Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5: Iris

IRIS

I welcomed another day with a bad headache. Ilang beses akong napakurap sa isang hindi pamilyar na kisame at naalalang hindi nga pala ako umuwi sa bahay.

I giggled upon remembering that hot night. Josh, the one I slept with, was actually pretty good. Hindi ko na nabilang kung ilang beses naming naangkin ang isa't isa. Pinitik ko na lang ang sarili dahil sa kalandian.

Nilingon ko ang natutulog na katabi at marahang bumangon upang hindi siya magising. Tinakpan ko pa ng kumot ang sarili na para bang may makakakita noon. Nag-ayos ako at isinuot ang parehong damit ng kagabi.

I walked out of his condo without even saying goodbye.

Eksakto namang nakalabas ako ng building ay may bakanteng taxi na padaan kaya't agad akong sumigaw upang maagaw ang atensyon ng nagmamaneho.

"Kuya, sa Phase 3, Hiraya Village," instruct ko sa driver at ikinabit ang seatbelt.

Alas nuwebe na ng umaga noong tignan ko ang oras sa cellphone. Speaking of cellphone, saka ko lang naalala ang pagtawag ni Gian sa gabing iyon. Napatakip ako ng bibig at chineck ang call history upang masigurong totoo nga iyon. Nanlaki pa ang mga mata ko't nabalot ng kagalakan ang katawan.

I smirked upon seeing his name.

Let's see, Mr. Gianni Tejado. Tignan natin kung hanggang saan mo kayang tiisin ang isang kagaya ko. I diverted my gaze at the busy city, looking through the window dreamily. Ano kayang magandang gawin ngayon sa Italianong iyon?

Noong makauwi ay kaagad akong pumasok sa kwarto para maligo at mag-ayos. I stared at my walk-in closet for minutes, carefully planning what to wear for the day.

I ended up wearing a casual straight-cut dress at inilugay na lang ang aking buhok. Then again, I wouldn't forget wearing a red lipstick. I just love how it compliments my pale complexion. Litaw na litaw ang kulay dahil doon.

I looked myself approvingly at the mirror. Kumindat pa ako sa sarili bago lumabas ng kwarto. I just don't understand why people like Gianni would always look disapprovingly at me.

Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng barrier niya. Mas lalo lang akong nagalak sa mga naiisip para sa araw na iyon.

***

"Hi, Kuya Guard!" masigla kong bati noong papasok na ako sa building ng JDP Freshlab. Nagbigay si Kuya Guard ng isang ngiti at masiglang saludo.

Tawang-tawa naman ako sa kaniya. Parang noong isang linggo lang ay kinaladkad niya ako sa buhok palabas ng building. Aba'y iyong tigreng guard naging pusa noong malamang pamangkin pala ako ng presidente ng kompanya.

Panay ang ngiti ko at bow sa lahat ng nakakasalubong. Karamihan sa kanila'y binigyan lang ako ng wirdong tingin dahil hindi naman ako kilala. Napangisi na lang ako at galak na galak na sumakay sa elevator dala ang isang bouquet ng bulaklak.

Dire-diretso akong tumungo sa kaniyang kinaroroonan nang makarating sa ika-anim na palapag. Naroon siya kagaya ng lagi sa kaniyang silya at nagtatrabaho na parang walang bukas.

"Hi, Ara!" bati ko noong malagpasan ang cubicle ng kaibigan. Itinaas ko ang bouquet na dala at napatawa ang singkit niyang mata dahil doon. Rinig ko pang nakitawa ang ilan sa kaniyang kasamahan at ini-acknowledge ang presensya ko.

I continued to walk with so much poise and even flipped my hair quite a few times. Kahit ako ay natatangahan sa sarili.

"Hi, handsome," I greeted Gianni and gently threw the bouquet on his table.

Napaatras siya dahil sa gulat at mayamaya'y inilayo ang sarili ilang metro sa akin.

"The hell, Iris. Alisin mo iyan!" mabilis at mapwersa niyang utos nang hindi pa rin lumalapit.

I frowned and asked him, "Why? It's my apology gift for last night." Parang akong batang nagtatampo sa aking tono. I even pouted to add with that.

Hindi nakaligtas sa akin ang paglingon at pakiki-echos ng mga kasamahan niyang nakarinig. They must be dying to know what happened. Idiniin ko lang naman kasi ang mga salitang last night noong banggitin ang mga iyon.

I can't help but mentally laugh, bahala silang mag-isip kung ano mang naiisip nila. Even Ara was throwing me a questioning look.

"Throw that, I'm allergic to those," utos niyang muli at tinakpan pa ang kaniyang ilong.

I looked at the bouquet of roses and baby's breath. Napasimangot ako at nanghihinayang na kinuha at itinapon ang mga iyon. Of course, I obligued. Ayaw ko namang ma-ospital pa siya dahil sa akin.

Pero sayang talaga, bet na bet ko pa naman ang mga bulaklak na iyon.

"Sorry, I didn't know," kutuwiran ko noong makabalik galing sa basurahan. Kumaha ako ng silya at doon tumabi sa kaniya.

Inilapag ko pa ang dalang bag sa kaniyang mesa. He was eyeing me when I looked at him.

Ngumiti ako at hindi nagpatinag sa kaniyang galit na mukha. Patuloy pa rin niya akong minamataan habang ang mga kamay ay nakapatong sa keyboard.

"Am I that pretty?" I jokingly told him and blinked a few times. I just love teasing him. His face was so priceless. Lumapit pa ako sa kaniya ang placed a palm below my chin.

Nakita ko siyang mariin na ipinikit ang mga mata at natigil na lang ako sa pinaggagawa noong hampasin niya ang kaniyang mesa.

Natahimik sa loob. Kahit iyong mga pagtitipa sa keyboard ay hindi mo na marinig. Everyone turned to our direction, wondering what happened.

"Will you get a life?" Napakatigas ng kaniyang boses at wala iyong halo ng pagbibiro. Napalunok ako ngunit hindi pinahalatang kinabahan.

Mas sanay ako sa snob ngunit gentle na Gianni. Kahit naman tahimik siya at madalas sarkastiko he seemed harmless to me.

I giggled to lighten the atmosphere and massaged his left shoulder. "Chill, stressed ka ba? Let me give you a-"

And that was the last of his patience. Marahas niyang inalis ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang braso kaya't kamuntik na akong mawala sa balanse. Narinig kong may nagbalak na umawat ngunit umatras din naman noong mapagtantong ayos lang naman ako.

"Stop pestering my life, will you?" hasik niya at sinipa pa ang upuan bago umalis. Hindi na nagawang sundan ng paningin ko kung saan man siya nagpunta.

What the hell is wrong with him?

I raised a brow, grimaced and later stood up. I met Ara's worried eyes and gave her a shrug.

Kinuha ko na ang pulang handbag at umalis na sa lugar na iyon.

Boring. Akala ko pa naman magiging exciting ang araw na iyon. Ang KJ ni kuya o baka'y red day lang niya.

Wala na akong nagawa kaya't umuwi na ako sa bahay. I just stayed there at na-bored na naman kaya't naisipan kong magtipa sa aking laptop.

I was in the middle of typing a short story when a notification from my Gmail popped up. Kaagad nabuhayan akong loob noong makita ang sender sa notif summary.

Mula sa pagkaka-Indian seat sa sofa ay napatayo ako at nanginginig na binuksan ang e-mail.

Galing iyon sa isang publisher. Iyong reply na hinihintay ko limang buwan na. Mas lalong pinatagal ang kalbaryo kong iyon dahil sa ilang segundong pagload na para bang nananadya.

Rejected.

It was freakin' rejected.

Tatlong beses nang na-reject ang istoryang iyon ng mga publishing companies. Bwisit.

Umasa pa naman akong tatanggapin iyon ng dati kong publisher, kung saan dalawang libro na ang nai-publish ko. If I know ni-reject lang nila iyon dahil sa issue sa akin noon.

I heaved a heavy sigh and threw myself on the sofa.

How would I clean my name then kung ayaw naman nila in the first place?

Before I could even cry out of frustration, I just decided to play with my phone. Pinadulas ko ang aking likod sa sofa at nahiga sa kinauupuan.

I randomly scrolled and opened some e-mails. Doon tumambad ang isang mensahe mula sa aking ama tatlong araw na ang makalipas.

It was a letter of readmission and reconsideration sa dati kong pinapasukan. He wanted me to sign on it. He was also telling me to quit my futile career, as he call it.

I furiously stared at the letter he wrote himself in my place. Damn that law dream of theirs. Bakit ba patuloy nila iyong pinagpipilitan sa akin?

Can't they just support me as their daughter?

"Ugh! Kainis!" I screamed and threw a pillow at the TV.

I was about to throw my phone too when a video call invitation popped up. Galing iyon sa group chat naming magkababata.

I composed myself and pressed the green button. I grabbed the pillow I just threw from the floor and went back to sulking.

"Hey," I lifelessly greeted them.

"What's with the face, Ris?" tanong ni Niki. Kita sa background na nasa university pa siya at nagliligpit sa faculty office.

Ara was still on their office too ngunit mukhang pauwi na rin kagaya ni Nikita. As usual kaming tatlo lang halos nag-uusap dahil laging busy si Noah. Pati hindi rin siya masyadong nakakasabay sa aming tatlo.

Ara changed the topic and opened what happened earlier that day. "Anong nangyari? It was my first time seeing Gianni like that," tanong niya at kinuha na ang kaniyang bag sa ibabaw ng mesa.

I shrugged as an answer dahil wala rin naman akong alam.

Pareho naming nakita na napailing si Niki at sumandal sa likod ng silya.

"Baka napuno na talaga sa iyo, Iris. Just stop na. Baka kasi iba talaga siya, gusto niya iyong seryoso. Hindi mo rin naman siya jojowain in the end kung sakali. You just want something temporary," Niki stated as a matter of fact.

"But..." Ara tried to contradict Nikita's statement ngunit napahinto siya at napaisip. "Anyways, we know Iris. Mas lalo lang siyang lalapit sa lalaking iyon. You know, someone like him attracts her." I smiled agreeing with Ara.

"Mas okay iyon 'di ba? Kapag wala nang thrill at excitement hindi ko siya masasaktan kung lulubayan ko na siya kasi ayaw naman niya sa akin," I reasoned.

Nagbigay si Ara ng hilaw na ngiti samantalang si Niki ay panay pa rin ang pag-iling. Where the heck did my supportive friends go?

"Ewan ko sa iyong gaga ka." Iniikot pa ng blonde ang kaniyang mata matapos sabihin iyon.

Tinawanan ko lang siya at nag-open ng ibang topic.

"By the way, it's Friday night. Want to go out?" pag-aaya ko sa dalawa.

Ara pouted at nakapasok na siya sa isang taxi sa wakas. "I can't, Ris. May family gathering kami kina lolo ngayon. Kuya, sa Tongyang po."

Tumango ako sa kaniya at ibinaling ang tingin kay Nikita. "Iyang 'go out' mo sa Marmalade bar lang naman iyan," sabi niya dahilan upang mapangisi at tawa kaming tatlo. "Pero 'di rin ako pwede."

"Why?" tanong ko dahil hindi ako makukuntento kung wala siyang rason. Aba'y baka ma-friendship over kami.

"Just... just something." Dahil doon ay parehong napataas ang kilay namin ni Ara. Mas lalo pa iyong tumaas noong nag-iwas ng tingin ang kaibigan.

I smelled something fishy with that friend of mine. Nonetheless, I chose to trust her and let her be.

"Fine," I told Niki.

"How about I tell Noah?" she offered to compensate but I refused and shook my head.

"He'll just scold me all night. No worries, ayain ko na lang si Gianni."

Nikita snorted and finally stood up to get out of the university building. "As if sasama," sabi niya habang nila-lock ang faculty office.

"I could try."

Sure I did. I tried inviting Gianni for the night matapos mag-end ang video call naming magkaibigan. Ngunit isang oras na ang makalipas ay wala pa rin siyang reply. He was also ignoring my calls as usual.

It was past eight when I decided to get out of my room and wore my heels. I already accepted the fact na ako lang muna ulit ang magsasaya sa gabing iyon.

A ring from my phone then caught my attention. Muntik ko pa iyong matapon dahil sa gulat.

My eyes widen upon seeing the caller ID.

"Hi!" I enthusiastically greeted him as usual. I placed the phone between my shoulders and ears as I switched some lights off my house.

"Saan ka?" he asked at parang nakaloud speaker iyon. Maybe he was driving.

"Sa bahay pa, pero paalis na. Why? You gonna join me?" I excitedly asked. He can't blame me. Having him to call me first again could mean a change of heart.

"Okay, stay there. Susunduin kita," bilin niya at pinatay ang tawag.

I stared at my phone for a minute, trying to comprehend everything.

Him? Fetching me?

Oh, Gianni Tejado, you sure are interesting.

It's going to be a great night then.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro