Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Just be yourself


MARCO

Hindi ko inaasahan na makakasama ko si Gyllia dito. Hindi namin alam kung nasaang lugar kami, as just the two of us here, I therefore conclude that we have been played by some unknown people. Wala naman akong matandaan na sinalihang contest para mapunta sa ganitong lugar and who could have thought that I would be with Gyllia and this moment sucks.

Iniwan ko siya doon sa sala at kung patuloy lang din siyang makikipagtalo sa akin ay hindi ako magtatagal dito. Gagawa ako ng paraan para makalabas sa lugar na 'to. This mansion is fucking huge. Hindi ko rin alam kung saan ako makakalabas kapag nagkataon.

Umakyat ako sa second floor, at hindi na talaga ako magugulat kung gaano karaming kwarto ang meron dito kaya naman sinubukan kong maglibot libot.

Ayon sa mga kagamitan na naka-display ay mukhang mamahalin na binili pa sa ibang bansa. Ang inaaapakan kong sahig ay tiles na kapag yumuko ka ay makikita moa ng mukha mo. Oo, gano'n kalinis ang lugar na ito. Gano'n din kamisteryoso.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng ilang kaluskos ko kaya naman napatigil ako at pinakinggan ko kung saan iyon nanggaling. Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yong tunog hanggat sa nakalapit ako sa isang pintong may padlock—na nakapadlock din.

"Ay pucha!" napaigtad na lang ako ng biglang may magsalita sa loob nito.

"May tao ba diyan?" usal nito.

"Ah-oo, meron!" sagot kong natataranta pa.

"Please, pakibuksan ang pintong ito." aniya.

"Sige, saglit lang."

Hinanap ko naman 'yong susi sa padlock pero wala naman dito.

"Pa'no ko mabubuksan 'to? Naka-padlock at walang susi."

"Saglit, may nakita ako dito sa loob." Aniya.

Naghintay naman ako sa kanya, mga ilang minuto lang din ay may pinadulas siya sa ilalim ng pinto. Tumama sa paa ko ang isang pirasong susi at pinulot naman iyon. Agad ko namang sinubukang ipasok iyon sa kandado at sa wakas ay pumihit ito!

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae, agad naman ako nito niyakap. Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko nang gawin niya iyon. Hindi ko 'to kilala pero mukhang pamilyar siya sa akin.

Nang umalis siya ng pagkakayakap ay sa akin ay nakuha pa nitong makipagtitigan sa akin. Walang emosyon, diretsyo lamang ang tingin nito sa akin. Hindi ko talagang pwedeng maipagkaila na hindi ko kilala 'to, pamilyar talaga siya sa akin. Siguro nabigla lang ako sa una kong kita sa kanya pero may kamukha siya. Sino nga ba?

Natigil lamang siya sa pagtitig sa akin nang marinig namin ang isang matinis na tunog na umalingawngaw sa buong mansion. Agad kong hinigit ang kamay ng babaeng ito, pumiglas pa ito no'ng una at nagsimulang umiyak pero nahigit ko rin ito at tumuloy kami sa sala kung saan nakita namin si Gyllia sa harapan ng tv na takip takip ang kanyang magkabilang tenga.

Nagulat si Gyllia nang makita ang kasama ko. Hindi ko na siya pinansin siya mga pinagsasabi niya. Naging pokus kami sa papanood namin sa tv nang makita namin ang sarili namin doon.

Hanggat sa isang computerized na boses ang nagsalita, "someone has arrived."

"Anong ibigsabihin no'n?" tanong ni Gyllia.

"M-may kasama pa tayo?" nauutal na tanong ni Erense.

Napahinga na lamang ako ng malalim. "Gano'n na nga siguro."

"Hello?"

Nagkatinginan naman kaming tatlo nang marinig namin ang lalaking boses na iyon. Agad naman naming tinungo kung saan iyon nanggagaling hanggat sa makita namin ito sa may kusina. Nakaupo siya sa silya, ang mga kamay ay nakatali sa likuran nito maging ang paa niya na nakatali sa paanan ng silya.

"Sino kayo?" ito kaagad ang bungad niyang tanong sa amin ng makita niya kami. "At anong ginagawa ko rito? Kayo baa ng nagdala sa akin dito?!" at nagagalit na siya ngayon.

Napangisi naman ako sa sinabi niya, "easy ka lang bro, lahat kami walang idea kung paano kami nakapunta dito, gano'n din ang nangyari sayo pero sa ngayon aalisin ka muna namin diyan."

Lumapit kami sa kanya, kumuha ako ng kutsilyo para alisin ang tali sa kamay at paa nito. Nang matapos kong gawin iyon ay bigla na lamang niya akong tinulak sa dingding at kinuwelyuhan.

"Sabihin mo sa akin sinong nagdala sa amin dito?!" pagdidiin niya pa sa akin.

"Bro, wala nga kaming alam." Sagot ko dito, "at kung hindi mo aalisin ang kamay mo sa kwelyo ko, tandaan mo, may hawak akong kutsilyo."

Sa pagkasabi ko no'n ay inalis niya rin kaagad ang kamay niya sa akin. Pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko sa oras na ito dahil kung hindi, baka lumalangoy na siya sa sarili niyang dugo.

"Sino ka ba?" tanong naman ni Gyllia sa kanya.

"Cobert." Tipid nitong pagkakakilala sa amin.

"Guys, pwedeng bumalik muna tayo sa sala?" Ani Erense.

Bumalik din naman kaagad kami sa sala pero pagkarating naman namin doon, may dalawang tao kaming nadatnan. Agad kaming tinutukan ng mga hawak nilang baril. Napaluhod na lang kami dahil baka mamaya ay barilin nga nila kami.

"Wait, Stefen. They might be the good ones." Ani ng babae.

"How sure are you Steph? They can kill us."

"We have guns, they don't have." Ngisi pa nitong Steph.

"Kayong dalawa, pwedeng pakibaba naman ng mga baril niyo?" usal ko.

"Okay." ani Steph saka binalik sa kanyang back pocket ang hawak na baril, gano'n din naman ang ginawa ni Stefen. "By the way, who the hell are you guys?"

"As much as you want to know us, we don't know either one of them." Gyllia said. "And can I said it too? Who the hell you are?"

"Oh we're twins." Ngiti pa ni Steph. "I'm Steph and he's Stefen."

At nagpakilala rin naman ang ilan kong kasama. Ngayon na nasa anim na kaming ganito, hindi ko alam kung paano kami magtatagal dito. Ni hindi ko nga kilala 'tong mga kasama ko except for Gyllia—my ex.

Siniko naman ako ni Gyllia, nilingon ko naman siya.

"What?"

"May idea ka ba kung bakit tayo dito dinala?" tanong pa niya.

Napakibit balikat naman ako, wala naman kasi talaga akong idea. "Wala, Gyllia, at kung nabasa mo rin 'yong kanina. We're on a vacation... and this vacation is suck."

"Ikaw lang kilala ko dito Marco."

"Ako rin naman." Sagot ko sa kanya.

"Erense?!" agad naman kaming napatingin sa kambal na nilapitan si Erense. "Anong ginagawa mo dito?"

Nanatili namang tahimik ito.

"Hanggang ngayon pa rin ba, wala ka pa ring balak magsalita?" ani Steph.

"Teka, magkakilala ba kayo?" tanong ko naman sa kanila.

Humarap naman sa amin si Stefen, "yes, she's our cousin and our family is a strong one and Erense was always the good girl who cant—"

"Stop!" sigaw ni Erense na siyang nagpatigil sa pagsasalita ni Stefen. "Oo na, ang galing galing niyo kasi! Ako na 'tong lampa at pahirap! Kayong kambal ang pinaka-worst sa mga pinsan ko." and with that, she runs to comfort room.

"I didn't even know na may tinatago palang galit sa atin 'yang si Erense." Ani Steph.

"Hayaan mo siya, twin." Ngisi pa ni Stefen.

Muli naman kaming nagkatinginan ni Gyllia.

"Just be yourself." Bulong nito sa akin saka siya pumunta sa cr para samahan si Erense.

Napakunot noo na lang din naman ako sa sinabi niya.

What would I do? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh. Siguro nga, may larong kailangan kong lagpasan at kapag nagawa ko 'yon. Ako ang magwawagi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro