Chapter 30
Chapter 30
Gets what he wants
GYLLIA
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Marco, kapag nilalapitan ko siya ay lumalayo ito sa akin. Asar na asar siya sa akin ngayon. Wala naman akong ginawang masama. Ginawa ko lang din naman iyong pagboto kay Vantell dahil ayokong siya ang malagay sa panganib ang buhay.
Nagkaroon pa kami ng diskusyon kung anong gagawin ngayon dahil hindi nga nasunod ang plano ni Marco. Kaya ngayon ay sinubukan namin maghanap ng mga secret passageway na mapapadaan kami palabas ng mansion na ito. Sa mga kwarto naman ay walang wall cabinet na kagaya sa kabilang parte ng mansion.
Sa pito kaming natitira dito sa mansion ay mukhang hindi pa doon natatapos ang lahat. Hanggat hindi bumababa ang bilang namin sa inaasahan nilang savior ay magkakaroon pa panigurado ito ng mga challenges. Kung noon ay sobrang takot at hindi ko alam ang gagawin pero ngayon ay mukhang naiintindihan ko na kung para saan nila ito ginagawa.
They're giving us this challenge to prove them na kaya namin ang sarili namin without the help of others. Na nakikitaan nila ng potential ng savior. If we could achieve that title, matatapos din ang lahat ng ito.
Sa patuloy na pagkumbinsi ko kay Marco ay umaasa pa rin ako sa tsansang magkakaayos kaming dalawa. Hindi naman ito ang first time na nag-away kami. No'ng kami pa noon ay madalas kaming mag-away kaya ngayon hindi ko na iniisip na sobrang lalim nito. Kami kami lang ang magkakasama dito, kailangan namin ang isa't isa.
Walang susuko kasi in the first place, sama sama naman kaming lahat dito. Lahat kami ay gustong mabuhay, ginagawa ang lahat para makalabas dito. May mga hindi man pinalad pero ito ang paraan para makalaya kami, ang magka-isa.
"Marco, please... kausapin mo naman ako!"
"Wala naman tayong pag-uusapan pa!"
"Ganyan ka ba ka-immature? Iniisip ko lang 'yong posibilidad na may mangyari sayong masama sa labas kaya hindi ko sinunod ang plano mo! Hindi ko hahayaan na mawala ka ulit, Marco!"
"Pero anong ginawa mo?! Buhay ni Vantell ang nasa peligro! Sa kakagawan mo ay hindi na tayo makakalabas dito! Dahil sayo Gyllia, sa pagiging selfish mo, mamamatay tayong lahat dito! Saka ipaintindi mo nga sa sarili mong matagal ka ng wala sa buhay ko!"
"Marco..."
Tuluyan naman siyang pumasok sa kwarto ng boys. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak sa sinabi niya sa akin. Matagal na kaming wala pero 'wag niya naman ipamukha sa akin iyon. Kahit papaano ay nag-aalala pa rin ako sa kanya kasi minsan ay minahal ko rin naman siya!
"Ayos lang 'yan girl..." ani Serita. "Ganyan din sa akin si Risel ngayon."
"Magkaiba naman kasi tayo." Sagot ko naman sa kanya. "Nahuli kayo kami hindi eh."
Napangisi naman ito, "dibale, magagawan naman ulit ng paraan 'yon diba? Magkakaroon pa naman siguro ulit ng voting out."
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Pumasok naman kaming dalawa sa loob ng kwarto at naghanda sa pagtulog. Hindi naman ako kinakain ng antok kahit nakapikit na ang mga mata ko. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko.
Ano kayang meron sa outside world?
Bakit kami ang nilagay dito ng game master?
Bakit kailangan may mamatay sa amin?
Ang daming tanong na gusto kong hanapan ng sagot pero kahit sino naman sa mga kasama ko ay hindi rin alam ang sagot. Kung magagawa lang namin na mahanap ang daan palabas dito ay magsasaya na kaming lahat pero sa isolated na isla na 'to? Sa lawak ng dagat na nakapalibot sa islang dito at mga halimaw na hindi mo alam kung anong gagawin sayo.
There's so many questions... to many answers to be found.
Pagkapikit pa lamang ng mga mata ko ay muli akong napadilat. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nanatili naman akong tahimik at pinakinggan ang kapaligiran, may mga mahihinang kaluskos akong naririnig at mayamaya lang din naman ay nawala na iyon.
Wala naman akong lakas ng loob para tingnan kung anong nandoon. Hindi ko kayang makita kung anong mangyayari na naman sa amin.
Kinabukasan, pagkagising namin ay humahangos na pumasok ng kwarto sina Stefen at Risel. Hindi maipinta ang kanilang mukha kaya naman nagtaka kaming mga babae.
"Anong meron?" tanong ko.
"Si Marco..." usal ni Stefen.
"Anong meron kay pogi?" ngisi ni Serita.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan lang din ako nito.
"Pagkagising namin wala na siya." Ani Risel. "Hindi namin alam kung nasaan siya..."
"Baka nasa baba lang?" ani Oxene.
Sa sinabi ni Oxene ay napabangon naman kaming lahat kaya bumaba kami at tiningnan kung nandoon nga si Marco pero nagkamali kami dahil walang Marco ang nadatnan namin doon. Nang pumunta kami sa sala ay nakita namin ang resulta ng botohan kahapon.
MARCO - 3
VANTELL - 3
SERITA - 1
RISEL - 1
GYLLIA – 1
Kathaleen crossed her arms, "and now he gets what he wants."
Hindi naman ako mapanatag ng makita ang resulta. Pareho ang boto na nakuha ni Vantell at Marco at ibigsabihin no'n, nasa labas na nang mansion si Marco. Hindi man lang kami nagkaayos bago siya mawala sa akin.
Hindi ko man lang nagawang makipag ayos sa kanya.
Magkikita pa rin naman tayo Marco, siguro sa susunod, hindi na dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro