8: Gianni
GIANNI
Pinangatawanan ko na talaga iyong naisip kong iwanan na lang siya doon. Hindi ko alam, kung ano-anong nagagawa at naiisip ko sa tuwing nasa paligid si Iris. Para siyang may dalang nakakabaliw na virus lagi, nakakahawa.
Ayon, naroon ako't nagda-drive na wala namang partikular na pupuntahan. Paikot-ikot lamang ako sa paligid na parang tanga, iniwan siyang mag-isa sa apartment. Wala naman siya mananakaw roon at mas mayaman pa siya sa akin.
Ilang ulit ko pang ginawa ang pag-ikot hangang sa mapagtanto kong sayang pala ang gas. Pabalik na ako sa kanto namin noong mapagpasyahan kong tumigil muna sa isang convenience store. Iyong parehong convenience na limang beses ko nang nilalagpasan.
Kumuha ako ng instant noodles sa isang rack. Nagutom ako sa mga naisip.
Matapos kong magbayad at nilagyan ng mainit na tubig ang cup ay pumwesto ako sa isang bakanteng mesa.
Why did I respond? Why did I do that? I really must have lost my mind. Paulit-ulit kong tanong sa sarili. Nahawaan na talaga niya ako ng kabaliwan. Hindi ko rin alam kung saan ko nahanap ang lakas ng loob na gawin iyon, ni hindi ko nga alam paano humalik. Putek. Hindi ko alam kung nakakadiri ba ang laway ko or ano, malay ko ba kasi.
Okay na rin, at least may experience na.
Pero ano iyon, practice zone ko lang ang babaeng iyon? Para kang tanga Gianni. Hindi ka dapat ganito.
"Pootah, nagmo-monologue akong mag-isa," saway ko sa sarili at mas pinili na lamang na sunggaban ang instant noodles sa aking harapan.
Wala ng Iris ang aking nadatnan noong makabalik ako sa apartment. Mabuti na rin dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin noon, lalo't bumalik na sa katinuan ang pag-iisip ko. Kapag naalala ko ang mga ginawa, mas gugustuhin ko na lang na magpanggap na hindi iyon nangyari.
Baka'y nasapian na talaga ako ng kabaliwan ng babaeng iyon.
Lunes muli, at kagaya ng inaasahan ay nagpakita na naman ang mukhang iyon sa akin. Umay na umay na talaga ako sa kaniya.
Iba ang araw na iyon sa mga nakaraan. Nakasimpleng office attire si Iris at dala-dala niya ang kaniyang laptop at notebook sa opisina. Hindi ko alam kung anong trip niya sa araw na iyon ngunit mas pormal at seryoso siya kompara sa mga nagdaang araw.
"Ano na namang trip mo?" tanong ko sa katabi habang nagbubukas ng mga file sa PC. Nilingon ko siya at nakitang abala siya sa kaniyang tinitipa sa sariling laptop.
Umiling na lamang ako at ibinalik ang tingin sa harap ng kompyuter. Pati personal space ko sa opisina nakikihati siya.
Makalipas ang ilang oras ay nasagot din niya sa wakas ang tanong na halos ay makalimutan ko na. Mga isang oras din siguro bago niya nasagot iyon. Hindi ko pa agad naintindihan noong muli siyang magsalita.
"May online meeting kasi ako ngayon," tipid niyang sagot at abala pa rin sa pagtitipa. "Tapos may interested na publisher at nanghihingi ng manuscript, kaya't minamadali ko ang pag-eedit nito," dagdag niya.
Napalingon akong muli sa kaniyang gawi at nagtataka siyang tinignan. Kung sa ganoon ay bakit pa siya pumunta sa opisina kung may importante naman pala siyang gagawin? Tapos crowded pa, ano ba talagang trip niya sa buhay?
Magtatanong pa sana akong muli ngunit ikinabit na niya ang kaniyang headset at mukhang magsisimula na ang kanilang video call kaya't itinikum ko na lang muna ang aking bibig.
Mag-aalas dose noong isinara niya sa wakas ang kaniyang laptop. Nag-inat siya ng kaniyang mga kamay at lumingon sa aking gawi.
"Yieee, hinihintay niya akong matapos," bigla niyang tukso at kinurot ang aking pisngi.
"Asa," sagot ko at inialis ang tingin sa kaniya. Doon, hinarap ko ang monitor na ilang minuto na ring naka-sleep mode. Dahil wala na akong magawa ay tumayo na lamang ako na siyang sinundan din naman ni Iris.
Iyon din ang ginawa ng iba kong ka-opisina at nagkanya-kanyang alis sa kanilang mga pwesto.
"Iris, sabi ko na sa 'yo, 'di ba? Si Ara ang gusto ko," aniko at hininaan ang aking boses noong mabanggit ang pangalan ni Ara. Nasa field work si Ara sa araw na iyon kaya't hindi namin siya makakasabay sa pagkain.
Nakabuntot lang pa rin si Iris sa akin habang patungo sa elevator. Noong pagbigyang pansin ko siya ay panay ang kaniyang pagngisi.
"I don't think so. Kung talagang gusto mo ang kaibigan ko, you wouldn't kiss-" Kaagad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka may ibang makaring. Pahamak na babae, ang dami pa namang tao sa paligid.
Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig. May mangilan-ngilang atensyon din kaming nahatak dahil doon lalo't pababa halos lahat ng tao.
"Bakit? Hindi ba totoo?" mapaghamon niyang tanong.
"Hindi," mabilis kong sagot at iniwan siya roon. Mas pinili ko na lang ang maghagdan dahil alam kong hindi niya ako susundan doon. Si Iris pa na na nakatakong at maarte. Hindi no'n kakayanin ang hagdan.
Isa pa, sa labas ako kakain, at sinigurado kong hindi niya ako matutunton.
Matapos ang lunch break ay wala ng Iris akong nadatnan sa opisina.
Peace at last. Kahit paano ay naging maluwag din ang hapong iyon.
Ngunit panandalian lamang pala.
Dahil kinagabihan ay napadpad na naman ang babaeng papansin sa aking apartment.
Iyong totoo, wala na ba siyang ibang magawa sa buhay? Kaunti na lang talaga at lilipat na ako ng tinitirhan o kaya'y magfa-file na ako ng TRO sa babaeng iyon kasusunod sa akin.
"Ano na naman?" mapagmaktol kong tanong noong pagbuksan siya ng pinto. A wink was all I got from her.
Kagaya noong nakaraan ay kusa niyang ini-welcome ang sarili sa aking tinitirhan kahit hindi ko naman siya pinapapasok. May dala siyang Corning Ware kasama niya.
I silently followed her with my eyes as she placed whatever was that that she brought with her on the table.
"It's just six in the evening, so I'm sure hindi ka pa nagdi-dinner." Magluluto pa lang sana ako ngunit dumating siya, kaya hindi siya nagkamali sa sinabi.
"Tapos?" Mas nilamigan ko pa ang aking boses upang iparamdam lang talaga sa kaniyang hindi siya welcome. Wala na akong pakialam noon kung masabihan man akong maarte o parang nagme-menopause na gurang.
"Ara told me you love chicken, so I've made Chicken Alfredo for you!" she excitingly exclaimed. Dumiretso na siya sa kung nasaan ang mga plato at kumuha ng para sa aming dalawa. Feel at home talaga.
Nakatayo lamang pa rin ako sa likod ng pinto at pinagmamasdan ang feel at home na babae sa may dining area. Noon ko lamang napansin na isa na naman iyon sa mga himalang araw na naka jeans at plain shirt lang ang babae.
Mas bagay talaga sa kaniya.
"You know how to cook?" tanong ko sa kaniya habang papalapit na rin sa mesa. Abala siya sa pagsi-set ng table at saka binuksan ang takip ng dala.
"Of course. I'd die early of instant noodles kung hindi ako marunong. But I can't promise I'm good at it though," she honestly told me. Naupo na siya sa katapat na silya at sinunggaban ang dala.
Mukha namang niluto lang niya iyon para sa sarili. May pa for you-for you pa siyang nalalaman.
"What is it that you want, really?" Naupo na rin ako at naglapag ng Alfredo sa kaharap na pinggan.
Nahuli ko pa siyang papikit-pikit habang ngumunguya. Aakalain mong nasa isang food commercial ang kaharap.
"You. Hindi pa ba obvious iyon? I thought I made that clear since day one," sagot niya sa wakas noong wala nang natira sa kaniyang bibig.
Ganoon na ba siya ka bored sa buhay niya? Naghahanap lang ng mapaglilibangan? I don't get that mindset. Maybe because its too different from mine. I'm too realist to start with, habang siya parang wala lang.
Napailing na lamang ako. Ilang beses kong sinubukang intindihin ang babae ngunit hindi ko magawa. It was no use pushing her away too. It was more bearable to just accept her existence. Kaso minsan nakaka-overwhelm pa rin talaga ang pagkatao niya. Too much for me.
Matapos mag-monologue sa sarili ay sumubo na lamang ako ng pasta. Ilang sandali akong napatigil. Sinalubong ko ang mga mata ni Iris at abang na abang ang mga iyon sa magiging reaksyon ko.
Poker face lang, kaya mo iyan. Sa pagpipigil kong mapapikit at mapangiti ay hindi ko na alam ang kinalabasan ng itsura ko.
I've always been proud and boastful of my cooking skills, but I guess I'll have to step down ang give that to her. Simpleng dish lang iyong gawa niya ngunit gusto kong balik-balikan. Bakit ganoon? Unang subo pa lang at ganoon na ang dating. May gayuma ba iyon?
"What's with the face? Ganoon ba ka sarap?" she asked giving a different tone to the last word. "Hmm? Masarap ba?" tanong niyang muli at naroon pa rin ang mapanuksong tono sa pagbanggit ng "sarap".
I heaved a sigh. Really, what a lady. Pupurihin ko na sana sa luto niya kaso umandar pagkamay saltik. Nevermind then.
I glared at her to which she only responded with a laugh. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at ganoon din ang ginawa niya.
"Why don't you like me though?" she asked out of nowhere. Katatapos lamang naming kumain at ako na ang nagpresentang maglinis at maghugas, baka sabihin pa niyang walang puso akong nilalang.
"Because I hate your kind," tugon ko habang abala sa pagsasabon ng mga pinagkainan.
Kahit hindi ko kita ay ramdam ko ang pagmewang niya sa aking tabi habang nakasandal sa counter. "You're quite judgemental there. And excuse me, I do not dress for guys, I dress for myself."
She sounded like she was ready for a World War III.
Pinagsasabi ng babaeng iyon? Pinaglalaban niya? Sure, I noticed how she dressed and may have made opinions on my head based on my liking, but I never judged her for that. Never have I judged someone just because of the way they dress.
"You're judgemental yourself, I don't mean that. I mean the way you get away with things and your ways. You have such a life, Iris. Sure, I'm judgemental pero hindi iyang naiisip mo," paglilinaw ko habang nakapako pa rin ang tingin sa sink.
"Oh. Ganoon ba? Hihi," rinig kong sambit niya. Natahimik na siya pagkatapos noon at tanging ang tubig na lang mula sa gripo ang gumagawa ng ingay para sa aming dalawa.
Mula sa aking likod ay naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa aking bewang. Ipinatong niya ang kaniyang noo sa aking likod habang inilalagay ko sa drainer ang mga nahugasan.
"Let go," I commanded. She shook her head in response and tighten her hug. "Isa," panakot ko ngunit hindi umepekto.
"Iris," mapwersa kong pagtawag ng kaniyang pangalan at umikot upang makaharap siya.
Ngunit maling desisyon, napakamaling desisyon ang gawin iyon.
Unti-unti inilapit niya ang kaniyang mukha hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga.
Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa kaniyang nakakalunod na mga mata.
Hindi kami uminom ng alak ngunit bakit nakakalasing ang sitwasying iyon? Bakit nakakalasing ang mga matang iyon?
Every kiss we shared, there was an influence of alcohol. Kaya't magiging iba ang gabing iyon. That's because we're both at our most sober state. Lintek nababaliw na naman ako.
Ipinikit ni Iris ang kaniyang mga mata at iyon na rin ang ginawa ko hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Nakayakap lang pa rin siya sa akin habang lumalalim ang halik na iyon.
"Kuys! Nandito kami ni Kuya Gerald!" Isang sigaw mula sa may pintuan ang nagtawag ng aming atensyon.
Awtomatikong nawala ang magnet sa pareho naming katawan ni Iris at mabilis na humiwalay sa isa't isa.
Pareho kaming naestatwa habang kaharap ang mga lumuluwang mata at nakabukang bunganga ng dalawang epal sa may pinto.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo, kay Iris at sa dalawa kong kapatid na walang kasing galing mangsurpresa.
Gusto ko nang maghukay at ilibing ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro