7: Iris
IRIS
I stared at the ceiling, fingers on the corner of my lips and replaying what happened that night. Totoong medyo nahimasmasan na ako dahil sa hinilamos kong kape but I was still tipsy when it happened. Kaya naman may mga eksenang hindi pa rin klaro sa akin.
Bumigay na ba ang Italiano? I was not expecting him to give in that fast. Napangisi na lamang ako sa naisip at bumangon sa pagkakahiga sa kama. I was about to get off of my bed when I remembered that vivid picture in my head.
I remembered getting excited while we were on our kiss. Patungo kami sa aking kwarto noon. I was clinging on to him habang siya naman ay karga-karga ako habang paakyat. Buti nga at naibalanse pa niya ang katawan at hindi kami nahulog sa hagdan.
Ni hindi namin napansing umabot ang simpleng halik na iyon sa ganoon.
"Shocks," I murmured while still remembering those tight grips from him. Napakagat na lang ako sa kuko ng hinlalaki dahil sa karupukan.
Bwisit nga lang dahil noong maihiga na niya ako sa kama ay saka naman siya tumigil. Sandali niyang inayos ang sarili at umalis din naman kaagad.
Yes, really. Just when I was finally settled and ready, lying on the bed, he left. Walang modo at respetong nilalang!
My daydreams were suddenly dismissed by a call ringtone. I looked for my phone which was somewhere I couldn't find it. Walanghiya, nasaan ba ang teleponong iyon.
Thankfully, nahananap ko rin naman iyon sa wakas sa ilalim ng unan. I smirked upon seeing who the caller was.
Lo and behold, Mr. Gianni Tejado calling early in the morning. Nagayuma ko na talaga siguro ang lalaking iyon. Oh well, magpapa-miss muna ako sa kaniya, pambayad na rin niya sa ginawa sa akin.
Just when I was about to reject the call, nag-hang ang telepono ko at laking gulat ko na lang nang lumabas ang timer mula sa screen ng cellphone.
"Ay!" saglit akong napasigaw at kaagad din namang tinakpan ang bibig. Puchaks ang tangang kamay! Sabing reject call ang pindutin eh.
Napaluhod ako sa ibabaw ng puting bedsheet at dahan-dahang inilapit ang telepono sa tainga.
I silently cleared a throat and started reciting a line. "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Grabeng pagpipigil ng tawa ang ginawa ko dahil sa kabaliwang naisip.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." Inulit ko iyon ng isa pang beses at tuluyan nang ini-end ang call.
From my kneeling position, I immediately bowed down and let out of a loud laughter. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga tawang noon ko pa pinipigilan.
"Biwist," komento ko para sa sarili na humahalakhak pa rin. Napahawak na ako sa aking tiyan dahil sa sobrang sakit at gumulong-gulong sa kama hanggang sa tuluyan akong mahulog doon.
"Aw!" tili ko noong tumama ang puwet sa sahig. Hinimas-himas ko ang parteng iyon na natatawa pa rin.
But why was Gianni calling me anyway? And early in the morning? Tuluyan na ba siyang tinamaan ng kamandag ko? Ang bilis naman talaga. I mean, I was expecting I could still enjoy the chase longer.
Anyway, dahil na rin sa pagtawag ni Gianni ay sinimulan ko ang araw na iyon nang nakabungisngis. Nakalimutan ko na halos ang kasalanan niya sa akin.
I purposely left my phone inside my room and went on with my day. The usual of course, if not going out then researching and reading stuffs. May routine rin naman ang isang kagaya ko kahit paano.
Pasado ala una noong makaramdam ako ng gutom. Noon ko lang naalalang hindi pa pala ako nanananghalian. Isinirado ko na ang librong binabasa at bumaba mula sa working space ko sa itaas.
Pumunta ako sa kusina at ako pa ang nagulat noong makitang fully stocked ang ref. Siguro ay pinapunta na naman ni Papa si Manang at ipinag-grocery ako nang hindi ko alam.
Kinuha ko ang chicken meat mula sa freezer ngunit kaagad din naman iyong ibinalik sa loob. Late na kasi noong ma-realize kong kailangan pa iyong i-defroze. In the end, pancit canton na lang ang kinain ko.
Matapos mapaghugasan ang kinainan ay isang doorbell ang sumalubong sa akin noong patungo na akong sala.
***
"What are you doing here?" kunwari ay galit kong tanong ngunit sa totoo lang ay galak na galak ako sa pagbisita niya. Nasa labas lang pa rin siya at hindi ko pinapapasok. Sumandal pa ako sa doorframe at nanghalukipkip.
Medyo na-conscious na rin ako sa suot ko noong makita ang kaswal ngunit malinis niyang ayos. Nakajeans at shirt lang siya na humubog sa kaniyang katawan ngunit ang preskong tignan.
Dahil sa insecure ay kinuha ko sa pagkaka-bun ang buhok at sinuklay iyon kamit ang kamay. Itinali ko na rin ang laylayan ng oversized shirt na suot hanggang sa may ibabaw ng bewang. Sakto lang upang ma-expose ang design ng maong na shorts.
I signaled him to get inside. Patungo pa lang kami sa sala noong mapatigil ako sa aking mga hakbang.
"Iris, I like your friend," dire-diretso niyang turan.
Napataas ang aking kilay sa bigla niyang anunsyo. Mula sa pagkakatalikod ay humarap ako sa kaniya at namewang.
"What?" tanong ko na halos magkasalubong na ang kilay. So tumawag at nagpakita lang siya para sabihin iyon?
"I said-"
"No, I mean, whom among my friends? Please don't tell me its Noah," I joked and transfered some of my weights to my right. I mean, there's definitely nothing wrong if he's gay but I would definitely die of jealousy. Kay Noah pa na nasa kaniya na ang lahat.
His shoulders shook after hearing my question. Hanggang sa ilang sandali ay naging audible na ang pinipigilan niyang tawa. I weirdly looked at him. Do I look funny?
"No. Si Ara," mabilis naman niyang sagot noong maka-recover. Hinimas-himas niya ang kaniyang batok gamit ang isang kamay habang ang ang isa naman ay nasa kaniyang bulsa. Nakatayo lang pa rin kaming pareho ilang pulgada ang layo mula sa pintuan.
I looked at him and nodded. "Okay," I told him in a relaxed tone.
"Okay as in okay lang talaga sa iyo?"
"Of course! Bakit naman hindi, 'di ba?" Nagkibit-balikat pa ako at napagtuonang pansin ang mga kuko ko. I stared at my nails and decided if I should get them done that day.
"Great! Thanks!" mabilis niyang sabi at humalik sa aking pisngi. At totoo ngang iyon lang talaga ang ipinunta niya dahil umalis din naman siya kaagad. Parang naghugas lang ng kamay tas nawala na.
What was that by the way? Nakaramdam ba siya ng guilt dahil doon sa more than kiss but less than make-out session namin? Kaya nilinis niya ang sarili? Whatever, he's weird.
So he likes my friend, eh? Sinabi niya lang yata iyon para maglinis ng konsensya pati para tigilan ko na siya.
Whatever, those doesn't work with me. I smirked and went back to what I was working upstairs.
***
"What the hell are you doing? I thought I already told you may gusto ako sa kaibigan mo?" Iyon ang mga salitang sumalubong sa akin noong makita niya akong nakatayo sa harap ng apartment niya at humalik sa kaniyang labi.
Sunday at saktong nasa apartment lang niya siya. At siyempre, nalaman ko saan siya nakatira dahil kay Ara.
Diretso ang pasok ko sa kaniyang apartment kahit labag sa loob niya. Iniikot ko ang aking mata sa loob at kapansin-pansin kung gaano siya ka minimalist na tao.
Hindi kalakihan ang lugar ngunit maespasyo dahil wala masyadong gamit. Isang mahabang sofa, maliit na dining table kagaya ng akin sa bahay, simpleng kusina. Sa isang tinginan ay kita mo na lahat ng mayroon siya maliban sa kwartong at banyong nakasara. Wala rin kasing mga pader o gamit na naghahati sa kainan at kusina niya. Pati ang kulay ay simple lang, black and white motif.
"Yeah, so?" tanong ko at ni-welcome ang sarili sa simple niyang salas. Sabi na nga ba, aasahan niyang titigilan ko na siya matapos niyang aminin iyon. Poor Gianni, poor him because he met me.
"Anong 'so'?" hindi nakapaniwala niyang tanong. Naupo ako sa harap ng TV at noong tignan ko siya ay umaayon ang magulo niyang buhok sa hindi niya makapaniwalang mukha.
Oh, did I mentioned he was not wearing any shirt? Leche nakakalaway iyong view.
Noong mapagtanto niya kung saan ako nakatitig ay mas lalong kumunot ang kaniyang noo at isinuot ang T-shirt na nakasabit sa isang silya sa dining.
Napangiwi na lang ako sa kaniyang ginawa. Madamot. I rolled my eyes as he went closer ngunit sa armrest lamang siya ng sofa naupo.
"You like her, fine. But she doesn't, so I've decided to keep on pursuing you." I gave him my infamous smile and crossed my legs. Sinadya ko pang mag-dress para dagdag pang-akit points.
"She doesn't like me?" Lumipat na siya sa aking harap. Nakahangad akong tinignan siya sa mukha dahil sa nakaupo ako't nakatayo siya. Idagdag mo pang six-footer yata halos ang lalaki.
"Yes," I partially lied. Hindi ko naman talaga natanong si Ara. I just feel like he's not her type. Ara may be the sweet, gentle and angelic one but she's into the bad boy and aggressive type. Sneaky, Ara. She'd like someone na kabaliktaran ng ugali niya.
"Just help me with her then. Kapalit na lang ng pagsagip ko sa iyo twice," he negotiated but I was quick to decline.
"Like I asked you to."
"You did, the first time you call?" he remarked. Reminding me of that night I can't even remember.
"Still, not gonna happen. Why would I help you be with my friend when I myself wanted to get you?" I told him and winked. As usual, a scowling face was all he gave me.
Umalis siya sandali at dala na niya ang isang can ng light beer pagkabalik mula sa ref. I followed him when he signaled na lumapit ako roon sa may dinning table. Tinanggap ko ang beer at naupo roon.
Naupo na rin siya sa harap ko at napailing. "Sakit ka nga talaga sa ulo. Why are you trying so hard? You don't love me, I mean not that I'm sad about that. Pero hindi mo naman ako mahal. And I'm not one of those you usually go out and spend the night with."
Dazzled by his reasonings. Hindi ko mapigilang mapatawa at the same time mapamagha sa aking isipan. He just attracts me more because of his weird personality.
"I'm not even your type," he continued on and crossed his arms in a very masculine way. I don't even know how he did that. Hell, hindi ko nga alam na pwede pa lang ganoon, na magkaroon ng thin line between how a man and woman cross their arms. What am I even talking about?
I copied what he just did and shook my head. "You're wrong with the last one though. You're definitely my type," I told him and winked. He definitely was, way more exciting than those easy to get guys at the clubs and bars.
Noong wala siyang naisagot ay tumayo ako at kaagad na sinunggaban siya ng halik. Surprisingly, again, he kissed me back.
I wandered my hands everywhere. Ngunit sa ilang beses kong pagsubok na alisin ang shirt niya ay hindi siya pumapayag.
I groaned as I took a small step back and removed myself from him. "KJ. Whatever, kay Ara ka na nga lang."
Too my surprise he suddenly let out of a chuckle. Sinusupurtahan niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtukod sa silyang dati niyang kinauupuan.
"Are you that disappointed?" he laughingly asked.
Yes, I was! May hang-over pa ako sa pangbibitin niya sa akin noong nakaraan. The nerve of that guy to leave me halfway again.
"I told you you're my type, but this is one of those I really hate the most. Iyong nangbibitin. Mind you kayang kong isumpa ang buong angkan mo!" pananakot ko. I even pointed a finger at him while I tried to arrange the strap of my messy dress.
I don't also get what was I fussing about. Basta't naba-badtrip talaga ako kapag nabibitin.
You know, it's like your mom finally got you the toy you've been asking for years tas biglang sinira lang ng kapatid mo. Or the feeling when a great movie left you with a cliff hanger ending tapos wala pang plano for a sequel. I hope people get what I mean, frustrating.
Mas lalo ko siyang pinandilatan dahil patuloy lang siya sa pagngisi. If not for what he did I would have been jumping in delight because he was smiling at me. Are half-Italians always like that? The heck, I don't even know the traits of Italians.
"Bummer," I whispered but enough for him to hear.
Ginulo niya ang aking buhok na para bang normal niya iyong ginagawa at saka muling tumawa. "Cute," rinig kong bulong niya.
Napakunot lamang ang noo ko dahil doon.
What he did next was not something I was expecting. He leaned closer and kissed me again.
The fudge, he was not just kissing, he was biting my lower lip!
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang mga kamay kong malayang pabalik-balik na lumakbay mula sa kaniyang ulo hanggang balikat.
I pulled him closer and he also did, as if we could actually get anymore closer.
"Gian," I called his name, more like moaned it. He took that chance to enter his tongue, which I delightfully welcomed.
The kiss deepen and I was running out of air. Ngunit pakialam ko, hindi ako bibitiw dahil baka maputol na naman iyon. And the hell I would let him too. I could also feel his hands travelling anywhere.
He pulled my head closer to him. Then again, as if my ikakalapit pa iyon. And holy grails, ramdam na ramdam ko ang panunusok niya sa may tiyan ko.
I was so lost with the sensation.
At hindi ko man lang na-realize na tumigil na pala siya sa ginagawa at hindi pa ako naka-recover agad.
I stared at him for seconds, blinking and trying to wake myself up from that dreamy kiss. I was looking at him but was not seeing him as well. Abala pa ako sa pagbalik sa sarili ko sa tamang wisyo.
Because the hell, that was so out of this world!
Noong sa wakas ay nakabalik na ako sa tamang pag-iisip, saka ko lang nakita ang nakangisi niyang mukha. Umalis na siya sa kaniyang pwesto at kinuha ang susi mula sa mesang pinagpapatungan ng TV.
"Bye," sabi niya at lumabas na ng kaniyang apartment.
Anong 'Bye'? Iiwan niya akong mag-isa sa bahay niya?
I stared confused at the closed doors and finally realized what he just did. Kaagad akong humakbang at sinubukan siyang habulin. Thankfully, papasok pa lang siya sa kotse niya noong makalabas ako. I saw him laughing as he went inside.
"Ugh! Bwisit kang Gianni ka!" I shouted at him and made sure he heard every single word and felt every frustration I have with me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro