4: Gianni
GIANNI
Kaagad kong isinarado ang nakabukas kong bibig noong makabalik si Ara dala ang isang malaking tray. Tumayo ako upang tulungan siya at marahan iyong inilapag sa mesa. Salad at mga prutas ang laman noon.
Ikinadismaya ko noong maupo si Ara sa tapat ko imbes na sa bakanteng silya sa kaliwa ko. Ibinaling ko ang paningin sa babaeng katabi at kagat-kagat pa niya ang ibabang bahagi ng kaniyang labi, halatang nagpipigil ng tawa.
Sigurado na talaga akong may sayad ang babaeng iyon. Umiling na lamang ako at nagsimulang kumain.
"Sorry nga pala sa abala last week, Gian, ha. Pati thank you na rin," panimula ni Ara sa kalagitnaan ng panananghalian, "pahamak kasi kahit kalian itong kaibigan namin." Lumipat kay Iris ang kaniyang paningin matapos sabihin ang mga iyon, nagbibigay ng isang makahulugang tingin.
"Yeah, sorry and thank you." Si Iris naman ang nagsalita sa pagkakataong iyon.
Tumango ako sa kanilang pareho bilang sagot ngunit hindi sila nakuntento roon. Patuloy silang nakaharap sa direksyon ko, naghihintay ng kung ano man na hindi ko rin alam.
"You see, wala kasi akong maalala sa tuwing lasing ako. What exactly happened that night?" tanong ni Iris na para bang nag-aabang ng magandang kwento.
Sandali ko siyang tinitigan at ibinalik din naman ang mga mata sa baong pagkain. Umiling ako habang nakayuko pa rin at walang emosyon sa mukha. "Wala. Sinundo lang kita tapos hinatid pauwi," diretso kong sagot nang hindi inaangat ang ulo.
Ano nga ba ang nakain ko noong naisipan kong sabihin kay Ara ang pagtulong sa kaibigan niya? Alam kong mas lalo lang akong kukulitin ni Iris. Ngunit sinong niloloko ko? Gusto ko lang naman kasing mapansin ng babaeng nagugustuhan.
Mukhang maling desisyon talaga iyon.
"Talaga ba?" paniguradong tanong ni Ara. Napalunok ako noong magtama ang aming mga mata. Marahan akong tumango sa kaniya bilang sagot. Sana naman ay hindi na nila bigyang pansin ang gabing iyon at tuluyan na lang kalimutan.
Inalis ko ang tingin sa kaharap at pinagmasdan ang paligid. Pabalik na halos ang mga tao sa kani-kanilang opisina. Chineck ko ang relo at dalawampung minuto na lang at mag-aala una na.
Tuwang-tuwa pa naman ako noong nag-aya si Ara. Ang plano ko kasi'y sa kitchen pantry lang ng opisina kakain. Malay ko bang may plano na naman pala siyang ipain ako sa kaibigan niya. Tinanggihan ko na lang sana.
Ipinagdasal kong matapos na ang pangungulit ni Iris at sana'y mapagod lang siya 'di kalaunan. Ngunit sa bawat araw na nagdaan ay pakiramdam ko'y malayo pa iyong mangyari.
Pagkatapos ng pagkikita naming muli noong araw na sumabay siyang mananghalian sa amin ni Ara, araw-araw na siyang dumadalaw sa opisina.
Ako na ang nahihiya para sa mga ka-trabaho ko.
"Hi! Busy ka pa?" Biglang lumitaw ang kaniyang ulo at maliit na pigura sa cubicle na kinaroroonan ko. Hindi ko napansin ang kaniyang pagdating dahil nakatoon lamang aking atensyon sa kompyuter na kaharap.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtipa. Inayos ko ang suot na salamin at nagpanggap na walang narinig.
"Alas tres na. Break ka muna. Tignan mo sila oh, nagpapahinga muna. Didikit pwet mo niyan swivel chair," panakot niya at inilapag ang doughnut at kape sa aking tabi. Lusot lang sa dalawa kong tainga ang kaniyang sinabi.
Matapos kong mapindot ang tuldok sa keyboard ay marahan akong nag-stretching . Tumayo ako upang makita ang mga ka-trabahong kumakain ng doughnut sa kani-kanilang cubicle. Noong tignan ko ang inilagay ni Iris sa mesa ay kapareho iyon ng kanilang kinakain.
Nahagip pa ng mata ko ang pagkindat ni Ara sa kaibigan.
Kaya naman pala walang nagrereklamo sa presensya niya. Sinusulsulan niya pala lahat.
Bumalik na ako sa pagkakaupo at kinuha ang kapeng inilapag niya sa tabi ko. Mainit pa iyon, tamang-tama panlaban sa galit na aircon sa loob. Hinipan ko iyon at marahang hinigop. Para akong na-recharged noong mainom iyon. Hindi ko alam kung saan niya nabili o anong brand ngunit bago sa panlasa ko at aaminin kong nagustuhan ko.
Tumikhim ako at pasimple siyang kinausap. "Alam kong kaibigan ka nina Noah at Ara, pero ba't di ka sinisita rito?" pagtukoy ko sa araw-araw niyang pagpunta sa kompanya. Higit isang linggo na niya iyong ginagawa. Kung pwede nga lang ay nag-file na ako ng restraining order, kaso hindi naman pwede pati baka sumama ang loob ni Ara sa akin.
Nagbukas na ako ng kung ano-anong file sa laptop at noong wala akong marinig na sagot ay lumingon na ako sa kaniyang direksyon.
Laking gulat ko nang walang Iris na nahagip aking mata. Mayamaya'y bumalik siya sa dating kinatatayuan dala ang isang monobloc na silya.
Ngumiti siya at naupo roon sa tabi ko. "Nasita na ako last week," pag-amin niya.
Nilingon ko siya at takang tinignan. "Tapos?"
Inilapit niya ang sarili kaya nama'y napaatras ako sa gulat. Hindi siya nagpapigil at mas lumapit pa hanggang sa naubusan na akong ng esapsyong ikaaatras. Binigyan ko siya ng masamang mukha upang ipahiwatig na hindi ko na nagugustuhan ang kaniyang ginagawa.
Ilang pulgada na lang ang lapit ng aming mukha kaya't napalunok ako dahil doon. Seryosong nakatingin sa akin ang kaniyang mga mata. Iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa.
"H-hoy," subok kong pagsita sa kaniya ngunit mas lumapit lamang siya dahilan upang mabilis kong naitikom ang aking bibig.
Hanggang sa ngumiti na naman siya ng nakakaloko at bumaling sa aking tainga. "Tito ko may-ari nito. Shh ka lang. Sercret lang iyon," bulong niya at iniatras na ang sarili.
Saka ko lang napansin na halos pigilan ko na ang paghinga noong makalayo na siya. Mabilis akong humigop ng hangin na para bang ilang taon ko iyong hindi nagawa.
Paano ko ba siya palalayasin sa buhay ko?
Hindi na nakuntento ang babaeng iyon sa araw-araw na pagpunta sa opisina. Sa mga oras na hindi ko nakikita ang kaniyang mukha, panay ang pag-send niya ng mga litrato. Kung ano-anong litrato, kung nasaan siya, mga pinaggagawa niya. May isang beses pa na nagsend siya ng dumi niya sa banyo.
Unti-unti na talagang nauubos ang pasensya ko sa kaniya. Magkalimutan na talagang kaibigan siya ni Ara.
***
Huwebes, sa unang pagkakataon ay walang Iris ang nagparamdam. Nilubayan din niya sa araw na iyon ang inbox at messenger ko. Doon ko napagtantong mayroon nga talagang himala.
Nag-ayang muli si Ara na sabay mag-lunch. Akala ko noong una ay bigla na namang darating si Iris ngunit hindi iyon nangyari.
Sa huli ay sobrang lawak ng ngiti ko buong araw dahil doon. Para akong nakahinga sa wakas matapos ma-suffocate ng ilang araw. Sa wakas ay naging payapang muli ang lahat.
Kinagabihan, nag-text ang ina ko na nagtatampo raw siya kay Gela. Alas diyes na raw kasi ng gabi ito umuwi noong nakaraang araw at hindi lang man nagsabi saan galing.
Agad kong tinawagan ang bunsong kapatid dahil doon. Iniungkat ko ang nasabi ni mama at kaagad din naman siyang nagpaliwanag na naki-birthday lang daw siya sa kaklase.
"Akala ko kasi okay lang kay Mama. 'Di mo ba ako papagalitan?" tanong niya mula sa kabilang linya.
Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Pasaway na bata, nagmana sa akin noon. "Ano pang magagawa ko, nasa tiyan mo na iyong spaghetti at shanghai. Basta sa susunod magpaalam ka," sagot ko sa kaniya.
"Paano mo nalamang may spaghetti at shanghai, Kuya?" di makapaniwalang tanong ng kapatid.
Paano pa nga ba? Tipikal na mga handa naman iyon tuwing may birthday o ano mang okasyon sa Pilipinas.
"Hindi ka naman dadalo sa isang birthday kung wala iyong mga iyon," biro ko ngunit may halo rin naman iyon ng katotohanan.
Pasimpleng tumawa ang kapatid ko. Alam kong alam din kasi niyang totoo iyon.
"Sige na. Pakabait ka riyan. Makinig kay Mama, mag-sorry ka doon. Alalang-alala siya sa 'yo. Ingat kayo," bilin ko.
"Opo. Bye, Kuya. Love you!" rinig kong huli niyang sabi bago ko pinatay ang tawag.
Ibinalik ko ang atensyon sa laptop at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Huling linggo na naman ng buwan kaya't napakabusy na naman sa opisina. Binalikan ko na ang tinatrabahong data sa Excel at paunti-unting nagtipa ng analysis na ire-report sa katapusan ng buwan.
Napasabunot na lang ako ng ulo sa dami ng record na kailangan kong ayusin at i-data preprocess. Kung bakit kasi dalawa lang kaming analyst sa opisina, ang dami ng dapat na paghatiang trabaho.
Sa kalagitnaan ng trabaho, naalala kong may dapat pala akong kunin na file kay Ara. Nag-text at nag-chat ako sa kaniya alas siyete ng gabi ngunit pasado alas nuebe na at hindi pa rin siya nagre-reply.
Urgent pa naman ang file na iyon dahil kailangan iyong maayos bago ang meeting kinabukasan. Kung bakit kasi si Ara lang ang may copy.
Naisip kong tawagan ang mga kaibigang maaring kasama niya sa oras na iyon. Ngunit wala akong contact ni Niki, hindi ko rin gustong disturbuhin si Noah dahil boss pa rin namin siya, at mas ayaw ko namang tawagan ang isa pa niyang kaibigan para manghingi ng tulong.
Kung kalian nawala sa wakas ang presensya ni Iris, saka naman iyon nangyari.
Ilang minuto muli akong nakipagdebate sa sarili bago tuluyang pinindot ang call button sa telepono. Bahala na, kaysa mawalan ng trabaho.
Naka-ilang ring na at hindi pa rin niya sinasagot. Ibababa ko na sana iyon noong marinig ko ang bagong gising niyang boses.
"A-ano, hi," sambit ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang napatili siya nang mahina noong marinig ang boses ko.
"Hi, Gianni. Napatawag ka," mabilis niyang sagot at iyong boses niya ay napalitan na ng sobrang kagalakan. Ramdam ko na naman ang mga nakakapangilabot na mga ngiti niyang iyon.
Sasagutin ko na sana ang kaniyang sinabi noong may iba at hindi pamilyar na boses akong marinig.
"Who's that, babe?" bulong ng isang barakong boses sa kabilang linya. Awtomatikong napakunot ang aking noo sa narinig. May boyfriend ba siya? Babe raw kasi.
"Hey! Stop tickling, Josh." Kahit hindi ko sila nakikita ay napangiwi ako sa mga 'di kaaya-ayang naisip na ginagawa ng dalawa. The hell with that woman. How could she tail and pester me like that kung may nobyo pala siya?
O baka nama'y kung sinong lalaki lang ang kasama niya. Kaya nga niyang humalik ng kakakilala lang. Hindi na nakakagulat kung ganoon man.
Hindi ko talaga ugali at gusto ang manghusga ngunit hindi ko mapigilan dahil sa babaeng iyon. Kung bakit kasi niya ginugulo ang buhay ko.
"Put that down, babe. It's time for round three," muli'y bulong ng lalaki. Hindi na naibalik sa akin ang atensyon ni Iris. Pareho nang natahimik ang dalawa at kasunod iyong napalitan ng kanilang mga unggol.
Napaawang ang bibig ko dahil doon.
Naipatong ko na lang ang siko sa mesa at napahawak sa aking ulo. Bumuntong-hininga ako at kaagad na pinatay ang tawag.
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa babaeng iyon?
Tama lang talagang iwasan ko ang mga kagaya niya. I would never want to associate myself with someone like her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro