Chapter 17
Chapter 17
Sayang
MARYEL
Helping another people instead of saving myself could be an achievement for me. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa akin. Hindi ako umabot para makapasok sa mansion but that doesn't mean ay hindi na ako makakasurvive. I can do things on my own. Siguro tuwang tuwa na sila ngayon dahil wala ako sa mansion. Wala nang atribida sa kanila. Magagawa na nila ang kagustuhan nila.
I entered the woods, nagpalipas ako ng gabi sa itaas ng puno. That helps a lot dahil hindi naman iyon naaabot ng halimaw na iyon kaya siguro kahit magtagal pa ako dito ay susukuan na lang ako no'n.
We lose Kage at sana iyon na ang huli sa lahat. I can't take to see people dying. My attitude maybe rude pero hindi ko naman hahayaan na may mamatay na lang. If I can help people, then it's my will to do it.
The sound of birds flying around the woods woke me up. Napansin ko rin naman agad na wala na ang halimaw sa ibaba kaya naman dali dali akong bumaba ng puno. Naisip kong bumalik na nang mansion pero agad din naman akong nag-alinlangan dahil hindi rin naman ako makakapasok dahil sarado iyon at hindi rin naman nila magagawan ng paraan iyon para mabuksan.
Habang naglalakad ako sa gitna ng kagubatan ay napansin ko naman ang usok na nanggagaling sa itaas. Agad ko naman iyong sinundan hanggat sa narating ko kung saan iyon nagmumula. May nagsiga dito. Nagpalinga linga naman ako sa paligid dahil mukhang hindi ako nag-iisa dito.
"Sino nandiyan?" sigaw ko.
Pinakiramdaman ko naman ang paligid pero katahimikan lamang ang bumungad sa akin. Lumapit naman ako sa siga ng mga dahon doon. Hindi nga ako nag-iisa dito. Mayamaya lamang ay may humablot sa akin, kanyang nilagay ang braso sa aking leeg dahilan para hindi ako makakilos. May itinutok din siyang matulis sa aking leeg.
"Anong ginagawa mo dito, Maryel?"
"E-Earle?"
"Sagutin mo ako." Aniya.
Napalunok pa ako ng laway bago magsalita, "hindi ako nakaabot sa pagpasok sa mansion kaya nandito ako ngayon sa labas! Earle, buti buhay ka."
"Pinapanood ko kayo kahapon, anong ginagawa niyo?" tanong nito.
"Ipapaliwanag ko, Earle ..." aniko. "Hayaan mo akong mag-kwento, kumalma ka na."
Dahan dahan naman niyang inalis ang braso sa leeg ko. Nakahinga naman ako ng maayos. Umupo naman ako ng maayos at hinarap ko siya. Kinuwento ko naman sa kanya lahat ng nangyari, hindi rin naman siya makapaniwala sa sinabi ko. Naisip niyang pinaglalaruan lang daw talaga kami. Na may kumokontrol sa lahat ng bagay na gagawin namin. Na lahat ng ito ay nilagay para pahirapan kami. Kung gano'n nga, ibigsabihin nito wala talaga kaming kawala?
"Ikaw, bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin?" tanong ko naman sa kanya.
Umiling naman ito, pinaglaruan niya 'yong siga ng mga dahon gamit ang isang stick. "Sinubukan ko ng gawin 'yon, nag-isip ako ng paraan para makaalis dito pero wala."
"Anong wala?"
Napakibit balikat naman ito, "wala nang chance para makaalis sa lugar na ito."
Naguluhan naman ako sa sinabi niya, hindi ko makuha.
"Maryel, isa lang ang ibigsabihin nito. Mamamatay tayo lahat, iyon naman siguro ang dahilan nila kung bakit nila tayo nilagay dito."
Napailing naman ako sa sinabi niya. Alam kong may iba pang paraan para makauwi kami sa sarili naming bahay. Hindi kami susuko na lang basta, kung dito lang din pala kami mamamatay. Sana pala hindi na kami lumaban sa kung anong dumating sa amin. Kinatutuwa pa nilang naghahabol kami para mabuhay lang.
"May balak ka pa bang bumalik ng mansion?" tanong nito sa akin.
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "oo, kung may pagkakataon pero wala na eh."
"Meron pa, Maye."
"Maye?" tawa ko pa ng banggitin niya 'yon. "Call me Maryel, mas sanay ako doon."
"Mas maganda kung Maye na lang." aniya. Tumayo naman ito, sinundan ko lang naman siya ng tingin. "Oh, diba gusto mo bumalik ng mansion? Tara na! Ihahatid na kita."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "bakit ikaw? Hindi ka ba sasama sa akin pabalik ng mansion?"
Umiling naman si Earle, "wala na akong balak pang bumalik sa mansion. Hindi ko naman kilala ang mga tao 'don. Puro kasinungalingan lang ang malalaman mo kapag nagkataon." Aniya.
Hindi ko naman siya masisi dahil hindi naman lahat ng tao kayang magtiwala kaagad kaya kahit anong klaseng kasinungalingan ay gagawin na, maging ligtas lang.
"Sumama ka na lang pabalik sa akin Earle."
Pero iling lang din naman ang nakuha ko sa kanya. Kahit siguro anong pilit ang gagawin ko ay hindi naman siya sasama.
Tinahak namin ang daan pabalik ng mansion. Sa mga oras na ito ay wala naman masyadong gumagambala sa amin. Tila ang mga ibon lamang sa itaas ang nandito ngayon. Paikot-ikot lamang sa itaas, lalo na nang mapansin namin ang grupo ng mga ibon sa ibabaw ng mansion.
"Ano? Paano tayo babalik? Hindi naman nila kayang buksan 'yong pinto doon sa harap."
"Hindi naman tayo sa harap dadaan." Ani Earle.
"Huh?" taka ko pa. "May alam kang ibang daan?"
"Meron, sumunod ka." Nauna naman si Earle sa akin at sumunod ako sa kanya sa likod ng mansion.
Ikinagulat ko nang makita ko ang parehong disenyo ng harap mula sa likod ng mansion. Bumalik naman kami sa gilid ng mansion at nakita namin ang daanan papunta sa basement.
"Oh, sigurado ka ba diyan?" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi, pero ito lang ang daan para makabalik ka sa loob ng mansion." Aniya. "Halika tulungan mo ako, kumuha ka ng mga kahoy 'don."
Gaya ng sinabi niya ay mukuha ako ng kahoy doon. Ilang hakbang lang din ay may nakuha si Earle na wood cutter. Pumosisyon naman kaming dalawa ni Earle at kanyang hinahampas ng wood cutter ang pinto ng basement pero sa ginawa namin ay naagaw namin ang atensyon ng mga ibon sa itaas.
"Dalian na natin!" ani Earle.
Mas binilisan namin ang pagsira sa pintong iyon. Nang palapit ng palapit ang mga ibon ay unti unti namang nasisira ang pinto.
"Dalian mo Maye, pumasok ka na sa loob!" aniya.
"Paano ka?"
"Ako nang bahala!" aniya.
Nang papasok na ako sa loob ng pinto ay biglang umatake ang mga ibon.
"Isarado mo na ang pinto!" dahil sa taranta ko ay iyon na lamang ang nagawa ko. Sinilip ko sa kaunting uwang kung anong nangyayari sa labas at halos hindi ako makapaniwalang pinagkumpulan na nang ibon si Earle.
Kanyang pinanglalaban ang hawak na wood cutter, nang may tamaan siya ay lumagapak sa lupa ang isang ibon at doon namin napag-alaman na hindi buhay na ibon ang mga iyon. Mga robot na ibon ang mga iyon.
Nang mabitawan ni Earle ang hawak na wood cutter ay siyang pinagtutuka ng mga ibon ang kanyang katawan. Nang pilitin kong buksan ang pinto ay hindi ko na magawa, mistulang mag-lock ito mag-isa. Nang silipin ko muli siya, sa saktong senaryo ay may tumuka ng kaliwang mata ni Earle. Sinundan pa iyon ng isa hanggat sa lumagapak na lamang sa sahig ang kanyang katawan. Hindi ko mapigilan ang hagulgol ko habang pinapanood ang paglalantak ng mga ibon sa kanyang katawan. Durog at binalatan ang kanyang balat. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito sa amin.
Nang tahakin ko ang daan sa basement, hindi ko naman ito kabisado kaya nagkandaligaw ligaw ako hanggat sa dulong parte nito ay may nakita akong pintuan. May ilaw na nagbibigay liwanag sa hagdanan. Dahan dahan akong naglakad doon at pinihit ang doorknob. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin, malamig na hangin ang bumalot sa katawan ko.
Nang isang mahabang mahabang hallway ang bumungad sa akin. Doon ko lang narealize ng makita ko ang limang pintuan. Maging ang private room at ang storage room. Agad ko namang tinungo ang pinto kung saan papunta sa bahay namin pero naka-lock iyon.
Ilang katok ang ginawa ko pero walang sumasagot sa akin. Sinubukan kong buksan ang ilang pinto pero hindi rin bukas ang mga iyon. Nang sinubukan ko namang buksan ang pinto sa dulo ng hallway ay nagulat na lamang ako ng buksan ko iyon.
Kakaibang lamig ang bumungad sa akin. Nakakanginig. Isang metal na upuan ang nasa center at nagtaka na lang din ako ng may tao pala doon. Dali dali ko naman siyang dinaluhan at nagulat ako ng makita ko siya.
"I-Ikaw yon!"
Napamulat naman ito sa kanyang pagkakatulog, "s-sino ka?" nataranta naman ito.
"Ikaw 'yong gustong pumatay sa kambal!"
"Kilala mo sila?"
Tumango naman ako sa kanya, "oo."
"Pakawalan mo ako dito." Aniya.
Natawa naman ako sa sinabi niya, "bakit ko naman gagawin 'yon? Killer ka, hindi ko hahayaan na makawala ka diyan."
"Hindi ko na naman gagawin 'yon ulit eh." Aniya.
"Hindi mo pa rin ako makukumbinsi."
Napabuntong hininga naman ito, "kung alam mo lang na may alam ako sa nangyayari, hahayaan mo lang ba ako dito?"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "anong alam mo?"
"Bakit ko naman sasabihin? Pakawalan mo muna ako bago ko gawin 'yon."
Nagdadalawang isip pa akong gawin iyon dahil baka niloloko niya lang ako pero sa huli ay pinakawalan ko siya dahil baka siya ang maging sagot sa mga tanong namin. Malay natin, may alam talaga siya sa mga nangyayari.
"Tara na bumalik na tayo sa loob." Aniko.
"Tayo?" aniya, napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Anong tayo ang pinagsasabi mo?"
"Please, kung may binabal—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hatakin niya ako. Mabilis ang kanyang mga kilos at kanyang tinali ang kamay ko sa metal chair. Wala agad akong kawala dahil sa ginawa niya. "Pagkatapos kitang tulungan, babaliktarin mo lang pala ako!"
"Sino ba kasing nagsabing maniwala ka sa akin?" ngisi pa nito. "I'm Erense, and no one can be trusts here." Ngisi niya.
May pinatong siya sa ulo ko mayamaya lamang ay naramdaman ko ang pag-init nito sa ulo ko. Unti unti nang nasusunog ang buhok ko! Hindi ako makawala, dumidikit na ang anit ko. Sigaw na lamang ang nagagawa ko sa sobrang sakit.
"'Wag mo kong iwan dito please..." pagmamakaawa ko sa kanya.
Nginisihan lamang ako nito, "see you when I see you, bitch."
Nang isarado niya ang pinto ay doon nagbago ang temperature ng metal room. Uminit ang paligid at doon nagsiklab ang buo kong katawan. Sabi ko nga, dito rin pala ako mamamatay... sana pala hindi na lang ako nagtiwala.
Sayang... at nahulog ako sa kasinungalingan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro