Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23

Find you


STEPH

Halos mangiyak-ngiyak ako nang makatas ako sa mga halimaw na iyon. Hindi ko madistinguish kung anong klaseng hayop sila pero para silang leon na may pakpak nang dragon. Wala naman talaga gano'ng hayop pero nakakatakot nang harap harap ko silang makasalamuha. Muntik pa akong matusta! Sino bang hindi magtataka na ang isang halimaw na gano'n ay kayang magbuga ng apoy?

Nang malaman kong hindi ko kasama ang kapatid ko ay hindi ako makomportable dahil nag-aalala ako sa kanya. Nasaan na ba siya ngayon? Hindi ko alam kung buhay pa rin ba siya ngayon o hindi pero sana magkita mula kami pagkatapos nito.

Nagpapalipas lang ako ng ilang oras matapos makapagtago sa halimaw na iyon. Nasa labas ako ng mansion. Hinahanap ko 'yong iba kong kasama pero hindi ko naman sila makita. Hindi kami sama sama sa isang lugar. Pinaghiwa-hiwalay nila kaming lahat. Iyon na nga ba ang sinasabing one by one, a challenge to survive?

So this is the way how I can survive from those?

Hindi tama 'to.

Kailangan kong hanapin ang kambal ko.

Mayamaya lamang ay natahimik ako dahil sa narinig ko. Nang silipin ko kung anong meron ay nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaking tumatakbo palayo. Pinilit kong kilalanin kung sino 'yon at panigurado ay kabilang iyon sa kabilang grupo.

Wala akong choice kundi habulin ito. Doon ko lang din naman siya nakilala nang balingan ako nito.

"Ehrett! Saglit!" tawag ko pa dito.

"Lumayo ka sa akin!" sigaw nito.

"Saglit lang, hindi naman kita sasaktan!" sigaw ko pa.

Pero hindi ako pinansin, sa patuloy niyang pagtakbo ay napahinto na lang din ako ng biglang may sumalubong sa kanya at dambahin ito. Nanginig ang mga tuhod ko ng makita ang halimaw na kanina lamang ay hinahabol ako. Natulala na lamang ako habang tinitingnan lapain ng halimaw na iyon si Ehrett. Nanginig ang tuhod ko ng balingan naman ako ng halimaw na iyon. Pag-atras na lamang ang nagawa ko dahil sa mabilis nitong paglapit sa akin. That handa na akong dambahin ng halimaw na iyon pero nagtaka na lamang ako ng tumagos ito sa akin at nang tingnan ko ang likuran ko ay wala na siya doon.

Nakahinga ako ng maluwag doon pero hindi ako makapaniwala na harap harapan kong nakita ang pagkawala ni Ehrett. Tumakbo naman ako palapit kay Ehrett. Wala na itong buhay. Hindi ako mapakaniwala na may mamamatay sa ganitong pagsubok sa amin.

Nanigas na lamang ang katawan ko ng marinig ko ang isang alingawngaw ng ibon. Nang tanawin ko ang kalangitan halos manlaki ang mga mata ko nang palusong iyon sa akin. Wala akong ibang kundi ang tumakbo palayo doon. Paikot ikot para lamang hindi ako nito mahuli.

Tinatawa ko na ang pangalan ni Stefen kahit alam kong wala siya dito. Kahit ramdam ko na ang panghihina nang aking katawan ay lumaban pa rin ako. Babalikan ko ang kambal ko. Hindi dito natatapos ang lahat para sa akin.

Ngunit mali ang pagkakaakala ko...

A ten feet non-existed bird landed in front of me. It had two beaks, four eyes and a-like snake tongue. His tongue grips my neck but with the knife I have, I cut him off. Binaba ako nito sa lupa, tumayo naman ako pero huli na nang pumaibabaw ito sa akin.

He pecks my eyes and fly with him up in the air and releases in the middle of the woods and fall into the pit of sharp stones. The last words I said was, "I'm going to find you Stefen..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro