Chapter 24
Chapter 24
Failed
VINEA
My body is in freeze when I felt the breezy air of my surroundings. Wala namang nakatali sa mga kamay at sa paa ko kaya maayos akong nakakagalaw. Inalis ko naman ang blindfold sa aking mata pero akala ko makikita ko ng maaliwalas ang paligid dahil nababalutan ito ng kadaliman. Sinubukan kong tawagin ang mga kasama ko pero um-echo lang din ang boses ko sa ibang paligid.
Nang maalala ko ang naging announcement sa amin ay napagtanto kong mag-isa nga lang ako dito. Kailangan ko lang alamin kung nasaang lugar ako. Kung wala ang mga kasama ko dito ay tiyak na kailangan kong makalabas sa lugar na ito. Kapag nagawa ko bang iligtas ang buhay ko ay may naghihintay na pag-asa sa akin?
Mananatili pa ba ako dito?
Habang naglalakad ako ay may naapakan akong gumulong sa kanang direksyon. Nang huminto ito kasabay ng pagtama sa isang bagay ay sinundan ko iyon. Nang makapa ko ang bagay na iyon at masuri kung ano iyon. Nabuhayan ako dahil flashlight pala iyon!
Nang buksan ko ang flashlight ay inilaw ko kaagad ito sa paligid ko. Noong una ay hindi ako naniniwala kung nasaan ako pero nang mapamilyarado ko na ang lahat ay hindi nga ako nagkakamali kung nasaan ako ngayon.
"Bakit nandito ako sa mansion? Kung gano'n nasaan ang mga kasama ko?"
Sinubukan kong pumunta ng kusina pero walang tao roon. Nakakapagtaka dahil ako lang ang taong narito. Tinatawag ko pa rin ang pangalan nila, malay ko kung nandito ba sila at nagtatago lang. Tumungo naman ako sa sala, maging doon ay wala ring tao. Pero ilang saglit lang ay napaigtad ako ng bumukas ang tv screen.
Magulo ang signal nito sa umpisa pero unti unti rin tong lumilinaw. Nang tuluyang naging malinaw ang nasa screen ay napakunot noo na lamang ako habang pinapanood ang bawat maliliit na screen doon. Naka-night view ang camera's kaya nakikita ko ang mga nandoon. Sa siyam na screen na nakapaloob doon ay sa gitna nandoon ang sala. Nandoon din ako, tiningnan ko ang camerang iyon.
Nakakapanibago dahil ngayon ko lang iyon nakita. O baka naman ay matagal na siyang nandoon, wala lang nakakapansin sa amin?
Mayamaya lamang ay may narinig akong kaluskos. Hinanap ko gamit ang ilaw ang tunog na iyon. Nang tumama ang ilaw sa may corner ng sala kung saan may passageway papunta sa kabilang parte ng mansion ay gumagalaw ito. Nang itulak ito palabas ay doon ko nakilala kung sino iyon.
Hinarangan niya ng kamay niya ang mukha niya dahil sa pagtapat ko ng ilaw sa mukha niya.
"Kathaleen!" usal ko ng makita ko siya.
"Vinea?" aniya. "I'm right, there's also someone here."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "what are you saying? Bakit ka nagpunta dito sa side namin? I don't get it, Kathaleen! After you push us back here, pupunta ka dito?"
She opened her flashlight kaya naman nakadagdag din iyon sa liwanag ng paligid. \
She came closer to me, "just this time, Vinea, can we stop arguing about that matter okay?" she said, and all I can do is to nod at her. "Okay, what we have to do now is to get away from this place."
Natawa naman ako sa sinabi niya, "how would you get out of the place we've been trapped?"
Natigilan naman siya doon. She doesn't have a fine plan. Siguro kung ano lang maisipan ng babaeng ito ay gagawin na niya agad. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit sila ang inuunang patayin ng gamer na ito.
"So, okay, Vinea, do you have a plan?"
I look at her and shook my head, "actually, I don't have one. Hindi ko alam kung bakit ako lang ang mag-isa dito. Wala 'yong mga kasama ko."
"It's a challenge, remember one by one?" aniya. "Only one can survive."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "what do you mean? Sa ating dalawa, isa lang ang makaka-survive?"
She shrugged, "I don't know what the point really is, pero 'yon na nga. That's what I thought. Kaya ako nandito sa side niyo, is that—"
"You have to kill me?"
She smirked, "that's too fast, huh? Pero hindi gano'n." aniya. "Unless we need to do that."
Inirapan ko siya, "go back to your side, hindi naman kita kailangan dito!"
"Oh, no, no. You need me, Vinea. I'll tell you that." She assured me with her words. Paano naman ako maniniwala kaagad sa kanya? I didn't even know what she up to. If killing someone was her motive... oh wait, mas magaling ata ako diyan.
Remember, I killed Tyda. My sweet cousin.
Nang bumaling naman si Kathaleen sa screen ay napatitig ito doon kaya naman ng sundan ko ang mga tingin niya ay nagulat kaming dalawa ng makita namin kung anong meron.
"Nakita mo rin 'yon diba?" tanong ni Kathaleen sa akin.
Dahan dahan naman akong napatango sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen baka sakaling makita ko muli ang naka black suit and mask na taong iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang papatay sa akin matapos kong baliin ang violation rules dito.
Saglit lamang ay pareho kaming nagulat ng biglang may kumalabog sa second floor. Nagtulakan pa kaming dalawa kung pupuntahan ba namin o hindi. Nagtatalo kaming dalawa ni Kathaleen na siya na lang ang pumunta doon pero ayaw niya. Nang tingnan naman namin sa screen ay wala namang mga tao doon.
"Tayong dalawa kaya?" ani Kathaleen.
"That's not a good plan." Usal ko sa kanya.
"Pero wala naman sigurong mangyayari, diba?" aniya.
"Akala mo lang 'yon!"
But in the end, hinigit niya ako papunta sa hagdanan. Hindi rin naman ako nakapiglas saka ayoko ring mapag-isa kaya naman nilakasan ko na lang din ang loob ko papunta sa second floor. Sa pagtungtong namin sa second floor ay mas nagiging malakas ang kalabog doon.
"Mauna ka nga!" tulak ko kay Kathaleen.
Nauna siyang maglakad sa akin at sinusundan ko lang din naman siya. Nang matunton namin kung saan nagmumula ang kalabog ay kinilabutan na lamang ako. As in, tumaas ang balahibo ko ng mapagtanto ko kung saan iyon nanggagaling.
"Dito sa loob," ani Kathaleen.
Lalapit na siya at bubuksan ang pinto pero agad ko naman siyang pinigilan. Inilawan ko naman ang pintuan at doon ako napatulala ng makita ko ang isang signage kung saan nakasulat ang pangalan ko doon.
"Vinea..." ani Kathaleen. Agad naman niya akong nilingon, "ano bang meron dito?"
Napalunok laway na lamang ako habang tinitingnan iyon. Iling na lang din naman ang nasagot ko sa pag-iisip na baka may masamang mangyari kapag binuksan namin ang kwartong ito.
"Buksan mo." aniya.
"Ano?! Ayoko nga!"
"Tingnan mo ah." Ani Kathaleen, pinihit naman niya ang doorknob pero hindi ito bumubukas. "Ikaw talaga ang makakapagbukas nito."
Wala akong ibang choice kundi ang buksan iyon. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at tinulak iyon. Bumungad naman sa amin ang madilim na kapaligiran ng kwarto.
"Tingnan mo, wala naman pala eh—Vinea!"
Agad na may humatak sa akin sa loob at sinarado ang pinto. Pilit naman iyong binubuksan ni Kathaleen pero hindi niya magawa. Ni hindi ko makita ang kapaligiran, hindi agad agad na nag-adjust ang paningin ko.
Ang mga tunog na akyat baba ang naririnig ko. Mayamaya lamang ay may taling pinaikot ikot sa aking leeg. Pilit ko iyong kinakalas pero hindi ko makalas. Kinalakad ako nang humihila hanggat sa hindi ko na maramdaman ang sahig. Unti unti akong binawian ng hangin at sa huling pagkakataon ay mabilis na kumurap ang ilaw at nakita ko ang isang tao na pumasok sa loob ng wall cabinet.
And that's the last thing I saw... I failed to save my life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro