Chapter 19
Chapter 19
Kasalanan
MARCO
Nang isa isa kaming makalabas ng passageway ay nakakapanibago lang dahil nasanay na kaming kasama sila sa iisang bahay. Agad din namin napansin ang kakaibang ayos ng mga gamit sa bahay. Medyo lumuwag ito kaysa noong iniwan namin ito. Naupo na lang din naman ako sa sofa at hinayaan ko silang ayusin ang mga gamit nila.
"Marco, hindi mo pa ba aayusin 'yong gamit mo?" tanong naman ni Gyllia sa akin. Umiling naman ako sa kanya. "Sige, mag-aayos lang kami."
Hindi ko na naman siya pinansin kundi inikot ko na lang din ang tingin sa paligid. Ang tahimik at wala masyadong kakaiba dito. Mas nasanay ako sa presensya nila doon pero wala rin naman kaming magagawa dahil iyon ang desisyon nila.
"Erense!" tawag ko dito ng bumaba ng hagdan. Nakangiti naman itong lumapit sa akin. "Bakit ka pa bumalik?"
Napahagikgik naman ito, hindi ko siya maintindihan. Kakaiba na siya kung kumilos. Siguro nga may sakit na ito si Erense kaya nagkakaganito siya ngayon. Hindi namin maintindihan kung bakit kailangan niyang ipakitang malakas at palaban na siya ngayon. Gayong wala naman siyang makukuhang tulong sa amin. Kung hindi kasi dahil sa kanya, kasama pa rin namin ang kabilang grupo.
"Hindi ka ba natutuwa dahil nadagdagan ulit ang grupo niyo? Tingnan mo, mas nakakalamang tayo ngayon sa kanila." Aniya.
"Erense, this is not about the game anymore! The question is, how can we survive in this world. Kung iniisip mo pa rin ang sarili this time, then you should get out of here dahil hindi ka na magandang ehemplo pa dito. You never tried to kill the twins, you even killed Maryel there."
She just raised her brow and crossed her arms, "wala akong pakelamn kung kaya kong pumatay ng ibang tao. In the first, why do I bother to spare them when I don't even know them? Hahayaan ko bang ako ang mamatay dito instead of someone else?"
"You should've Erense." Stefen said.
Napalingon naman siya sa kambal. Simula ng mangyari iyong nakaraan sa kanilang tatlo. Paniguradong hindi papalampasin ng kambal ang ginawa sa kanila ni Erense.
"Oh, why oh why cousin?" ngisi pa ni Erense.
"Bakit ba kailangan mo ulit bumalik? We don't need you Erense here. Hindi sana kami babalik dito kung hindi ka nagpakita ulit. You shouldn't live anymore, kaya walang nagmamahal sayo kasi ang pangit ng ugali mo! You poor child!" Ani Steph
Susugurin ni Erense si Steph pero pinigilan ko ito.
"Bitawan mo ako, Marco." Aniya. "Hindi mo na naman kailangan alamin kung ano talaga ang alam ko sayo. This is between my cousin, Marco. Bitawan mo ako."
"Ano ba kasing nalalaman mo Erense?"
She smirked, "hindi mo na rin naman kailangang malaman 'yon."
Pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya. Nilapitan naman niya ang kanyang pinsan, ilang segundo itong nakipagtitigan sa kanya at binangga niya ito sa balikat. Nagkasalubong silang dalawa ni Gyllia sa hagdan. Nagtaka naman si Gyllia doon.
"Anong nangyari?" taka niyang tanong.
Wala namang sumagot sa kanya kaya tumuloy siya sa kusina. Alam kong magluluto siya ng pagkain namin. Napatingin na lamang ako sa bintana. Natatanaw mula dito ang karagatan. Iniisip ko pa lang kung paano makatakas dito, hindi ko na alam kung paano sisimulan iyon.
Habang nasa labas kami, wala naman akong nakita pwedeng maging daan para makaalis sa lugar na ito. Mukhang matira matibay nga lang talaga kami dito. At kung ang paraan ng pagiging matibay dito ay ilagay ang buhay ng iba sa panganib. Sabihan na nila akong makasarili, maligtas ko lang ang buhay ko.
Somehow, Erense had a point.
Habang kumakain kami ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita, tutok ang lahat sa pagkain nila.
"Nasaan si Erense?"
Napatingin naman silang lahat sa akin ng sabihin ko iyon.
"Why do you even care, Marco? She should starve." Ani Stefen.
"Nasa taas, ayaw niyang kumain." sagot naman sa akin ni Gyllia.
"Wala na ba talagang pag-asa na makawala tayo dito?" ani Cobert.
"Sa tingin mo Cob, meron ba?" tanong naman ni Vinea sa kanya. "Noong nasa labas na nga tayo diba, hindi pa rin tayo ligtas doon at kinailangan nating bumalik dito sa mansion. Wala na tayong mapupuntahan. Kung may posibilidad mang mabuhay tayo sa matagal na panahon, magagawa natin iyon ng sama sama."
"Hindi naman tayo magtatagal dito." Aniko.
"Anong sinasabi mo, Marco?" tanong ni Steph sa akin.
"Noong bago ako pumasok dito, may sulat kaming natanggap noon. Nakasulat doon na four months lang ang itatagal ng special vacation na ito."
"Ako rin, Marco!" ani Gyllia. "Alam kong pareho tayo ng paraan ng pagdala dito."
Tumango naman ako sa kanya, "pero sa tingin niyo ba magtatagal tayo ng four months?" tanong ko naman sa kanila.
"Pa'nong nasabing four months, kung ngayon pa nga lang ay inuubos na nila tayo. Sa tingin ko talaga kapag may natira na lang sa atin dito. Ang siya ang makakauwi ng buhay." Ani Cobert.
"Pa'no naman kayo nakakuha ng sulat na 'yon?" tanong ni Vinea.
Tiningnan ko naman si Gyllia at napayuko na lang din naman ito.
"Noong kaming dalawa pa ni Gyllia noon," panimula ko. Tiningnan ko ang reaksyon niya pero diretsyo lang din ang tingin niya sa kanyang pinggan. "Nagplano kami noon na maga-out of town kaming dalawa and we end up talking with a stranger. They offered us a free travel and accomodation kaya naman hindi na kami nagdalawang isip ni Gyllia na tanggapin 'yon. Few months passed pero walang nangyari until we broke up. Few months after, doon ko lang din natanggap ang sulat and we arrived here together... this is what they called special vacation."
Napabuntong hininga na lang din naman si Gyllia.
"Kasalanan mo kasi 'to Marco eh." Inangat naman niya ang ulo niya, she glares at me. "Kung hindi sana ako pumayag noon, wala sana ako ngayon dito."
"What? Gyllia?! Seriously? Ngayon mo pa talaga naisip 'yan?"
She rolled her eyes, "bakit sino pa ba? Ikaw lang naman diba."
Napailing na lang din naman ako sa kanya, "I thought you change Gyllia, ikaw pa rin pala 'yong babaeng nang-iwan sa akin noon. Makati ka kasi." Ngisi ko pa.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"No lies there, Gyllia."
"Guys, tama na!" pag-awat ni Cobert. "Move on na kayong dalawa! Past is past, okay? May mas problema pa tayong kailangang isipin! Tigilan niyo ang paninisi sa bawa isa! Walang may kasalanang napunta kayong dalawa dito! Kami, may sinisi ba kami nang mapunta kami dito? They plotted us here! Kung susuko na kayo ngayon pa lang, iboto niyo ang sarili niyo para makalabas na kayo dito."
"Then vote for me." tugon ko sa kanila.
Tiningnan lang naman ako ni Gyllia.
"I don't care if you vote for me, matagal na akong patay simula ng pumasok dito. We won't survive here, anyway..." tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Wala na akong gana." Umalis ako ng kusina at tumuloy sa kwarto.
But I found Erense sitting in the corner, nagdalawang isip pa akong lalapitan ko ba siya o hindi but I make my way to her. Siguro, si Erense lang ang nakakaintindi sa akin dito. Kasi kahit 'yong ex-girlfriend ko, hindi marunong magbaba ng pride!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro