Chapter 21
Chapter 21
Wall cabinet
COBERT
From the mess we've been, hindi namin alam kung anong gagawin namin. From the moment kasi na nalaman naming hindi lang kami ang naninirahan sa masion'g ito. We're glad to know that. Nabuhayan kami dahil may makakasama kami pero hindi ko naman inaasahan na magkakaroon ng hindi pagkakaunawan sa dalawang grupo. Pero ngayong nakabalik na kami sa tinutuluyan namin, mukhang babalik na ulit sa normal ang lahat.
"What do you think kung bumalik tayo sa kabilang bahay?" tanong ni Vinea sa akin.
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "sa tingin mo ba papayagan pa nila tayong tumira kasama nila? Pinaalis nga tayo eh."
"Tayong dalawa lang naman eh, hindi naman natin kailangang isama sila. Lalo na si Erense."
Napailing na lang din naman ako sa pinagsasabi niya. Hindi niya ata alam kung anong inisiip niya. Pansin ko kasi no'ng mga nakaraang araw ay nagkakamabutihan silang dalawa ni Vantell. Hindi lang halata pero madalas sila ang magkasama no'ng nandoon pa kami.
"Cobert, tingnan mo ako." Hatak pa ni Vinea sa braso ko.
Aburido naman akong nilingon siya, "ano ba kasi 'yon?"
Ang lapit naman ng mukha niya sa akin, "gusto mo ba akong i-try?"
Piniglas ko naman ang kamay niya sa akin at tumayo palayo sa kanya, "para 'tong baliw! Umayos ka nga Vinea!"
"Oh! Nag-aaway ba kayo?" ani Marco.
Inirapan naman siya ni Vinea, "hindi Marco, pumunta ka na nga doon sa girlfriend mo! 'Wag mo na kaming pakilaman okay?"
"I'm just asking," kibit balikat pa ni Marco. "If that's what you want." aniya saka siyah umalis sa harapan namin. Tumungo nga si Marco kay Gyllia na nakikipag-usap sa kambal. Napabuntong hininga na lang din naman ako. Kung hindi sana kami umalis sa kabila, edi sana marami akong nagagawa ngayon.
Umalis na lang din ako sa harap ni Vinea.
"Oy, saan ka pupunta?"
"Wala ka na 'don!" walang ganang sagot ko sa kanya.
Tuloy tuloy din ako papunta sa kwarto. But before entering the boy's room, something caught my attention. Just like the thing I heard before. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Vinea. Hindi ko naman pinansin ang presensya niya kundi pinasok ko ang isang pinto doon. Tahimik, madilim at kulob ang hangin dito.
Binuksan ko naman ang ilaw, doon ko muling natanaw ang kabuuan ng kwarto. Walang mga gamit maliban sa wall cabinet sa gawing kaliwa.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito Cobert?" ani Vinea.
"'Wag ka ngang maingay." Saway ko pa dito.
Nanahimik din naman kaagad si Vinea. Nang mapansin niya rin ang kakaibang kaluskos ay nagtaka na rin siya kung saan nanggagaling iyon. Imposible namang manggaling iyon sa mga kwarto dahil wala namang mga tao doon.
"Ano 'yon, Cobert?" tanong ni Vinea sa akin.
Umiling naman ako sa kanya. Wala naman kasi akong idea kung saan o ano 'yong kaluskos na iyon. Sinubukan naming pakinggan sa buong kwarto at dinala kami noon wall cabinet.
"Sure ka nasa loob niya?" ani Vinea. "Parang wala namang laman 'to eh."
"We need to see it."
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo bubuksan 'yan?" tanong niya. Pansin ko ang takot niya doon.
"Kaya nga bubuksan Vinea para malaman natin kung may laman ba o wala. Just that, 'wag kang matakot. Ikaw 'tong killer pero ikaw pa 'yong inunahan ng takot ah?"
Napairap naman ito sa akin. Bahagya naman akong natawa dahil sa reaksyon niya.
Lumapit naman ako sa wall cabinet. Binuksan ko naman ito at natawa na lang din dahil mukhang normal na cabinet lang ito. Walang kakaiba.
"Niloloko ba tayo nito?" ani Vinea. "Tingnan mo pa, baka may secret passageway pa diyan."
Hindi ako sigurado sa sinabi niya pero nang subukan ko namang kapain ang kahoy ng cabinet. Manipis na ito at marupok. Nang suntukin ko ito ay doon bumulaga sa amin ni Vinea ang kakaibang elevator. Hindi nga namin sigurado kung elevator ba iyon pero sa singkapal na lubid nito ay mukhang gano'n na nga.
"Subukan mong hatakin, Cob." Utos ni Vinea sa akin.
"Bakit ako? Ikaw ang nakaisip niyan, ikaw ang gumawa!"
She smirked, "ngayon, sino ang takot sa atin?" lumapit naman siya sa elevator na iyon at hinatak pababa ang lubid. Nanlaki pa ang mata namin dahil gumana iyon. Mayamaya lamang ay malakas na kalabog ang narinig namin gawa para kumaripas kami ng takbo palabas ng kwartong iyon.
Hinihingal naman kami ni Vinea na bumaba ng hagdan. Kaya ng makita kami ng mga kasama nami ay nagtataka sila sa nangyari sa amin.
"Teka, hindi naman siguro kayong dalawa, nag-ano diba?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Vinea sa tanong ni Stefen, "hindi 'no!" sabay na usal namin ni Vinea.
Pansamantala ay siniketro muna namin sa mga kasama namin 'yong nalaman namin. Hindi pa naman ngayon 'yong time para malaman nila 'yon. Sasabihin naman namin iyon sa kanila, hindi pa nga lang ngayon.
"Guys, tara sa sala ngayon!" tawag sa amin ni Gyllia.
Pumunta naman kami sa sala at may bagong announcement na naman ang nasa tv screen. Lahat kami ay tutok doon dahil panibagong challenge na naman iyon para sa amin. Sa aming pito na magkakasama ay hindi namin alam kung hanggang saan o kailan kami mananatiling pito.
"One by one, a challenge to survive; Reaching the end, a life shall exist."
"What's the meaning of that?" Stefen asked.
"Another challenge, maybe." Vinea sa said.
"Or my way to have my avenge." Hagikgik pa ni Erense. "Oh, I'm excited! It's my first time!"
Habang lahat kami ay hindi alam kung anong gagawin. Si Erense naman ay parang nagdidiwang pa sa mangyayaring challenge na iyon. And whoever shall pass it, granted to proceed on the next challenge.
Ito na ang buhay ko at ang kailangan kong gawin ay ang lagpasan ang lahat ng ito. if killing is inevitable here, then I will do it. For the sake of existing the life I've used to live.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro