal we've seen. Mas binilisan ni Risel at Marco ang pagsagwan para hindi kami maabutan nito. Pero hindi pa pala iyon ang isa sa mga dapat naming katakutan. Ang mga dambuhalang ibon ay nagpapaikot ikot lamang sa itaas namin at hindi namin alam kung susugod na ba sila o hindi. Kailangan namin maging handa.

Sa bilis ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na alam kung anong babantayan ko. Binabalot na ako ng takot at kaba dahil in any moment ay susugurin na nila kami or worst is pagpiyestahan pa.

"Risel! Ikaw ang magsagwan, akong bahala sa mga piranha!" ani Marco.

Umayos naman ang dalawa sa ayon ng kanilang posisyon. Naging mabagal ang pagsagwan dahil si Risel na lamang mag-isa kaya naman gumawa kami ng paraan para matulungan siya. Ang ilang piraso ng kahoy ay ginawa naming pagsawan at kahit papaano ay nakatulong naman ito.

Pero sa pagsalakay ng mga ibon sa amin ay hindi naging madali. Hindi namin alam kung paano sila hahawiin dahil sa sobrang laki nila ay pwede na nila kaming tangayin. Nang nagtatalunan na ang mga piranha ay hindi na kinaya ni Marco ang pagpalo sa mga iyo lalo na ang iba ay sumasampa na sa aming Bangka.

Ang ilang kahoy ay ginawa kong pangtusok sa mga piranha. Wala akong pakelam kung tumatalsik man sa katawan ko ang dugo nila. Maligtas ko lang ang sarili namin ay bahala na.

"Malapit na guys!"

Sa paglapit namin sa submarine ay biglang dinakma si Oxene ng ibon. Agad naman namin ito napigilan at tinusok ni Gyllia ang ibon dahilan para bumitaw ito sa pagkakadakma kay Oxene. Nang makalapit kami sa submarine ay isa isa naman kaming pumasok sa loob. Sinarado ni Risel ang bukana ng submarine at namangha naman kami sa laki ng submarine na ito.

Mayamaya lamang ay isang alarm ang umalingawngaw sa buong paligid. Doon nagsilabasan ang mga armed men. Nakatutok ang mga baril nila sa amin at nabato na lang kami sa kinatatayuan namin.

"On knees!" commanded by one general.

Lahat naman kami ay lumuhod at nagsilapitan naman silang lahat sa amin. Tinalian nila kami at may nilabas silang apparatus at tinutok nila iyon sa aming mga mata. Nang matapos iyon ay isa isa kaming dinala sa isang kwarto.

Bago ako pumasok sa kwartong nilagay sa akin ay hindi maalis sa isipan ko ang sinabi sa akin ng nagdala sa akin dito, "Congrats..."

Hindi ko maintindihan kung para saan iyon pero nakakasigurado akong ligtas na kaming lahat.

Dumating ang oras na pinalabas kaming lahat at nagtungo muli sa isang metal room. Doon ko nakita si Erense. Hindi ako makapaniwala na buhay siya at nandito rin siya sa submarine. Nanatiling gulo ang mga utak namin sa mga nangyayari pero pansin namin ang pagiging kalmado ni Erense.

"Where have you been Erense?" tanong ni Gyllia.

"I got here, girl." Ngisi pa nito at lumingon kay Marco. "And this is the secret I've never told you Marco."

"What is it, Erense?"

She smirked, "you'll find out soon."

Mayamaya lamang ay isang tv screen ang lumabas mula sa dingding. Sa pagkakataong iyon ay malinaw na ang nakikita naming mukha.

"Congrats players, as you reach this phase... I'm gladly to say that the game was now over. You show your strength and your will to survive; the truth behind the lies will be unfold. See you soon, my dear players." And it went black again.

Nagkatitigan na lang kaming lahat.

"As you see, the whole time we've been played." Erense said.

We didn't get Erense's point but as of now, the six of us were declared saved from the game.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro