9: Iris
A/N: Hi! Sorry for this very late update. Please forgive the errors both grammatical and typographical. Medyo sabog at inaantok ako habang nagta-type. Haha, I know this is not a good excuse but I still want to post this update. Will try to fix the errors asap! Happy Reading!
IRIS
I carefully examined him as he tried to compose himself and introduce me to his brothers. Hinila niya ako papalapit sa dalawa na noo'y nakanganga pa rin sa may salas. Ilang beses ko yatang sinubukang hindi matawa sa itsura ni Gianni. He seemed so uncomfortable and shy, I suppose, dahil nasaksihan iyon ng mga kapatid niya. He seemed very uncomfortable.
I wanted to thank them actually, dahil na rin nagawa kong makita ang ganoong ekspresyon sa mukha si Gianni dahil sa kanila.
"Iris, si Gerald at Gas, mga kapatid ko," pakilala niya at itinuro ang dalawa na para bang walang almost rated-18 na nakita ang mga kapatid. Gustong-gusto ko na talaga noong bumuhakhak sa kanilang harapan.
Hindi naman na mga bata ang kapatid niya para mahiya pa siya. Matatangkad at may parehong hubog ng katawan ng kay Gianni, ngunit mukhang nasa kolehiyo pa naman ang mga ito base na rin sa itsura.
"Gerald, Gas, si Iris," dugtong ni Gian.
"Iris?" tanong ng binatang naka-abong T-shirt.
Tinaasan ni Gianni ng kilay ang dalawa kaya't dinugtungan din naman iyon ng isa pa niyang kapatid. Nakatayo lamang pa rin ako roon, yakap-yakap ang sarili.
"Iris lang? Walang kadugtong like nililigawan? Girlfriend? Asawa? Sure na? Final na?" tanong ng nakaputi at umakbay sa kaniyang katabi.
I silently laughed. Sa pagpipigil ko ng tawa ay hindi ko naiwasang makagawa ng tunog kaya't naibaling muli ng dalawa ang atensyon sa akin.
Ngumiti ako sa kanilang pareho at kumaway. Ganoon din ang ginawa nila at unti-unti iyong pinalitan ng mga mapanuksong tingin, hindi para sa akin kung hindi para sa kanilang nakakatandang kapatid.
I was grining from ear to ear while watching the siblings have their staring battle. Noon ko lamang napagtanto kung gaano ka-photocopy ang mukha ng dalawang kapatid ni Gian.
"Kambal kayo?" I curiously asked. Well, it's not everyday na may makakasalamuha akong kambal. Noong bata ako lagi kong naiisip paano kaya ang pakiramdam ng may kambal, wala lang, curious lang talaga ako.
Tumango ang isa habang ang isa nama'y nagtaas-baba ng kilay bilang sagot. Nagsi-diretso na sila sa kusina pagkatapos upang maghanap ng makakain.
"Bahay n'yo 'to?" sarkastikong tanong ng aking katabi sa mga kapatid na mukhang hindi pa naghahapunan.
Hindi siya pinansin ng kambal at nagsikuhaan lang ng pinggan at pinuwesto ang mga sarili sa hapag.
"Te, girlfriend ka niya? Itutuloy ninyo mamaya iyong halikan ninyo?" tanong ni... teka nalilito ako, ni hindi ko magawang ibukod kung sino si Gerald at Gas sa dalawa. Pareho pang naka-bun ang mga buhok nila at tanging ang suot lamang na T-shirt ang pinagkaiba. Nananadya talaga siguro.
Sasakyan ko na sana ang tukso ng kambal ngunit naunang nakuha ni Gian ang atensyon ng dalawa. Wala na siya sa aking tabi at doo'y nanghalukat sa kaniyang cupboard.
"Magde-lata na lang kayo, walang ulam at tinatamad na akong magluto. Oh!" Binato ni Gian ang tig-isang lata ng pork and beans sa dalawang kapatid. Umaktong parang nasa baseball throw ang mga ito at mahinang binato at sinalo ang mga de-lata.
Pumwesto na lamang ako sa sala at binuksan ang TV sa harap. As much as I was enjoying the presence of his quirky twin brothers, I can't help but get disappointed. Galing pumasok sa timing noong dalawa eh. Sayang iyong moment namin ni Gian.
"Kuya, allowance namin ha!" rinig kong sigaw ng isa niyang kapatid.
"Alam ko, kaya lang naman kayo pumunta rito," sagot naman ni Gianni. Sinundan na iyon ng mga maingay na tunog mula sa mga pagkahig ng kanin mula sa rice cooker.
"Sabi sa 'yo eh mas effective kung susulong tayo rito," baling ng mas nakakatanda sa kambal. Pansin ko kasing nagku-kuya at ate iyong isa sa kanila samantalang iyong isa hindi.
Sandaling natahimik ang paligid kaya't itinuon ko na lang din ang atensyon sa pambatang palabas. Ewan ko dahil Disney Channel kaagad ang unang bumungad noong buksan ko ang TV.
Teka nga, mahilig sa Disney at cartoon si Gianni?
Mula sa aking likuran ay pinagmasdan ko siyang nakasandal sa isang sulok at minamataan slash tinatapunan ng masasamang tingin ang mga kapatid. Hindi ko na napigilan ang pagtawa noong makita ang mukha niya. Hindi lamang ako gumawa ng tunog upang hindi nila mapansin.
"Broy, iyong tatay mo dinalaw kami sa dorm," biglang kwento ni Gas noong matapos siyang kumain. Mas lalong nangunot ang noo ni Gian dahil sa sinabi ng kapatid.
"What about him?" tanong niya sa kapatid. Umalis na siya sa noo'y kinatatayuan sa isang sulok at kinolekta ang mga pinagkainan sa mesa.
"Nagbigay ng pang-allowance. Aba'y hindi naming tinanggap, hindi naman kami ang anak noon," dire-diretsong kwento ni Gas.
Pati ako ay napakunot na rin ang noo sa narinig. Tumalikod na akong muli sa kanila at hinarap ang TV. Itinali ko ang aking buhok, nagpapanggap na abala at hindi sila pinakikinggan.
"Kuya, gusto ka lang no-"
"Stop talking about him." Napakatalim ng noo'y pagputol ni Gianni sa sasabihin ni Gerald. Itinikom din naman kaagad ng kapatid ang bibig. Sayang dahil gusto ko pang may malaman tungkol sa kanila.
Bakit tatay mo tawag ni Gas sa pinag-uusapan? Speaking of, noon ko lang napagtanto kung gaano ka layo ang itsura ng dalawa kay Gian. Si Gianni masyadong Italiano ang features samantalang iyong dalawa naman ay maputi at mga chinito, baka nagmana sa kanilang ina. Pero hindi sila iisa ng tatay?
"Broy, medyo hawig niya iyong ex mo," pag-iba nila ng usapan. Naroon lamang pa rin sila sa may kusina at abala sa paglilinis. Naiinip na tuloy ako, gusto ko ng paalisin iyong dalawa para masulo ulit si Gianni.
"Malayo. At sobrang layo ng personalities nila. Siguro dahil sa kulay ng balat at pigura," mabilis na sagot ni Gian. Nakahalukipkip ako roong mag-isa, kaharap ang telebesyong hindi ko na nasundan kung ano ang palabas at pasekretong nakikinig.
Ngunit teka, si Gianni nagka-girlfriend na? Akalain mo nga na man, from someone na mukhang wala pang experience sa paghalik – oppps. Pero sa totoo lang hindi naman talaga ganoon ka nakakagulat, may itsura naman siya, maayos din sa buhay, wala nga lang talagang experience – oppps ulit.
Tumikhim ako upang maagaw ang atensyon ng magkakapatid. Nakalimutan yata nilang nandoon ako't nakikignig? More like nakalimutan yata nila ang presensya ko roon. Hello? Bisita pa rin naman ako, wala man lang kumausap sa akin, puro sila lang.
"Ay, 'wag kang magselos sa ex nitong kapatid namin, Ris. Past na iyon. Big boy na itong kapatid namin," sabat ni Gas (siguro) at humakbang papalapit sa akin. Nakinood na rin siya sa TV, kumuha ng silya mula sa dining at pumwesto sa likod ng sofang kinaroroonan ko. Kung maka-"Ris" nga lang iyong kapatid ni Gianni akala mo ilang taon na kaming magkaibigan.
"Uy, paborito mo rin Disney? Pareho kayo ni Kuya," dakdak ni Gas at ipinatong ang parehong braso at baba sa sandigan ng sofa.
Confirmed. Disney boy si Gianni.
Mayamaya ay mas lumapit ang ulo ni Gas sa kinasasandalan ko. Ikinagulat ko pa noong maramdaman ko ang pagbulong niya sa aking tainga.
"Itutuloy ninyo mamaya?" Iginawi ko ang paningin sa kaniya at nahagip ang kyuryos at mapanukso niyang mukha. Aba'y napakasupportive na kapatid. I'm really liking his brother.
I gave him a wink at pareho na kaming bumuhakhak, hininaan nga lang naming dahil baka marinig ng dalawang naghuhugas at naglilinis sa may kusina. Leche, I stan a supportive and open-minded brother. Sayang dahil only child ako.
After that laugh my phone beeped. Kinuha ko iyon mula sa pagkakalapag sa sofa at binasa ang isang nakakalulong text.
I heaved a deep sigh after reading the text. Ilang beses kong sinubukang pakalmahin ang sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at kagat-kagat ang labi habang sinusubukang kontrolin ang emosyong iyon.
Just like that, my evening was ruined. Gusto kong itawa na lang din iyon o kaya'y gawing distraction si Gianni ang mga kapatid niya ngunit hindi ko magawa. I was so pissed, and my mood was so down. Akalain mo iyon, ganoon ka bilis nagbago ang mood ko nang dahil lang sa isang text galing sa aking ama. Mas mabilis pa sa internet sa Pilipinas.
"Pasabi sa kuya mo umalis na ako," bilin ko sa kapatid ni Gian at pinilit na ngumiti, paniguradong hilaw ang kinalabasan noon.
Narinig ko pa ang pagpigil ni Gas sa akin noong makalabas ako ngunit kaagad din naman akong nakamatyag ng bakanteng taxi na palabas ng kanilang kanto kaya't agad ko iyong pinara.
"Sa Marmalade Bar," utos ko sa driver. The hell I care kung wala ako sa party dress or outfit ko. I just want to get drunk and forget that night.
What a waste of kiss, what a waste of smiles, what a waste of laughters dahil susubukan ko lang din naman pa lang kalimutan ang gabing iyon.
Walang kung ano-ano'y dumiretso ako sa bar counter at hinarap ang bartender na si Loui.
"Let me guess, your dad?" tanong niya.
I gave him a bitter smile and saw how he noded and mixed some drinks for me. "Ano pa nga ba," I told him.
"You want me to call your friends later?" tanong niya. Maliban talaga sa mga kababata ko, isa sa mga genuine friends ko ay itong si Loui. Pinsan din kasi niya iyong main owner talaga ng bar. Plus, he often saves my ass by calling my friends sa tuwing wala na ako sa wisyo.
Why not take me home himself? Of course, aside sa busy siya sa trabaho sa bar ilang beses na nila akong pinag-awayang mag-asawa. Iyong mga tapon-plato-at-baso na level ng pag-aaway. Yep, the guy's married. Sayang nga eh, trip ko pa naman siya dati.
I shook my head in response to his question. Ayaw kong disturbuhin ang mga kaibigan ko, although madalas iyon ang nangyayari.
"Give me your phone," utos niya. Kaagad na nagtaas ang pareho kong kilay. Nonetheless, I gave it to him. Unang beses niyang ginawa iyon and maybe it's a good idea dahil kahit paano hindi ko matatawagang lasing ang mga kaibigan ko.
He smiled and then handed me my first glass for the night, a Daiquiri, as expected of him. Tinanggap ko iyon and closed an eye as I tasted the sourness of the citrus juice mixed with a rum and some sweetener. It actually tasted so well kahit na medyo maasim.
That was how I started the night. Walang masyadong customer noon unlike during weekends. Still, I danced, socialized and drank as much as I wanted. Mood ruiner talaga kahit kalian ang ama ko. I just wanted those negative vibes out of my system. That's how I deal with it.
I got a little tired from standing and talking with someone earlier that night kaya't naupo muna ako sa isang bakanteng table. Few minutes later ay may naupo sa aking tabi.
"Hi," panimula niyang bati. I looked at him and greeted him too. "You alone tonight?" he asked.
Pasimple ko lang din siyang binigyang tango. "Yeah, sometimes you need to learn to party alone too," I joked. Paubos na ang dala kong cocktail noon sa mesa kaya't tatayo na sana ako noong hilahin niya ang kamay ko papalapit sa kaniya.
"Teach me then." Dahil na rin siguro sa mga alak na nainom ay hindi ko gaanong nakuha ang kaniyang sinabi. I raised a brow which made him chuckle. I tried to pulled myself away ngunit hinigpitan lang niya ang hawak sa aking kamay.
"Not so fast, baby," he whispered and started kissing my neck.
I rolled my eyes. He must be new to the bar dahil noon ko lang din nakita ang pagmumukha niya. At hindi niya alam ang rules ko.
Muli ay sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin but to my surprise he only tightened his grip at mas pinagdikit pa ang aming mga katawan.
"Hey, nasasaktan na 'ko," I tried to tell him. I don't want to make a scene either kaya sinubukan ko munang idaan sa mabuting usapan. Ngunit sa totoo lang ay nagsisimula na akong mawalan ng pasensya sa kaniya. Aba'y nakakabadtrip na ha.
However, he continued with what he was doing. Mukhang libog na libog ito sa ginagawa at kung saan saan na umabot ang kaniyang mga kamay. "Hey!" I tried resiting.
Then I snapped when his hand went under my jeans.
With all the force that was left in me, I tried to slap him and kick him where it hurts the most. "Fuck!" I heard him groaned in so much pain.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng 'ayaw ko'?" bulyaw ko sa kaniya and much to my disappointment, ilang ulo ang napalingon sa aming direksyon. He was still groaning in pain but was also shooting me death glares. Serves him right.
"Bitch." I expected a slap from him kaya't ipinikit ko na lamang ang pareho kong mata upang hindi masyadong malakas ang impact. Ngunit hindi iyon dumating at ibang tunog ang aking narinig. Noong ibuka ang aking mata ay nasa sahig na ang malibog na lalaki at hila-hila na ako ni Gianni palayo sa eksena.
Talk about being a knight in shining armor. Typical of Gianni's kind. I didn't need that though. Malakas ang loob ko dahil nakainom ako noon at naniniwala akong kaya kong turuan ng lekyon ang lalaking iyon, siguro.
Tumigil kami sa may hallway papuntang CR at doon hinarap ko ang namumulang mukha ni Gian. Marahan kong isinandal ang sarili sa malapit na dingding dahil bahagya akong nahilo sa paghila niya sa akin. Napataas na lang ang kilay ko noong makita ang nakakunot niyang noo at halos umuusok na ilong.
The eff is wrong with his face?
"Can you please stop getting yourself in trouble? Why can't you be as behave as your friends are?" pasigaw niyang tanong. Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil rinig na rinig ko ang mga mapanakit niyang salita. Sure, I'm no longer sober but I'm also not that drunk to not get a hold of what he had said. I continued to raise a brow. Akala ba niya ayos lang magsalita ng mapanakit sa isang lasing?
Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa may fire exit ng bar. Mukhang kailangan ko ng hangin dahil baka siya naman ang sunod kong masapak.
"Kaya ka naha-harass! You follow men around, you go to these kind of places, tas ngayon magrereklamo ka?" patuloy niyang pangangaral sa akin. I didn't care how angry he sounded then dahil mas galit ako sa mga salitang binibitiwan niya.
Sakto lang noong marating namin ang labasan ay hinarap ko siya. I gave the most emotionless face I could give. Napakataliwas sa mukhang lagi kong ibinibalandra sa kaniyang harapan.
"Just because I'm that 'kind' of girl does not mean wala na akong karapatang magreklamo kung pakiramdam ko namolestya ako o kung ayaw ko. Are you even hearing yourself? I thought you're better than this." I watched him as he tried to find the right words to rebut ngunit hindi niya nagawang depensahan ang sarili. I know, because he's guilty. I was so disappointed with him.
"Sure, I'm that kind who would chase around men and ask them to sleep with me. But I don't force them, Gian. I ask for consent. Everyone. Should," I continued.
"You think I sound hypocrite because I didn't ask when I first kissed you? Fine, I'm sorry. Just tell me then kung hindi ka na komportable. But can you not victim blame me? Can you stop judging me without knowing me first?" Patuloy ako sa pagra-rant sa kaniyang harapan.
I didn't know how I managed to construct those words. Mabuti nga at naiintindihan pa, basta't I was so frustrated with him, that horny guy and my dad. Hinahayaan ko na lang ang bibig ko na maglabas ng frustrations gamit ang mga salita. Wala na akong pakialam kung may sense o wala iyong mga pinagsasabi ko.
He let out of a sigh and guided me to a free space outside. Marahan niyang hinawakan ang pulsuan ko at ginabayan ako sa paglalakad. "I'm sorry," tangi niyang naisagot sa mga sinabi ko.
"Matalino ka sana but you're so insensitive. What a waste of brain," matalim kong sabi sa kaniya at yumaka sa semento kaharap ang tahimik na parking lot bilang view. Ni hindi ko na naisip noong mga panahong iyon paanong one moment I was cooking for him, then I was kissing him, the next thing I met his brothers, tapos napadpad ako sa bar at napagtripan ng malibog na tao.
And then there we were seated at the cold sement. What a night.
Ilang minuto kaming natahimik roon kaya nama'y ikinabigla ko noong muli siyang magsalita.
"Tell me then," he murmured. Napatingin ako sa kaniyang gawi at diretso ang kaniyang tingin sa kawalan habang nakapatong ang mga braso sa parehong tuhod.
"Huh?" tanong ko upang klarohin niya ang sinabi.
"Tell me things about yourself," pagpapatuloy niya.
I stared at him.
I remember telling him so much about myself since the first day we met, though he wasn't really listening and paying attention.
Ngunit noong sabihin niya iyon, noong sabihin niyang magkwento ako tungkol sa sarili ko, I knew he was genuinely interested and asking.
And not just the simple things like where I live, what I do, where I spent my high school days and such.
He meant the deeper things.
The deeper and drowning things.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro