Chapter 32
Chapter 32
Passageway
STEFEN
Simula nang malaman namin na isa si Marco sa na-vote out ay hindi na namin matinong nakakausap si Gyllia. We know that they were exes pero hindi namin akalain na sobrang affected pa rin pala ang babaeng ito kay Marco. Sa totoo lang din ay nalungkot kaming lahat ng malaman iyon pero siguro it's Marco's way para matuloy na niya 'yong planong iniisip niya.
Somehow, from the pictures of ours projected on the tv screen comes on black and white until we found out that Vantell were out of his game. Mas lalo kaming hindi mapakali dahil kung si Vantell nga ay hindi nakaligtas sa labas, paano pa kaya si Marco?
The place out of this mansion were dangerous, hindi mo alam kung anong sasalubong sayo at papatay na lang bigla. They hold our life, if they could kill us. Kaya nilang gawin iyon. Simula kasi ng mawala si Steph ay nawalan na rin ako ng gana, parang gusto ko na ring sumunod dahil baka doon ay makasama ko pa siya.
Steph is half of me kaya ngayon ay hindi ko alam kung makakasurvive pa ba ako dito.
Nilapitan ko naman si Gyllia, kahapon pa ito nag-iiyak. Kapag niyaya namin siya kumain, pagkatapos ng isang subong kutsara ay aayaw na siya. Hindi namin alam kung anong gagawin namin sa kanya pero alam naman niya siguro na hindi na babalik si Marco dito.
Hinagod ko naman ang likod ni Gyllia.
"That's okay, Gyllia... I lost someone too pero anong ginawa ko? Tinanggap ko dahil kung iisipin ko 'yon ay mas lalo akong mawawalan ng pag-asa para makaligtas dito. Ginagawa ko na ito para sa kanya... para kay Steph."
"You don't understand." Iling pa nito sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya, "for fuck sake, Gyllia. Marco was your ex pero sobra ka namang affected sa kanya? See my position, nawalan ako ng kadugo and worst is kambal ko pa 'yon! Marco did it for us, hindi niya naman 'yon gagawin para sa sarili niya."
Bigla na lang din naman ako niyakap ni Gyllia. I felt so lonely for her pero kung nasa posisyon ko kaya siya? Siguro mas malala pa diyan ang mararamdaman niya.
"I'm just scared of what might happen to him, Stefen..."
Hinagod ko muli ang kanyang likod, "believe in him, Gyllia. He'll be back for us."
Mayamaya lamang ay nakarinig kami ng kalabog. Nagsipuntahan naman sina Serita, Risel at Oxene sa sala. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka dahil sa kalabog na iyon.
"Saan 'yon?" tanong ni Kathaleen na galing kusina.
"Teka..." ani Risel, naglakad naman ito palapit sa bintana. Nang hawiin naman ni Risel ang kurtina ay halos magulat kami ng makita namin doon si Marco. "Marco!"
Pansin ko naman kaagad ang reaksyon ni Gyllia ng makita ang kanyang ex. Nangilid muli ang kanyang mga luha pero mas natuon ang atensyon namin sa sinasabi ni Marco. May sinasabi ito pero hindi namin maintindihan.
May tinuturo siya sa labas at gine-gesture pero hindi namin makuha kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating sa amin.
"Buhay si Marco..." ani Gyllia.
"Ano bang sinasabi ni Marco?" ani Oxene.
"Baka alam na niya kung paano tayo makakatakas dito." Napatingin naman kami kay Serita. Napakibit balikat din naman agad ito. "Sa pagkakatanda ko, sa sinabi niya sa akin noon ay may nakita siyang posibleng maging daan natin paalis dito at mukhang iyon ang tinutukoy niya..."
"So, kung meron nga, paano tayo makakalabas ng mansion?" ani Kathaleen.
"She's right, these walls are hard to destroy and doors are locked."
"We can!" ani Gyllia. "Maybe there's still another passageway we need to find out."
Natawa naman kami sa sinabi ni Gyllia. Imposible na magkaroon pa ng passageway dito palabas ng mansion pero saglit lang ng humupa ang tawanan namin ay nagkatinginan pa kaming lahat. Nagkasundo kami bigla at nagtanguan na subukang maghanap ng secret passageway. Ang ilan ay tumungo sa second floor habang ang ilan ay sa basement at kami ay nanatili dito sa first floor kung saan may mga gamit na nanatiling hindi nagagalaw.
Pinapanood ko naman si Gyllia na nakaupo lamang sa tabi ng bintana, tinatanaw niya si Marco sa labas ng bahay na nakaupo sa gilid ng mga kahoy. Kung magagawa naming makalabas dito ay mararating namin ang sinasabi ni Marco na escape plan.
Ilang saglit ay bumalik ng sala sina Kathaleen at Oxene.
"There's nothing up there." Oxene said.
"I didn't find anything." Kath sighed.
"Where the hell Risel and Serita?" tanong ko pa.
"Oh, they might just having sex on the basement." Ngisi pa ni Oxene.
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Nang tumayo naman si Gyllia sa tabi ng bintana at nagulat na lang kami ng mapatid ang paa nito sa carpet. Nilapitan ko naman siya tinulungan. Nagtaka naman ako dahil iba ang napansin ni Kathaleen. Lumayo kami ni Gyllia sa carpet at inalis naman nila Oxene ang carpet sa sahig.
Nanlaki na lamang ang mata namin ng makita namin doon ang isang pinto.
There's a hidden handle na inangat naman ni Oxene.
"Are you sure that's a passageway? Baka naman diretsyo lang 'yan sa basement?" tanong ko naman.
"We're not sure, tingnan natin." Ani Kathaleen.
Ako na ang nagbukas ng pinto na iyon, medyo mabigat kaya tinulungan nila akong tatlo. Bumungad naman sa amin ang madilim na paligid na iyon. Nang subukan naming magtawag doon ay nag-echo lamang ang boses namin.
"Hindi 'yan ang basement." Ani Oxene.
Tinawag naman ni Kathaleen ang dalawa na nasa basement. Kaya siguro nagtatagal ay may ginagawa na namang kabalastugan ang dalawa. Hindi namin masuri kung gaano kalalim kung tatalon kami sa passageway na ito.
Mayamaya lamang ay kumatok muli si Marco sa bintana kaya lumapit kami sa kanya.
Gamit ang putik ay nagsulat ito sa bintana.
'Guys, dalian niyo!'
Kumuha naman kami ng papel na masusulatan. Hindi kasi namin maintindihan kung anong binubuka ng bibig niya eh.
'Nakahanap kami ng passageway!'
"Marco!" napalapit naman bigla si Gyllia sa bintana at may tinuturo ito sa kanyang likuran. Nang makita rin namin ang tinutukoy ni Gyllia ay nataranta rin kami. Nang lumingon si Marco mula doon ay mabilis itong may sinulat sa bintana.
'C me at da c side!' saka kumaripas ng takbo si Marco.
Dumating naman sina Risel at Serita kasama si Kathaleen.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Risel.
Tinuro ko naman ang passageway, "kailangan na natin magmadali."
Sumang-ayon naman ang lahat at naghanda na para sa pagpasok namin sa passageway.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro